LOGINMariing kumuyom ang kamay ni Saintour. Parehong umukit sa mukha ni Yvette at Sunshine ang pag-aalala habang ngumisi naman si Santino.
Binalot ng matinding galit ang buong systema ni Saintour, hindi niya maiwasang kamuhian ang kaniyang ama dahil sa harap pa talaga ni Santino siya sinampal!
Sa harap pa ng kaniyang pinsan na mortal na kaaway ang kanilang turingan! Dahil sa mata ng kaniyang ama si Santino ang may silbi at siya naman ang walang silbi!
“Nagawa mong pagtaksilan si Charmy at sa isang pipitsuhing sekretarya? Na saan ang utak mo?!” Marahas na dinuduro ni Samson ang sintido ni Saintour.
“Hindi mo man lang inisip na hindi lamang ang relasyon niyo ni Charmy ang masisira kundi pati ang kooperasyon ng dalawang kompanya!”
“Kung hindi ka lang sana tumawag, na ayos ko na ang relasyon namin ni Charmy. Walang problema, Dad.”
Mas lalong nadagdagan ang galit ni Samson ng sumagot si Saintour.
“Samson, tama na!” Pigil ni Yvette sa asawa nang muli nitong sa sa sasampalin ang kanilang anak.
Tumawa ng sarkastiko si Santino, “Aayusin? Sa tingin mo ganu'n ‘yon kadali? Saint, nasa ginto ka na, tumira ka pa ng tanso.”
“Santino, shut up!” saway ng kaniyang tiyahin sa anak.
Umigting ang panga ni Saintour, “Hinihingi ko ba ang opinyon mo?”
Tumayo si Santino, namulsa itong naglakad palapit sa kaniya. “Ikaw lang ‘tong nag-enjoy pero buong pamilya ang magdurusa! Napakalaki mong tanga abogado ka man kung naturingan!”
Tumawa si Saintour. Nang makarating sa harapan si Santino ay binati ng kaniyang kamao ang pisngi nito.
Sa lakas ng suntok ni Saintour, tumilapon si Santino sa mahabang sofa.
“Santino!” mabilis na dinaluhan ni Sunshine ang anak na dumudugo ang gilid ng labi.
“Saintour!” Hinarang ni Yvette ang anak nang subukan itong lapitan ang pinsan.
“The Villareal Group abandon the partnership with the Cole Group of Company. It's done! There is nothing you can do, Saintour!”
Si Mr. Villareal mismo ang tumawag kay Samson upang putulin ang kooperasyon ng kanilang kompanya dahilan para malaman niya na hindi ‘yon ang unang beses na pinagtaksilan ni Saintour ang nobya nitong si Charmy.
At hindi niya masisisi ang galit ni Mr. Villareal dahil kung siya rin naman ang nasa posisyon nito higit pa ang kaniya niyang gawin sa lalaking mananakit sa kaniyang anak na babae!
Mr. Villareal decided to send his daughter away.
Agad niyang tinawagan si Saintour, pinauwi niya ito upang masolusyunan ang malaking problema ng kanilang kompanya bago pa mauwi sa bangkarota.
Napaawang ang labi ni Saintour, “What?!”
“Tapos na ang usapin sa pamilya Villareal at ayoko ng maririnig pa sa'yo ang pangalan ng babaeng ‘yon! Ang Monteverde ang sagot sa ating problema ngunit may isang kondisyon!”
“What did the Monteverde want from us, Uncle Sam?” singgit ni Santino.
“Marriage Alliance. . .”
“Iyon naman pala! May solusyon na kayo sa problema ng kompanya, hindi na ako kailangan dito! Aalis na ako para masolosyunan ang problema sa relasyon ko!”
Labas na ako sa usapan na ‘yon dahil may fiancee na ako!
Mahinang tumawa si Saintour na sinulyapan si Santino, “Ngayon mo patunayan na may silbi ka, Santino! Maging parte ka ng pamilya Monteverde!”
“Walang kinalaman si Santino sa ginawa mong katarantadohan!” baling ni Samson sa anak. “Ikaw ang gumawa ng problema, ikaw ang lumutas!”
Nagsalubong ang kilay ni Saintour, “Are you saying that you’ll send me off to marry a fucking Monteverde?”
Tumango si Samson, “The Monteverde only cooperate with us if the CEO of the Cole Group of Company will marry their rebellious daughter!”
At bakit ako na naman ang nakataya?!
“Mahal ko si Charmy at hindi ako magpapakasal sa kung sinong babae lang diyan sa tabi para lang sa kapakanan ng kumpanya!” Umalingawngaw ang boses ni Saintour sa buong sala.
Ang galit niya sa kaniyang ama ay mas lalong nadagdagan! Bakit hindi na lang si Santino? Isa naman itong Cole!
Kailangan niyang makausap si Charmy upang maayos ang kanilang relasyon kapag nagawa niya ‘yon tuloy ang kooperasyon ng kanilang pamilya!
Kahit pakasalan niya pa ito ura-mismo, gagawin niya na!
Nilisan ni Saintour ang sala ngunit bago pa siya makalabas ng mansion muli nagsalita ang kaniyang ama.
“Suwayin mo ako, Saintour, isa lang ang ibig sabihin. . . Mula bukas hindi na ikaw ang CEO ng The Cole Group of Company!”
Sinulyapan ni Samson ang pamangkin, “Santino will take over your position before she marry the Monteverde Heiress. . .”
Nagpanting ang pandinig ni Saintour at kahit hindi niya nakikita ang mukha ni Santino alam niyang nasisiyahan ‘to.
Hindi maaring ang pekeng Cole na ‘yan ang maging CEO ng kumpanya ng ama ko!
Walang imik na tinungo ni Saintour parking lot. Bubuksan niya pa lamang pintuan nang mahagip ng mata niyang sumunod si Santino.
“Ipinadala ni Mr. Villareal sa ibang bansa si Charmy kaya wag ka ng umasa na may magagawa ka pa. . . Tanggapin mo na lang na sa ating dalawa, hindi ka uubra. . .”
Kilalang-kilala ni Saintour si Charmy. Baliw na baliw ito sa kaniya at hindi ito basta-basta aalis ng bansa para iwan siya.
“Wala kang pakinabang sa pamilyang ‘to, Saint! Mabuti pa kusa ka ng umalis sa posisyon mo bago bawiin ni Uncle Sam sa'yo.”
Humalakhak si Saintour, “Ang taas din naman ng pangarap mo! Isa ka ngang Cole pero tatandaan mo, isa kang bastardo!”
Nanggagalaiti sa galit si Santino na pinupukol ng masamang tingin ang papalayong sasakyan ni Saintour.
Habang nasa kalagitnaan ng byahe, tinatawagan ni Saintour si Charmy, hindi niya makontak. Nagpadala siya ng mensahe ngunit hindi ‘yon na deliver tanda na naka-blocked na siya dito.
No baby, you can't do this to me!
❃.✮:▹ ◃:✮.❃
Sa loob ng sala ng condo ni Roxzel, parehong nakatulala sa kesame ang magkaibigan pagkatapos mai-kwento ni Saintour ang nangyari sa kanilang mansion.
“Tuluyan na nga akong iniwan ni Charmy. . .” bulalas ni Saintour.
Kinumpirma ni Roxzel mula sa malapit na kaibigan ni Charmy na nangibang bansa ito ngunit hindi alam kung saang bansa.
“Nakakatawang isipin na gusto ni Dad na pakasalan ko ang isang rebeldeng anak ng mga Monteverde!”
“The Monteverde has two daughters. One is the spoiled brat who show in every event with Mr. & Mrs. Monteverde while the other one is never show in public, they called rebellious one.” imporma ni Roxzel habang nagi-scroll sa phone nito.
Kumukuha ng impormasyon tungkol sa Monteverde.
“Shesh! Dude, look at the spoiled brat she's pretty hot!” Iniharap ni Roxzel ang screen kay Saintour.
“I'm not interested,” ni hindi ‘yon nilingon ni Saintour, “And my father said the rebellious one that means not her.”
Nagtungo sa kusina si Saintour, binuksan ang fridge at kumuha ng dalawang bote ng beer.
“Beer?” Alok niya.
“Thanks.” Tinanggap ni Roxzel.
Namayani ang katahimikan sa buong sala.
“You're in a big trouble.” sinulyapan ni Roxzel si Saintour. “Shall we talk to the Villareal?”
Nagkatitigan ang dalawa. Tumingin sa kesame na para bang nakikita nila doon ang mangyayari sa kanila.
Haharap pa lang sila sa pamilya Villareal, panigurado mainit na ang ulo ng ama ni Charmy kay Saintour. Kapag nalaman pa nito ang mga kalokohan ni Saintour, panigurado na raratratin sila pareho—lahat ng parte ng katawan ay may butas!
“Ahhh!”
Nagkayakapan ang dalawa ng makita ang itsura nilang dalawa sa kanilang imahinayon. Malayong hindi mangyari 'yon.
“D-don't tell me the Monteverde Family?” wala ng ibang maisip na solusyon si Roxzel.
Nanlaki ang mata nilang dalawa at magkahawak kamay na humiyaw dahil iniisip pa lang nila na makakaharap ang matandang Monteverde— kinikilabutan na sila.
Kilala ang pamilya Monteverde sa larangan ng negosyo, isa ito sa pinakamayamang pamilya sa bansa. Marami ring nagsasabi na ang pamilyang Montervede ay isa sa pinakamalakas na miyembro ng underground world.
“Wahh! Mommy take me back to your womb!” sigaw ni Roxzel.
“I'm still blaming my dad for spill out his sperm in mommy's womb.” segunda ni Saintour.
Bumagsak silang dalawa sa sofa at para silang sabog dahil sa matinding pag-iisip. Tulala ang dalawa sa itaas na para bang dito nila makukuha ng solution sa problema.
“Problema mo ‘to, pre. Bahala ka na diyan!” Inubos ni Roxzel ang laban ng kaniyang beer.
“Eh? Hey! Hey—”
Naputol ang sasabihin ni Saintour nang nagmamadaling lumabas sa condo si Roxzel.
“Good luck!” Kumaway pa ito sa kaniya at nagthumb-ups bago tuluyang umalis.
Napaawang ang labi ni Saintour nang mapagtanto na iniwan siya ng nito sa ere. Nagpapadyak-padyak siya na parang bata bago pabagsak na umupo sa sofa at tinunga ang beer.
Bumukas muli ang p***o at iniluwa si Roxzel. “Hey! Idiot this is my condo!”
Tumawa ng pagak si Saintour nang makita ang busangot na mukha nito. Ang lakas ng loob na mag walk out without knowing that he is in his own place.
Tangina! Kaibigan ko lang ang naka-isip niyan!
“Sino ngayon ang gago sa ating dalawa, ah?” Pigil tawa si Saintour.
Nilapitan niya si Roxzel at inakbayan. “Binibigyan kita ng pangalawang pagkakataon. Kapag lumabas ka sa pintong 'yan ngayon mismo. . . Ibig sabihin wala akong aasahan sa’yo. Kapag naman nanatili ka dito hanggang bukas ibig sabihin wala kang takas, sasamahan mo akong lusutan ang problema ko, you have five minutes.”
Nagkatinginan silang dalawa.
Tumatawa si Roxzel na tinanggal ang braso ni Saintour habang naglakad papunta sa p***o patunay na walang aasahan si Saintour sa kaniya.
Ngunit bago pa man makarating sa p***o si Roxzel natigilan ito at masamang tingin na nilingon si Saintour.
“Gago ka ba? Condo ko nga 'to 'di ba? Kung may aalis man dito—dapat ikaw 'yon! Layas!” Inis na turan ni Roxzel.
Ngumiti ng malapad si Saintour. “Ibig sabihin lang niyan tutulungan mo ako!”
Nagulat si Roxzel. “Ha?! Ano?!”
“Baka nakakalimutan mo na sinimulan mo na naman na akong tulungan kaya tapusin mo na lang din! Kapag ginisa ako ng Daddy ni Charmy, iihawin ka naman! At kapag ginawa akong punching bag ni Daddy, hahabolin ka ng bala ng mga Monteverde!”
“Gago! Bakit ako hahabulin ng bala ng mga Monteverde? Sa ating dalawa ikaw itong umayaw na pakasalan ang anak!”
“Sasabihin ko na tipo mo ang anak nila. . .” kinindatan ni Saintour ang kaibigan.
“Tarantado! Ipapain mo pa akong tukmol ka!” bulaslas ni Roxzel.
“Dude, we are on the same boat.”
“Ulol!” singhal ni Roxzel.
Roxzel frustratedly messed his hair. “Ahhh! Paano ba ako nagkaroon ng kaibigan na walang kasing baliw?!”
Napakurap-kurap si Saintour. “Teka, linyahan 'yan ni Stephen ah? ‘Yan ang madalas niyang sinasabi sa ating dalawa.”
Isang malakas na palakpak ang ginawa ni Saintour “Aha! Matinding kaso rin 'yan, Tol.”
“Umalis ako sa bahay para makatakas sa pangungulit ni Mommy na maghanap ng papakasalan kundi pupulutin ako sa kangkongan—hindi ko alam na mas nakakabaliw ang kasama ko dito!”
Parang bata na naglupasay sa sahig si Saintour. Hindi naman makapaniwalang tumawa si Roxzel habang pinapanuod ito.
Imagine the CEO of the Cole Group Company is acting like a child on my carpet!
Ngumawa si Roxzel, “Indeed. We are on the same boat. . .”
Bumagsak siya sa sofa at huminga ng malalim.
Natigilan si Saintour at agad na bumangon. Kumikislap ang mata nitong tumingin kay Roxzel.
“Talaga?!”
“Oo!”
“Wahhhhh! Praise the Lord! Praise the Lord!”
Nakaluhod na pinagdikit ni Saintour ang kaniyang mga kamay habang nakatingin sa itaas habang nakapikit pa. Bago nilapitan si Roxzel at niyakap.
Akala niya siya na ang pinakamalas na lalaki sa mundo pero mukhang sinuswerte pa nga siya dahil hindi siya nag-iisa.
Magkaibigan nga sila!
“I think we should mourning our dying single life.”
Umakto na umiiyak si Saintour. Umakto rin si Roxzel bago yumakap dito.
“Wahhh!” Ngawa ni Saintour.
Nang imulat ni Shevaughn ang mga mata, bumungad sa kaniya ang puting-puti na paligid, may nakakabit na suwero sa kaniyang kamay.“Nasa Monteverde Global Holdings lang ako kanina ah, anong ginagawa ko dito?” tanong sa sarili.Napabalikwas si Shevaughn ngunit agad ring natigilan ng maramdaman ang matinding sakit ng katawan lalong lalo na ang kaniyang tiyan.“Aray! Bakit parang binugbog ako?” daing nuya at muling nahiga sa hospital bed.Nasapo ni Shevaughn ang kaniyang ulo habang inaalala ang nangyari kung bakit nauwi siya sa hospital.Isa-isang pumasok sa isipan ni Shevaughn ang nangyari sa Monteverde Global Holdings, hinarang siya ng mapang-mata na empleyado, nang gumanti siya naghanap ng kakampi, inabuso siya ng mga empleyado dahil sa kung ano ang itsura niya—tandang-tanda niya ang mukha ng mga taong nang-api sa kaniya.Kinaladkad siya palabas ng kumpanya tila isang maruming basura na itinapon. Babangon na sana siya nang biglang dumating ang tatlong mamahaling sasakyan, sakay ang CEO
“Minsan ka lang makakahawak ng ganito kakapal na pera sa buong buhay mo!” Isinampal ni Secretary Madeline kay Shevaughn ang pera. “Makukuha mo ang pera na ‘to kung magmamakaawa ka sa akin, hahalikan mo ang paa ko at humingi ng tawad sa pagpapahiya sa akin!” Nakangising sambit ni Secretary Madeline.“Kung magyayabang ka ng pera, sisiguraduhin mo na galing sa sarili mong bulsa.” wika ni Shevaughn dahil nakita niya kung saan nito kinuha ang pera na ‘yon.Mas lalong namula sa galit si Secretary Madeline, galit na pinagsasampal si Shevaughn gamit ang pera. Itinapon ang ilang libo sa mukha ni Shevaughn at kinumos ni Secretary Madeline ang ilang libo at pilit ipinapakain kay Shevaughn.Pumapalag si Shevaughn pero agad ring napirmi sa kaniyang pagkakadapa sa sahig dahil hinawakan ng dalawang kasamahan ni Secretary Madeline ang kaniya magkabilaang braso.“Tama na ‘yan!” saway ni Secretary Thompson.Sinulyapan ni Secretary Thompson ang kaniyang mamahalin na pambisig na relo upang tingnan ang or
Lahat ay napalingon sa pinanggalingan ng boses maging si Shevaughn ay napatingin doon. A man in a maroon outfit; from blazer to trouser.Nagsigilid ang mga empleyado upang bigyan ang daan si Secretary Thompson, ang Secretary ni Mr. Monteverde.“Anong kaguluhan ito?” Isinarado ni Secretary Thompson ang butones ng blazer.Natigilan si Secretary Thompson nang makitang nakasalampak sa maduming sahig si Secretary Madeline, umiiyak at kaawa-awa ang kalagayan.Dumapo ang mata ni Secretary Thompson kay Shevaughn, pinasadahan ito ng tingin mula ulo hanggang paa.Magmula ng maging empleyado si Secretary Thompson ng Monteverde Global Holdings, ngayon lamang siya nakakita ng hampaslupa na napadpad sa kanilang kumpanya.Walang ibang nakikita si Secretary Thompson kundi ang hampaslupa na nasa harapan ang may kagagawan no'n kay Secretary Madeline.“Secretary Thompson!”“Secretary Thompson, tulungan niyo si Secretary Madeline!”Agad na sumalubong ang dalawang kasamahan ni Madeline kay Secretary Thomp
Hindi makatulog si Shevaughn dahil sa nabasa niyang mensahe kung kaya't kinabukasan, maagang-maaga siyang umalis sa kanilang tahanan.Upang hindi mag-alala ang kaniyang Mamang Esme at Papang Ringhoy, nagpaalam siya na didistakarte para sa pandagdag na pera sa pambili ng gamot at follow-up check ng kaniyang Manang Esme.Hindi pa sapat ang kaniyang ipon, ang kinita niya kahapon na dapat para sana pambili ng gamot ng kaniyang Mamang ay nauwi sa pambili ng bigas at pangangailangan sa loob ng bahay na aabot hanggang dalawang linggo.Aabot pa naman sa makalawa ang gamot ng kaniyang Mamang at sa susunod na buwan pa naman ang check-ip nito kung kaya't para sa kaniya ay may oras pa siya para pag-ipunan ‘yon.Inuna niya muna ang mga bagay na mas importante—ang hindi mawalan ng laman ang hapag! Kahit na simple, basta sila ay mabusog.“Nakarating rin sa wakas!” Puno ng sayang sambit ni Shevaughn nang makarating sa tapat ng malawak at matayug na gusali ng Monteverde Global Holdings.Ang Monteverde
Mahaba ang gabi ni Saintour at Roxzel dahil sa sanggol na lalaki na natagpuan sa loob ng sasakyan ni Saintour.Umaalingawngaw sa loob ng condo ni Roxzel ang iyak ng sanggol dahilan kung para hindi sila makatulog.“Anong gagawin ko? Saintour, tulungan mo 'ko sabi!” Sigaw ni Roxzel.Binato ni Roxzel ng unan si Saintour na sinusubukan nitong matulog sa sofa-bed habang nakatakip ng mga unan sa tenga.“Padedehin mo!” Bulyaw ni Saintour na tila nauubusan ng pasensya.Ito na nga ang pinakaayaw ko sa lahat!“Ginawa ko na pero ayaw niya!” Aburido na tugon ni Roxzel.“Patulugin mo!” Utos ni Saintour.“Ginawa ko na pero trip niya talagang umiyak!” Giit naman ni Roxzel.“Trip ko ring matulog!” Ibinato ni Saintour ang unan at bumangon. “Kaya kung hindi 'yan titigil ihuhulog ko na 'yan sa bintana!” Mabilis na inawat ni Roxzel si Saintour nang lalapitan nito ang bata na pinaupo nila sa sofa at panay ang iyak, nagpapadyak ang malilit nitong paa.“Gago ka ba?! Bata lang ‘yan!” Saway ni Roxzel.Nilapit
Sa kabilang banda, sa iskuwater. Napakaraming bahay. Siksikian at kahit bulungan ng kapitbahay ay dinig sa kabilang bahay.Maraming bata na nagkalat sa lansangan, may mga batang umiiyak, may mga matatamlay at ang iba ay idinadaan na lamang sa laro ang gutom.Doon na rin nakatira ang lahat ng klase ng taong gumagawa ng crimen. Karamihan sa mga ‘yon ay mabubuting tao, natututong gumawa ng masama upang may maipakain sa pamilya.Gabing gabi na ay pauwi pa lamang si Shevaughn o mas kilala sa pangalang Eva—sa kanilang munting tahanan, suot niya ang damit pang matanda at mayroon rin siyang wig na kulay puti at gusot-gusot—nakuha niya ‘yon sa basurahan, isinuot niya ‘yon dahil mapapakinabangan naman.Kahit na anong oras siya dumaan sa eskinita ay hindi siya napagti-tripan ng mga tambay, lasinggero o sugarol dahil kilalang-kilala siya sa kanilang lugar na Eva-balibag ka.“Paldo! Paldo ang Lola niyo!” Patalon-talon na binibilang ni Shevaughn ang ilang libong nakuha niya nang walang kahirap-hira







