Share

CHAPTER 40 : DO I LOVE YOU?

Pilit nilalabanan ni Sophie ang antok na nararamdaman.

“Hindi ako puwedeng matulog. Kailangang gising ako sa oras na may papasok dito.”

Kinukondisyon niya ang sariling utak. Inuutusan ang katawan na maging alerto.

"Hindi ako papayag na gigisingin ako sa sipa at tadyak. Sipain man nila ako o tadyakan, gusto ko ay gising ako. At least kahit paano ay makakalaban ako nang may dignidad. Hindi katulad nang kung tulog ako, magmumukha akong basahang sinisipa-sipa lang. 

Tumayo siyang muli,  mula sa pagkakalupasay sa sahig. Inikut-ikot ng pabalik-balik ang ulo. Nag-shadow boxing. Tumalon nang tumalon. Sumipa nang sumipa. Front kick. Back kick. Side kick. Roundhouse kick at flying kick. Pinraktis ang mga karate punch na napag-aralan nila ni Ella noong college days nila. Mula sa simpleng jab, hanggang sa back fist at reverse punch.

Hanggang sa sumuko ang katawan sa sobrang pagod, at hindi na kinaya ang hirap.<

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status