Share

CHAPTER 39 : KAIBIGANG AHAS

Umaalimpuyo ang galit sa damdamin ni Sophie, habang tinititigan ang babae na minsan nang nagtraydor sa kanya.

“Talagang ang ahas, libong ulit mang magpalit ng balat, ahas pa rin!” Nasabi ni Sophie na ang tinig ay pagitan ng nagngangalit na mga ngipin lumabas.

Malakas na humalakhak si Ella. Umiinsulto. Nang-iinis.

Umaakyat na ang dugo sa utak ng kanyang iniinis. Hindi matanggap na muli siyang napaikot at niloko ng mapagkunwaring kaibigan. Siya na kinikilalang matalino ay pinagmukhang tanga ng babaing hindi man lang pumangalawa sa kanya.

“Matalino man ang matsing, napaglalalangan din, right, dear friend? And besides, matalino ka lang, pero mautak ako. Kaya lagi kitang nauutakan.” pang-aasar pa rin ni Ella na muling humalakhak. “I am right, right friend?” Sarkastikong tanong pa.

“Hindi kita kaibigan! Wala akong kaibigang hudas!”

 “Ayan ka na naman, e,”

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status