MasukChapter 4
Tahimik na naghari ang buong sala matapos kong sabihin ang tungkol sa financial reports. Ngunit kitang-kita ko ang takot na mabilis na dumaan sa mukha nina Veronica at Bianca. At doon ko lalong natiyak. May tinatago sila. At mukhang malaki ang tinatago nila. "Financial reports?" pilit na kalmadong tanong ni Veronica. "Oo." Tumayo ako mula sa kinauupuan ko. "May problema ba doon?" "Wala kang karapatang humingi ng mga dokumentong iyon." Napataas ang isang kilay ko. "Talaga?" Napatingin ako kay Dad. "Dad, sabihin mo nga." Muling bumagsak ang katahimikan. Halatang nahihirapan siya. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi ko siya tutulungang makaiwas. "Althea..." "Yes or no?" Mariin kong tanong. "May karapatan ba ako o wala?" Napapikit siya sandali. At nang muli siyang dumilat ay tila tumanda siya ng sampung taon. "Meron." Parang binuhusan ng malamig na tubig sina Veronica at Bianca. "Dad!" Sigaw ni Bianca. Ngunit hindi na siya pinansin ng aking ama. At sa unang pagkakataon sa loob ng maraming taon. Pinili niya ang katotohanan kahit huli na. Malamig akong ngumiti. "Narinig mo?" Napatingin ako kay Veronica. "Kaya siguraduhin mong nasa opisina ko bukas ang lahat ng records." "Althea, hindi mo naiintindihan—" "Hindi." Putol ko. "Kayo ang hindi nakakaintindi." Nakita kong kumuyom ang kanyang mga kamay. "Sa loob ng tatlong taon, hinayaan ko kayong gawin ang gusto ninyo." Humakbang ako palapit. "Pero tapos na iyon." "Akala mo ba madali ang pagpapatakbo ng kompanya?" singhal ni Bianca. "Akala mo ba dahil bumalik ka, pwede mo nang kunin lahat?" Napatawa ako. Ngunit wala iyong bahid ng saya. Puro pangungutya lamang. "Kunin?" Mabagal akong tumango. "Interesting." Tumingin ako sa buong sala. Sa mamahaling chandelier. Sa mamahaling mga kasangkapan. Sa lahat ng bagay na pagmamay-ari ng pamilya ko. "Paano naging pagkuha ang pagbawi ng sariling pag-aari?" Namula ang mukha ni Bianca. Ngunit wala siyang naisagot. Dahil alam niyang tama ako. Lahat ng mayroon siya ngayon ay nagsimula sa mana ng aking ina. At ngayon ay unti-unti ko iyong babawiin. Makalipas ang ilang minuto ay umakyat ako sa ikalawang palapag. Kasunod ko ang ilang katulong. Pagdating namin sa dating silid ko ay agad akong natigilan. Maraming bagay ang nagbago. Iba na ang kulay ng dingding. Iba na ang mga kurtina. Iba na ang mga muwebles. At higit sa lahat ay wala nang bakas ng dating ako. Parang binura nila ang bawat alaalang minsang naroon. "Mam, ano po ang unang ipapatanggal?" tanong ng isa sa mga katulong. Mabagal akong umikot sa silid. At saka tumigil sa gitna. "Lahat." Nagkatinginan sila. "Lahat po?" Tumango ako. "Lahat." Malamig ang boses ko."Wala akong gustong matira rito." Agad silang nagsimulang kumilos. Isa-isang tinanggal ang mga gamit. Ang kama. Ang cabinet. Ang mga dekorasyon. Lahat. Habang pinagmamasdan ko iyon, biglang bumukas ang pinto. Pagpasok ko si Bianca. Galit na galit at namumula ang mukha. "Stop this!" Malamig akong napalingon sa kanya. "Hindi." "Althea!" "Labas." Napatigil siya. "Ano?" "Labas." Mas malamig ang boses ko ngayon. "At huwag kang papasok sa silid ko nang walang permiso." Nanlaki ang kanyang mga mata. "Your room?" Tumango ako. "My room." Halos manginig siya sa galit. "Dahil ba anak ka ni Dad kaya feeling mo superior ka?" Napangiti ako ngunit mapanganib na ngiti iyon. "Hindi." Humakbang ako palapit sa kanya. "Alam mo kung ano ang pinagkaiba natin?" Tahimik siya. "Ako, hindi ko kailangang magnakaw para magkaroon ng lugar sa bahay na ito." Parang sinampal siya sa sinabi ko. "Ako, hindi ko kailangang gamitin ang apelyido ng ibang tao para maging mahalaga." Lalong namutla ang kanyang mukha. "Ako..." Huminto ako sa harapan niya. At diretso siyang tiningnan sa mga mata. "...hindi kailangang mang-agaw." Tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Ngunit wala akong naramdamang awa. Hindi matapos ang lahat ng taon na ako ang umiiyak habang sila ang masaya. Hindi matapos nilang pakinabangan ang lahat ng iniwan ng aking ina. At lalo na ngayon, na alam kong may batang umaasa sa akin. Hindi na ako pwedeng maging mahina. Hindi na ako pwedeng magpatawad nang basta-basta. Dahil ang Althea na umalis sa mansyong ito tatlong taon na ang nakalipas ayy hindi na ang Althea na bumalik ngayon. At sa pagkakataong ito ay hindi ako titigil hangga't hindi ko nababawi ang lahat ng kinuha nila sa akin. Ilang sandali pa ay dumating si Dad sa harap ng silid. Mukhang may nagsumbong na agad. At hindi na ako nagtaka kung sino. Pagpasok pa lamang niya ay agad kong nakita si Bianca na umiiyak. Nakayakap kay Veronica habang nagpapanggap na siya ang biktima. Parang siya ang inagawan. Parang siya ang nawalan. Hindi ako nakapigil ay npailing na lamang ako. "Althea, sumusobra ka na!" Mariing sambit ni Dad. Napalingon ako sa kanya. Pagkatapos ay itinuro ko ang sarili ko. "Huh? Ako?" Napatawa ako. Ngunit halatang-halata ang pangungutya sa boses ko. "Sumusobra?" Napailing ako. "Napapatawa ba ninyo ako, Dad?" Tahimik siya. "Sumosobra ba ang pagbawi ko sa para sa akin?" Wala siyang naisagot. At lalong wala siyang naisagot nang ituro ko ang paligid. "Silid ko ito." Isa-isang lumabas sa bibig ko ang bawat salita. "Silid ko bago pa man dumating sila sa mansyon natin." Tahimik. "Silid ko bago pa man nila angkinin ang lahat." Tahimik pa din at muli niyang ginawa ang nakasanayan niyang gawin sa loob ng maraming taon. "Dad!" Biglang singit ni Bianca. Lumapit siya rito habang umiiyak. "Dad, saan ako matutulog ngayong gabi?" Parang bata niyang tanong. "Kinuha ni Althea ang silid ko." Agad akong tumingin sa kanya. "Correction." Tumigil siya. "Binawi." Malamig kong sabi. "Hindi kinuha." Napangisi ako. "Magkaiba ang dalawang iyon, Bianca." Namula ang mukha niya. Habang si Veronica naman ay halos sumabog na sa galit. "Dad!" Muling reklamo ni Bianca. "Saan ako matutulog?" Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Pagkatapos ay nagkibit-balikat. "May maid's room naman." Parang natamaan siya ng kidlat. "What?!" Nanlaki ang kanyang mga mata. "Are you crazy?!" Tumawa ako. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil ngayon niya nararanasan ang kahit katiting ng naranasan ko noon. "What? Hindi ba kuwarto rin iyon?" "How dare you!" "Ano?" Napataas ang kilay ko. "Wala namang bakanteng kuwarto." Pagkatapos ay itinuro ko ang hallway. "At ngayong gabi, sa guest room muna ako matutulog habang inaayos ang silid ko." Lalong namula si Bianca. Parang gusto na niya akong sugurin. Ngunit hindi ko siya pinansin. Sa halip ay ibinaling ko ang tingin kay Veronica. Nanginginig ito sa galit. "What? Are you crazy?" singhal niya. "Patutulugin mo ang kapatid mo sa kuwarto ng mga katulong?" Napatawa ako. Ngunit sa pagkakataong ito, wala nang natitirang init sa boses ko. Malamig. Napakalamig. "Kapatid?" Napatigil silang lahat. "Kailan pa naging kapatid ko ang isang taong nakinabang sa lahat ng dapat ay akin?" "Madrasta lang kita." Isa pang hakbang. "Hindi ko sila kadugo." Isa pang hakbang. "At lalong hindi ko obligasyong unahin ang komportable nilang buhay." Nakita kong napahiya si Dad. Ngunit hindi ako naaawa. Dahil saan siya noong ako ang nawawalan? Saan siya noong ako ang unti-unting nawawalan ng lugar sa sarili kong tahanan? Saan siya noong sila ang mas pinili niya? Mabagal kong kinuha ang bag ko. At saka dumaan sa pagitan nilang tatlo. Pagdating ko sa tabi ni Dad ay saglit akong huminto. Hindi ko siya tiningnan. Dahil natatakot akong makita ang sarili kong sakit. "Don't worry, Dad." Mahina ngunit malinaw kong sabi. "Hindi pa ito ang sobra." Nanigas siya at bago pa siya makapagsalita ay nagpatuloy na ako sa paglalakad. Patungo sa guest room. Habang sa likuran ko ay naiwan ang katahimikan. At ang unang pagkakataon sa maraming taon na hindi nila makuha ang gusto nila. Dahil nagsisimula pa lamang akong bawiin ang lahat.Chapter 9Nang tuluyan nang mawala sina Veronica at Bianca sa aking paningin ay agad akong napaupo sa gilid ng kama.Tahimik ang buong silid.Ngunit kabaligtaran noon ang laman ng isip ko.Napakaraming bagay ang nangyayari.Ang pagtataksil ni Cyrus.Ang pagbubuntis ko.Ang pagbabalik ko sa mansyon.At higit sa lahat...Ang katotohanang maaaring pinatay nila ang aking ina.Napapikit ako.Hindi pwedeng puro emosyon ang pairalin ko.Kung gusto kong manalo...Kailangan kong maging mas matalino kaysa sa kanila.Mas maingat.Mas handa.At higit sa lahat...Mas mapagpasensya."Kailangan kong paghandaan ang araw na iyon."Mahina kong bulong sa sarili.Ang araw na mabubunyag ang lahat.Ang araw na haharap sila sa hustisya.Agad akong tumayo.At nagtungo sa banyo upang mag-ayos.Makalipas ang ilang minuto ay nakapagpalit na ako ng simpleng damit.Pagkatapos ay kinuha ko ang aking bag at cellphone.May listahan na agad akong binuo sa isip ko.Una...Kailangan kong magkaroon ng paraan para makaku
Chapter 8"Anong kailangan ninyo?"Diretso kong tanong habang nakaupo sa gilid ng kama.Hindi na ako nag-abalang magkunwaring masaya sa pagbisita nila.Kung tutuusin, sapat nang nakakapagod ang pagpapanggap na wala akong alam.Nagkatinginan muna sina Veronica at Bianca.Parang may pinag-uusapan gamit lamang ang kanilang mga mata.Pagkatapos ay pilit na ngumiti si Veronica."Ahm... three days from now, may gaganaping welcome party para sa'yo."Napataas ang isang kilay ko."Welcome party?"Tumango siya."Oo. Dahil nakabalik ka na sa mansyon."Tahimik akong nakatingin sa kanya.Pinag-aaralan ang bawat galaw.Ang bawat ekspresyon.Ang bawat salita.At habang tumatagal...Mas lalo akong nagiging sigurado.May balak sila.At hindi simpleng welcome party lang iyon."Bakit pa kasi magdaos ng party para sa kanya?"Mahinang bulong ni Bianca.Ngunit sapat iyon para marinig ko.At malinaw na malinaw ko iyong narinig.Ngunit hindi ko siya pinansin.Sa halip ay ibinalik ko ang tingin kay Veronica.
Chapter 7Mahigpit kong hawak ang cellphone habang nakaupo sa gilid ng kama.Hindi pa rin humuhupa ang galit at pagkabiglang nararamdaman ko matapos ang mga nalaman ko.Pakiramdam ko ay gumuho ang buong mundong kinalakihan ko.Ang lalaking tinawag kong ama...Maaaring hindi ko pala tunay na ama.At ang pagkamatay ng aking ina...Maaaring hindi aksidente.Napapikit ako.Pinilit kong maging kalmado.Dahil alam kong hindi pwedeng emosyon ang pairalin ko ngayon.Kailangan kong maging matalino.Kailangan kong maging maingat."Joan..."Mahina kong tawag."Yeah, bestie?"Nag-atubili ako sandali bago nagsalita."Pwede bang ikaw ang maging abogado ko?"Natigilan siya."Huh?""Kung sakaling mag-file ako ng kaso laban sa kanila kapag nakakuha na ako ng sapat na ebidensya."Tahimik siya sa kabilang linya.Ilang segundo rin ang lumipas bago siya nagsalita."Althea..."Narinig ko ang paghinga niya."Alam mo namang gagawin ko ang lahat para sa'yo."Unti-unting nangilid ang luha ko.Sa gitna ng lahat
Chapter 6Tahimik akong nakahiga sa kama habang nakatitig sa kisame.Malamig ang hangin mula sa aircon, ngunit hindi nito kayang patahimikin ang magulong isip ko.Paulit-ulit na bumabalik sa akin ang mga nangyari kanina.Ang hotel.Ang babae.Si Cyrus.At ang paraan ng pagguho ng mga pangarap na matagal kong iningatan.Napapikit ako.Ngunit sa halip na sakit, isang matinding desisyon ang unti-unting nabuo sa isip ko.Kailangan kong magpalit ng number.Hindi sapat ang pag-block sa kanya.Kilala ko si Cyrus.Kapag may gusto siyang gawin, gagawin niya ang lahat para makuha iyon.At ayaw ko nang bigyan pa siya ng pagkakataong makapasok muli sa buhay ko.Ayaw ko nang makarinig ng mga paliwanag.Ayaw ko nang makarinig ng mga dahilan.At higit sa lahat...Ayaw ko nang marinig ang boses ng lalaking sumira sa puso ko.Dahan-dahan akong napahawak sa aking tiyan.Kaagad na lumambot ang aking ekspresyon.Hindi pa man kita nakikita...Hindi pa man kita nahahawakan...Pero ikaw na ang dahilan kung
Chapter 5Pagkapasok ko sa guest room ay agad kong isinara ang pinto.At sa unang pagkakataon mula nang bumalik ako sa mansyong ito...Nawala ang matigas na maskarang suot ko.Napagod ako.Hindi sa pakikipagtalo.Kundi sa pag-alala.Sa bawat sulok ng bahay na ito ay may alaala ng aking ina.Mga alaalang pilit kong kinalimutan sa loob ng maraming taon.Dahan-dahan akong umupo sa kama.Tahimik ang buong silid.Tanging ang mahinang ihip ng hangin mula sa bukas na bintana ang maririnig.Napatingin ako sa labas.Sa hardin.Sa fountain.Sa malaking puno ng acacia na minsang pinagtataguan ko noong bata pa ako.Unti-unting namuo ang luha sa aking mga mata.At sa wakas ay pinakawalan ko ang buntong-hiningang matagal ko nang kinikimkim."Mom..."Mahina kong bulong.Parang natatakot akong may makarinig.Parang natatakot akong masaktan muli.Ngunit wala nang dahilan para pigilan pa ang sarili."I'm back."Isang luha ang dahan-dahang pumatak sa aking pisngi."I finally came back."Napayuko ako.Bi
Chapter 4 Tahimik na naghari ang buong sala matapos kong sabihin ang tungkol sa financial reports. Ngunit kitang-kita ko ang takot na mabilis na dumaan sa mukha nina Veronica at Bianca. At doon ko lalong natiyak. May tinatago sila. At mukhang malaki ang tinatago nila. "Financial reports?" pilit na kalmadong tanong ni Veronica. "Oo." Tumayo ako mula sa kinauupuan ko. "May problema ba doon?" "Wala kang karapatang humingi ng mga dokumentong iyon." Napataas ang isang kilay ko. "Talaga?" Napatingin ako kay Dad. "Dad, sabihin mo nga." Muling bumagsak ang katahimikan. Halatang nahihirapan siya. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi ko siya tutulungang makaiwas. "Althea..." "Yes or no?" Mariin kong tanong. "May karapatan ba ako o wala?" Napapikit siya sandali. At nang muli siyang dumilat ay tila tumanda siya ng sampung taon. "Meron." Parang binuhusan ng malamig na tubig sina Veronica at Bianca. "Dad!" Sigaw ni Bianca. Ngunit hindi na siya pinansin ng aking ama. At sa unang pagkakat







