공유

Kabanata V

작가: SOLI DEO
last update 게시일: 2026-10-23 21:20:57

Sa kabilang banda, sa iskuwater. Napakaraming bahay. Siksikian at kahit bulungan ng kapitbahay ay dinig sa kabilang bahay.

Maraming bata na nagkalat sa lansangan, may mga batang umiiyak, may mga matatamlay at ang iba ay idinadaan na lamang sa laro ang gutom.

Doon na rin nakatira ang lahat ng klase ng taong gumagawa ng crimen. Karamihan sa mga ‘yon ay mabubuting tao, natututong gumawa ng masama upang may maipakain sa pamilya.

Gabing gabi na ay pauwi pa lamang si Shevaughn o mas kilala sa pangalang Eva—sa kanilang munting tahanan, suot niya ang damit pang matanda at mayroon rin siyang wig na kulay puti at gusot-gusot—nakuha niya ‘yon sa basurahan, isinuot niya ‘yon dahil mapapakinabangan naman.

Kahit na anong oras siya dumaan sa eskinita ay hindi siya napagti-tripan ng mga tambay, lasinggero o sugarol dahil kilalang-kilala siya sa kanilang lugar na Eva-balibag ka.

“Paldo! Paldo ang Lola niyo!” 

Patalon-talon na binibilang ni Shevaughn ang ilang libong nakuha niya nang walang kahirap-hirap.

Imagine, naisipan niya lang na magpangap na matanda. Hindi niya inakala na sa katangahan niyang muntik siyang mabundol ay doon siya kumita ng malaki!

“May pambili na ako ng gamot ni Mamang! Hindi na rin kailangan mangalakal ni Papang!” sambit niya sa kaniyang sarili.

May sakit ang kaniyang Mamang at matanda na rin ang kaniyang Papang para magtrabaho pa. 

Ang iskuwater ay lugar din na tambakan ng basura kung kaya't pangangalakal na ang hanapbuhay.

Ngunit hindi ‘yon sapat dahil madaming nag-aagawan kapag may dumarating na mga truck ng basura.

Kaya kailangan pa rin dumiskarte sa labas. Kung anu-anong diskarte ang ginagawa niya para kumita.

Kung anu-anong trabaho ang pinapasukan niya basta may sasahurin siya sa maghapon, masaya na siya! 

Nasubukan niya ng mamalimos, magtinda ng sampaguita at maglako ng balot ngunit babagsak at babagsak pa rin siya sa pangangalakal.

“Multo!” sigaw ng batang nakasalubong ni Shevaughn.

Natigilan si Shevaughn, ibinulsa niya ang kaniyang pera. Nilingon ang batang natakot sa kaniyang itsura at dahil inabutan rin siya ng kabaliwan, hinabol niya ito.

“Whoo! Kakainin kita!” 

Mas lalong napatili ang bata at nang makarating ito sa maliit na court ay madaming bata roon na naglalaro na napasigaw din.

Umakto siyang multo, tinatakot ang mga batang babae at lalaki. Sigawan at bakas sa mukha ang takot sa mukha ng mga ito.

Itinigil ni Shevaughn ang pananakot nang hindi niya na mapigilan ang kaniyang tawa dahilan para magtaka ang mga bata.

“Ate Eva?!” bulaslas ng binatilyo.

Tinanggal ni Shevaughn ang kaniyang wig.

“Hoy! Si Ate Eva nga!” sigaw ng batang babae.

“Ang sama mo, Ate Eva! Patay ka sa amin!” 

“Sugod!”

Sa pagkakataong ‘yon, si Shevaughn naman ang hinabol ng mga bata’t binatilyo. Nagpaikot-ikot sila sa maliit na court.

Kahit mahirap ang buhay, napuno ng malulutong na tawa ang maliit na court.

Ang sarap makipaglaro sa mga bata! Napawi ang kaniyang pagod sa maghapon.

Ngunit natigilan si Shevaughn nang makita ang mga batang umiiyak sa sulok, sa likod ng pinagtagpi-tagpi na yerong bubong at sakong dingding.

Ang batang babae ay nasa buwan pa lang ang edad at tatlong taon naman ang batang lalaki.

Nakakaawa. . .

Nilingon ni Shevaughn ang mga batang nakalaro niya, “Kumain na ba kayo?”

Nawala ang ngiti sa mga labi nito, yumuko at sabay-sabay na umiling.

“Kanina pang umaga, Ate Eva!”

“Walang pera si Nanay!”

“Pinansugal ni Tatay ang kita ni Nanay kaya maghapon na kaming walang kain.”

“Dumidiskarte pa rin si Tatay!”

“Gutom na gutom na nga kami e.”

“May pera ka ba diyan, Ate Eva? Kahit tinapay lang oh!”

Sunod-sunod na tugon ng mga bata at binatilyo.

Hindi magkakapatid ang mga batang ‘yon pero dahil sa hirap ng buhay para na rin itong magkakapatid na pare-parehong nagugutom.

Isang beses makakain sa isang araw o ‘di kaya walang kain—nagtitiis ng gutom.

Malapit ang loob ni Shevaughn sa mga bata. Maliban sa kaniyang mamang at papang, isa sa mga rason kung bakit nais niyang kumita ng doble upang may maipantawid ng gutom.

Nakakalungkot na maraming bata ang nagugutom, hindi nakakapag-aral at walang maayos na silungan.

Kapag gobyerno ang sisisihin, ibabato sa mamamayanan; bakit nag-anak ng marami kung hindi kayang buhayin? Imbes na maghanapbuhay, inatupag ang pagpaparami ng anak.

Kapag magulang naman ang sisisihin, ibabato sa gobyerno; kung wala sanang kurap na politiko natututugunan ang pangangailangan ng mamayanan, mayroong trabaho para sa mga taong kahit hindi nakapag-aral. Marangal na kumikita, hindi lamang barya-barya.

Huminga ng malalim si Shevaughn. “Akong bahala sa inyo!”

“Talaga, Ate Eva?!”

“Paano?”

“Maghahapunan ba tayo?”

“Kanin at ulam?!”

Sapat na sanang pambili ni Shevaughn ng gamot ng kaniyang mamang ang kaniyang pera. Ngunit hindi niya matitiis ang mga bata.

Magdodoble kayod na lang ako bukas!

Nakangiting dinukot ni Shevaughn ang limang daan sa bulsa—iyon ang kinita niya sa pagdeliver ng isda kanina sa palengke.

Ang may edad sa lahat ay ang binatilyo na si Bekoy, nilapitan ito ni Shevaughn at inakbayan.

“Bekoy, bumili ka ng bigas doon kay Aling Puring, samahan mo na rin ng cornbeef, pataas, itlog at pansit canton, damihan mo— ‘yong kakasya sa ating lahat!” 

Nag-angat ng tingin si Bekoy kay Shevaughn, “Mahal ‘yong cornbeef at pansit canton, ayos na ‘yong lucky me at sardinas, Ate Eva!”

Ginulo ni Shevaughn ang makunat nitong buhok, “Sige na! Kung ano ang sinabi ko ‘yon ang bilhin mo para maiba naman!”

Alam ni Shevaughn na iniisip rin ni Bekoy na kailangan niya ng pera kung kaya't nais na lamang nitong bumili ng sardinas at lucky me.

Ngunit alam din ni Shevaughn na ‘yon na lang ang palaging ulam ng mga bata kung nagkakaroon man ng inihahain sa hapag.

“Sa susunod, kapag nakaluwag-luwag ako. . . Bibili ako ng masarap na ulam! Sa ngayon, ‘yan na muna. . .”

“Kailan kaya ‘yon, Ate Eva?”

“Kapag nakapangasawa ako matandang mayaman na madaling mamatay!” 

Napakamot sa ulo si Bekoy, “Sayang ang ganda mo kung mapupunta lang sa matanda! Hintayin mo na lang ako—aasawahin kita!”

Binatukan ito ni Shevaughn, “Siraulo!”

“Aray! Joke lang kasi ‘yon!” reklamo ni Bekoy.

“Sama ako, bekoy!” sigaw ng batang babae.

“Kami din!” 

“Oh kung may sukli, bumili ka ng candy para may pampawi ng gutom habang magluluto tayo!”

Pinaiwan ni Shevaughn ang mga dalagita upang makatulong sa paghahahanda ng kanilang lumang lutuan.

Sa gilid ng court mayroong lutuan, siya ang gumawa no'n para kapag may pera siya na maibibili na maluluto mayroon silang puwesto para magsalo-salo.

Agad ring nakabalik ang inutusan ni Shevaughn, ang mga babae ay inihahanda ang lumang lamesa na nilagyan ng dahon, ang binatilyo ang nagsaing at si Shevaughn ang nagluto ng ulam.

Pinagsaluhan nila ang simpleng pagkain. Simple ngunit masaya. Masaya siya na makitang nabusog niya sa gabing ‘yon ang mga bata.

“Salamat po, Ate Eva!” Sabay-sabay na sambit nito nang siya'y magpaalam na uuwi na.

Ang simpleng pasasalamat na ‘yon ay nagpapaligaya sa kaniyang puso.

Kita niyo ‘yon? Hindi mo kailangan maging mayaman para makatulong sa mga mangangailangan.

Busog na busog ang kaniyang puso na umuwi sa kanilang maliit na tahanan. Natigilan siya ng makapa sa bulsa ang mga calling card.

Nakatanggap siya ng tatlong calling card sa araw na ‘yon at pare-pareho ang pangalan na nakasulat!

Atty. Saintour Cole.

“Anong gagawin ko rito? Tsk!” Itinapon ni Shevaughn sa basurahan. “ Hindi ako interesado na makilala ka, Atty!”

Pinakanagpakulo talaga ng dugo niya ang gwapong lalaking sinabihan siyang may putok!

Kapag na chambahan ko ulit ang mayaman na ‘yon, ipapaholdap ko na siya sa mga tambay dito!

Malayo pa lang si Shevaughn, natatanaw niya na ang kaniyang Papang Ringhoy na palakad-lakad sa labas ng kanilang luma at maliit na bahay.

Para namang nagpo-prosisyon si Papang!

“Papang!” sigaw ni Shevaughn habang kumakaway.

Napalingon ito sa direksyon niya, “Eva, ikaw na ba iyan?”

Halos hindi makilala ni Ringhoy si Eva dahil sa itsura nitong pang matanda!

“Ako na nga!” tumakbo siya papalapit dito.

Nakahinga ng maluwag si Ringhoy nang masigurado na si Shevaughn ‘yon. Kinakabahan na siya na baka may nangyari na dito lalo pa't delikado na ang panahon ngayon.

Tumingin sa bahay si Ringhoy at sumigaw, “Esmeeee!”

“Ringhoy?!”

Nilukob ng kaba ang puso ni Esme nang marinig ang sigaw ng asawa. Dali-dali itong bumaba at lumabas nang maisip na may nangyaring masama sa kanilang Eva.

“Esmeeee!”

“Ringhoooy!”

Sumasayaw si Ringhoy, “Esme, Esme!”

“Ringhoy, Ringhoy!” tugon nito.

Mahinang natawa si Shevaughn nang makita ang kaniyang Mamang Esme at Papang Ringhoy.

“Bakit ngayong ka lang na bata ka?!” baling ni Esme kay Shevaughn. ”Ano ba ‘yang itsura mo, anak?”

Umikot si Shevaughn, “Ayos ba, Mamang? Papang, ano sa tingin mo?”

Nakangiting nag-thumbs up si Ringhoy, “Kahit anong isuot mo'y napakaganda mo!”

Ngumiti si Esme, “Tama ang Papang mo.”

Nakangiting lumapit si Shevaughn sa kaniyang mamang at papang upang magmano pagkatapos pareho itong inakbayan.

“Hulaan niyo bakit ako na gabihan?”

“Base sa itsura mo, natulugan mo ang mga bata na napapabayaan ng mga magulang!” hula ng kaniyang Papang.

“Bakit alam niyo ‘yon, papang?”

“Eh wala namang ibang nagpapasaya sa'yo kundi ang makagawa ka ng mabuti sa kapwa mo! Mahal na mahal mo ang bata sa kalye.” pinisil ni Ringhoy ang ilong ni Shevaughn. “Kaya ipinagmamalaki ko ang anak ko na ‘yan!”

Ngumiti si Shevaughn, “Pero mayroon pa! Sa tingin mo, mamang?”

“Ano pa nga ba? Maliban sa mga bata, ang maintenance ko ang pinagsisikapan mong mapag-ipunan, ang tanong. . . Saan mo nakuha ang pera?”

“Ikukuwento ko sa inyo sa loob!”

“Hindi mo ako obligasyon, anak. Kung ako ang tatanungin, ayoko na nagbabanat ng buto ka para sa gamot ko. . .” sinapo ni Esme ang pisngi ni Shevaughn. “Hindi ito ang buhay na nararapat sa’yo. . .”

“Mamang, ayaw niyo na ba sa akin?” malungkot a tanong ni Shevaughn.

Nagkatinginan si Esme at Ringhoy tila nag-uusap sa mga tingin.

“Sinong mag-aayaw sa isang anak na katulad mo? Mahal na mahal ka namin ng Papang mo.” 

Niyakap ni Esme si Shevaughn, ”Halika nga dito! Payakap si Mamang, alam kong pagod ka. Salamat sa sakripisyo mo, anak.”

“Walang anuman po, Mamang! Basta para sa inyo ni Papang, gagawin ko ang lahat.”

Hindi siya tunay na anak ng kaniyang mamang at papang pero ipinaramdam nito sa kaniya ang tunay na pagmamahal ng mga magulang at kung ano ang pakiramdam na mayroong pamilya. . .

Pagpasok nila sa kanilang maliit na bahay, iniabot ng mamang niya sa kaniya ang kaniyang luma, mumurahin at maraming gasgas na phone.

“Naiwan mo itong telepono mo, hindi ba sinabi ko na palagi mo ‘yang dadalhin para malalaman namin ng Papang mo kung na saan ka at kung anong oras ka uuwi?”

“Pasensya na, mamang! Nagmamadali ako kanina, hindi ko na kakalimutan sa susunod.” 

Binuksan ‘yon ni Shevaughn, bumungad sa kaniya ang maraming missed call at isang mensahe na napagpayanig ng mundo niya.

“Your rebellious phase is over. Starting tommorow you will live with your husband. . .”

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • ANG PULUBI NA ASAWA NG BILYONARYO   Kabanata IX

    “Minsan ka lang makakahawak ng ganito kakapal na pera sa buong buhay mo!” Isinampal ni Secretary Madeline kay Shevaughn ang pera. “Makukuha mo ang pera na ‘to kung magmamakaawa ka sa akin, hahalikan mo ang paa ko at humingi ng tawad sa pagpapahiya sa akin!” Nakangising sambit ni Secretary Madeline.“Kung magyayabang ka ng pera, sisiguraduhin mo na galing sa sarili mong bulsa.” wika ni Shevaughn dahil nakita niya kung saan nito kinuha ang pera na ‘yon.Mas lalong namula sa galit si Secretary Madeline, galit na pinagsasampal si Shevaughn gamit ang pera. Itinapon ang ilang libo sa mukha ni Shevaughn at kinumos ni Secretary Madeline ang ilang libo at pilit ipinapakain kay Shevaughn.Pumapalag si Shevaughn pero agad ring napirmi sa kaniyang pagkakadapa sa sahig dahil hinawakan ng dalawang kasamahan ni Secretary Madeline ang kaniya magkabilaang braso.“Tama na ‘yan!” saway ni Secretary Thompson.Sinulyapan ni Secretary Thompson ang kaniyang mamahalin na pambisig na relo upang tingnan ang or

  • ANG PULUBI NA ASAWA NG BILYONARYO   Kabanata VIII

    Lahat ay napalingon sa pinanggalingan ng boses maging si Shevaughn ay napatingin doon. A man in a maroon outfit; from blazer to trouser.Nagsigilid ang mga empleyado upang bigyan ang daan si Secretary Thompson, ang Secretary ni Mr. Monteverde.“Anong kaguluhan ito?” Isinarado ni Secretary Thompson ang butones ng blazer.Natigilan si Secretary Thompson nang makitang nakasalampak sa maduming sahig si Secretary Madeline, umiiyak at kaawa-awa ang kalagayan.Dumapo ang mata ni Secretary Thompson kay Shevaughn, pinasadahan ito ng tingin mula ulo hanggang paa.Magmula ng maging empleyado si Secretary Thompson ng Monteverde Global Holdings, ngayon lamang siya nakakita ng hampaslupa na napadpad sa kanilang kumpanya.Walang ibang nakikita si Secretary Thompson kundi ang hampaslupa na nasa harapan ang may kagagawan no'n kay Secretary Madeline.“Secretary Thompson!”“Secretary Thompson, tulungan niyo si Secretary Madeline!”Agad na sumalubong ang dalawang kasamahan ni Madeline kay Secretary Thomp

  • ANG PULUBI NA ASAWA NG BILYONARYO   Kabanata VII

    Hindi makatulog si Shevaughn dahil sa nabasa niyang mensahe kung kaya't kinabukasan, maagang-maaga siyang umalis sa kanilang tahanan.Upang hindi mag-alala ang kaniyang Mamang Esme at Papang Ringhoy, nagpaalam siya na didistakarte para sa pandagdag na pera sa pambili ng gamot at follow-up check ng kaniyang Manang Esme.Hindi pa sapat ang kaniyang ipon, ang kinita niya kahapon na dapat para sana pambili ng gamot ng kaniyang Mamang ay nauwi sa pambili ng bigas at pangangailangan sa loob ng bahay na aabot hanggang dalawang linggo.Aabot pa naman sa makalawa ang gamot ng kaniyang Mamang at sa susunod na buwan pa naman ang check-ip nito kung kaya't para sa kaniya ay may oras pa siya para pag-ipunan ‘yon.Inuna niya muna ang mga bagay na mas importante—ang hindi mawalan ng laman ang hapag! Kahit na simple, basta sila ay mabusog.“Nakarating rin sa wakas!” Puno ng sayang sambit ni Shevaughn nang makarating sa tapat ng malawak at matayug na gusali ng Monteverde Global Holdings.Ang Monteverde

  • ANG PULUBI NA ASAWA NG BILYONARYO   Kabanata VI

    Mahaba ang gabi ni Saintour at Roxzel dahil sa sanggol na lalaki na natagpuan sa loob ng sasakyan ni Saintour.Umaalingawngaw sa loob ng condo ni Roxzel ang iyak ng sanggol dahilan kung para hindi sila makatulog.“Anong gagawin ko? Saintour, tulungan mo 'ko sabi!” Sigaw ni Roxzel.Binato ni Roxzel ng unan si Saintour na sinusubukan nitong matulog sa sofa-bed habang nakatakip ng mga unan sa tenga.“Padedehin mo!” Bulyaw ni Saintour na tila nauubusan ng pasensya.Ito na nga ang pinakaayaw ko sa lahat!“Ginawa ko na pero ayaw niya!” Aburido na tugon ni Roxzel.“Patulugin mo!” Utos ni Saintour.“Ginawa ko na pero trip niya talagang umiyak!” Giit naman ni Roxzel.“Trip ko ring matulog!” Ibinato ni Saintour ang unan at bumangon. “Kaya kung hindi 'yan titigil ihuhulog ko na 'yan sa bintana!” Mabilis na inawat ni Roxzel si Saintour nang lalapitan nito ang bata na pinaupo nila sa sofa at panay ang iyak, nagpapadyak ang malilit nitong paa.“Gago ka ba?! Bata lang ‘yan!” Saway ni Roxzel.Nilapit

  • ANG PULUBI NA ASAWA NG BILYONARYO   Kabanata V

    Sa kabilang banda, sa iskuwater. Napakaraming bahay. Siksikian at kahit bulungan ng kapitbahay ay dinig sa kabilang bahay.Maraming bata na nagkalat sa lansangan, may mga batang umiiyak, may mga matatamlay at ang iba ay idinadaan na lamang sa laro ang gutom.Doon na rin nakatira ang lahat ng klase ng taong gumagawa ng crimen. Karamihan sa mga ‘yon ay mabubuting tao, natututong gumawa ng masama upang may maipakain sa pamilya.Gabing gabi na ay pauwi pa lamang si Shevaughn o mas kilala sa pangalang Eva—sa kanilang munting tahanan, suot niya ang damit pang matanda at mayroon rin siyang wig na kulay puti at gusot-gusot—nakuha niya ‘yon sa basurahan, isinuot niya ‘yon dahil mapapakinabangan naman.Kahit na anong oras siya dumaan sa eskinita ay hindi siya napagti-tripan ng mga tambay, lasinggero o sugarol dahil kilalang-kilala siya sa kanilang lugar na Eva-balibag ka.“Paldo! Paldo ang Lola niyo!” Patalon-talon na binibilang ni Shevaughn ang ilang libong nakuha niya nang walang kahirap-hira

  • ANG PULUBI NA ASAWA NG BILYONARYO   Kabanata IV

    Pagkatapos ng nakakabaliw nilang dramahan. Napagdesisyunan nilang dalawa na pumunta sa pinakamalapit na resto-bar upang kumain ng hapunan.Ang sasakyan na lamang ni Saintour ang ginamit nila at ito na rin ang nagmaneho.Habang nasa byahe panay ang scroll ni Roxzel sa kaniyang social media at kapag may nakita itong magandang babae, ipinapakita rin sa kaniya dahilan para mawala siya sa focus sa pagmamaneho at muntik-muntikan pa silang makabundol ng matandang babae.“Shit! Shit! Kasalanan mo 'to!” Paninisi ni Saintour.“Ano? Bakit ako, eh ikaw ang nagmamaneho!”“Eh sa ginugulo mo ako!” Singhal niya dito.Nagkatinginan silang dalawa. Nagmamadaling bumaba si Roxzel, sa kasamaang palad na patid ito ng seatbelt dahilan para lumanding ito sa kalsada. Tawang-tawa si Saintour hanggang sa sumakit ang tiyan. May papalakpak pa ito at pa tayo-tayo pa kaya na untog ang ulo niya—siya naman ang tinawanan ni Roxzel nang makabalik sa loob ng sasakyan.“Ilang isda ba ang na huli mong galunggong ka?!” Pa

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status