로그인Wala pang bente minuto, narinig niya ang sunod-sunod na busena. Tumingin siya sa labas ng bintana at nakita niya ang sasakyan ni Roxzel na papalapit sa kaniyang kinaruruonan.
Agad siyang bumaba.
Ibinaba ni Roxzel ang bintana ng sasakyan nito. “I ask my driver to get your car and full tank before sending to your house, poor you can't afford any gas.”
Umirap ito. “What are you waiting for?”
Binuksan ni Saintour ang driver seat. Mabilis namang lumipat si Roxzel sa passenger seat at agad siyang pumasok.
Ipinaubaya ni Roxzel sa kaniya ang manibela.
“Please be careful with my baby.” Roxzel is referring to his car.
He started the engine of the car and turned back that's make Roxzel almost fall down on his seat.
Masamang tingin ang itinapon sa kaniya habang nagkakabit ng seatbelt.
“She's driving big bike.” He told him.
Roxzel eyes widened.
“What?!”
Inambangan niya ng suntok si Roxzel. Halos sa tenga niya na ito sumigaw. Inis na hinawakan niya ang kaniyang tenga. Sinamaan niya ito ng tingin.
“I didn't know she's coming, she saw everything.” kwento niya pa.
“What?!”
“I tried to explain but she run away.”
“What?!”
Masamang tingin ang itinapon niya kay Roxzel. “Wala ka na bang ibang sasabihin?! Kung what-what-in ko 'yang bibig mo?”
Napatakip si Roxzel sa kaniyang bibig.
Huminga ito ng malalim bago sumandal sa likod ng passenger seat. “We're in trouble este you are in trouble. Bakit naman ako madadamay sa'yo? Tangina! Sabit ba ako sa relasyon niyo?”
Saintour look at his phone and he saw her location stop by so he drive fast more than he do.
“Hey! Hey! Hey! Saint, slow down. Slow down!” pigil ni Roxzel.
“Charmy stop over 20 minutes away from us. I need to see and talk to her.”
Hindi niya alam kung bakit ito huminto na gayong hindi pa naman ito nakarating sa rancho.
Hindi kaya nagkaroon ng problema?
“Hey! Hey! Saint, slow down! Slow—Nahihilo ako!”
Mahigpit itong nakakapit sa seatbelt habang nakataas na ang mga paa. Sa sobrang bilis ng pagmamaneho niya madami siyang sasakyan na nilampasan.
Kung minsan napasigaw pa si Roxzel at napatakip ito sa bibig at naduwal pa!
Tanginang kabaklaan ‘yan!
“Putangina! Nasusuka ako!” reklamo ni Roxzel.
“Bago ka sumuka, wag mong kakalimutan na sasakyan mo 'to, ah?” paalala niya.
Nanlaki ang mata ni Roxzel. Pigil na pigil nito ang kaniyang bibig. Hindi niya pwedeng sukahan ang kaniyang pinakamamahal na baby.
“Gago! Para namang hindi ka pa naman nakasakay ng ganito ka bilis, eh, kung magpatakbo ka nga road to heaven!” Singal ni Saintour sa kaibigan
“Yes, I fucking do! But fuck! I used to fucking drive fast as I fucking could but I never tried how does it feels when you are in the fucking passenger!”
“Now you fucking know.”
Sinulyapan niya ng tingin si Roxzel at nginisihan. Inirapan siya nito at tumingin sa unahan.
Nakita niya ang paglaki ng mata nito. Bumukas ang bibig nito pero walang salitang lumalabas habang tinuturo ang sa unahan.
Tumingin siya sa unahan at nanlaki ang mata niya nang makita ang sasakyan sa kanilang harapan. Agad niyang inapakan ang break dahilan para lumikha ito ng malakas na ingay at nag-iwan ng bakas sa kalsada.
Huminto ang kanilang sasakyan limang pulgada ang layo sa isa pang sasakyan. Nagkatinginan silang dalawa at sabay na sumandal at bumuntong hininga.
“That was close.”
Ilang beses na bumuga ng marahas na hangin si Roxzel habang tinitipa ang dibdib.
Ipinikit niya naman ang kaniyang mga mata at hinilot ang sintido. Agad rin niyang iminulat ang kaniyang mata ng may kumatok sa bintana.
Kumunot ang noo niya bago tumingin kay Roxzel.
Nagkatitigan silang dalawa. Sumenyas ng gilit sa leeg ang kamay ni Roxzel bago sumenyas na buksan niya ang bintana.
“Hoy! Hindi ka ba marunong tumingin?!” Nakakarinding boses ng babae.
Familiar ang boses!
Ibinaba niya ang bintana. Nagkagulatan sila pareho nang makita nila ang isa't-isa.
“Ikaw?!”
“You?!”
Tumingin sa unahan si Saintour upang makita ang sasakyan. Hindi niya agad na pansin na ang sasakyan na iyon ay ang bulok na sasakyan kanina!
Kaya naman ang babaeng ito ulit ang nasa harapan niya.
“Wow naman. Ilang mamahaling sasakyan pa ba ang gagamitin mo para sagasaan talaga ng tuluyan ang sasakyan ko?” Sarkastikong turan ng dalaga at sinipa ang sinipa ang gulong ng sasakyan ni Roxzel.
“Hey! Hey!” Saway ni Roxzel.
“Miss, I know it's my driver's fault for being so impulsive, I'm so. . . Sorry for that.”
Hindi makapaniwalang nilingon niya si Roxzel na kinuha ang wallet. Nang tumingin siya sa dalaga kumunot ang noo nito bago ngumisi ng malapad.
“Here.” Inabot ni Roxzel ang calling card. “Just let him know how can I repay you for the inconvenience.”
Nakangiting tinanggap nito ang calling card. “Salamat. Ako nga pala si Shevaughn, ikaw?”
Hindi nagdalawang isip si Shevaughn na iabot ang kamay kay Roxzel. Dumaan sa harap ni Saintour ang kamay nito. Napangiwi siya nang makita ang dumi ng kamay nito at may kakaibang amoy.
“Tangina! Tama bang sabon pangalan mo tapos may putok ka?” bulaslas ni Saintour.
Binatukan ng dalaga si Saintour. “Shevaughn, hindi sabon! Tanga ka ba? Shevaughn as in S-H-E-V-A-U-G-H-N!”
Nagpipigil ng tawang tinanggap ni Roxzel ang kamay ni Shevaughn.
Ang lakas ng loob ng pulubi na batukan ang isang Saintour Cole!
“Hoy putok! Kapag nakilala mo ‘ko baka magsisi ka!” singhal ni Saintour.
Ngumisi si Shevaughn, “Sisiguraduhin ko na sa muli nating pagkikita, mas magsisisi ka. . .”
Tumikhim si Roxzel. “Nice to meet you. . . She-shebon? I'm Roxzel.”
“Shavaughn kasi!” Napakamot ito sa ulo, “Eva na nga lang! Tsk! Ganiyan ba kayong mayayaman maiikli ang dila?”
Pareho kasing iba pagkakabanggit ng dalawa sa kaniyang pangalan. Tinawag pa nga siyang sabon ng antipatiko!
“Hoy! Wag kang ganiyan madami na ‘tong napaligaya ‘no!” tutol ni Roxzel.
Matagal na nagkatitigan ang dalawa habang magkahawak ang kamay.
Kung hindi pa tumikhim si Saintour hindi nito babawiin. Sumulyap ang dalaga sa kaniya ng tingin na may pangmamaliit.
“Psh.”
Aalis na sana ang babae ng pigilan ito ni Roxzel. “Wait, have we meet before?”
Palipat-lipat ang mata ni Saintour sa dalawa na nagtititigan. Sunod-sunod namang umiling ang babae at ngumiti ng malapad.
“He can serve you like an angel.” tinutukoy ni Roxzel ang abogado sa calling card na inabot dito.
Kinindatan ito ni Roxzel. “Bye. Bye!”
Inis na pinagsarhan ni Saintour ng bintana at binuhay ang makina.
“This is not the right time to flirt.” baling niya sa kaibigan.
Bakit napipikon siyang kausap ni Roxzel ang babaeng ‘yon?
Nagmaneho siya papunta sa kinaruruonan ni Charmy. Hindi niya maiwasang hindi mapasulyap kay Roxzel. Naatahimik ito at malalim ang iniisip pagkatapos makita ang dalaga.
“I'm sure I've seen her before, just can't recognize where and when.” He tried to remember her. “Shevaughn. . .”
“I'm sure she's your cheapest fling.”
“Hey! Sumusobra ka na.” Saway nito sa kaniya.
“Eh ano 'yong ginawa mo? Pinagmukha mo akong driver mo! Gago!”
“Bro, you're in the driver seat of my car so you're definitely my driver this time. Why are you so guilty? Siguro tinitira mo 'yon?”
Mabilis niyang inapakan ang preno at masamang tingin ng itinapon kay Roxzel. “Huh! Kahit aso hindi siya lalapain.”
Ngumiti naman ito ng pilit. “Sabi ko nga kailangan natin siyang mahanap.”
Napakamot si Roxzel sa batok. “Kakatira mo pa nga lang eh.”
Kung wala lang itong ambag sa kaniya kanina niya ito sinipa palabas ng sasakyan. Hinayaan niya itong dumadak ng dumadak hanggang sa makarating sila sa lugar na pinuntahan ni Charmy.
“Hey!” Kuha nito ng attention niya. “By the way I gave her the calling card of my lawyer.”
“Who care—What?!”
Halos lumabas ang litid sa ulo ni Saintour nang mapagtanto na ang inabot na calling card sa babaeng ‘yon ay ang kaniyang calling card.
“Ano na namang katarantaduhan ang ginawa Saintour? Umuwi ka ngayon din!”
Bago pa man matagpuan ni Saintour ang kaniyang nobya, nakatanggap siya ng tawag mula sa kaniyang ama.
Bago pa man sagutin ni Saintour ang telepono—alam niya na agad ang ibubungad ng kaniyang ama dahil lahat ng kilos niya sa loob ng kompanya ay nakakarating rito. At ang mangyaring eskandalo sa ngayon-ngayon lang mabilis itong makakarating sa kaniyang ama.
Hindi nga siya nagkamali, galit na galit ito.
“I'm busy—”
“In 10 minutes I want you here in front of my eyes, Saintour Cole!” bulyaw nito bago ibinaba.
Nangingibabaw man ang kagustuhan niyang mahanap ang kaniyang nobya ngunit hindi ipagpapalit ang kaligtasan ng kaniyang ama lalo pa't kakalabas lamang nito ng hospital.
Nagkatinginan sila ni Roxzel, walang imik na inikot niya ang sasakyan pa uwi sa mansyon ng pamilya Cole.
Inihinto ni Saintour ang sasakyan sa labas ng matayog at malapad na gate ng kaniyang pamilya.
Nilingon niya si Roxzel, “I will deal with my father first.”
“Good luck men! Nawa'y sapat ang tigas ng tuhod mo nahahanap sa haring dragon.” pang-aalaska ni Roxzel.
“Sumama ka nang makita mo kung gaano katibay ang tuhod ko.”
“Ulol! Idadamay mo pa ako sa galit ni Uncle Samson!”
Naiiling na bumaba ng sasakyan si Saintour. Agad namang pinasibad ni Roxzel paalis ang sasakyan dahilan para maiwang bagsak balikat si Saintour.
Bumukas ang gate para sa kaniya.
Habang tinatahak ang pathway patungo sa bungad ng kanilang mansion nag-iisip siya ng palusot sa kaniyang ama.
Alangan naman sabihin niya sa kaniyang ama—magbabago na ako, Dad! Hindi na mauulit.
Tangina! Gasgas na nag linyahang ‘yon! Baka doon pa matuluyan ang kaniyang ama.
Agad na bumukas ang double door para sa kaniya, bumungad ang mayordoma. “Good afternoon, Young Master!”
“Where's dad?” seryoso niyang taong dito.
“Kanina pa naghihintay sa sala si Sir Samson,” tugon nito.
Dumeretso si Saintour sa malawak na sala ng kanilang mansion. Agad na natigilan na hindi lamang ang ama ang naghihintay.
Nakatayo ang kaniyang ama malapit sa bintana, nakatanaw ito sa labas dahilan para mapagtanto niya na pinagmamasdan siya papasok.
Ang kaniyang ina ay nakaupo sa mahabang sofa. Kasama ang kapatid ng kaniyang ama na si Sunshine at ang kaniyang kinabubuwisitan na pinsan na si Santino.
“Saint,” wika ng kaniyang ina at tumayo.
Lumingon sa kaniya ang kaniyang ama kung kaya't agad na nalipat dito ang kaniyang mga mata.
Napalunok si Saintour nang makita ang marahas na mga mata ng ama at naglakad ito papalapit sa kaniya.
“Isa kang hangal!”
Awtomatikong tumama sa pisngi ni Saintour ang malakas na sampal ng kaniyang auma.
“Minsan ka lang makakahawak ng ganito kakapal na pera sa buong buhay mo!” Isinampal ni Secretary Madeline kay Shevaughn ang pera. “Makukuha mo ang pera na ‘to kung magmamakaawa ka sa akin, hahalikan mo ang paa ko at humingi ng tawad sa pagpapahiya sa akin!” Nakangising sambit ni Secretary Madeline.“Kung magyayabang ka ng pera, sisiguraduhin mo na galing sa sarili mong bulsa.” wika ni Shevaughn dahil nakita niya kung saan nito kinuha ang pera na ‘yon.Mas lalong namula sa galit si Secretary Madeline, galit na pinagsasampal si Shevaughn gamit ang pera. Itinapon ang ilang libo sa mukha ni Shevaughn at kinumos ni Secretary Madeline ang ilang libo at pilit ipinapakain kay Shevaughn.Pumapalag si Shevaughn pero agad ring napirmi sa kaniyang pagkakadapa sa sahig dahil hinawakan ng dalawang kasamahan ni Secretary Madeline ang kaniya magkabilaang braso.“Tama na ‘yan!” saway ni Secretary Thompson.Sinulyapan ni Secretary Thompson ang kaniyang mamahalin na pambisig na relo upang tingnan ang or
Lahat ay napalingon sa pinanggalingan ng boses maging si Shevaughn ay napatingin doon. A man in a maroon outfit; from blazer to trouser.Nagsigilid ang mga empleyado upang bigyan ang daan si Secretary Thompson, ang Secretary ni Mr. Monteverde.“Anong kaguluhan ito?” Isinarado ni Secretary Thompson ang butones ng blazer.Natigilan si Secretary Thompson nang makitang nakasalampak sa maduming sahig si Secretary Madeline, umiiyak at kaawa-awa ang kalagayan.Dumapo ang mata ni Secretary Thompson kay Shevaughn, pinasadahan ito ng tingin mula ulo hanggang paa.Magmula ng maging empleyado si Secretary Thompson ng Monteverde Global Holdings, ngayon lamang siya nakakita ng hampaslupa na napadpad sa kanilang kumpanya.Walang ibang nakikita si Secretary Thompson kundi ang hampaslupa na nasa harapan ang may kagagawan no'n kay Secretary Madeline.“Secretary Thompson!”“Secretary Thompson, tulungan niyo si Secretary Madeline!”Agad na sumalubong ang dalawang kasamahan ni Madeline kay Secretary Thomp
Hindi makatulog si Shevaughn dahil sa nabasa niyang mensahe kung kaya't kinabukasan, maagang-maaga siyang umalis sa kanilang tahanan.Upang hindi mag-alala ang kaniyang Mamang Esme at Papang Ringhoy, nagpaalam siya na didistakarte para sa pandagdag na pera sa pambili ng gamot at follow-up check ng kaniyang Manang Esme.Hindi pa sapat ang kaniyang ipon, ang kinita niya kahapon na dapat para sana pambili ng gamot ng kaniyang Mamang ay nauwi sa pambili ng bigas at pangangailangan sa loob ng bahay na aabot hanggang dalawang linggo.Aabot pa naman sa makalawa ang gamot ng kaniyang Mamang at sa susunod na buwan pa naman ang check-ip nito kung kaya't para sa kaniya ay may oras pa siya para pag-ipunan ‘yon.Inuna niya muna ang mga bagay na mas importante—ang hindi mawalan ng laman ang hapag! Kahit na simple, basta sila ay mabusog.“Nakarating rin sa wakas!” Puno ng sayang sambit ni Shevaughn nang makarating sa tapat ng malawak at matayug na gusali ng Monteverde Global Holdings.Ang Monteverde
Mahaba ang gabi ni Saintour at Roxzel dahil sa sanggol na lalaki na natagpuan sa loob ng sasakyan ni Saintour.Umaalingawngaw sa loob ng condo ni Roxzel ang iyak ng sanggol dahilan kung para hindi sila makatulog.“Anong gagawin ko? Saintour, tulungan mo 'ko sabi!” Sigaw ni Roxzel.Binato ni Roxzel ng unan si Saintour na sinusubukan nitong matulog sa sofa-bed habang nakatakip ng mga unan sa tenga.“Padedehin mo!” Bulyaw ni Saintour na tila nauubusan ng pasensya.Ito na nga ang pinakaayaw ko sa lahat!“Ginawa ko na pero ayaw niya!” Aburido na tugon ni Roxzel.“Patulugin mo!” Utos ni Saintour.“Ginawa ko na pero trip niya talagang umiyak!” Giit naman ni Roxzel.“Trip ko ring matulog!” Ibinato ni Saintour ang unan at bumangon. “Kaya kung hindi 'yan titigil ihuhulog ko na 'yan sa bintana!” Mabilis na inawat ni Roxzel si Saintour nang lalapitan nito ang bata na pinaupo nila sa sofa at panay ang iyak, nagpapadyak ang malilit nitong paa.“Gago ka ba?! Bata lang ‘yan!” Saway ni Roxzel.Nilapit
Sa kabilang banda, sa iskuwater. Napakaraming bahay. Siksikian at kahit bulungan ng kapitbahay ay dinig sa kabilang bahay.Maraming bata na nagkalat sa lansangan, may mga batang umiiyak, may mga matatamlay at ang iba ay idinadaan na lamang sa laro ang gutom.Doon na rin nakatira ang lahat ng klase ng taong gumagawa ng crimen. Karamihan sa mga ‘yon ay mabubuting tao, natututong gumawa ng masama upang may maipakain sa pamilya.Gabing gabi na ay pauwi pa lamang si Shevaughn o mas kilala sa pangalang Eva—sa kanilang munting tahanan, suot niya ang damit pang matanda at mayroon rin siyang wig na kulay puti at gusot-gusot—nakuha niya ‘yon sa basurahan, isinuot niya ‘yon dahil mapapakinabangan naman.Kahit na anong oras siya dumaan sa eskinita ay hindi siya napagti-tripan ng mga tambay, lasinggero o sugarol dahil kilalang-kilala siya sa kanilang lugar na Eva-balibag ka.“Paldo! Paldo ang Lola niyo!” Patalon-talon na binibilang ni Shevaughn ang ilang libong nakuha niya nang walang kahirap-hira
Pagkatapos ng nakakabaliw nilang dramahan. Napagdesisyunan nilang dalawa na pumunta sa pinakamalapit na resto-bar upang kumain ng hapunan.Ang sasakyan na lamang ni Saintour ang ginamit nila at ito na rin ang nagmaneho.Habang nasa byahe panay ang scroll ni Roxzel sa kaniyang social media at kapag may nakita itong magandang babae, ipinapakita rin sa kaniya dahilan para mawala siya sa focus sa pagmamaneho at muntik-muntikan pa silang makabundol ng matandang babae.“Shit! Shit! Kasalanan mo 'to!” Paninisi ni Saintour.“Ano? Bakit ako, eh ikaw ang nagmamaneho!”“Eh sa ginugulo mo ako!” Singhal niya dito.Nagkatinginan silang dalawa. Nagmamadaling bumaba si Roxzel, sa kasamaang palad na patid ito ng seatbelt dahilan para lumanding ito sa kalsada. Tawang-tawa si Saintour hanggang sa sumakit ang tiyan. May papalakpak pa ito at pa tayo-tayo pa kaya na untog ang ulo niya—siya naman ang tinawanan ni Roxzel nang makabalik sa loob ng sasakyan.“Ilang isda ba ang na huli mong galunggong ka?!” Pa







