Share

CHAPTER 6: TONY MEETS ELLA

“I’m so sorry kung naabala kita,” hinging paumanhin ni Ella, “hindi pala ikaw ‘yung Tony Sandoval na hinahanap ko. Mali ang impormasyong nakuha ko.”

“Well, palagay ko’y may dahilan kaya ka nagkamali.”

Tumawa si Ella, “talagang may dahilan” ang nasa isip niya.

“Malay mo, baka ako ‘yung lalaking inilalaan ng tadhana para sa iyo, kaya kailangang magkakilala tayo.” pagbibiro ni Tony. 

“Bakit gusto mo na ba ako agad? Balak mo akong ligawan?”

Ganting biro ng babae.

“Sasagutin mo ba agad ako ng oo?”

Nagkatitigan ang dalawa. Mata sa mata. Dikawasa’y sabay na humalakhak.

Iyon ang unang pagkakataong nakarinig ng masayang halakhak ng babae si Tony na hindi ang kapangitan niya ang pinagtatawanan. Ang kaisa-isang pagkakataong hindi nilait ng magandang babae ang anyo niya.

“Hindi ka ba naiilang sa pagmumukha ko?” hindi niya natiis na hindi itanong.

Kumunot ang noo ng tinanong.

“Bakit naman ako maiilang?” tanong nito.

“Hindi mo ba nakikitang ang pangit-pangit ko? Isang unique na kapangitang nag-iisa lang sa mundo!”

Matagal na napatitig sa mukha ng kausap si Ella. Noon lang siya nakatagpo ng taong labis kung laitin ang sarili.

“Ano ba ang depinisyon ng kagandahan para sa ‘yo?” tanong nito.

Na hindi masagot ng tinanong. Buong paghanga itong nakatingin sa kausap.

“Alam mo, ang pangit na mukha ay madaling palitan ng mayamang katulad mo. Puwede ka na nga ngayong bumili ng guwapong mukha at ipalit d’yan sa mukha mo.”

Hindi na nga imposible sa panahon ngayon ng siyensya at medisina ang mga sinabi ni Ella.

“Pero kung papalitan mo rin ng pangit na ugali ang ugali mong maganda, mas okay na sa akin ang pangit mong mukha basta manatili lang maganda ang ugali’t kalooban mo.”

TSUG!

Sapul ang puso ni Tony ng pana ni kupido.

“Parang inlab na yata ako sa ‘yo, ah!”

Idinaan niya sa biro ang nararamdaman. Pinagmasdan kung magkakaroon ng pagbabago sa ekspresyon ng biniro.

Naroon pa rin ang ngiti sa bibig nito na nagpapakislap sa mga matang nakatingin sa mukha niya.

“Sorry, Mr. Tony Sandoval, hindi ako naniniwala sa instant love. Para sa akin ang pag-ibig ay hindi instant coffee na lalagyan mo lang ng mainit na tubig, then, presto! Puwede ka ng mag-enjoy sa pag-inom nito.”

“Gusto mo nang matagal na ligawan?”

“Ang gusto ko’y sinserong ligawan. Walang lokohan.”

Maraming nalaman si Tony tungkol sa buhay at propesyon ni Ella Caprichoso, sa ilang oras ng kanilang pagkikilala. At nadagdagan pa ang kanyang nalalaman tungkol sa babae ng I-search niya ito at naging kaibigan sa Fezbuk.

Masaya siyang kausap ang babae, online man o personal. Maraming magagandang isini-share ito sa kanya. Mga salitang nagbibigay ng inspirasyon naghahatid ng aral sa buhay. Pakiramdam niya'y buhay na buhay siya, hindi katulad ng dati na para lamang siyang robot. Kumikilos at nag-iisip nang ayon sa kung ano ang gustong manyari ng kanyang ama.

Tumatawa siya sa mga jokes at mga pagpapatawa ng papa niya o ng kung sino man sa mga kaibigan niya ang nagpapatawa, pero hindi nakakarating sa kanyang kalooban ang kasiyahang dapat sana'y kakambal ng mga paghalakhak niyang iyon.

"Paimbabaw lamang ang kasiyahang dulot niyon, saglit lang ay burado na!"

Iba sa mga jokes o birong binibitawan ni Ella. Ilang araw na an nakaliliapas matapos sabihin sa kanya ang biro ay nangingiti pa rin siya. At ang kasiyahang hatid niyon ay nakabaon pa rin sa damdamin niya.

"Ibang klase ka, Ella!"

At kailaliman ng kanyang isip at sa kasuluksulukan n kanyang puso, alam niyang hindi lamang ang jokes ni Ella ang nagpapasaya sa kanya.

"Inlab na talaga ako sa 'yo, Ella'." pakikipag-usap niya kay Ella na nasa imahinasyon lamang niya.

Suballit ang pangamba ay nagsumiksik din sa utak at damdamin niya.

"Paano kung ayawan siya ni papa?"

Ang obsesyon na makapaghiganti'y nag-aapoy pa rin sa dibdib niya.

"Hindi! Kailangan ko munang wasakin si Sophie! Pakakasalan ko siya, pagkatapos ay tatapakan ko ang kanyang dignidad at buburahin ko ang lahat ng tiwala niya sa sarili, hanggang sa matulad siya sa asong bahag ang buntot."

Habang inaalipin niya si Sophie ay gagawin naman niyang reyna ng kanyang buhay si Ella.

"I will never hurt you, Ella. I will always love you!"

    

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
sana mapawala ni ella ang paghihiganti sa puso ni tony kay sophie
goodnovel comment avatar
TheNeglectChild
Ay nag iba ang ihip ng hangin, sabi ko na nga ba eh.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status