LOGINHindi ko alam na nakatulog pala ako at nagising na lang dahil bigla akong tinulak ni Leandro sa kama. "Ano ba?! Pwede mo naman akong gisingin ng maayos ah?!" Inis kong sambit at inaantok pang tumayo mula sa pagkakahulog. "Ang likot mo matulog. Yang paa mo nasa bibig ko na! Kadiri kang bruha ka!"
Inamoy ko naman ang paa ko. "Hindi naman mabaho ah! Arte nito." Tumayo na ako ng tuluyan at inayos ang gamit ko sa cabinet. Nang buksan ko ito ay puno na ng gamit ni Leandro kahit na malaki naman ang cabinet. "Hoy bakla, ayusin mo nga 'tong gamit mo. Wala na akong space na panlagyan ng mga damit ko!" Reklamo ko pa. "Nauna ako kaya ikaw ang mag-adjust," sagot naman nya habang inaayos ang kama namin. "Ah gano'n ah." Dali-dali kong kinuha ang mga damit nyang naka-hanger at inilagay ang sa akin. Ibinato ko sa kama ang mga damit nya. "The hell?!" Inis itong bumalik ng tingin sa direksyon ko. "Sorry. My hand slipped," sabi ko sa mapang-asar na tono. Inis nya namang inayos ang mga nakakalat nyang damit at inilagay sa cabinet. "Masasabunutan talaga kitang babae ka!" Dinilaan ko na lang ito. Alam kong ganito na ang magiging buhay namin mula ngayon. Impyerno. Seguro ay puputi na ang uwak at lahat-lahat ay hindi pa rin kami magkakasundo. Ewan ko ba kung bakit sya pa ang ibinigay sa akin ni lord eh halatang ayaw namin sa isa at isa. Napag-aawayan namin kahit na maliit na bagay katulad na lang nang maliligo na sana ako pero bigla nyang binuksan ang pintuan ng banyo. "Ahhhh! Bastos! Bastos!" Hinampas ko ito pero dahil malaki ang kanyang mga braso ay parang wala manlang talab. "Ano ba?! Lumabas ka nga!" Sigaw ko habang sinusubukang takpan ang katawan ko. Nagsha-shampoo na kasi ako nang pumasok sya. "I have to shower first. May meeting ako ngayong araw kaya lumabas ka muna." "Baliw ka ba? Nauna ako dito oh. Pwede bang patapusin mo muna ako?" "No! Labas." Itinulak nya ako nang bahagya pero dumapo ang mga kamay nya sa dib-dib ko. Oo! Sa pinakamamahal kong mga alaga! Nanlaki ang mga mata ko at pinaghahampas sya. "Bastos! Sinasabi ko na nga bang manyak ka! Pabakla-bakla ka pa ha! Bastos!" "Aray ano ba?! Wala akong pagnanasa sa'yong bruha ka. Labas nga!" Dahil sa mas malaki sya at mas malakas kesa sa akin ay nagawa nya akong maitulak palabas. "Argg!!! Bwesit ka!" Sigaw ko sa harapan ng nakasiradong pintuan. Nagtapis na lang ako ng tuwalya at walang nagawa kundi ang hintayin syang matapos. Pagkatapos kong maligo ay nadatnan kong nasa baba na ito at nag-aayos ng dulo ng pulo nya. Nang pagmasdan ko ito ay para talaga syang lalake. Ang gwapo nga eh. "Bakla ka ba talaga? Final na 'yan?" tanong ko at sinamaan nya naman ako ng tingin. "Yes. And if you will try to seduce me better think twice, bitch." "Asa ka namang si-seduce-n kita. Di kita type noh." Pinaikotan lang nya ako ng mata. "Anong oras ka uuwi?" Pang-iiba ko ng usapan. "Wala kang pake-alam." "Ay syempre meron. Asawa mo kaya ako." "Yuck! Don't you ever use that word again. Nasusuka ako." "Ang ano? Na asawa mo ako?" "Ano ba?! Kadiri ka!" "Arte mo!" Akmang aalis na ito nang mag-salita ulit ako. "Oh mukhang may nakakalimutan ka yata," ani ko. Lumingon naman ito sa akin na nakakunot ang noo. "What?" "Goodbye kiss ko?" sabi ko at ngumuso pa sa harapan nya. "Gusto mong sabunutan kitang bruha ka?" Inis na sagot nya. "Eh gano'n naman talaga ang ginagawa ng mga mag-asawa ah," Pang-iinis ko pa sa kanya at halos hindi ko na mapigilan ang tawa ko. Ang saya nya kasi inisin dahil namumula sya. "If you're trying to annoy me then you win. So, stop it." Naibulalas ko na ang tawa ko kaya mas lalo itong nainis. "Ito naman binibiro lang eh. Sige na, alis kana." Tinulak ko pa ito palabas ng bahay. "Mag-iingat ka, Asawa ko! Mabangga ka sana!" Sigaw ko nang makasakay na ito sa kotse nya pero pinakyuhan nya lang ako. Ngayon na umalis na ang bwesit sa buhay ko ay may karapatan na akong gawin ang gusto ko. Seguro ay maglilinis muna ako ng bahay dahil sa sabado pa raw kami mamimili ng gamit sabi ni Leandro. Nagwalis lang ako at pagkatapos ay hinanap kp ang mop. Actually, hindi talaga ako marunong sa mga gawaing bahay dahil may mga katulong naman kami pero dahil nasa buhay mag-asawa na ako ay kailangan ko iyong matutunan. "Paano ba 'to?" Takang tanong ko sa sarili dahil hindi ko alam kung paano gamitin ang mop. Automatic kasi iyon at di kuryente. Ang nakikita ko sa mga maids namin ay may pinipindot sila. Hinanap ko naman ang power button at nang mahanap ito ay pinindot ko pero hindi umaandar. "Sira na ba 'to?" Ilang pindot pa ako pero wala hanggang sa mapansin kong hindi pala nakasaksak. Nasapo ko na lang ang noo. Natapos ko naman ang mga gawain kahit na halos masira ko na ang mga kagamitan sa babay. May mga kakaunting gamit na rin kasi rito at ang bibilhin na lang namin ay 'yong mga ginagamit sa pang-araw araw katulad ng pagkain. Napagod na ako kaya naisipan kong puntahan ang pinsan kong si Zayda. Tamang-tama dahil nandoon sya sa bahay nila. Nang makita ko sya ay wala pa rin itong pinagbago, maganda pa rin at sexy kahit na buntis na. "Inggit ka noh?" Nang-aasar nyang tanong nang mapansing nasa tyan nya ang tingin ko. "Kung ako sa'yo ay madaliin nyo na ni Leandro ang first baby nyo. Masaya ang magkaanak sinasabi ko sa'yo," dugtong nya pa. Kung alam nya lang na isa iyon sa pinaka-imposibleng mangyari sa relationship namin ni Leandro. Tsaka wala pa naman akong balak na magkaanak. Lalo pa kung 'yong baliw na 'yon ang tatay. "We'll get there. Hindi naman kami nagmamadali eh," Palusot ko na lang. Nagkwentohan pa kami hanggang sa umabot na sa mga payo nya para sa amin ni Leandro. Hindi ko alam kung masusuka ba ako dahil sa mga itinuro nyang nga posisyon raw na gagawin namin para makabuo kaagad. Iniisip ko pa lang ay nasusuka na ako. "Tsaka dapat ay pagsilbiban mo sya dahil responsibildad mo rin iyon bilang asawa nya." Halos iikot ko ang mga mata sa sinabi nya. As if gagawin ko 'yon do'n sa baliw na 'yon. Never. Bahala sya mag-isa nya.Zeana's POVO.M.G.!!Anong kagagahan na naman itong nagawa ko? Gusto kong bawiin ang sinabi ko, pero may parte sa akin na ayaw gawin iyon. The hell, Zeana? Ano na ngayon 'to?Pagkaalis ni Chairman ay kaagad akong hinila nang malakas ni Leandro sa balikat."What the hell was that? Bruha ka ba? Bakit ka nagsinungaling?!" sigaw niya, at halatang galit siya sa ginawa ko.Wala akong maisagot sa galit niya kaya napatingin lang ako sa mga mata niya."Ghad! How can you act so recklessly? Alam mo ba ang kahahantungan no'n, ha?! Hindi mo kasi ginagamit 'yang utak mo!" Doon na ako napalingon sa kaniya."Ako pa talaga, ha? Ikaw kaya ang sumagot kanina? Nakita mo naman kung gaano kagalit sa'yo si Chairman, hindi ba? I'm just saving you--""So, now it's my fault? Did I tell you to say those words to 'save' me?"Naiinis na talaga ako sa kaniya kaya sinasagot ko na rin ang galit na ibinabato niya sa akin."Eh ano bang pinuputok ng butchi mo?" Napabuntong-hininga ito at napahawak pa sa dulo ng ilong n
ZEANA'S POVAlam ko namang may galit sa akin si Leandro, pero grabe naman siya kung makasigaw sa akin kanina pa.“Baliw ka ba? Kanina pa kita tinuturuan, mali pa rin,” ani nito. Ibinalibag ko sa kanya ang sandok na hawak ko.“Edi ikaw na dito!” sigaw ko. “As far as I remember, ikaw ang nagsabing turuan kitang magluto. Tapos ngayon, magrereklamo ka?” Tumaas ang kilay ko.“Eh, grabe ka naman kasi! Hindi naman ganyan.”“Eh, shunga ka kasi turuan.”“Bad teacher ka lang talaga!”“Edi bahala ka sa buhay mo!”Sasagot pa sana ako, pero pareho kaming nagulat nang malaglag ang takip ng kaldero sa sahig. Matinis ang tunog no'n at masakit sa tenga.Nang sabay naming lingunin, nakita naming umaapaw na ang sabaw sa niluluto naming pochero. Dali-dali namin itong nilapitan. Pinulot ko ang takip at ibinalik, habang si Leandro naman ay agad na nagpahina ng apoy.“’Tingnan mo na? ’Yan ang nangyayari kapag pinapabayaan mo ang ginagawa mo. If you are cooking, you need not just the skills but also patience
Last day na namin at papababa na ng lobby nang hindi ko inaasahang makita ang dati kong kaklase noong high school. Siya ang nakakasama ko noon sa mga organization na sinasalihan ko. Si Juwon. Nagkita kami sa hallway. Siya ang unang nakakita sa amin at kaagad kaming binati. Pagkatapos noon ay nag-usap muna kami ng kaunti."Kamusta na? Ang tagal na nating hindi nagkita ah," aniya. "Eto still surviving sa buhay. Ikaw ba, kamusta na? Ang laki na ng pinagbago mo ah," ani ko naman. Ngumiti ito nang malapad. "Maayos naman, at ito may sarili na ring pamilya."Nagulat ako at namangha sa sinabi niya. "Talaga? Wow naman. Nakapag-asawa na rin sa wakas ang torpe naming Secretary." Natawa ito sa sinabi ko. "Ikaw ba? Siguro naman ay may boyfriend ka na?" tanong niya at hindi ko alam kung bakit gusto kong matawa. Never akong nagka-boyfriend, Instant asawa na kaagad. Nilingon niya si Leandro na tahimik na nagci-cellphone sa gilid ko. "Bilib naman talaga ako sa friendship nyo. Hanggang ngayon magkasam
Mabilis ang naging takbo ng mga araw kaya halos matapos na nila ang inspection at mga kailangang iproseso para makapagsimula na sa paggawa ng gusali. Ikatlong araw na namin ito at kahit papaano ay hindi na ako gano'n kabagot dahil mas pinili kong maglakwatsa sa lahat ng nakita kong puwedeng puntahan sa internet. Nandito lang din naman ako, kaya susulitin ko na ang bakasyon.I went to different places--from malls, parks, and restaurants I could find. Sobrang dami ko na ring nabili sa bawat lakad ko. Kaya naman nang makita ako ni Claire na may dalang dalawang bag ay nagputak na naman ang bunganga nito."Really? Balak mo bang gastosin ang lahat ng pera ng asawa mo? Ipaalala ko lang sa'yo na pinaghihirapan niya lahat ng--"Hindi ko na pinatapos ang komento niya dahil kaagad ko na itong tinalikuran at pumasok sa loob ng kwarto namin."Pwede mo naman kasing aminin na naiinggit ka sa'kin," sambit ko at hinarap ito. Humigop ako sa dala kong matcha latte. Katulad ng inaasahan, napasinghal ito.
Wala akong gagawin kaya sumama ako sa project inspection nila sa Zambales. Isang sasakyan lang kami ni Claire dahil nagpumilit itong sumabay sa amin kahit na obviously ay may sarili naman siyang sasakyan. Mahaba pala ang biyahe kaya na-bore ako at naisipang magpatugtog sa radio ng sasakyan niya. Sakto namang tumugtog ang favorite artist kong si Olivia Rodrigo sa kantang "good 4 u.""Skip that," biglang utos ni Leandro."Bakit? Maganda naman ah," sagot ko."Too loud," saad niya.Napairap ako at nang dumako ang tingin ko sa rearview mirror, nakangisi si Claire sa likod. Parang ang saya niyang pinapanood kaming nag-aaway ni Leandro. Pinindot ko ang next button at tamang-tama dahil favorite band ko naman ang tumugtog."Skip," utos niya ulit."Maganda naman ang mga kanta ni Taylor Swift ah," angal ko pa."Too emotional," simple niyang sagot.Napanganga ako at napasinghal sa inis. Ano na naman bang problema nito? Kung hindi lang namin kasama si Claire, baka kanina ko pa 'to hinambalos."Ako
Leandro's POVIt's Sunday morning, and my original plan was to sleep all day dahil pagod na pagod ako sa work lately. But here I am. I don't even know why I decided to help her with chores.Napailing na lang ako ng mainis na ito sa kakapindot ng washing machine pero hindi pa rin umaandar."Tiningnan mo na ba kung nakasaksak?" tanong ko habang nakatayo sa tabi niya. Umikot naman ito at nasapo ang noo. Alam ko na kaagad ang ibigsabihin noon kaya mas lalong bumigat ang paghinga ko.Umiiksi na talaga ang pasensya ko sa bruhang 'to!Pagkatapos niyang isaksak ay sinimulan ko nang turuan siya sa kung paano maglaba dahil clearly, wala siyang alam kahit isa."Kailangan mong i-separate iyong puting damit sa may de-kulay," Paliwanag ko. "Bakit?" tanong naman niya."Kasi baka may damit dyang magma-mantsa sa mga puti. Mahirap tanggalin iyon. Simulan mo na."Inisa-isa naman niya ang mga damit at halos pigilan ko ang sarili na batukan siya. "Ano ba? Bilisan mo para ka namang pagong kung kumilos," in







