Masuk
Chapter 1
Althea POV "Bestie, walang hiya talaga iyang Cyrus na iyan!" galit na galit na sabi ni Joan sa kabilang linya. Napakunot ang noo ko habang nakaupo sa waiting area sa labas ng ospital. Kadarating ko lang mula sa check-up dahil ilang araw na akong nakararanas ng pagkahilo at pagsusuka. Akala ko nga ay may malubha akong sakit. Ngunit kabaligtaran ng inaasahan ko ang naging resulta. One month pregnant. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubos na matanggap ang sinabi ng doktor. Pakiramdam ko ay nananaginip lang ako. "Ano'ng ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ko kay Joan. Narinig ko ang malalim niyang buntong-hininga. "Hay naku, mahirap ipaliwanag sa telepono. Basta pumunta ka rito sa Moon Hotel. May kailangan kang makita." Lalo akong napakunot-noo. "Moon Hotel?" "Oo. Bilisan mo. Huwag kang magtanong. Basta pumunta ka na rito." May kakaibang kaba ang gumapang sa dibdib ko. "Sige. Papunta na ako." Agad niyang pinatay ang tawag. Tinitigan ko muna ang hawak kong ultrasound result bago ko iyon maingat na isinilid sa aking bag at napahawak ako sa aking tiyan. "Buntis..." mahinang bulong ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o matatakot. Ang ama ng batang dinadala ko ay walang iba kundi si Cyrus Del Monte ang lalaking pinakamamahal ko. Napangiti ako nang bahagya habang naaalala ang mga masasayang sandaling magkasama kami. Ngunit mabilis ding naglaho ang ngiting iyon nang maalala ko ang kakaibang tono ni Joan. Parang may mali. At pakiramdam ko, hindi ko magugustuhan ang malalaman ko. Dahil nasa kabilang kalsada lamang ang Moon Hotel, nagpasya akong lakarin na lang ito. Pagdating ko sa harap ng hotel, agad kong namataan si Joan na tila balisang naghihintay sa akin. "Bestie!" Mabilis siyang lumapit at hinawakan ang aking kamay. "Joan, ano ba talaga ang nangyayari?" Hindi siya agad nakasagot. Sa halip ay tumingin siya sa ikalawang palapag ng hotel. "Doon." Sinundan ko ng tingin ang direksiyong itinuro niya. Isang malaking glass window ang naroon. At sa isang iglap ay parang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko. Nanlaki ang aking mga mata saka nanginig ang aking buong katawan. Dahil sa loob ng silid na iyon ay malinaw kong nakita si Cyrus. Nakangiti. Nakayakap. At kasalukuyang hinahalikan ang isang babae. Parang may nabasag sa loob ng dibdib ko. "H-Hindi..." mahina kong bulong. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng lakas. Hindi ako makapaniwala sa aking nasasaksihan. Ang lalaking nangakong ako lamang ang mamahalin niya. Ang lalaking ama ng batang dinadala ko ay niloloko pala ako. Unti-unting pumatak ang aking mga luha habang nakatitig sa eksenang paulit-ulit na sumasaksak sa puso ko. At sa pagkakataong iyon, hindi ko alam na ang nakikita ko ay simula pa lamang ng pinakamalaking kasinungalingang sisira sa aming dalawa. "J-Joan..." hikbi kong tawag habang tuloy-tuloy ang pagpatak ng mga luha ko. Agad niya akong inalalayan nang mapansin niyang nanginginig na ang buo kong katawan. "Walang hiya talagang lalaki iyon! Ano? Susugurin ba natin?" galit na galit niyang tanong habang nakatingin sa bintanang kinaroroonan nina Cyrus. Napatingin ako sa kanya. "Pwede ba iyon?" nanginginig kong tanong. "Oo naman! At the first place, nobya ka niya! How dare him cheat on you?" gigil na sabi niya. Muli akong napatingin sa bintana. Nandoon pa rin si Cyrus kasama ang babae. Masayang nag-uusap. Masayang nagtatawanan. Habang ako ay durog na durog ang puso. Napahawak ako sa tiyan ko nang hindi namamalayan. Hindi pa man din ako nakakaisip kung paano ko sasabihin kay Cyrus na buntis ako. Hindi pa man niya nalalaman na magkakaroon na kami ng anak. Pero heto ako ngayon, nasasaksihan kung paano niya ako niloloko. "Hindi na..." mahinang sambit ko. "Ano?" tanong ni Joan. "Hindi ko sila susugurin." Nanlaki ang mga mata niya. "Ha? Althea, seryoso ka ba?" Tumango ako habang pinupunasan ang mga luha ko. "Ayaw kong magmukhang desperada." "Pero bestie—" "Tama na." Pinikit ko ang mga mata ko at pilit na nilunok ang sakit na bumabara sa lalamunan ko. Kung talagang mahal niya ako, hindi niya magagawa ito. At kung nagawa niya at ibig sabihin, hindi ako sapat para sa kanya. "Althea..." nag-aalalang tawag ni Joan. Mabagal akong huminga bago muling dumilat. Sa pagkakataong iyon, parang may namatay sa loob ko. Ang babaeng handang ibigay ang lahat para kay Cyrus. Ang babaeng naniwalang sila na hanggang dulo pero kasinungalingan lang pala ang lahat. "Huwag mo nang sabihin sa kanya ang tungkol sa bata," malamig kong sabi. Natigilan si Joan. "Ano?" "Palalakihin ko ang anak ko nang ako lang." "Pero karapatan niyang malaman!" Mapait akong ngumiti. "At karapatan ko ring ilayo ang anak ko sa isang lalaking manloloko." Kasabay ng sinabi kong iyon ay bumukas ang pinto ng hotel. At mula roon ay lumabas si Cyrus. Kasama ang babaeng kanina lamang ay nakayakap niya. Hindi ko alam kung bakit. Pero sa halip na umiwas, kusang nagtama ang aming mga mata. At sa unang pagkakataon, nakita ko ang gulat na gumuhit sa kanyang mukha. "Althea?" Nakita ko ang kanyang reaksyon.Takot at pagkabigla. At kung may kaunting konsensya man siyang natitira, malinaw na nakaukit iyon sa kanyang mukha ngayon. "Althea?" muli niyang tawag habang mabilis na bumibitaw sa babaeng kasama niya. Napatawa ako nang mahina. Iyong klase ng tawang puno ng pait. Iyong tawang halos kasabay ng pagdurog ng puso. "Bakit ka nabigla, Cyrus?" tanong ko habang nakatitig diretso sa kanya. Napansin kong bahagya siyang napaatras. "Bakit? Takot ka bang mahuli ko?" "A-Althea, hindi ito ang iniisip mo—" "Talaga ba?" putol ko agad sa sasabihin niya. Napayuko siya sandali bago muling tumingin sa akin. Samantalang ang babaeng kasama niya ay tahimik lamang na nakamasid sa amin. Napakuyom ang mga kamao ko. Hindi dahil gusto ko silang sugurin. Kundi dahil pilit kong pinipigilan ang sarili kong hindi tuluyang bumagsak sa harapan nila. "Althea, please. Hayaan mo akong magpaliwanag." Napailing ako. "Paliwanag?" Mapait akong ngumiti. "Nakakatawa ka, Cyrus." Humakbang ako palapit sa kanya. Hindi ko alam kung saan ko nakukuha ang lakas na iyon. Marahil kapag sobra na ang sakit, kusa na lamang itong napapalitan ng galit. "Anong ipapaliwanag mo?" tanong ko. "Na hindi ikaw ang lalaking nakayakap sa kanya?" Tahimik siya. "Na hindi ikaw ang humalik sa kanya?" Muli siyang natahimik. "Na hindi ikaw ang nakita kong masayang-masaya habang niloloko mo ako?" Napalunok siya at ang pananahimik niyang iyon ang pinakamasakit na sagot. Mas masakit pa sa kahit anong kasinungalingan. Dahil alam naming pareho ang totoo. "Althea..." mahina niyang sambit. "Stop." Itinaas ko ang isang kamay. Agad siyang natigilan. Unti-unting pumatak ang luha ko ngunit hindi ko na iyon pinunasan. Hayaan niyang makita. Hayaan niyang makita kung gaano niya ako sinaktan. "Alam mo kung ano ang pinakamasakit, Cyrus?" Nakita kong kumunot ang noo niya. Napatawa ulit ako. Ngunit puno na iyon ng poot at pagkadismaya. "Hindi iyong panloloko mo." Nanlaki ang kanyang mga mata. "Hindi rin iyong katotohanang may iba ka." Huminga ako nang malalim. "Ang pinakamasakit ay iyong pinaniwala mo akong mahal mo ako." Parang may kung anong dumaan sa kanyang mukha. Sakit, Pagsisisi. O baka awa. Pero huli na para doon. Dahil ang pusong minsan niyang iningatan ay siya rin ang sumira. "Althea, makinig ka muna sa akin—" "Hindi." Matigas kong sagot. "Pagod na akong makinig." Nagtagpo ang aming mga mata. At sa pagkakataong iyon, wala na akong nakitang lalaking mahal ko. Ang nakikita ko na lamang ay isang estranghero. Isang lalaking marunong magsinungaling habang nakatingin sa aking mga mata. Isang lalaking kayang sirain ang mga pangarap naming dalawa nang hindi man lang nagdadalawang-isip. "Congratulations, Cyrus." Napakunot ang noo niya. "Ano?" Mapait akong ngumiti. "Nahanap mo na ang taong mas mahalaga kaysa sa akin." "That's not true!" Mabilis niyang sagot. Pero ngayon? Wala na akong pakialam. Dahil ang mga salita ay nawalan na ng halaga. Ang katotohanan ay nasa harapan ko na. At hindi iyon kayang baguhin ng kahit anong paliwanag, bahagya akong umatras.Chapter 9Nang tuluyan nang mawala sina Veronica at Bianca sa aking paningin ay agad akong napaupo sa gilid ng kama.Tahimik ang buong silid.Ngunit kabaligtaran noon ang laman ng isip ko.Napakaraming bagay ang nangyayari.Ang pagtataksil ni Cyrus.Ang pagbubuntis ko.Ang pagbabalik ko sa mansyon.At higit sa lahat...Ang katotohanang maaaring pinatay nila ang aking ina.Napapikit ako.Hindi pwedeng puro emosyon ang pairalin ko.Kung gusto kong manalo...Kailangan kong maging mas matalino kaysa sa kanila.Mas maingat.Mas handa.At higit sa lahat...Mas mapagpasensya."Kailangan kong paghandaan ang araw na iyon."Mahina kong bulong sa sarili.Ang araw na mabubunyag ang lahat.Ang araw na haharap sila sa hustisya.Agad akong tumayo.At nagtungo sa banyo upang mag-ayos.Makalipas ang ilang minuto ay nakapagpalit na ako ng simpleng damit.Pagkatapos ay kinuha ko ang aking bag at cellphone.May listahan na agad akong binuo sa isip ko.Una...Kailangan kong magkaroon ng paraan para makaku
Chapter 8"Anong kailangan ninyo?"Diretso kong tanong habang nakaupo sa gilid ng kama.Hindi na ako nag-abalang magkunwaring masaya sa pagbisita nila.Kung tutuusin, sapat nang nakakapagod ang pagpapanggap na wala akong alam.Nagkatinginan muna sina Veronica at Bianca.Parang may pinag-uusapan gamit lamang ang kanilang mga mata.Pagkatapos ay pilit na ngumiti si Veronica."Ahm... three days from now, may gaganaping welcome party para sa'yo."Napataas ang isang kilay ko."Welcome party?"Tumango siya."Oo. Dahil nakabalik ka na sa mansyon."Tahimik akong nakatingin sa kanya.Pinag-aaralan ang bawat galaw.Ang bawat ekspresyon.Ang bawat salita.At habang tumatagal...Mas lalo akong nagiging sigurado.May balak sila.At hindi simpleng welcome party lang iyon."Bakit pa kasi magdaos ng party para sa kanya?"Mahinang bulong ni Bianca.Ngunit sapat iyon para marinig ko.At malinaw na malinaw ko iyong narinig.Ngunit hindi ko siya pinansin.Sa halip ay ibinalik ko ang tingin kay Veronica.
Chapter 7Mahigpit kong hawak ang cellphone habang nakaupo sa gilid ng kama.Hindi pa rin humuhupa ang galit at pagkabiglang nararamdaman ko matapos ang mga nalaman ko.Pakiramdam ko ay gumuho ang buong mundong kinalakihan ko.Ang lalaking tinawag kong ama...Maaaring hindi ko pala tunay na ama.At ang pagkamatay ng aking ina...Maaaring hindi aksidente.Napapikit ako.Pinilit kong maging kalmado.Dahil alam kong hindi pwedeng emosyon ang pairalin ko ngayon.Kailangan kong maging matalino.Kailangan kong maging maingat."Joan..."Mahina kong tawag."Yeah, bestie?"Nag-atubili ako sandali bago nagsalita."Pwede bang ikaw ang maging abogado ko?"Natigilan siya."Huh?""Kung sakaling mag-file ako ng kaso laban sa kanila kapag nakakuha na ako ng sapat na ebidensya."Tahimik siya sa kabilang linya.Ilang segundo rin ang lumipas bago siya nagsalita."Althea..."Narinig ko ang paghinga niya."Alam mo namang gagawin ko ang lahat para sa'yo."Unti-unting nangilid ang luha ko.Sa gitna ng lahat
Chapter 6Tahimik akong nakahiga sa kama habang nakatitig sa kisame.Malamig ang hangin mula sa aircon, ngunit hindi nito kayang patahimikin ang magulong isip ko.Paulit-ulit na bumabalik sa akin ang mga nangyari kanina.Ang hotel.Ang babae.Si Cyrus.At ang paraan ng pagguho ng mga pangarap na matagal kong iningatan.Napapikit ako.Ngunit sa halip na sakit, isang matinding desisyon ang unti-unting nabuo sa isip ko.Kailangan kong magpalit ng number.Hindi sapat ang pag-block sa kanya.Kilala ko si Cyrus.Kapag may gusto siyang gawin, gagawin niya ang lahat para makuha iyon.At ayaw ko nang bigyan pa siya ng pagkakataong makapasok muli sa buhay ko.Ayaw ko nang makarinig ng mga paliwanag.Ayaw ko nang makarinig ng mga dahilan.At higit sa lahat...Ayaw ko nang marinig ang boses ng lalaking sumira sa puso ko.Dahan-dahan akong napahawak sa aking tiyan.Kaagad na lumambot ang aking ekspresyon.Hindi pa man kita nakikita...Hindi pa man kita nahahawakan...Pero ikaw na ang dahilan kung
Chapter 5Pagkapasok ko sa guest room ay agad kong isinara ang pinto.At sa unang pagkakataon mula nang bumalik ako sa mansyong ito...Nawala ang matigas na maskarang suot ko.Napagod ako.Hindi sa pakikipagtalo.Kundi sa pag-alala.Sa bawat sulok ng bahay na ito ay may alaala ng aking ina.Mga alaalang pilit kong kinalimutan sa loob ng maraming taon.Dahan-dahan akong umupo sa kama.Tahimik ang buong silid.Tanging ang mahinang ihip ng hangin mula sa bukas na bintana ang maririnig.Napatingin ako sa labas.Sa hardin.Sa fountain.Sa malaking puno ng acacia na minsang pinagtataguan ko noong bata pa ako.Unti-unting namuo ang luha sa aking mga mata.At sa wakas ay pinakawalan ko ang buntong-hiningang matagal ko nang kinikimkim."Mom..."Mahina kong bulong.Parang natatakot akong may makarinig.Parang natatakot akong masaktan muli.Ngunit wala nang dahilan para pigilan pa ang sarili."I'm back."Isang luha ang dahan-dahang pumatak sa aking pisngi."I finally came back."Napayuko ako.Bi
Chapter 4 Tahimik na naghari ang buong sala matapos kong sabihin ang tungkol sa financial reports. Ngunit kitang-kita ko ang takot na mabilis na dumaan sa mukha nina Veronica at Bianca. At doon ko lalong natiyak. May tinatago sila. At mukhang malaki ang tinatago nila. "Financial reports?" pilit na kalmadong tanong ni Veronica. "Oo." Tumayo ako mula sa kinauupuan ko. "May problema ba doon?" "Wala kang karapatang humingi ng mga dokumentong iyon." Napataas ang isang kilay ko. "Talaga?" Napatingin ako kay Dad. "Dad, sabihin mo nga." Muling bumagsak ang katahimikan. Halatang nahihirapan siya. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi ko siya tutulungang makaiwas. "Althea..." "Yes or no?" Mariin kong tanong. "May karapatan ba ako o wala?" Napapikit siya sandali. At nang muli siyang dumilat ay tila tumanda siya ng sampung taon. "Meron." Parang binuhusan ng malamig na tubig sina Veronica at Bianca. "Dad!" Sigaw ni Bianca. Ngunit hindi na siya pinansin ng aking ama. At sa unang pagkakat







