LOGINSINULYAPAN niya si Adam na may hindi maipintang mukha habang nakatayo sa kanyang harapan. “Bakit hindi na lang ikaw mismo ang nagpaalis sa kaniya sa kwarto mo kaysa inutos mo pa sa kasambahay?” hindi niya napigilang itanong.Agad na umikot ang mga mata nito. “Kung ako ang umakyat doon, baka kung ano lang ang magawa ko sa kaniya.” sagot nito na hindi pa rin natatanggal ang matinding inis sa mukha.Hindi na lang siya umimik pa dahil alam niya kung gaano kainis ito sa babaeng iyon at talagang ayaw pa rin nitong sumuko. Desidido talaga itong akitin si Adam at sa totoo lang, maging siya ay naiinis na rin. Nang hindi siya sumagot ay muli siyang binalingan nito.“O gusto mo na pumunta ako doon sa kaniya?” tanong nito.Agad na umikot ang kanyang mga mata at sinamaan ito ng tingin. “Pwede ba Adam, magtigil ka nga. Sobrang sakit ng ulo ko sa totoo lang kaya wala akong lakas para makipag-away sayo.” Tumaas ang sulok ng labi nito habang nakatingin sa kaniya. “Talaga? Gusto mo bang tulungan kitan
NAKITA niyang natigilan si Adam habang nakatingin sa kaniya. Isang buntong hininga ang pinakawalan nito bago sumagot. “Itatapon ko lang ang laman nito.” tukoy nito sa palangganang hawak. “Babalik din ako kaagad. Kahit na ganun ang sinabi nito sa kaniya ay parang nagdadalawang isip pa rin si Miri sa sagot nito. “Sigurado ka ba?” ulit niya na parang batang pinapangakuan.Nagsalubong ang mga kilay nito habang nakatingin sa kaniya. “Tumigil ka nga sa kagaganyan mo okay? Masyado kang pabebe.” medyo naiinis na sabi nito sa kaniya.Wala siyang ideya kung ano ang itsura niya ng mga oras na iyon kaya tanging ang mapakagat labi na lang ang nagawa niya. Hindi niya pa rin pala nabibitawan ang damit nito at nananatiling nasa harap pa rin niya ito. “Huwag mong kagatin yang labi mo.” saway nito sa kaniya.Dahil dito ay napanguso siya ng wala sa oras. “Lahat na lang ba ng gagawin ko ay bawal?” tanong niya rito. Napabuga na lang ito ng marahas. Ano na naman kayang problema? Tanong ni Miri sa kanyang
Hello po, alam kong nag-aabang pa rin kayo sa pagpapatuloy ng story ni Miri at Adam at opo, itutuloy ko pa rin po siya pero po sa ngayon sa isangvstory po muna ako mag-focus. Ang story po ni Sevi Alvaro, ang panganay na anak ni Asha at Lawrence. Baka gusto niyo pong basahin^^ FATED TO BE MINE po ang Title. Salamt po sa pag unawa. ~Luffytaro
NAALIMPUNGATAN si Miri dahil sa isang malamig na bagay na dumampi sa kanyang mukha. Idagdag pa ang matinding sakit ng ulo niya ng magising siya. Hirap na hirap niyang iminulat ang kanyang mga mata. Namumungay pa ang kanyang mga mata na pinalis ang malamig na bagay na patuloy na dumadampi sa kanyang noo dahil giniginaw din siya. “Ang ginaw…” wala sa sarili niyang sabi. Narinig niya ang isang buntong hininga mula sa tabi niya. “Hayaan mong punasan na muna kita.” sabi ng isang pamilyar na tinig sa tabi niya.Nahihirapan siyang tiningnan ito. “Bakit? Bakit mo ako pupunasan?” naguguluhang tanong niya rito.“Nilalagnat ka.” sagot nito sa kaniya. “Pagkatapos mong umiyak ay bigla ka na lang nakatulog at nilagnat.” Dahil dito ay hindi siya umimik. Hindi niya akalain na lalagnatin siya dahil lang sa simple niyang pag-iyak. “Wait lang, huwag ka munang magkumot ng sobra pupunasan pa kita.” muling sabi nito sa kaniya.Sa halip ay sinubukan niyang bumangon ngunit mabilis siya nitong pinigilan.
“HINDI ba at binalaan na kita? Bakit hindi ka nakinig sa akin?” malamig na tanong nito sa kaniya.“Pwede ba River. Stop ordering me around okay? Ngayon at nakuha niyo na ang gusto niyo, we can now cut ties completely. Ayoko ng bumalik pa sa pamilyang nagtulak sa akin sa impyerno dahilan para magkandaleche-leche ang buhay ko.” walang prenong sabi niya rito. Punong-puno na siya sa totoo lang.“How can you say that Miri? Kapatid kita so how can I cut ties with you?” “Why not? Katulad nga ng sabi ko ay tapos na ang obligasyon ko. Naibalik na sa inyo ang dapat na ibalik sa inyo. Isa pa, buo na ang desisyon kong huwag ng bumalik pa sa bahay at kahit na wala na akong matirhan pa ay hinding-hindi na ako magmamakaawa pa sa inyo na tulungan ako.” “Miri, ano bang kalokohan yang sinasabi mo?” “Ipapadala ko na lang sayo ang mga dokumento kaya huwag mo na akong tawagan pa. Ayoko ng makipag-usap sayo at ikaw na lang din ang magsabi kay Dad ng sinabi ko sayo.” sabi niya at mabilis na ibinaba ang n
MAKALIPAS ang ilang minuto ay muling biglang nagsalita si Adam. “magbabakasyon ako sa Boracay at kailangan mong sumama sa akin.” Agad na nagsalubong ang kanyang mga kilay nang marinig niya ang sinabi nito. “At bakit ko naman kailangang sumama sayo?” puno ng pagtatakang tanong niya.Sinulyapan siya nito at puno ng pagdududa ang mga mata. “Malamang na kapag iniwan kita ay susubukan mong tumakas kaya wala akong pagpipilian kundi ang isama ka kahit na ayoko sana.” Naging malamig ang kanyang mga mata at halos hindi na niya malunok pa ang kanyang kinakain. “Kung labag din naman pala sa kalooban mo na isama ako e di iwan mo na lang ako dito. Magiging istorbo lang ako sayo doon tyaka kung natatakot ka na baka takasan kita e di pabantayan mo na lang ako sa mga tauhan mo. anong ginagawa nila e napakadami nila hindi ba?” medyo naiinis ng tanong ko sa kaniya.Isang buntong hininga lang ang pinakawalan niya. “Masyado silang busy kaya wala silang oras na bantayan ka.” hindi talaga ito nauubusan n
PAGKATAPOS magbihis ni Miri ay nagulat siya nang bigla na lang may ilapag si Adam doon. Sinundan niya ito ng tingin. “Dahil napaka-masunurin mo ngayon ay kailangan kitang bigyan ng reward.” mangiti-ngiti nitong sabi sa kaniya.Kaagad na nagsalubong ang mga kilay niya at naguluhan. Ilang sandali pa
ILANG araw ang lumipas at hindi siya ginulo ni Adam, mukhang naging busy na naman ito sa trabaho dahil ni maging anino nito ay hindi niya nakita ng ilang araw. Habang abala siya sa kanyang ginagawa ay bigla na lang may isang kasambahay ang lumapit sa kaniya.“Miss, ipinapatawag ka po sir Adam.” sab
NAGLABAS-masok sila ni Vanessa sa magkakaibang store ng kilalang mga brands. Bumili sila ng bumili hanggang sa halos hindi na nila pa mabitbit pareho ang mga nasa kamay nila. “Miri, ngawit na ngawit na ako sa dami ng pinamili nating dalawa. Hindi ba mas mainam kung umuwi na tayo? Hindi ka ba nahihi
BAGO pa man magbago ang isip nito sa pagsabi sa kaniya ng bagay na iyon ay mabilis na tumayo si Miri mula sa pagkakaluhod niya sa harap nito. Umupo siya sa kandungan nito at kaagad na ipinulupot ang kamay sa leeg ni Adam at pagkatapos ay binigyan niya ito ng mapang-akit na ngiti.Sandali itong nati







