LOGINPagkatapos ng nakakabaliw nilang dramahan. Napagdesisyunan nilang dalawa na pumunta sa pinakamalapit na resto-bar upang kumain ng hapunan.
Ang sasakyan na lamang ni Saintour ang ginamit nila at ito na rin ang nagmaneho.
Habang nasa byahe panay ang scroll ni Roxzel sa kaniyang social media at kapag may nakita itong magandang babae, ipinapakita rin sa kaniya dahilan para mawala siya sa focus sa pagmamaneho at muntik-muntikan pa silang makabundol ng matandang babae.
“Shit! Shit! Kasalanan mo 'to!” Paninisi ni Saintour.
“Ano? Bakit ako, eh ikaw ang nagmamaneho!”
“Eh sa ginugulo mo ako!” Singhal niya dito.
Nagkatinginan silang dalawa.
Nagmamadaling bumaba si Roxzel, sa kasamaang palad na patid ito ng seatbelt dahilan para lumanding ito sa kalsada.
Tawang-tawa si Saintour hanggang sa sumakit ang tiyan. May papalakpak pa ito at pa tayo-tayo pa kaya na untog ang ulo niya—siya naman ang tinawanan ni Roxzel nang makabalik sa loob ng sasakyan.
“Ilang isda ba ang na huli mong galunggong ka?!” Pang-aasar niya dito.
“Eh, ilang star ba ang nakita mong damuho ka?!” Balik na singhal ni Roxzel.
Natigilan silang dalawa bago sabay na humagalpak ng tawa. Tinatawan nila ang kanilang sarili na parang kambal ba kung may mangyayaring kamalasan sa isa may ganti sa isa.
“Kamusta 'yong Lola?”
Napakamot sa ulo si Roxzel. “Ah? Eh. . . Binigyan ko na lang ng calling card at pera.”
“Gago!”
Inihinto niya ang sasakyan sa tapat ng paborito nilang lugar. Nagkatinginan silang dalawa at kumindat sa isa't-isa. Sabay silang bumaba at inayos ang kanilang suot.
“Mga boss!” Bati sa kanila ng guard at sumaludo.
Pinagbuksan sila nito ng p***o at sumalubong sa kanila ang halimuyak ng langit.
Sabado bukas kaya hindi na bago sa kanila kung maaga pa lang punuan na. Madaming kumakain, karamihan magkakaibigan, officemate, o kaya magshota.
Sinalubong sila ng isang sexy na entertainer. “This way sir,”
Nakangiting iginaya sila nito sa dulong bahagi ng restaurant. Nagkatinginan ang dalawa at sabay na iginalaw ng isang braso na para bang bumabayo habang nakakagat-labi.
Umupo sila sa itinuro nitong bakante. May menu na sa kanilang harapan kaya binuklat na ito ni Roxzel. Samantalang si Saintour naglulumikot ang kaniyang mata sa grupo ng babaeng sumasayaw sa dancefloor.
Lumapit sa kanila ang waitress. “May I have your order sir?”
Tumingin si Roxzel sa gawi ni Saintour. Nakita niya itong nakatingin sa mga babae. Sa ilalim ng mesa inapakan niya ang paa nito dahilan para mapasigaw ito kaya nagtinginan sa kanila ang tao sa kalapit na table.
“Ano ba?! Bakit mo ako inapakan?” Gigil na tanong ni Saintour habang iniinda ang sakit.
“Order mo daw.” Pinandilatan siya ni Roxzel at suminyas gamit ang nguso.
Sinulyapan niya naman ang tinuturo nito kaya agad siyang ngumiti. “Yes? H-Hi.”
“What's you're order, Sir?”
Kumunot ang noo ni Saintour. “Oorder ba kami?”
“Aray!” Malakas na daing ni Saintour nang apakan ni Roxzel ang isa pang paa.
“A-ah... Oo, siya! Siya na ang bahala.”
Pinandilatan ni Saintour si Roxzel na halos maihi na sa sakit. Pasimple namang ngumiti si Roxzel. Kulang pa 'yon sa sakit na nararamdaman niya ng lumanding siya sa kalsada.
Sasabihin na sana ni Roxzel ang order nila nang sabay na tumunog ang kanilang phone tanda na nakatanggap ng mensahe.
Nagkatinginan ang dalawa habang kinukuha ang phone sa kaniya-kaniyang bulsa ng pantalon. Napatingin si Roxzel sa waitress at mahinang tumawa naman si Saintour. Ngumiti ang waitress ng sumiyas si Roxzel na sandali lang.
“Ahh?!” Bulaslas ni Saintour.
Napatingin sa kanila ang mga tao sa kalapit na mesa pero wala siyang pakialam sa mga ito.
Binasa ni Saintour nang malakas ang mensahe ni Stephen mula sa kanilang group chat na silang tatlo lamang ang miyembro.
“Pumunta kayo sa hospital ngayon din! Kung hindi kayo magpapakita sa loob ng kalahating oras sisiguradohin kung mababaon kayo sa hukay kasama ng abo ni Qarem!”
Si Stephen ay nakakatandang kapatid ni Saintour na mas piniling magtayo ng sariling negosyo mula sa wala kaysa ang maging tagapagmana ng pamilya Cole.
Kahit na iba ang tinatahak nito, hindi ‘yon naging hadlang para maputol ang magandang samahan nilang magkapatid, naging tunay na pagkasangga.
“Waahhh!”
Sabay na hiyaw ng dalawa habang nakikita ang kanilang sarili sa hukay.
Wala silang pakialam sa mga taong nasa paligid sa kanila. Ang waitress ang nahihiya para sa dalawang Adonis na lalaki na parang bata kung umasta.
Nagkatitigan ang dalawa. “Qarem?!”
Napakurap-kurap sila pareho nang hindi nila kilala ang pangalan na nabangit nito. Muling ibinalik ni Saintour ang mata sa phone.
Nagreact pa ng cry emoji si Roxzel!
Kinuha ni Roxzel ang wallet at nag-iwan ng pera sa mesa. Humingi rin ng paumanhin sa waitress.
Si Saintour tumayo na sa kaniyang silya. Tatakbo na sila palabas nang biglang mapatid si Saintour sa paa ng isa pang silya dahilan para matulak niya si Roxzel—sabay silang na dapa!
Nagulat ang waitress sa kanilang pagbagsak maging ang mga tao sa malapit. Ang ilan na tawa sa kanilang katangahan.
Inis na tinulak ni Roxzel si Saintour dahil dinamay pa siya nito sa katangahan.
Nagmamadaling lumabas si Roxzel dahil sa kahihiyan. Samantalang si Saintour naman panay hingi ng pasensiya sa nagawa nilang katangahan.
“Bakit ba palagi na lang akong minamalas kapag kasama kita?!” Inis na sumakay si Roxzel sa passenger seat.
“Tanong ko rin 'yan.” Nakangising nagmaneho si Saintour patungo sa hospital na nabanggit ni Stephen.
Nakatuon ang attention ni Saintour sa pagmamaneho habang si Roxzel naman ay abala sa phone.
“Ahhhh!!” Malakas na hiyaw ni Roxzel at nabitawan pa ang phone nito.
Nagulat naman si Saintour sa ginawang pagsigaw ni Roxzel kaya inapakan niya ang break.
“Putangina mong gago ka! Bakit ka sumisigaw?!”
Inis na turan ni Saintour at sinamahan ng tingin si Roxzel. Hindi gumagalaw si Roxzel at nakatulala ito.
Tinanggal ni Saintour ang seatbelt at dahan-dahang nilapit ang kamay para tingnan si Roxzel kung buhay pa.
“Roxzel, ayos ka lang?” Kinakabahang tanong ni Saintour at kinaway ang kamay sa harapan nito. “Buhay ka pa ba?”
“Ahhhhh!!!”
Awtomatikong napatalon si Saintour sa kandungan ni Roxzel at nayakapan silang dalawa ng marinig ang iyak ng sanggol.
Napatingin sila sa labas ng bintana at napansin nilang nasa madilim na bahagi sila ng kalsada na kakahoyan.
“Chanak!”
“Ito na ba ang sinasabi ni Mommy na multo ng hindi ko paghahanap ng asawa?”
“Waahh!”
Muli nilang hiyaw nang marinig ang iyak ng sanggol mula sa kanilang likuran. Para silang hindi mga lalaki dahil magkayap na magkayap sila at halatang takot na takot.
Multo ang pinag-uusapan natin dito! Sympre, takot ako diyan!
“Mommy, mag-aasawa na ako bawiin mo lang ang sinabi mo!” Hiyaw ni Roxzel na animo'y maririnig ng mommy nito.
Tangina talaga!
“Tita kung anumang sumpa ang ginawa mo kay Roxzel, please lang wag niyo akong idamay! Tutulongan ko po kayo na makapag-asawa na 'to kahit bukas na bukas pa!” Paki-usap naman ni Saintour.
Ginawa pang patay ang Nanay ni Roxzel.
Natahimik ang dalawa ngunit hindi tumitigil ang iyak ng sanggol. Itinulak ni Roxzel si Saintour dahilan para makabalik ito sa driver seat.
Habang pinapakingan nila ito nang matagal napagtanto nila na hindi ito chanak.
Iyak nga ‘yon ng totoong bata!
“Do I heard it, right?” Mahinang tanong ni Saintour at tinuro ang likod ng sasakyan.
Tumango naman si Roxzel at tumingin sa dulo.
The sounds came from the back of Saintour’s car!
“Go check it.” Cool na inutusan ni Saintour si Roxzel.
“What? Huh! Naduduwag ka 'no? Umamin ka na nga, bakla ka ba?” Nakangising umayos ng upo si Roxzel.
Tangina! Akala mo naman basehan ang pagiging takot sa multo ang pagiging bakla!
“Ako?” Tinuro ni Saintour ang sarili.
Hindi na nga mabilang kung ilang babae na ang napaligaya ng kamay—este dumaan sa kamay ko!
“Bakla? Eh ano 'yang nasa bintana mo?” Dahan-dahang tinuro ni Saintour ang nasa likod nito.
Nanlaki ang mata ni Roxzel at bakas sa mukha nito ang takot na hindi magawang lumingon sa bintana.
“Holy mother fucker I'm so handsome!” Sigaw ni Saintour dahilan para magulat si Roxzel.
Napatalon ito kay Saintour kung kaya't si Roxzel naman ang nakaupo sa kandungan niya. Tumawa ng malakas si Saintour.
“Ugh!”
Nakangising kinindatan ni Saintour si Roxzel. Batok naman ang natanggap niya dito at mabilis na binuksan ang driver seat at bumaba habang hinahaplos ang braso dahil kinikilabutan ito sa kaniya.
“Mas nakakakilabot ka pa sa multong gago ka!”
Tumawa ng malakas si Saintour nang makita ang reaction ni Roxzel. Bumaba na rin siya ng sasakyan at sinundan si Roxzel na pumunta sa likod ng sasakyan.
Sumenyas si Roxzel na buksan niya ang compartment nang makumpirma na sa loob nga ng sasakyan nang gagaling ang iyak ng sanggol.
Pinindot ni Saintour ang remote ng sasakyan at awtomatikong bumukas ang compartment.
Bumungad sa kanilang dalawa ang itim na duffle bag. Walang natatandaan si Saintour na nagdala siya ng duffle bag.
Anong ginagawa niyan sa sasakyan ko?
Nagtutulakan silang dalawa kung sino ang lalapit sa bag upang buksan ito.
Sa huli sabay silang lumapit sa duffle bag at maging sa pagbukas nito pareho silang nakahawak sa zipper at dahan-dahang binuksan.
Nagkatinginan silang dalawa nang bumungad sa kanila ang baby na namumutla na dahil sa matinding pag-iyak.
“Ow... Aw! What are you doing here, little monkey.” Nakangiting nilaro ni Saintour ang kamay nito.
Akmang kukunin niya para buhatin ng tapikin ni Roxzel ang kamay niya.
“Teka! Teka! Marunong ka bang kumarga?”
Sunod-sunod na umiling si Saintour. “Malamang hindi! Kaya buhatin mo para tumahan.”
Susundin na sana ni Roxzel ang sinabi ni Saintour nang bigla niyang maalala na hindi rin siya marunong kumarga ng bata.
“Tangina, ako rin!”
Nilaro ni Saintour ang kamay ng bata para tumigil sa kakaiyak pero mas lumakas ang iyak nito habang si Roxzel naman naghahanap ng phone niya dahil na wala daw ito sa bulsa.
“Saint! Ayaw tumahan sabihin mo lang isasabit ko 'to sa puno!”
Nagmamadaling nilapitan ni Saintour ang dalawa nang mahimigan sa boses ni Roxzel na pikon na ito.
“Ano ka ba baby lang 'yan! Tabi nga!”
“Hello! Hello, cutie little monkey!”
Nakangiting nilapit ni Saintour ang mukha sa baby at agad na nahinto ito sa pag-iyak.
Nagkatinginan ang dalawa nang ngumiti pa ang bata.
“Putangina...” Mahinang sambit ni Roxzel. “Anak mo 'to 'no?!”
Nagulat si Saintour dahilan para mauntog ang ulo niya. Inis na napahawak si Saintour sa ulo niya.
“Gago ka ba?! Sabihin mo nga paano ka mamatay sa giera kung may suot kang protection?”
Tumayo sila pareho habang pinakatitigan ang sanggol, kulang na lang idikit ng dalawa nag mata sa mukha nito.
Unti-unti na namang bumabalik sa pag-iyak.
“He look a little bit you. He have thick eyebrows same as you.” Roxzel observation.
“He have a black hair same as you. And have two pair of eyes same as you.” Saintour replied.
“He have—”
Awtomatikong nilingon ni Roxzel ang katabi.
“Are you serious?! Kahit asong bulag dalawa ang mata! Basta hindi sa akin ang batang 'yan! Baka naman sa 'yo!” protesta ni Roxzel.
Eh sa wala na akong maisip na may kapareho sa kaniya! Kasi ang totoo. . . Nakikita ko rin ang sarili ko sa bata!
“Sa akin? Huh! Mag-aapon na lang ako ng pusa para maging daddy!” tugon ni Saintour.
“Saint, nag-iisip ka ba? Ilalagay ba 'yan sa loob ng sasakyan mo kung hindi sa 'yo? Kitang-kita naman na malapit sa 'yo! Nakita pa nga lang ang mukha mo tumahan na kaya sigurado akong sa’yo 'yan!”
Hindi pwede ‘to! Hindi na ako babalikan ni Charmy kapag nalaman niya ‘to!
Sa gitna ng bangayan nila ng tumunog ang phone ni Saintour. Agad iyong dinukot ni Saintour sa bulsa.
He immediately answered his mother's call. “Mom?”
Natahimik si Saintour. Napalunok nang bumungad sa kaniya ang malakas na hagulhol ng kaniyang Ina.
Bago pa man masabi ng ina ni Saintour ang masamang balita, nabasa na ni Roxzel ang mensahe ni Stephen.
Nagkatinginan silang dalawa. “Stephen's car was bombed his son died. . .”
“Calm down, mom. I'll be there.” sambit ni Saintour sa kaniyang ina bago ito binabaan ng tawag.
Napagtanto nilang dalawa na ang pangalang Qarem sa mensahe ni Stephen ay pangalan ng anak nito.
Pero teka lang!
Kailan pa nagkaroon ng anak ang kaniyang kapatid? Bakit hindi nito nabanggit na nag-asawa na?
Sa iisipin na nawalan siya ng pamangkin, may kurot rin sa kaniyang puso.
“I never seen my nephew and I'm going to see his ash. What a unlucky night, right?”
Nilapitan ni Roxzel si Saintour, mahinang tinapik sa balikat upang damayan ito.
Biglang nawala sa mukha ng dalawa ang kaligayahan dahil sa kanilang nalaman para bang mabilis na natakpan ng kalungkutan ang kalokohan sa kanilang mukha.
Isang meyembro na naman ng pamilya ang nawala. Isang inosenteng bata na walang kalaban-laban.
“He's my nephew too.” tugon ni Roxzel.
Dumapo ang mata ni Saintour sa duffle bag!
Namatay ang kaniyang pamangkin at mayroon namang bata na naligaw sa sasakyan niya!
Tangina! Kaninong anak ba ‘to?!
“Minsan ka lang makakahawak ng ganito kakapal na pera sa buong buhay mo!” Isinampal ni Secretary Madeline kay Shevaughn ang pera. “Makukuha mo ang pera na ‘to kung magmamakaawa ka sa akin, hahalikan mo ang paa ko at humingi ng tawad sa pagpapahiya sa akin!” Nakangising sambit ni Secretary Madeline.“Kung magyayabang ka ng pera, sisiguraduhin mo na galing sa sarili mong bulsa.” wika ni Shevaughn dahil nakita niya kung saan nito kinuha ang pera na ‘yon.Mas lalong namula sa galit si Secretary Madeline, galit na pinagsasampal si Shevaughn gamit ang pera. Itinapon ang ilang libo sa mukha ni Shevaughn at kinumos ni Secretary Madeline ang ilang libo at pilit ipinapakain kay Shevaughn.Pumapalag si Shevaughn pero agad ring napirmi sa kaniyang pagkakadapa sa sahig dahil hinawakan ng dalawang kasamahan ni Secretary Madeline ang kaniya magkabilaang braso.“Tama na ‘yan!” saway ni Secretary Thompson.Sinulyapan ni Secretary Thompson ang kaniyang mamahalin na pambisig na relo upang tingnan ang or
Lahat ay napalingon sa pinanggalingan ng boses maging si Shevaughn ay napatingin doon. A man in a maroon outfit; from blazer to trouser.Nagsigilid ang mga empleyado upang bigyan ang daan si Secretary Thompson, ang Secretary ni Mr. Monteverde.“Anong kaguluhan ito?” Isinarado ni Secretary Thompson ang butones ng blazer.Natigilan si Secretary Thompson nang makitang nakasalampak sa maduming sahig si Secretary Madeline, umiiyak at kaawa-awa ang kalagayan.Dumapo ang mata ni Secretary Thompson kay Shevaughn, pinasadahan ito ng tingin mula ulo hanggang paa.Magmula ng maging empleyado si Secretary Thompson ng Monteverde Global Holdings, ngayon lamang siya nakakita ng hampaslupa na napadpad sa kanilang kumpanya.Walang ibang nakikita si Secretary Thompson kundi ang hampaslupa na nasa harapan ang may kagagawan no'n kay Secretary Madeline.“Secretary Thompson!”“Secretary Thompson, tulungan niyo si Secretary Madeline!”Agad na sumalubong ang dalawang kasamahan ni Madeline kay Secretary Thomp
Hindi makatulog si Shevaughn dahil sa nabasa niyang mensahe kung kaya't kinabukasan, maagang-maaga siyang umalis sa kanilang tahanan.Upang hindi mag-alala ang kaniyang Mamang Esme at Papang Ringhoy, nagpaalam siya na didistakarte para sa pandagdag na pera sa pambili ng gamot at follow-up check ng kaniyang Manang Esme.Hindi pa sapat ang kaniyang ipon, ang kinita niya kahapon na dapat para sana pambili ng gamot ng kaniyang Mamang ay nauwi sa pambili ng bigas at pangangailangan sa loob ng bahay na aabot hanggang dalawang linggo.Aabot pa naman sa makalawa ang gamot ng kaniyang Mamang at sa susunod na buwan pa naman ang check-ip nito kung kaya't para sa kaniya ay may oras pa siya para pag-ipunan ‘yon.Inuna niya muna ang mga bagay na mas importante—ang hindi mawalan ng laman ang hapag! Kahit na simple, basta sila ay mabusog.“Nakarating rin sa wakas!” Puno ng sayang sambit ni Shevaughn nang makarating sa tapat ng malawak at matayug na gusali ng Monteverde Global Holdings.Ang Monteverde
Mahaba ang gabi ni Saintour at Roxzel dahil sa sanggol na lalaki na natagpuan sa loob ng sasakyan ni Saintour.Umaalingawngaw sa loob ng condo ni Roxzel ang iyak ng sanggol dahilan kung para hindi sila makatulog.“Anong gagawin ko? Saintour, tulungan mo 'ko sabi!” Sigaw ni Roxzel.Binato ni Roxzel ng unan si Saintour na sinusubukan nitong matulog sa sofa-bed habang nakatakip ng mga unan sa tenga.“Padedehin mo!” Bulyaw ni Saintour na tila nauubusan ng pasensya.Ito na nga ang pinakaayaw ko sa lahat!“Ginawa ko na pero ayaw niya!” Aburido na tugon ni Roxzel.“Patulugin mo!” Utos ni Saintour.“Ginawa ko na pero trip niya talagang umiyak!” Giit naman ni Roxzel.“Trip ko ring matulog!” Ibinato ni Saintour ang unan at bumangon. “Kaya kung hindi 'yan titigil ihuhulog ko na 'yan sa bintana!” Mabilis na inawat ni Roxzel si Saintour nang lalapitan nito ang bata na pinaupo nila sa sofa at panay ang iyak, nagpapadyak ang malilit nitong paa.“Gago ka ba?! Bata lang ‘yan!” Saway ni Roxzel.Nilapit
Sa kabilang banda, sa iskuwater. Napakaraming bahay. Siksikian at kahit bulungan ng kapitbahay ay dinig sa kabilang bahay.Maraming bata na nagkalat sa lansangan, may mga batang umiiyak, may mga matatamlay at ang iba ay idinadaan na lamang sa laro ang gutom.Doon na rin nakatira ang lahat ng klase ng taong gumagawa ng crimen. Karamihan sa mga ‘yon ay mabubuting tao, natututong gumawa ng masama upang may maipakain sa pamilya.Gabing gabi na ay pauwi pa lamang si Shevaughn o mas kilala sa pangalang Eva—sa kanilang munting tahanan, suot niya ang damit pang matanda at mayroon rin siyang wig na kulay puti at gusot-gusot—nakuha niya ‘yon sa basurahan, isinuot niya ‘yon dahil mapapakinabangan naman.Kahit na anong oras siya dumaan sa eskinita ay hindi siya napagti-tripan ng mga tambay, lasinggero o sugarol dahil kilalang-kilala siya sa kanilang lugar na Eva-balibag ka.“Paldo! Paldo ang Lola niyo!” Patalon-talon na binibilang ni Shevaughn ang ilang libong nakuha niya nang walang kahirap-hira
Pagkatapos ng nakakabaliw nilang dramahan. Napagdesisyunan nilang dalawa na pumunta sa pinakamalapit na resto-bar upang kumain ng hapunan.Ang sasakyan na lamang ni Saintour ang ginamit nila at ito na rin ang nagmaneho.Habang nasa byahe panay ang scroll ni Roxzel sa kaniyang social media at kapag may nakita itong magandang babae, ipinapakita rin sa kaniya dahilan para mawala siya sa focus sa pagmamaneho at muntik-muntikan pa silang makabundol ng matandang babae.“Shit! Shit! Kasalanan mo 'to!” Paninisi ni Saintour.“Ano? Bakit ako, eh ikaw ang nagmamaneho!”“Eh sa ginugulo mo ako!” Singhal niya dito.Nagkatinginan silang dalawa. Nagmamadaling bumaba si Roxzel, sa kasamaang palad na patid ito ng seatbelt dahilan para lumanding ito sa kalsada. Tawang-tawa si Saintour hanggang sa sumakit ang tiyan. May papalakpak pa ito at pa tayo-tayo pa kaya na untog ang ulo niya—siya naman ang tinawanan ni Roxzel nang makabalik sa loob ng sasakyan.“Ilang isda ba ang na huli mong galunggong ka?!” Pa







