Share

Chapter 28

Author: Luffytaro
last update Huling Na-update: 2025-03-04 15:15:11

HABANG NAGLALAKAD sina Asha at Lawrence ay naisip ni Asha na tiyak na nanguguluhan na si Lester dahil sa mga sinabi ni Lawrence rito. Hindi niya tuloy alam kung paano siya ngayon magpapaliwanag dito. Nang makalayo sila mula doon ay bigla na lang hinila ni Lawrence ang kamay nito mula sa pagkakahawak niya. Nang lingunin niya ito ay nakatitig sa kaniya ang mag malalamig nitong mga mata. Hindi niya tuloy maiwasang magtaka kung bakit parang nagagalit ito e wala naman siyang ginawang masama dahil kung tutuusin ay ito nga ang may ginawang masama sa kaniya.

Ilang sandali pa ay hindi na niya napigilan pa ang sarili na sitahin ito dahil sa pagsasabi nito kay Lester tungkol sa pagpapakasal nila. “Hindi alam ni Lester ang tungkol sa atin bakit mo naman iyon sinabi sa kaniya?”

“E ano naman ngayon?” walang pakialam na balik nitong tanong sa kaniya.

“Alam mo ba na wala sa isip ko na sabihin sa kahit kanino ang tungkol sa bagay na iyon? Bakit kailangan mong ipangalandakan sa harapan niya?” hindi pa
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Manilyn Serrano
ayaw kona Tama na lumyaskna
goodnovel comment avatar
Nhing Nhing
ang oa nmqn ng pagmamahal nq yan eee papamukhq pa talga nya db pwdeng sariliin nqlang nya
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK2: Chapter 5

    AGAD na nanlaki ang mga mata ni Luke nang marinig niya ang sagot ni Adam. “What the hell is your answer?!” hindi makapaniwala itong napatingin sa kaniya at pagkatapos ay dinampot din ang kanyang baso at uminom. “Huwag na huwag mong susubukan Adam, hindi ko gusto ang pamilyang iyon.” malamig ang mga mata niyang sabi rito.Natawa lang muli si Adam dahil sa reaksyon ni Luke. “oo, don’t worry. Natutuwa lang talaga ako sa kapatid niya.” sagot niya rito.Ilang sandali pa ay muli siyang nagsalita. “Pwede mo bang alamin kung sino-sino ang mga nagmamay-ari ng mga shares sa kumpanya nila? Gusto ko kasing bumili ng shares sa kumpanyang iyon idagdag pa na balita ko ay medyo nagigipit sila ngayon.”Agad na nagsalubong ang mga kilay nito. “Bakit? Bakit ka bibili ng shares sa pabagsak nilang kumpanya?”Ngumiti siya. “Simple lang. Dahil interesado ako sa anak ng may ari.”“Adam! Naririnig mo ba ang sinasabi mo huh? Talaga bang matino pa ba yang utak mo o ano?” hindi makapaniwalang napatitig sa kaniya

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK2: Chapter 4

    “So umuwi ka ng bansa ng hindi man lang sinasabi sa akin?” isang tinig ang nagmula sa kanyang likuran kaya awtomatiko siyang napalingon. Nakita niya ang kanyang kapatid na may malamig na mukha at papalapit sa kaniya.Agad na nagliwanag ang kanyang mukha. “Kuya!” masayang bati niya rito at tatakbo na sana siya patungo rito ngunit pinigil niya ang kanyang sarili nang makita niya ang mukha nito lalong lalo na ang mga mata nitong madilim na nakatingin sa kaniya.Sa bahay na iyon, tanging ito lang ang masasabi niyang ka-close niya pero nitong mga nakaraan ay medyo umilap na rin ito sa kaniya sa hindi niya malamang dahilan. Pero noong mga bata naman sila ay sobra silang close, palibhasa ay sila lang ang palaging magkasama simula nang mamatay ang kanilang ina.Nakita niya ang pagtatagis nito ng bagang. “Makinig ka sa utos ni Daddy dahil para rin iyon sayo.” sabi nito sa kaniya.Biglang nanlamig ang kanyang buong katawan. Ang buong akala pa naman niya ay kakampihan siya nito para matakasan ni

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK2: Chapter 3

    KINABUKASAN, magkaharap kaming dalawa ni Vanessa sa sala nang makaalala na naman siyang magtanong. “Siya nga pala, hindi mo yata sinabi sa akin kung ano ang pinag-usapan nito kahapon ng lalaking iyon ah. Ano pa lang sabi niya? Papanagutan niya ba ang nangyari sa inyong dalawa?”Bigla siyang natawa dahil sa tanong nito ng wala sa oras. “Sa tingin mo ba talaga ay pananagutan niya ang ginawa niya?” puno ng panunuya niyang tanong. Kahit na hindi niya ito kilala personally ay alam niyang hindi ito ganung klaseng tao. “Hindi ko na iyon inaasahan pa na gagawin niya.” dagdag ko pa. Tyaka ang pag-usapan lang ang lalaking iyon ay naiinis na siya, ano pa kaya kung makita na naman niya ang pagmumukha nito.“Pero…” “Hayaan mo na.” mabilis kong putol sa anumang sasabihin niya pa. “Kung ano man ang nawala ay tatanggapin ko na lang dahil hindi ko naman na iyon maibabalik pa. Tyaka mas mainam na kalimutan na lang natin ang tungkol sa bagay na ito na para bang walang nangyari.” deklara niya. Ayaw na n

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK 2: Chapter 2

    PAGKAALIS na pagkaalis niya sa hotel kung saan siya nagising ay agad siyang dumiretso sa condo ng kanyang kaibigan. Halatang-halata sa kanyang mukha na hindi siya okay at higit sa lahat ay medyo paika-ika rin ang kanyang paglalakad dahil sa sobrang kirot sa totoo lang. Pakiramdam pa nga niya ay lalagnatin siya. Puno ng pag-aalala ang mukha nito nang makita siya. “What the hell Miri where have you been last night? Tyaka bakit ganyan ang lakad mo?” magkasunod na tanong nito sa kaniya. Napabuntong hininga siya. “Pwede bang humingi ako sayo ng pabor?” tanong niya rito sa halip na sagutin ang mga tanong nito. Nagsalubong ang mga kilay nito habang nakatingin sa kaniya. “Anong pabor?” “Gusto kong alamin mo ang mga bagay tungkol sa lalaking kasama ko kagabi.” sagot niya rito. Agad naman itong natigilan at pagkatapos ay hindi makapaniwalang napatingin sa kaniya. “Don’t tell me…” hindi na nito naituloy pa ang susunod na sasabihin dahil halos napaupo na ito sa sofa at napasapo sa noo. “Anong

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK 2: Chapter 1

    HABANG nasa loob ng silid at nakatayo sa harapan ng kama ay hindi niya maiwasang hindi mapatingin sa babaeng nasa harapan niya. Nakahiga sa kama na halos hubarin na ang suot na damit. Sa puntong iyon ay isang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. Mula sa kanyang bulsa ay dinukot niya ang kanyang cellphone. Iyon na ang tamang pagkakataon niya para kuhanan ito ng video. Nang mai-setup na niya ang cellphone niya at nag-umpisa na ang video ay dali-dali siyang lumapit sa may kama.“Naiinitan ka ba?” mahina at mababa ang tinig na tanong niya rito.Pikit na pikit ang mga mata nito habang naghahabol ng paghinga. “Oo…” sagot naman nito sa nahihirapang tinig.“Anong gusto mong gawin ko para mabawasan ang init na nararamdaman mo?” mapanuksong tanong niya at hinaplos ang paa nito pataas sa tuhod nito hanggang sa hita. Mahina itong napaung*l dahil sa kamay niya na kung saan ay mas lalo pa siyang napangiti. Umepekto na ang gamot na inilagay niya sa inumin nito kanina.Ang kamay nito ay nasa dibdib

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Authors Note

    Pasensya na po sa matagal na paghihintay ng update. Bukas po ang start ng update ng story ni Adam at Miri, salamat po ng marami

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status