แชร์

Kabanata IX

ผู้เขียน: SOLI DEO
last update วันที่เผยแพร่: 2026-10-26 20:12:13
“Minsan ka lang makakahawak ng ganito kakapal na pera sa buong buhay mo!” Isinampal ni Secretary Madeline kay Shevaughn ang pera. “Makukuha mo ang pera na ‘to kung magmamakaawa ka sa akin, hahalikan mo ang paa ko at humingi ng tawad sa pagpapahiya sa akin!” Nakangising sambit ni Secretary Madeline.

“Kung magyayabang ka ng pera, sisiguraduhin mo na galing sa sarili mong bulsa.” wika ni Shevaughn dahil nakita niya kung saan nito kinuha ang pera na ‘yon.

Mas lalong namula sa galit si Secretary Made
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก

บทล่าสุด

  • ANG PULUBI NA ASAWA NG BILYONARYO   Kabanata X

    Nang imulat ni Shevaughn ang mga mata, bumungad sa kaniya ang puting-puti na paligid, may nakakabit na suwero sa kaniyang kamay.“Nasa Monteverde Global Holdings lang ako kanina ah, anong ginagawa ko dito?” tanong sa sarili.Napabalikwas si Shevaughn ngunit agad ring natigilan ng maramdaman ang matinding sakit ng katawan lalong lalo na ang kaniyang tiyan.“Aray! Bakit parang binugbog ako?” daing nuya at muling nahiga sa hospital bed.Nasapo ni Shevaughn ang kaniyang ulo habang inaalala ang nangyari kung bakit nauwi siya sa hospital.Isa-isang pumasok sa isipan ni Shevaughn ang nangyari sa Monteverde Global Holdings, hinarang siya ng mapang-mata na empleyado, nang gumanti siya naghanap ng kakampi, inabuso siya ng mga empleyado dahil sa kung ano ang itsura niya—tandang-tanda niya ang mukha ng mga taong nang-api sa kaniya.Kinaladkad siya palabas ng kumpanya tila isang maruming basura na itinapon. Babangon na sana siya nang biglang dumating ang tatlong mamahaling sasakyan, sakay ang CEO

  • ANG PULUBI NA ASAWA NG BILYONARYO   Kabanata IX

    “Minsan ka lang makakahawak ng ganito kakapal na pera sa buong buhay mo!” Isinampal ni Secretary Madeline kay Shevaughn ang pera. “Makukuha mo ang pera na ‘to kung magmamakaawa ka sa akin, hahalikan mo ang paa ko at humingi ng tawad sa pagpapahiya sa akin!” Nakangising sambit ni Secretary Madeline.“Kung magyayabang ka ng pera, sisiguraduhin mo na galing sa sarili mong bulsa.” wika ni Shevaughn dahil nakita niya kung saan nito kinuha ang pera na ‘yon.Mas lalong namula sa galit si Secretary Madeline, galit na pinagsasampal si Shevaughn gamit ang pera. Itinapon ang ilang libo sa mukha ni Shevaughn at kinumos ni Secretary Madeline ang ilang libo at pilit ipinapakain kay Shevaughn.Pumapalag si Shevaughn pero agad ring napirmi sa kaniyang pagkakadapa sa sahig dahil hinawakan ng dalawang kasamahan ni Secretary Madeline ang kaniya magkabilaang braso.“Tama na ‘yan!” saway ni Secretary Thompson.Sinulyapan ni Secretary Thompson ang kaniyang mamahalin na pambisig na relo upang tingnan ang or

  • ANG PULUBI NA ASAWA NG BILYONARYO   Kabanata VIII

    Lahat ay napalingon sa pinanggalingan ng boses maging si Shevaughn ay napatingin doon. A man in a maroon outfit; from blazer to trouser.Nagsigilid ang mga empleyado upang bigyan ang daan si Secretary Thompson, ang Secretary ni Mr. Monteverde.“Anong kaguluhan ito?” Isinarado ni Secretary Thompson ang butones ng blazer.Natigilan si Secretary Thompson nang makitang nakasalampak sa maduming sahig si Secretary Madeline, umiiyak at kaawa-awa ang kalagayan.Dumapo ang mata ni Secretary Thompson kay Shevaughn, pinasadahan ito ng tingin mula ulo hanggang paa.Magmula ng maging empleyado si Secretary Thompson ng Monteverde Global Holdings, ngayon lamang siya nakakita ng hampaslupa na napadpad sa kanilang kumpanya.Walang ibang nakikita si Secretary Thompson kundi ang hampaslupa na nasa harapan ang may kagagawan no'n kay Secretary Madeline.“Secretary Thompson!”“Secretary Thompson, tulungan niyo si Secretary Madeline!”Agad na sumalubong ang dalawang kasamahan ni Madeline kay Secretary Thomp

  • ANG PULUBI NA ASAWA NG BILYONARYO   Kabanata VII

    Hindi makatulog si Shevaughn dahil sa nabasa niyang mensahe kung kaya't kinabukasan, maagang-maaga siyang umalis sa kanilang tahanan.Upang hindi mag-alala ang kaniyang Mamang Esme at Papang Ringhoy, nagpaalam siya na didistakarte para sa pandagdag na pera sa pambili ng gamot at follow-up check ng kaniyang Manang Esme.Hindi pa sapat ang kaniyang ipon, ang kinita niya kahapon na dapat para sana pambili ng gamot ng kaniyang Mamang ay nauwi sa pambili ng bigas at pangangailangan sa loob ng bahay na aabot hanggang dalawang linggo.Aabot pa naman sa makalawa ang gamot ng kaniyang Mamang at sa susunod na buwan pa naman ang check-ip nito kung kaya't para sa kaniya ay may oras pa siya para pag-ipunan ‘yon.Inuna niya muna ang mga bagay na mas importante—ang hindi mawalan ng laman ang hapag! Kahit na simple, basta sila ay mabusog.“Nakarating rin sa wakas!” Puno ng sayang sambit ni Shevaughn nang makarating sa tapat ng malawak at matayug na gusali ng Monteverde Global Holdings.Ang Monteverde

  • ANG PULUBI NA ASAWA NG BILYONARYO   Kabanata VI

    Mahaba ang gabi ni Saintour at Roxzel dahil sa sanggol na lalaki na natagpuan sa loob ng sasakyan ni Saintour.Umaalingawngaw sa loob ng condo ni Roxzel ang iyak ng sanggol dahilan kung para hindi sila makatulog.“Anong gagawin ko? Saintour, tulungan mo 'ko sabi!” Sigaw ni Roxzel.Binato ni Roxzel ng unan si Saintour na sinusubukan nitong matulog sa sofa-bed habang nakatakip ng mga unan sa tenga.“Padedehin mo!” Bulyaw ni Saintour na tila nauubusan ng pasensya.Ito na nga ang pinakaayaw ko sa lahat!“Ginawa ko na pero ayaw niya!” Aburido na tugon ni Roxzel.“Patulugin mo!” Utos ni Saintour.“Ginawa ko na pero trip niya talagang umiyak!” Giit naman ni Roxzel.“Trip ko ring matulog!” Ibinato ni Saintour ang unan at bumangon. “Kaya kung hindi 'yan titigil ihuhulog ko na 'yan sa bintana!” Mabilis na inawat ni Roxzel si Saintour nang lalapitan nito ang bata na pinaupo nila sa sofa at panay ang iyak, nagpapadyak ang malilit nitong paa.“Gago ka ba?! Bata lang ‘yan!” Saway ni Roxzel.Nilapit

  • ANG PULUBI NA ASAWA NG BILYONARYO   Kabanata V

    Sa kabilang banda, sa iskuwater. Napakaraming bahay. Siksikian at kahit bulungan ng kapitbahay ay dinig sa kabilang bahay.Maraming bata na nagkalat sa lansangan, may mga batang umiiyak, may mga matatamlay at ang iba ay idinadaan na lamang sa laro ang gutom.Doon na rin nakatira ang lahat ng klase ng taong gumagawa ng crimen. Karamihan sa mga ‘yon ay mabubuting tao, natututong gumawa ng masama upang may maipakain sa pamilya.Gabing gabi na ay pauwi pa lamang si Shevaughn o mas kilala sa pangalang Eva—sa kanilang munting tahanan, suot niya ang damit pang matanda at mayroon rin siyang wig na kulay puti at gusot-gusot—nakuha niya ‘yon sa basurahan, isinuot niya ‘yon dahil mapapakinabangan naman.Kahit na anong oras siya dumaan sa eskinita ay hindi siya napagti-tripan ng mga tambay, lasinggero o sugarol dahil kilalang-kilala siya sa kanilang lugar na Eva-balibag ka.“Paldo! Paldo ang Lola niyo!” Patalon-talon na binibilang ni Shevaughn ang ilang libong nakuha niya nang walang kahirap-hira

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status