Share

Chapter 26.1

Bago pa man matapos ng babae ang pagsasalita ay mabilis na ibinagsak ni Lucas ang mga kubyertos na hawak nito kaya natigil ito sa pagsasalita at nakita niya ang masamang tingin na ipinukol nito sa babae na tila ba kutsilyo. Kung nakamamatay lamang ang tingin ay tiyak na kanina pa nakahandusay ang babae sa sahig at duguan.

Nagresulta ng malakas na tunog ang ginawang pagbagsak ni Lucas ng kubyertos sa lamesa kung saan ang lahat ay naging tahimik. Maging ang babaeng nakamata lang ay hindi nagawang magsalita. Ilang sandali pa ay dahan-dahang tumayo si Lucas mula sa kinauupuan nito at itinaas ang kamay at itinuro ang dalawang babaeng magkatabi.

“Paalisin niyo ang dalawang yan dito ngayon din!” malamig at punong-puno ng awtorisasyon ang tinig nito.

Napadako ang tingin niya sa dalawang babae. “A-ano?” nauutal na tanong ng babaeng nagtulak sa kaniya sa pool at bakas sa mukha nito ang hindi makapaniwala dahil sa narinig nito.

Nanlalaki ang mga mata ni Cathy habang nakatingin sa kanyang pinsa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status