MasukNARAMDAMAN ni Candice ang kamay na humila sa kaniya, sa isang iglap ay nasa likod na siya ni Luke noong mga oras na iyon. Kung kanina, siya ang nagpoprotekta rito, ngayon naman ay siya na ang pinoprotekatahan nito. Mabilis nitong iniliabas din ang baril sa bewang nito at itinutok iyon kay Kyle.Hindi nagtagal, bumukas ang pinto at pumasok ang mga tauhan ni Luke sa loob. Hindi niya akalaing magiging ganito kabilis ang pagkilos ni Luke at base sa ekspresyon ni Kyle ay halatang hindi nito inasahan ang eksenang iyon. Mukhang hindi ito nakapaghanda hindi katulad ni Luke. Bigla siyang hinarap ni Luke at pagkatapos ay hinaplos ang kanyang pisngi. Ang mga mata nito ay malambot na nakatitig sa kaniya. “Okay lang ba sayo na tulungan kita kahit na hindi ka humihingi ng tulong?” Nanginig ang mga labi ni Candice. For how many years, hinarap niya iyong mag-isa kahit na sobrang nahihirapan siya dahil akala niya, akala niya ay kaya niya ng mag-isa. Ang mga sulok ng kanyang mga mata ay biglang nag-i
ANG mga mata ni Candice ay nanlalaki habang nakatitig pa rin kay Luke. hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig. Idagdag pa na malakas ang kabog ng kanyang dibdib noong mga oras na iyon. “Ano? Bakit hindi ka makasagot? Gusto mo pa ba ng iba? Magsabi ka lang, pag-uusapan natin ang tungkol diyan.” sabi pang muli ni Luke nang hindi sumagot si Kyle. Hindi siya makapaniwalang napatitig kay Luke. Naririnig ba nito ang sarili? Anong pumasok sa isip nito para basta na lang pumayag sa gusto ni Kyle ng ganun ganun na lang? Tyaka, ganun na ba talaga ito kagustong bawiin siya at handa nitong isakripisyo ang lahat ng pinaghirapan nito? Pero bakit parang iba ang pakiramdam niya noong mga oras na iyon? “Sa dami ng pwede mong hilingin, bakit siya pa? Sa tingin mo ba ay handa ko siyang ibigay sayo ng ganun-ganun na lang huh?” tanong nito sa kaniya. “Tyaka, ganun ka na ba talaga katanga para ipagpalit ang lahat para lang sa babaeng ito?” Tumawa ito. “Ang tanga tanga mo kahit kailan! Ano bang nak
SANDALI itong hindi sumagot hanggang sa dahan-dahan nang ngumiti sa kaniya. “Matalino talaga siya.” Namilog ang mga mata ni Candice. “Luke… don’t tell me ay papayag ka sa gusto niya?” hindi niya makapaniwalang tanong dito. “Why?” halos paos na niyang bulong.Dahan-dahan itong gumalaw at tinitigan siya sa kanyang mga mata. Ang kanilang mga mukha ay halos magdikit na dahil sa sobrang lapit nila sa isat-isa. Bukod pa doon ay mas malakas na ang kabog ng dibdib niya noong mga oras na iyon. Ang mga mata nito ay halo-halong emosyon ang nakapaloob sa mga ito. Dahan-dahan itong ngumiti sa kaniya. “Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon, sa dami ng rason para magalit ako sayo… sa dami ng rason para kalimutan at kamuhian ka ay nandito pa rin ako, nagtatanong kung bakit kailangang siya pa rin ang pinipili mo ng pauulit-ulit Candice….” Mas naging malambot pa ang mga titig nito. “Pero… hindi ko talaga kayang magalit sayo kahit na anong gawin ko. Tell me, bakit? Anong dahilan mo para manatili s
NAPILIT din siya ni Kyle kinabukasan na sumama rito kaya noong mga oras na iyon ay sakay sila ng mamahalin nitong sasakyan. Sa kumpanya siya ni Kyle dinala at sinalubong kaagad sila ng mga tauhan nito. “In thirty minutes, the meeting will start sir.” imporma ng sekretarya nito rito. Pinanatili niya ang distansya rito dahil sa totoo lang ay ayaw na ayaw niya itong makasama. Kung pwede lang na ikulong na lang siya nito sa isang silid ay mas gugustuhin pa niya kaysa ang pilitin siya nitong samahan ito at umaktong parang nagmamahalan silang dalawa.Pagpasok nila sa meeting room ay nilingon siya nito. Sila pa lang ang tao sa loob. “Bakit ba napakalayo mo sa akin? Ano ba kita sa tingin mo? Lumapit ka!” utos nito sa kaniya.Hindi siya sumagot at hindi rin siya gumalaw. “Candice…” Napakuyom ang mga kamay niya. “Gusto mo ba talagang ipakita kay Luke na masaya tayo kahit na hindi huh? Para ano?” hinid niya napigilang itanong dito. Alam na niya kaagad ang plano nito. Gusto nitong pauulit-ulit
NAPA buntong hininga si Candice. Kung kanina ay sinabi niya kay Luke na may camera sa buong silid pero ang totoo ay wala naman talaga ngunit nag-chat sa kaniya ito at sinasabing totoo ngang may mga camera na nakapalibot sa buong bahay. Ibig bang sabihin ay ito ang naglagay? O si Kyle? Hindi niya alam. Hindi niya sigurado. Ilang sandali pa ay lumabas na si Candy mula sa silid nito nang marinig ang paglabas niya. “May narinig akong tao kanina rito kaya hindi ako lumabas. Sino iyon? Si Kyle na naman ba?” Tumango siya. Hindi na siya nagdalawang isip pa na magsinungaling sa kapatid niya kaysa sabihin niya ritong si Luke iyon. Tiyak na kapag nalaman nitong pinupuntahan pa siya ni Luke ay pipilitin lang siya nitong humingi ng tulong sa lalaki. Kaagad na nalukot ang mukha nito. “Ano na namang ipinunta niya rito? Hindi pa rin ba siya masaya sa ginawa niya sayo kagabi?” napuno ng galit ang mukha nito. Na-guilty siya ng bahagya ng wala sa ras dahil sa pagsisinungaling niya pero anong magagaw
UMUPO si Callix sa harap niya. Nasa club siya noong mga oras na iyon. “Napapansin kong araw-araw ka na yata ngayon dito ah?” komento nito. “Kaya nga hindi ko na rin ipinapagamit ito sa iba.” dagdag pa nito na hinid niya naman pinansin sa halip ay sumimsim lang siya ng alak mula sa kanyang baso.Kanina pa siya nag-iisip at hindi talaga siya mapalagay sa totoo lang. Ilang sandali pa ay ibinaba na niya ang hawak niyang baso at tumingin dito. “Pwede ba akong humingi sayo ng pabor? Pwede mo bang paimbestigahan sa mga tauhan mo ang isang tao?” Nagsalubong naman ang mga kilay nito habang nakatingin sa kaniya na may halong pagtataka. “What do you mean? Tyaka, anong ginagawa ang mga tauhan mo?” balik nitong tanong sa kaniya.Muli niyang pinulot ang kanyang baso at tinitigan lang ang alak na nasa loob nito. “Ayokong malaman ni Adam.” tapat na sagot niya.Napatango-tango naman ito. “Sure. Siguro ay tungkol na naman iyon sa babaeng kinababaliwan mo?” Hindi siya sumagot. Hindi na niya kailangan
DUMIRETSO KAAGAD si Lawrence sa pangalawang palapag ng club pagdating niya. Wala kasi siyang nakita na kahit anino ni Asha sa baba. Pagpasok pa lang niya doon ay mabilis na ang tibok ng kanyang puso. Isa pa ay binayaran niya ang isa sa mga waiter para lang malaman niya kung nasaan ang boss ng mga i
Hello po, alam kong nag-aabang pa rin kayo sa pagpapatuloy ng story ni Miri at Adam at opo, itutuloy ko pa rin po siya pero po sa ngayon sa isangvstory po muna ako mag-focus. Ang story po ni Sevi Alvaro, ang panganay na anak ni Asha at Lawrence. Baka gusto niyo pong basahin^^ FATED TO BE MINE po a
MATIIM ang mga mata ni Adam na nakatingin sa kaniya naging dahilan para magsunod-sunod ang paglunok niya. “Ka-kailan ka pa nandiyan?” tanong niya rito habang mahigpit na nakahawak sa kanyang cellphone at umaasa na sana ay hindi nito narinig ang naging usapan nila ni Vanessa. Malamig ang mukha nito
KINAUMAGAHAN ay sinubukan ni Miri na hanapin ang kanyang cellphone ngunit kahit na anong hanap ang gawin niya ay hindi niya ito makita. Kahapon ay wala naman siyang ibang pinaglagyan kundi tanging sa bedside table lang naman pero wala ito doon. Halos maikot na niya ng ilang beses ang kanyang silid







