LOGINChapter 2
Kasabay ng paglayo ko sa kanya ay pakiramdam ko ring unti-unti kong iniiwan ang lahat ng alaalang binuo namin. "Althea, please!" habol niya habang sumusunod ng ilang hakbang. Ngunit agad akong huminto. At sa huling pagkakataon ay nilingon ko siya. Ang mga matang minsang puno ng pagmamahal para sa kanya ay wala nang ibang laman kundi pagod at sakit. "Ang kapal ng mukha mo." Napatigil siya. "Sa lahat ng taong pwede mong lokohin, ako pa." Napailing ako. "Huwag ka nang mag-abala pang magpaliwanag." Bumara ang luha sa lalamunan ko. Ngunit pinilit kong maging matatag. "Dahil mula ngayon, wala ka nang karapatan sa buhay ko." At matapos sabihin iyon, tuluyan ko siyang tinalikuran. Habang sa likuran ko ay paulit-ulit niyang tinatawag ang pangalan ko. Ngunit hindi na ako lumingon. Dahil kung lilingon pa ako. Baka makita niya kung gaano ako kasira. At ayokong ibigay sa kanya ang huling piraso ng dignidad na natitira sa akin. "Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Joan habang magkatabi kaming nakatayo sa labas ng hotel. Huminga ako nang malalim. Masakit, oo di yun maiiwasan at sobrang sakit ang nararamdaman ko. Pero wala nang saysay ang pag-iyak para sa isang lalaking hindi naman ako pinahalagahan. "Yeah," sagot ko habang pinupunasan ang natitirang luha sa aking pisngi. Tiningnan ko ang malaking gusali sa harapan ko bago dahan-dahang ngumiti. Ngunit hindi na iyon ang dating ngiti ng isang babaeng umiibig. Isa na iyong ngiti ng isang babaeng handang lumaban. "Kailangan kong maging okay." Tahimik na nakinig si Joan. "And I think it's time to go back home and kunin ang para sa akin." Napatitig siya sa akin. Pagkatapos ay unti-unting lumaki ang kanyang ngiti. "Finally." Napatawa ako nang bahagya. Matagal na kasi niya akong kinukulit tungkol dito. Matagal na niyang sinasabing tigilan ko na ang pagtatago sa tunay kong pagkatao. Pero pinili kong mamuhay nang simple. Pinili kong mamuhay bilang isang ordinaryong babae. At higit sa lahat, pinili kong mahalin si Cyrus bilang si Althea lamang. Hindi bilang tagapagmana ng isa sa pinakamayamang pamilya sa bansa. Sa pagkakaalam ni Cyrus, isa lamang akong simpleng saleslady sa isang mall. Isang babaeng kumakayod para mabuhay. Isang babaeng walang kayamanan. Walang impluwensya. Walang maipagmamalaki. Pero ang hindi niya alam. Ako ang nag-iisang anak ni Lorenzo Monteverde. Ang tanging tagapagmana ng Monteverde Group of Companies. At habang nagpapanggap akong isang ordinaryong empleyado. Ang aking stepmother at stepsister naman ang unti-unting umangkin sa lahat ng dapat ay akin. "Ano'ng plano mo?" tanong ni Joan. Napatingin ako sa malayong kalangitan. "Uuwi ako." "Seryoso?" Tumango ako. "Matagal na akong naging mabait." At panahon na para itama ang lahat. " I agreed your decision!" sambit nito. "Kung ano man ang kahihinatnan lahat, don't forget to call me, okay!" Napangiti ako sa kanyang sinabi. "Thank you so much, Joan. For everything!" saka ko ito niyakap mahigpit. Pagkatapos ay sabay kaming umalis sa lugar na ito naay dalang pag-asa sa buhay. KINAGABIHAN. Matapos ang halos tatlong oras na biyahe ay sa wakas ay nakarating ako sa Monteverde Mansion. Huminto ang taxi sa harap ng napakalaking bakal na gate. Napatitig ako rito. Tatlong taon. Tatlong taon na rin simula nang umalis ako sa bahay na ito. Tatlong taon na rin simula nang piliin kong mabuhay nang mag-isa. At sa loob ng tatlong taon na iyon. Hindi man lang ako hinanap ng aking ama. Mas pinili niyang bigyang-pansin ang bago niyang pamilya. Napakuyom ang aking kamay. Ngunit agad kong pinakawalan ang tensyon. Hindi ako narito para magtanim ng galit. Narito ako para bawiin ang nararapat sa akin. Pagbaba ko ng taxi ay agad akong sinalubong ng matandang guwardiya. Nanlaki ang kanyang mga mata. "M-Miss Althea?" Napangiti ako nang bahagya. "Good evening, Mang Roberto." Halos mabitawan niya ang hawak niyang flashlight. "Miss! Kayo nga po!" Tumango ako. At sa sumunod na segundo ay dali-dali niya akong pinagbuksan ng gate. "Pasok po kayo, Miss! Siguradong matutuwa si Sir Lorenzo kapag nakita kayo!" Hindi ako sumagot. Dahil hindi ako sigurado kung matutuwa nga ba ang ama ko. Tahimik akong naglakad papasok. At nang marating ko ang malaking pintuan ng mansyon ay agad ko itong binuksan. Pagpasok ko pa lamang ay bumungad na agad sa akin ang masayang tawanan. Napatingin ako sa living room. At doon ko nakita sila. Ang aking ama. Ang aking stepmother na si Veronica. At ang kanyang anak na si Bianca. Masaya silang nakaupo habang nagkukuwentuhan. Parang isang perpektong pamilya. Parang walang nawawalang miyembro. Hanggang sa mapansin ako ni Bianca. Agad na nawala ang ngiti sa kanyang mukha. "Althea?" Napalingon din ang iba. At sa isang iglap ay nabalot ng katahimikan ang buong sala. Nanlaki ang mga mata ng aking ama. "A-Althea?" Mabagal akong ngumiti. "Hello, Dad." Tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan. Para bang hindi siya makapaniwala sa nakikita. Samantalang si Veronica naman ay halatang nanigas sa kanyang kinauupuan. At si Bianca? Kitang-kita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha. Parang natatakot siyang may mangyaring hindi niya magugustuhan. At tama siya. Dahil ngayong nakabalik na ako. Hindi na ako papayag na sila ang maghari sa buhay na dapat ay akin. Mabagal akong tumingin sa bawat sulok ng mansyon. Pagkatapos ay muling ibinalik ang tingin sa kanila. "Namiss n'yo ba ako?" At sa simpleng tanong na iyon. Naramdaman ko ang biglang pagbigat ng hangin sa buong silid. "P-Paanong buhay ka pa?" Biglang tanong ni Bianca. Nawalan ng kulay ang kanyang mukha habang nakatitig sa akin na para bang multo ang nakita niya. Napakunot ang noo ko. Pagkatapos ay mabagal akong ngumiti. Ngunit walang kahit katiting na saya sa ngiting iyon. "Bakit?" malamig kong tanong. "May dahilan ba para hindi ako mabuhay?" Agad siyang napayuko. "A-Ano? Hindi, ang ibig kong sabihin—" "O gusto mo bang patay na ako?" Naputol ang sasabihin niya. Nakita kong namutla lalo ang kanyang mukha. Samantalang si Veronica naman ay agad na tumayo. "Bianca! Anong klaseng tanong iyan?" Ngunit halatang-halata ang kaba sa kanyang boses. Para bang may natatakot silang malaman ko. O baka naman ay may natatakot silang mabunyag. Tiningnan ko silang dalawa nang diretso. Pagkatapos ay ibinaling ko ang tingin ko sa aking ama. Ang lalaking minsang nangakong ako ang kanyang pinakamamahal na anak. Ang lalaking pinabayaan akong umalis nang walang kahit anong pagpigil. "Andito ako para kunin ang mana na iniwan ni Mom sa akin." Nabigla silang lahat. Lalo na si Veronica. Kasabay ng sinabi kong iyon ay tila nanigas ang kanyang buong katawan. "Including this mansion." "Althea!" Malakas na sigaw ni Veronica. "Anong ibig mong sabihin?" Tumaas ang isang kilay ko. "Alam mo ang ibig kong sabihin." Humakbang ako palapit. Isa. Dalawa. Tatlo. Hanggang sa tuluyan akong huminto sa harapan nila. "Nakapangalan sa nanay ko ang mansyong ito bago siya namatay." Tahimik silang lahat. "At ayon sa huling habilin niya, lahat ng kanyang ari-arian ay mapupunta sa akin pagdating ng tamang panahon." Napakuyom ang kamao ni Bianca. "Hindi totoo iyan!" Napalingon ako sa kanya. "Talaga ba?" Naningkit ang mga mata ko. "Kung hindi totoo, bakit parang takot na takot ka?" "Ako? Takot?" Napatawa ako. "Hindi mo kailangang magsinungaling." Mabilis akong naglabas ng isang folder mula sa aking bag. At inilapag iyon sa mesa. Agad na napatingin ang lahat dito. "Narito ang kopya ng testamento ni Mom." Nanlaki ang mga mata ni Veronica. Dahil sigurado akong inakala nilang wala akong alam. Na isa lamang akong inosenteng babaeng namuhay nang malayo sa pamilya. Ngunit nagkamali sila. Matagal ko nang alam ang katotohanan. Pinili ko lamang na manahimik noon. Pero hindi na ngayon. "Althea..." mahinang tawag ni Dad. Napatingin ako sa kanya. At sa unang pagkakataon matapos ang tatlong taon ay nakita ko ang guilt sa kanyang mga mata. "Dad, hindi ako nakipag-away para rito noon." Humugot ako ng malalim na hininga. "Dahil mas pinili kong magkaroon ng pamilya kaysa pera." Napayuko siya. "Pero ngayon?" Napahawak ako nang bahagya sa aking tiyan. Hindi nila napansin ang simpleng kilos na iyon. Ngunit para sa akin ay sapat na iyon bilang paalala. Hindi na lang sarili ko ang iniisip ko ngayon. May batang umaasa sa akin. At sisiguraduhin kong walang sinuman ang aagaw sa dapat ay para sa kanya. "Ngayon, babawiin ko ang lahat ng nararapat sa akin." Bumagsak ang katahimikan sa buong sala. Hanggang sa biglang magsalita si Bianca. "Hindi ka pwedeng basta na lang bumalik at angkinin ang lahat!" Napalingon ako sa kanya at saka malamig na ngumiti. "Talaga ba?" Humakbang ako palapit sa kanya. At sa bawat hakbang ko ay lalo siyang napaatras. "Dahil sa pagkakaalam ko..." Huminto ako sa harapan niya. "...ako ang tunay na tagapagmana." Nakita kong namuo ang galit sa kanyang mga mata. Samantalang si Veronica ay tila hindi na mapakali. At doon ko tuluyang natiyak. May tinatago sila. At anuman iyon a malapit ko nang malaman.Chapter 81"Bestie..."Biglang tanong ni Joan habang nakangiti."What is the most important thing in your life?"Napatingin ako sa kanya.Ngumiti ako bago dahan-dahang sumagot."Of course...""The most important person in my life is my one and only baby boy."Napatingin ako kay Caleb na masayang nakikipagkuwentuhan kay Cyrus at sa dalawang lola.Kusang gumuhit ang isang mapagmahal na ngiti sa aking mga labi."Because of him...""He gave me strength.""He gave me hope.""And he taught me to stay faithful despite all the pain I went through."Huminga ako nang malalim."Noong mga panahong gusto ko nang sumuko...""Si Caleb ang dahilan kung bakit patuloy akong bumangon.""Noong akala ko wala nang liwanag ang buhay ko...""Siya ang naging ilaw ko."Bahagyang nangilid ang aking mga mata."Every morning...""I wake up because I want to give him a better future.""I want him to grow up knowing that he is loved.""Hindi man naging madali ang maging single mom...""Hindi ko kailanman pinagsisih
Chapter 80Ilang minuto ang lumipas ay isa-isang dumating ang mga inorder naming pagkain.Agad na napuno ng mababangong amoy ang aming mesa."Wow!"Masayang sambit ni Caleb habang nanlaki ang kanyang mga mata."So many delicious food!"Napatawa kaming lahat sa kanyang reaksyon."Easy, baby."Natatawang sabi ko."Huwag kang magmadali.""Yes, Mommy."Magalang niyang sagot.Ngunit halatang sabik na sabik na siyang kumain.Napangiti si Cyrus at kinuha ang plato ng anak namin."Come here, buddy.""I'll help you."Marahan niyang hiniwa ang fried chicken at inilagay sa plato ni Caleb.Inalis pa niya ang maliliit na buto bago ito iniabot sa anak namin."Thank you, Dad!"Masaya nitong sabi."You're welcome, son."Napangiti ako habang pinagmamasdan silang dalawa.Hindi ko namalayang tumutulong na rin pala si Mrs. Del Monte sa paglalagay ng pagkain sa plato ko."Iha, tikman mo itong roast beef.""Masarap ito.""Thank you po."Ngumiti akong sagot.Si Joan naman ay panay ang kuwento kaya halos hin
Chapter 79Hindi ko akalaing gagawin niya ito.Hindi ko akalaing hanggang ngayon...Iningatan pa rin niya ang pangarap na minsan naming pinagsaluhan.Noong kami pa...Lagi kong sinasabi sa kanya habang nangangarap kami tungkol sa kinabukasan."Someday, we'll build our own restaurant...""We'll call it CY-THEA Restaurant."Natawa pa siya noon at sinabing,"Deal. And when that day comes, you'll be the one to taste every new dish first."Akala ko...Isa lang iyong pangarap ng dalawang kabataang puno ng pag-ibig.Akala ko...Nakalimutan na niya iyon.Ngunit heto ako ngayon.Nakatayo sa harap ng restaurant na may pangalang minsan lamang naming binuo sa aming mga pangarap.Unti-unting namuo ang luha sa aking mga mata.Hindi ko alam kung matutuwa ba ako...O masasaktan.Dahil habang tinitingnan ko ang pangalang iyon...Lalong bumabalik ang lahat ng alaalang pilit kong ibinaon sa limot.Dahan-dahan akong napalingon kay Cyrus.Nakatingin lang siya sa akin.Tahimik.Parang hinihintay ang sasabi
Chapter 78Magsasalita pa sana ako nang biglang itinuro ni Joan ang direksyon ng men's restroom."Bestie...""Look."Napalingon ako.Nakita kong papalapit na sina Cyrus at Caleb.Masaya silang nag-uusap habang magkahawak-kamay.Paminsan-minsan ay tumatawa pa si Caleb sa mga sinasabi ng kanyang ama.Hindi ko namalayang napangiti ako.Talagang magkamukha silang dalawa kapag ngumingiti.Mukhang napansin din iyon ni Mrs. Del Monte."Ang gwapo ng mag-ama."Natatawa niyang bulong.Bahagya akong namula ngunit hindi na ako tumutol.Paglapit nila sa amin ay agad na yumakap si Caleb sa akin."Mommy!""I'm done!"Masaya niyang sabi.Ngumiti ako at hinaplos ang kanyang buhok."Good boy."Sakto namang napatingin si Joan sa kanyang relo."Girls...""It's almost six in the evening.""Bakit hindi na lang tayo mag-dinner bago umuwi?"Lahat kami ay sumang-ayon.Kaya sabay-sabay kaming naglakad papunta sa isa sa mga kilalang restaurants sa loob ng mall.Habang naglalakad kami ay bahagya akong nahuli sa
Chapter 77Althea'l POVMasaya akong nakatingin sa aking anak.Lalo na nang marinig ko siyang masiglang nagsabi,"I like big family!"Napangiti ako.Napakasimple lang ng pangarap ni Caleb.Isang masayang pamilya.Isang tahanang puno ng pagmamahalan.At habang pinagmamasdan ko siya, hindi ko maiwasang maalala ang sarili ko noong bata pa ako.Pangarap ko rin noon ang magkaroon ng isang malaking pamilya.Isang pamilyang sabay-sabay kumakain.Sabay na nagtatawanan.At nagmamahalan.Ngunit hindi iyon nangyari.Maaga kong nawala si Mommy.At ang mas masakit...Hindi aksidente ang lahat.Naniniwala akong ang pagkamatay niya ay bunga ng kasakiman at kasalanan ng aking ama.Kung hindi dahil sa kanyang pagtataksil...Kung hindi niya ipinakilala sa buhay namin ang babae na yun.Marahil ay buhay pa rin hanggang ngayon ang pinakamamahal kong ina.Humigpit ang pagkakahawak ko sa shopping bag.Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa alaala ko ang mga gabing umiiyak ako sa pagkawala niya.Ang mga panahon
Chapter 76"And also, Kuya..."Masiglang sambit ni Princess mula sa kabilang linya."Tomorrow, I'm going home.""For my pamangkin!"Napangiti ako ngunit napailing din."Wait.""Kung uuwi ka, paano na ang modeling career mo diyan?"Narinig ko ang mahina niyang pagtawa."Oh, come on, Kuya.""Mas importante ang pamangkin ko kaysa career ko rito."Napabuntong-hininga ako."Princess...""Huwag kang magdesisyon nang pabigla-bigla.""Pinaghirapan mo ang marating mo.""You're one of the top models there.""Huwag mong pabayaan ang career mo."Sandali siyang natahimik bago muling nagsalita."I know.""And don't worry.""I'm not quitting.""I'm just taking a short vacation.""I already talked to my manager.""I have one week off."Napangiti ako nang marinig iyon."That's better.""Akala ko naman tatalikuran mo ang pangarap mo."Napatawa siya."Impossible.""You and Mom taught me to never give up on my dreams."Huminga siya nang malalim."But...""I also don't want to miss the chance to meet my f
Chapter 5Pagkapasok ko sa guest room ay agad kong isinara ang pinto.At sa unang pagkakataon mula nang bumalik ako sa mansyong ito...Nawala ang matigas na maskarang suot ko.Napagod ako.Hindi sa pakikipagtalo.Kundi sa pag-alala.Sa bawat sulok ng bahay na ito ay may alaala ng aking ina.Mga ala
Chapter 4 Tahimik na naghari ang buong sala matapos kong sabihin ang tungkol sa financial reports. Ngunit kitang-kita ko ang takot na mabilis na dumaan sa mukha nina Veronica at Bianca. At doon ko lalong natiyak. May tinatago sila. At mukhang malaki ang tinatago nila. "Financial reports?" pilit
Chapter 3 "Lorenzo... magsalita ka!" Hindi na napigilan ni Veronica ang sarili. Halata ang pagkataranta sa kanyang mukha habang paulit-ulit na tumitingin sa aking ama. Parang umaasa siyang may sasabihin itong pabor sa kanila. Parang umaasa siyang muli niya akong isasantabi. Ngunit sa pagkakat
Chapter 1 Althea POV "Bestie, walang hiya talaga iyang Cyrus na iyan!" galit na galit na sabi ni Joan sa kabilang linya. Napakunot ang noo ko habang nakaupo sa waiting area sa labas ng ospital. Kadarating ko lang mula sa check-up dahil ilang araw na akong nakararanas ng pagkahilo at pagsusuka







