Share

Chapter 69

Author: Luffytaro
last update Last Updated: 2025-03-15 08:52:48

NANG IMULAT ni Asha ang kanyang mga mata ay naramdaman niya ang bigat ng ulo niya kaya awtomatiko siyang napahawak dito. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata. Bumangon siya mula sa kanyang pagkakahiga ngunit hindi siya tumayo mula sa kinahihigaan niya. Ilang oras na ba siyang nakatulog? At paano siya nakapunta sa lugar na iyon?

Bigla niyang inalala ang mga nangyari kagabi at doon nga niya naalala ang huling nangyari bago siya mawalan ng malay. Napahilamos siya gamit ang kanyang mga palad. Paano siya ngayon lalabas para harapin si Adam?

Hindi niya akalain na gagawin nito iyon at higit sa lahat ay hindi niya akalain na malalasing siya ng sobra dahil lang sa ilang basong alak. Ipinilig niya ang kanyang ulo para matanggal sa kanyang isip ang nangyari. Siguro ay dala na lang din ng alak kaya nito nagawa iyon. Hindi niya ito nakikita bilang isang lalaki kundi nakikita niya ito bilang kapatid dahil mabait naman ito sa kaniya.

Ilang sandali pa ay bigla na lang may kumatok sa pinto
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jurma Gulam
may nangyari ba sa inyo ni adam Asha..
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK2: Chapter 14

    MULI itong bumalik sa pagkakaupo sa tabi niya. Hinila siya at muling pinaupo sa kandungan niya. Hinaplos nito ang kanyang pisngi habang nakangiti ito na nakatingin sa kaniya. “Nakikita mo ba ang itsura mo ngayon? Mukhang takot na takot ka.” komento nito bigla.Napalunok siya ng ilang beses at napakuyom ang kanyang mga kamay. Hindi na niya pwede pang itago ang nararamdaman niya kaya sinalubong niya ang mga mata nito. “Tama ka, natatakot nga ako.” pag-amin niya.Mas naging malambot ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya at muling hinaplos ang kanyang pisngi. “Bakit ka naman matatakot? Hindi ba at sinabi ko na sayo na hindi ako nananakit ng magandang babae, lalong lalo ka na? Tyaka susundin mo naman lahat ng gusto ko e diba?”Napalunok siya. “Pero kapatid ako ng kaaway mo diba?”“Yes pero wala akong balak na saktan ka. It would be a waste.” sagot naman nito sa kaniya.Pero kahit na ganun ang isinagot nito sa kaniya ay hindi niya pa rin magawang makampante. Paano kung sinasabi lang nito

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK2: Chapter 13

    DINALA siya nito sa isang condo at hindi niya maiwasang mapatanong sa kanyang isip kung ilang condo ba ang pag-aari nito dahil hindi naman ito ang condo na pinagdalhan nito sa kaniya noong nakaraang araw.Nilingon siya nito habang magkasalubong ang mga kilay. “Hindi mo ba sasagutin yang cellphone mo? Kanina pa ring ng ring.” sabi nito sa kaniya. Mabilis niya namang isinilid sa kanyang bag ito.“Ayoko.” mabilis na sagot niya. Wala siyang plano na sagutin ito dahil walang iba kundi ang kanyang ama ang tumatawag. Alam niya na kaagad kung ano ang sasabihin nito kung sakali mang sagutin niya ang tawag nito, pipilitin lang siya nitong bumalik sa kumpanya at bukod pa doon ay pagagalitan lang siya nito.“Baka mamaya niyan ay harangin ako ng kapatid mo bigla at barilin sa ginagawa mo.” pabirong sabi nito sa kaniya. Hindi niya maiwasang mapataas ang kanyang kilay nang marinig niya ang sinabi nito.“Bakit, natatakot ka ba sa kapatid ko huh Adam?” curious na tanong niya rito.Bigla siya nitong ni

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK2: Chapter 12

    KINABUKASAN, nag-iisip si Miri habang nakaupo sa kanyang kama. Hindi niya akalain na hindi siya isinumbong ng kapatid niya sa pagtakas niya nang walang paalam. Ibig lang sabihin nito ay gusto nitong pag-isipan niyang mabuti ang sinabi nito sa kaniya kahapon. Napahugot siya ng isang mahabang buntong hininga.Ang tanging nasa isip niya lang ng mga oras na iyon ay ang bumalik na lang sa ibang bansa, ngayon pa lang ay sising-sisi na siya na umuwi pa siya. Sa totoo lang, wala naman talaga siyang ibang gusto kundi ang maramdaman niya ang pagmamahal ng isang pamilya. Hindi pera at kung ano pa man pero iyon pa ang hindi kayang ibigay sa kaniya ng kanyang ama at ng kanyang nag-iisang kapatid, pakiramdam niya talaga ay mag-isa lang siya.Nahila siya sa kanyang pag-iisip nang bigla na lang siyang nakarinig ng isang katok mula sa pinto. Kasunod nito ay bumukas ito. “Ah, ma’am magbihis daw po kayo sabi ni sir.” sabi nito sa kaniya dahilan para agad na magsalubong ang kilay niya.“Bakit? Saan daw a

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK2: Chapter 11

    PUMARADA ang sinasakyan nila sa isang club, mabilis siyang bumaba ng kotse at pagkababa niya ay agad niyang nakita ang dalawang lalaki at mabilis na yumuko sa kanila. Tumaas lang ang sulok ng labi niya at nilingon si Adam. hindi niya akalain na ganito ito kataas.“Nasa loob ba siya?” tanong nito sa tauhan nito.Mabilis itong tumango sa kaniya. “Yes sir, nasa isa sa mga private room.” mabilis na sagot naman nito sa kaniya. Ilang sandali pa ay inabot nito ang kamay niya at hinila siya nito papasok sa loob ngunit pagkalipas lang ng ilang hakbang ay tumigil ito at nilingon muli ang tauhan. “Dalhan mo kami ng maiinom doon.” utos nito.“Okay po sir.”Nakita niya ang makahulugang pagsulyap ng tauhan nito sa kaniya at mukhang gustong itanong sa kanyang amo kung sino siya ngunit wala lang itong lakas ng loob para magtanong. Nilingon siya ni Adam. “sumunod ka lang sa akin.” sabi nito sa kaniya at hindi na siya sumagot pa. Hinayaan niya itong hilahin siya papasok.Hindi ito ang club kung saan s

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK2: Chapter 10

    PAGKATAPOS niyang magbihis ay kaagad siyang lumabas ng silid. Ang akala niya ay nakaalis na ng tuluyan si Adam ngunit natagpuan niya ito sa sala na prenteng nakaupo sa sofa. Pumasok pa kasi siya sa banyo para hugasan ang sarili niya dahil ang akala niya nga ay makakauwi na siya pero mukhang hindi pa pala.Nang makita siya nito ay agad itong nag-angat ng tingin. “Come here.” utos nito at tinapik ang kandungan katulad ng ginawa nito kanina. Natulos siya sa kanyang kinatatayuan. Hindi alam kung susundin niya ba ito o ano.Hindi siya gumalaw ng ilang sandali kaya muli niyang narinig ang tinig nito. “Hindi mo ba ako narinig? I said come here.” sa pagkakataong iyon ay mas naging malamig ang tinig nito at mas naging mapanganib. Labag man sa kanyang kalooban na sundin ang iniuutos nito ay wala siyang nagawa kundi ang humkbang na lang at umupo sa kandungan nito.Ipinulupot niya ang kanyang mga kamay sa leeg nito at nagpaskil ng isang ngiti sa kanyang mga labi. “Nabura mo na ba yung video?” pi

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK2: Chapter 9

    HINDI na siya nakapag-react pa dahil mabilis itong umibabaw sa kanya at kaagad siyang hinalikan sa kanyang leeg. Ang mga labi nito ay mainit at nakakapaso. At sa bawat dinadaanan nito ay para siyang sinisilaban. Ilang sandali pa ay bumaba ito sa kanyang balikat patungo sa kanyang dibdib.Nang isubo nito ang sa kanyang ut*ng ay hindi na niya nagawa pang pigilan ang pagkawala ng isang ung0l lalo na ng sipsipin niti iyon. Gusto niya itong itulak ngunit sa halip ay napahawak siya sa ulo nito at maharang napahimas doon.Ang nakakaliyong pakiramdam ay nahaluan ng unti-unting sakit at sa sumunod na sandali ay naramdaman na niya ang kagat sa tuktok ng dibdib niya. Napahawak siya sa ulo nito at marahan itong itinulak. “Teka, ang sakit! Bakit mo ba ako kinakagat?” walang ideyang tanong niya rito.Tumigil naman ito at tiningala siya. Niyuko naman niya ang kanyang sarili at nakita niya ang mapupula ng marka sa kanyang dibdib. Ngumiti ito sa kaniya, ang mga mata nito ay namumula at maging ang mukh

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status