LOGINGusto ko na lang sanang bumili ng pagkain dahil hindi talaga ako marunong magluto pero wala pa pala kaming wifi at wala rin akong load kaya hindi ko ma-open ang delivery app.
Kaya ngayon ay wala akong choice kundi ang mag-try na magluto ng kung anong makita ko sa ref. May laman naman iyon pero sinapat lang nina Mommy para sa Friday dahil gusto nilang kami na ang mag-grocery. May nakita akong itlog, mga frozen food, petchay at karne. Kinuha ko ang karne at petchay. I don't know what to cook using these ingredients. Ni hindi ko nga alam kung saan ako magsisimula. Dapat talaga ay nagpaturo na akong magluto kay Mommy noon o sa mga katulong namin. Hayst. "So, what do I do first?" Gusto kong mag-research sa YouTube ng mga tutorial kung paano ito lutuin pero wala akong load kaya nakaka-inis. Bahala na. Wala akong pake-alam kung hindi magustuhan ni Leandro. Wala syang choice noh. Kasalanan nya yan at magpakasal sya sa isang katulad kong never humawak ng mga gamit sa kusina. Niluto ko muna ang karne at nilagyan ng kaunting asin at kung ano-ano pang mga pampalasa na nakita ko. Nang masiguro kong malambot na ito ay inilagay ko na ang petchay matapos itong hugasan. "That should do it. Now, I'll wait." Madali lang naman pala itong lutuin. Siguro naman ay okay ang lasa. Pagkatapos no'n ay nagluto na ako ng kanin. Syempre, hindi rin ako marunong sa gano'n pero t-r-in-y ko naman ang best ko. Napahinga ako ng maluwag nang makitang maayos ko namang nagawa ang trabaho ko. "Ang swerte naman ni Leandro na ako ang asawa nya. Tingnan mo naman. I can actually cook something." Napangiti ako kahit na kausap ko lang ang sarili ko. Nakaka-proud pala na nagawa kong magluto kahit first time. Nagpahinga muna ako dahil nasa rice cooker naman ang kanin kaya hindi kailangang bantayan. Dahil nga sa pagod ay nakatulog ako at nagising na lang nang makarinig ng malakas na tunog ng kalderong nahulog sa sahig. Dali-dali akong pumunta ng kusina at nagulat dahil umaapaw na ang sabaw sa ulam na niluto ko at nahulog na nga ang takip nito. "Shit naman!" Mabilis ko itong kinuha pero sadyang tanga talaga ako dahil hindi ko man lang naisip na mainit iyon kaya napaso ako. Sobrang sakit no'n at parang maiiyak na ako talaga. Binasa ko iyon pagkatapos ay inayos na ang takip. Tiningnan ko ang niluto ko at mukhang ok naman na kaya naghain na ako sa lamesa. Mabuti na lang talaga at maayos kong nailuto ang kanin kaya nakaka-proud sa sarili ko. Mag-a-alas otso na ng gabi at alam kong pauwi na ang baklang 'yon kaya hinintay ko na lang sya. Maya-maya naman ay dumating na ito at nagulat pa sya nang makita na may pagkain sa lamesa. "You cook this?" tanong nya at umupo sa lamesa. "Of course, noh! Anong tingin mo sa akin, hindi marunong magluto?" ani ko pa at halatang proud na proud ako sa ginawa kahit na hindi ko alam kung ano ba ang lasa no'n. Inikotan nya lang ako ng mata at kumuha na ng kanin at ulam. Ewan ko na pero hinintay ko ang magiging reaksyon nya sa luto ko. Nang tikman na nya ito ay halos kasing bilis ng kidlat nyang nailuwa. "Ang alat! Papatayin mo ba ako, babae?!" Inis nyang reklamo at kaagad na uminom ng tubig. "Maalat ba?" tanong ko kahit obvious naman sa reaksyon nya. "Obvious ba?" Inis nyang sagot at panay inom ng tubig. Tinikman ko naman ang luto ko at nailuwa ko rin kaagad ito. Maalat nga. Parang asin na lang ang nalalasahan ko. "Next time, don't try to do something you know you can't do," sabi nya at tumayo na. Inis na tiningnan ko ito. "Edi 'wag kang kumain! Pinilit ba kita?" Inikutan ko ito ng mata. Hindi nya ako pinansin at dumeritso na sa kwarto namin. Binalik ko ang tingin sa niluto ko. "Paano ko ngayon ito uubusin?" Naiinis na tanong ko sa sarili. Medyo marami pa naman akong niluto. Nakaka-inis! Humanap ako ng mga asong kalye na dumadaan sa tapat ng bahay namin at ipinakain iyon sa kanila pero halos maiyak ako ng amuyin lang nila iyon at halos hindi tikman. "Kainis! Bakit pati kayo ayaw nyo sa niluto ko?" Naiinis kong tanong sa mga asong alam kong hindi naman ako naintindihan. "Baliw ka na ba?" Umangat ang tingin ko kay Leandro na nakasando at nakatayo sa harapan ko. May dala itong cellphone at nakabukas ang flashlight. Itinutok pa nito ang ilaw sa mukha ko. "Ano ba?!" Inis kong ani dahil masakit sa mata ang liwanag. "What are you doing here? Alas nuebe na ng gabi, Zeana." "Wala kang pake-alam!" Inis kong sagot at hindi pa rin tumatayo. Narinig kong napahinga ito nang malalim. "Let's eat. Nagugutom na ako." "Edi sumalo ka dito sa mga aso." "Eh kung ingudngud kaya kita dyan?" Inis akong tumayo. "Sige, subukan mo!" Masama ang tingin ko rito pero hindi nya ako pinansin. "Bilisan mo na nga dyan. Nagluto ako." Ibinalik ko sa kanya ang tingin. "Talaga?" Sumunod na ako sa kanya papasok ng bahay at nang mapunta kami sa kusina ay halos mapanganga ako. "Wow ha. Kung makapanglait ka ng niluto ko, akala mo naman masarap itong niluto mo. Eh noodles at itlog lang naman," sabi ko at umupo na. "Pwede bang kumain ka na lang? At least ito makakain eh 'yong niluto mo bibigyan ako no'n ng sakit sa bato." Inikotan ko sya ng mata pero kumain rin naman ako dahil kumukulo na ang sikmura ko.Zeana's POVO.M.G.!!Anong kagagahan na naman itong nagawa ko? Gusto kong bawiin ang sinabi ko, pero may parte sa akin na ayaw gawin iyon. The hell, Zeana? Ano na ngayon 'to?Pagkaalis ni Chairman ay kaagad akong hinila nang malakas ni Leandro sa balikat."What the hell was that? Bruha ka ba? Bakit ka nagsinungaling?!" sigaw niya, at halatang galit siya sa ginawa ko.Wala akong maisagot sa galit niya kaya napatingin lang ako sa mga mata niya."Ghad! How can you act so recklessly? Alam mo ba ang kahahantungan no'n, ha?! Hindi mo kasi ginagamit 'yang utak mo!" Doon na ako napalingon sa kaniya."Ako pa talaga, ha? Ikaw kaya ang sumagot kanina? Nakita mo naman kung gaano kagalit sa'yo si Chairman, hindi ba? I'm just saving you--""So, now it's my fault? Did I tell you to say those words to 'save' me?"Naiinis na talaga ako sa kaniya kaya sinasagot ko na rin ang galit na ibinabato niya sa akin."Eh ano bang pinuputok ng butchi mo?" Napabuntong-hininga ito at napahawak pa sa dulo ng ilong n
ZEANA'S POVAlam ko namang may galit sa akin si Leandro, pero grabe naman siya kung makasigaw sa akin kanina pa.“Baliw ka ba? Kanina pa kita tinuturuan, mali pa rin,” ani nito. Ibinalibag ko sa kanya ang sandok na hawak ko.“Edi ikaw na dito!” sigaw ko. “As far as I remember, ikaw ang nagsabing turuan kitang magluto. Tapos ngayon, magrereklamo ka?” Tumaas ang kilay ko.“Eh, grabe ka naman kasi! Hindi naman ganyan.”“Eh, shunga ka kasi turuan.”“Bad teacher ka lang talaga!”“Edi bahala ka sa buhay mo!”Sasagot pa sana ako, pero pareho kaming nagulat nang malaglag ang takip ng kaldero sa sahig. Matinis ang tunog no'n at masakit sa tenga.Nang sabay naming lingunin, nakita naming umaapaw na ang sabaw sa niluluto naming pochero. Dali-dali namin itong nilapitan. Pinulot ko ang takip at ibinalik, habang si Leandro naman ay agad na nagpahina ng apoy.“’Tingnan mo na? ’Yan ang nangyayari kapag pinapabayaan mo ang ginagawa mo. If you are cooking, you need not just the skills but also patience
Last day na namin at papababa na ng lobby nang hindi ko inaasahang makita ang dati kong kaklase noong high school. Siya ang nakakasama ko noon sa mga organization na sinasalihan ko. Si Juwon. Nagkita kami sa hallway. Siya ang unang nakakita sa amin at kaagad kaming binati. Pagkatapos noon ay nag-usap muna kami ng kaunti."Kamusta na? Ang tagal na nating hindi nagkita ah," aniya. "Eto still surviving sa buhay. Ikaw ba, kamusta na? Ang laki na ng pinagbago mo ah," ani ko naman. Ngumiti ito nang malapad. "Maayos naman, at ito may sarili na ring pamilya."Nagulat ako at namangha sa sinabi niya. "Talaga? Wow naman. Nakapag-asawa na rin sa wakas ang torpe naming Secretary." Natawa ito sa sinabi ko. "Ikaw ba? Siguro naman ay may boyfriend ka na?" tanong niya at hindi ko alam kung bakit gusto kong matawa. Never akong nagka-boyfriend, Instant asawa na kaagad. Nilingon niya si Leandro na tahimik na nagci-cellphone sa gilid ko. "Bilib naman talaga ako sa friendship nyo. Hanggang ngayon magkasam
Mabilis ang naging takbo ng mga araw kaya halos matapos na nila ang inspection at mga kailangang iproseso para makapagsimula na sa paggawa ng gusali. Ikatlong araw na namin ito at kahit papaano ay hindi na ako gano'n kabagot dahil mas pinili kong maglakwatsa sa lahat ng nakita kong puwedeng puntahan sa internet. Nandito lang din naman ako, kaya susulitin ko na ang bakasyon.I went to different places--from malls, parks, and restaurants I could find. Sobrang dami ko na ring nabili sa bawat lakad ko. Kaya naman nang makita ako ni Claire na may dalang dalawang bag ay nagputak na naman ang bunganga nito."Really? Balak mo bang gastosin ang lahat ng pera ng asawa mo? Ipaalala ko lang sa'yo na pinaghihirapan niya lahat ng--"Hindi ko na pinatapos ang komento niya dahil kaagad ko na itong tinalikuran at pumasok sa loob ng kwarto namin."Pwede mo naman kasing aminin na naiinggit ka sa'kin," sambit ko at hinarap ito. Humigop ako sa dala kong matcha latte. Katulad ng inaasahan, napasinghal ito.
Wala akong gagawin kaya sumama ako sa project inspection nila sa Zambales. Isang sasakyan lang kami ni Claire dahil nagpumilit itong sumabay sa amin kahit na obviously ay may sarili naman siyang sasakyan. Mahaba pala ang biyahe kaya na-bore ako at naisipang magpatugtog sa radio ng sasakyan niya. Sakto namang tumugtog ang favorite artist kong si Olivia Rodrigo sa kantang "good 4 u.""Skip that," biglang utos ni Leandro."Bakit? Maganda naman ah," sagot ko."Too loud," saad niya.Napairap ako at nang dumako ang tingin ko sa rearview mirror, nakangisi si Claire sa likod. Parang ang saya niyang pinapanood kaming nag-aaway ni Leandro. Pinindot ko ang next button at tamang-tama dahil favorite band ko naman ang tumugtog."Skip," utos niya ulit."Maganda naman ang mga kanta ni Taylor Swift ah," angal ko pa."Too emotional," simple niyang sagot.Napanganga ako at napasinghal sa inis. Ano na naman bang problema nito? Kung hindi lang namin kasama si Claire, baka kanina ko pa 'to hinambalos."Ako
Leandro's POVIt's Sunday morning, and my original plan was to sleep all day dahil pagod na pagod ako sa work lately. But here I am. I don't even know why I decided to help her with chores.Napailing na lang ako ng mainis na ito sa kakapindot ng washing machine pero hindi pa rin umaandar."Tiningnan mo na ba kung nakasaksak?" tanong ko habang nakatayo sa tabi niya. Umikot naman ito at nasapo ang noo. Alam ko na kaagad ang ibigsabihin noon kaya mas lalong bumigat ang paghinga ko.Umiiksi na talaga ang pasensya ko sa bruhang 'to!Pagkatapos niyang isaksak ay sinimulan ko nang turuan siya sa kung paano maglaba dahil clearly, wala siyang alam kahit isa."Kailangan mong i-separate iyong puting damit sa may de-kulay," Paliwanag ko. "Bakit?" tanong naman niya."Kasi baka may damit dyang magma-mantsa sa mga puti. Mahirap tanggalin iyon. Simulan mo na."Inisa-isa naman niya ang mga damit at halos pigilan ko ang sarili na batukan siya. "Ano ba? Bilisan mo para ka namang pagong kung kumilos," in







