LOGINNANG MATAPOS ang kanyang klase sa hapon ay nakatanggap siya ng text mula sa isang kasambahay sa mansyon na nagsasabi na si Lawrence daw ang susundo sa kaniya. Sinubukan niyang sabihin dito na hindi na siya kailangang sunduin nito ngunit ang sabi lang nito ay kanina pa raw ito umalis at tiyak daw na nasa labas na ito ng campus at naghihintay na sa kaniya.
Dahil dito ay nagmadali na siyang lumabas ng silid ngunit may biglang tumawag sa kaniya sa likuran niya. Nakita niyang nakatayo doon ang isa sa mga kaklase niya. “May kailangan ka ba?” tanong niya kaagad dito. Ayaw niya namang talikuran na lang ito basta-basta dahil baka sabihin nito na napakabastos niya naman masyado. Kitang-kita niya kung paano ito nag-alangan at pagkatapos ay napakamot pa ito ng wala sa oras sa kanyang ulo. “Uhm, ano. Gusto ko lang itanong kung sasama ka ba mamaya?” tanong nito sa kaniya. “Ah…” sabi niya at hindi niya alam kung paano sasagot dahil sa totoo lang ay hindi pa siya nakakapag-isip kung sasama ba siya o hindi. “Hindi ko pa alam e. Pinag-iisipan ko pa.” sagot niya na totoo naman. “Sumama ka please…” biglang sabi nito at pagkatapos ay bigla na lang nitong hinawakan ang kamay niya. Agad siyang nagulat at dahil doon ay dali-dali niyang hinila ang kanyang kamay mula rito. Mabilis naman itong humingi ng paumanhin sa kaniya. “Pasensya na. Hindi ko sinasadya.” sabi nito at puno ng paghingi ng paumanhin ang mukha. “Mauna na ako. Naghihintay na kasi ang sasakyan ko. Pasensya ka na.” sabi na lamang niya rito. “Aasahan ko na pupunta ka mamayang gabi.” sabi nito sa kaniya bago siya tuluyang tumalikod at isang matamis na ngiti lang ang isinagot niya rito at tumakbo na patungo sa nakaparang sasakyan ni Lawrence. Wala itong ekspresyon nang pumasok siya sa loob. “Hindi ko alam na may nilalandi ka na pala rito sa paaralan. Kapag nalaman ni Daddy ang tungkol dito, ano na lang kaya ang sasabihin niya sayo?” malamig na tanong nito sa kaniya. Hindi naman siya makapaniwalang napabaling dito at bahagyang nagulat dahil sa sinabi nito. “Mali ang iniisip mo. ang taong iyon ay—” hindi pa man niya natatapos ang kanyang sinasabi ay bigla na lamang siyang pinutol nito. “Hindi mo kailangang magpaliwanag dahil wala akong pakialam at ayaw kong marinig.” sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay pinaandar na ang sasakyan. Hindi na niya nagawa pang magsalita dahil sa banta nito. Tiyak na kapag sinubukan niya lang na magsalita pa ay mas lalo lang magagalit ito sa kaniya. PAG-UWI niya ay agad siyang dumiretso sa kanyang silid at halos inabot siya ng sampung minuto na nakatulala habang iniisip ang sinabi sa kaniya ni Ali at ni Bea. tama naman ang mga ito na halos wala siyang ibang kakilala at ni hindi man lang siya nakikihalubilo sa mga iba kaklase nila. Biglang pumasok sa isip niya na tutal naman ay malapit-lapit na rin naman siyang maka-graduate ay tama lang din naman siguro na i-enjoy niya rin ang teenage life niya bago pa man siya masubsob sa trabaho. Dahil dito ay dali-dali siyang bumangon at nagtungo sa mansyon. Hinanap niya si Don Lucio na natagpuan naman niya sa study room nito. Kumatok muna siya bago pumasok. Nakita niyang nilingon siya nito. “May kailangan ka ba hija?” masuyong tanong nito sa kaniya. “Uhm…” napahawak siya sa kanyang kamay at kinakabahan. “Pwede po ba akong magpaalam sa inyo na lumabas kasama ang mga kaklase ko?” maingat na tanong niya rito. Sa katunayan ay ito ang unang beses na nagpaalam siya rito na lalabas dahil hindi naman talaga siya pala-labas. Kitang-kita niya ang pagguhit ng isang matamis na ngiti sa labi nito at napasandal sa kinauupuan nito. “Masaya ko Asha na sa wakas ay naisipan mo ring lumabas kasama ang mga kaklase mo.” sabi nito sa kaniya bigla na ikinagulat niya. Hindi siya nakapagsalita at napatitig lang dito. Sa totoo lang ay nagulat talaga siya sa reaskyon nito. Ang akala pa naman niya ay mahihirapan siya sa pagpapaalam ngunit laking pagkakamali niya. “Alam mo sa totoo lang, gusto ko na gawin mo rin ang mga ginagawa ng ibang teenager kagaya mo. hindi yung puro bahay at eskwela ka lang. Tatanda ka lang ng hindi mo nai-enjoy ang buhay mo.” sabi nito sa kaniya. “Katulad ko, matanda na ako at hindi na makalabas pa dahil mahina na ang katawan ko.” dagdag pa nito. “Ano po ba kayo. Mas gusto ko naman pong alagaan kayo kaysa ang lumabas at magsayang ng oras sa labas lalo pa at napakalaki ng utang na loob ko sa inyo.” sabi niya rito. Ngumiti lang naman ito sa kaniya. “Manang-mana ka talaga sa nanay mo hija. Magkaparehong-magkapareho kayo.” muling sabi nito at pagkatapos ay binuksan nito ang drawer. Sa sumunod na segundo ay may inaabot na ito sa kaniya. “Ito, kunin mo.” sabi nito. Nang tingnan niya kung ano ang inaabot nito ay nakita niya ang isang black card na may golden plate. Agad na nanlaki ang kanyang mga mata at mabilis na napailing. “Naku, hindi na po kailangan sir.” mabilis na pagtanggi niya rito. “Ano ka ba, huwag ka ng tumanggi pa hija. Tama lang ito.” sabi nito at pagkatapos ay inabot ang kamay niya at inilagay ito sa mga palad niya. “Sir hindi po talaga—” “Tanggapin mo na hija. Isa pa, tama lang na alagaan kitang mabuti para naman kahit papano ay makabawi ako sa mga pagkakamaling nagawa ko.” makahulugang sabi nito na ikinakunot ng kanyang noo. “Ano pong ibig niyong sabihin?” tanong niya rito ngunit sa halip na sagutin nito ang tanong niya ay iniba na nito ang sinasabi nito. “Kung may gusto kang bilhin ay huwag kang magdalawang isip na bilhin iyon. Gamitin mo ang card na yan. Kahit na anong gusto mo.” sabi nito sa kaniya. “Ipapahatid kita kay Lawrence para siguradong—” hindi pa man nito natatapos ang sinasabi ay mabilis na niyang pinutol ito. “Hindi na po kailangan. Kaya ko naman pong pumunta doon.” sabi niya rito ngunit umiling ito. “Medyo tumataas ang krimen ngayon at hindi maganda na pabayaan ka lang mag-isang lumabas. Ipapahatid na lang kita sa driver para naman kahit papano ay maging panatag ang isip ko.” sabi nito. Wala na lang siyang nagawa pa kundi ang bumuntong-hininga. Alam niya sa sarili niya na wala naman siyang magiging laban dito kaya sa huli ay pumayag na lang siya. Atleast ay hindi si Lawrence ang maghahatid sa kaniya. Pagkatapos nito ay nagpaalam na siya at bumalik sa loob ng kanyang silid kung saan ay eksaktong tumawag naman si Ali sa kaniya. Masayang-masaya ito nang sabihin niyang sasama siya rito. Hiningi na lang niya ang lokasyon kung saan sila magkikita-kita para hindi siya maligaw at pagkatapos ay naligo na rin siya at nagbihis. Nang makabihis siya ay magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman niya sa totoo lang dahil first time nga lang niya iyon. …NAPABUNTONG-hininga na lang si Vanessa dahil sa sinabi ni Miri. napasulyap ito sa cellphone na nasa ibabaw ng mesa na kanina pa tunog ng tunog. “Bakit hindi mo sagutin yang cellphone mo? Kanina pa tunog ng tunog.” sabi nito sa kaniya.Ngumiti lang siya rito at umiling. “Para ano? Para sermonan lang niya ako?” balik niyang tanong sa kaibigan.Isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan nitong muli. “Hindi talaga kita maintindihan Miri. masyado mong ipinapahamak ang sarili mo.” napailing na lang ito.Alam kasi nito na magagalit na naman si Adam sa kaniya kapag nalaman nito ang ginawa niya. Ginagawa niya lang naman iyon para malaman nito na kahit may nararamdaman siya para rito ay hinding-hindi siya magpapakontrol. Gagawin pa rin niya ang lahat ng gusto niya. Ilang sandali pa ay tuluyan nang nagsilapitan ang mga lalaking binayaran niya sa kanilang mesa. Sinubukan siyang kausapin ng isa ngunit mabilis siyang tumanggi. “Gusto mo bang dalhin kami sa ibang lugar Miss?” tanong nito sa ka
KAGABI ay sa kwarto ni Miri natulog si Adam ngunit pagkagising nito ay kaagad itong nagbihis para magtungo sa kumpanya. Pagkaalis ni Adam ay kaagad din siyang nagbihis para magtungo sa condo ni Vanessa dahil ayaw niyang makasalamuha ang babaeng iyon. Baka mag-away lang silang dalawa kaya siya na lang ang iiwas. “Ano?!” hindi makapaniwalang bulalas ni Vanessa nang marinig nito ang sinabi niya. “Nababaliw ka na ba talaga Miri? Anong pumasok sa isip mo at sinabi mo iyon sa kaniya?” nanlalaki ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya pagkatapos ay napatampal na lang sa noo. Para itong problemadong-problemado sa sinabi niya idagdag pa ang mabigat nitong paghugot ng malalim na buntong hininga.Huminga siya ng malalim at tumingin sa kanyang kaibigan. “Vanessa, huminahon ka nga okay?” Sinamaan siya nito ng tingin. “Sa tingin mo paano ako hihinahon?! Miri ang sabi ko sayo ay dumistansya ka sa kanya para hindi ka mahulog lalo sa kaniya diba? Umuo ka pa nga sa akin e diba?” Napakagat labi siya
HALOS kalahating oras ang lumipas ay bumukas ang pinto ng silid ni Miri. pumasok si Adam na may hindi maipintang mukha. Hindi niya alam kung ano ang pinag-usapan nito at ng ama ngunit kung ang mukha nito ang pagbabasehan niya ay mukhang hindi maganda ang kinalabasan. Bumuntong hininga ito at pagkatapos ay umupo sa tabi niya. “Dito siya titira ng isang buwan.” sabi nito sa kaniya. “Saan ang magiging kwarto niya?” tanong niya rito. “Sa third floor.” mabilis na sagot nito kung saan ay hindi siya nakamik nang marinig niya ang sinabi nito.Ang third floor ang pinaka-off limits sa lahat ng palapag sa bahay na iyon. Nakapunta na siya doon pero wala pa yatang limang beses ngunit nang marinig niya na doon ito magkakaroon ng silid ay hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng inis. Ngunit kahit na ganun ay nanatili siyang tahimik. Idagdag pa na alam naman niyang wala siyang karapatan na magreklamo. Nang dahil sa pananahimik niya ay muli itong nagsalita. “Ayoko sana kaso pinilit ako ng Daddy k
ISANG mahabang buntong hininga ang narinig niyang pinakawalan ni Adam habang nakasunod ng tingin sa ama. Pagkatapos ay napatingin sa babaeng nasa harap nito, ang mga mata nito ay halatang puno ng pagkamuhi at kahit na hindi nito sabihin sa kaniya ay alam niyang may galit ito sa babae, marahil ay may malalim itong dahilan.Sa kabila ng pagkamuhi sa mga mata ni Adam ay nanatili pa ring nakangiti ang babae at para bang wala lang iyon dito. Kung siya siguro iyon ay baka kanina pa siya nagtatakbo habang umiiyak pero ito ay iba. Ilang sandali pa ay muling humarap sa kaniya si Adam. “umakyat ka na doon at hintayin mo ako.” sabi nito sa kaniya.Kaagad naman siyang ngumiti rito at mabilis na ipinulupot ang mga kamay sa leeg nito bago niya hinalikan ang pisngi nito. Ginawa niya iyon para inisin ang babaeng nasa harapan nila na halatang-halata naman na may gusto ito kay Adam. “Bumalik ka kaagad ah?” malambing na tanong niya rito.Tumaas lang naman ang sulok ng labi nito at lumapit sa kaniya bag
BANDANG hapon ay bumaba si Miri mula sa kanyang silid dahil buryong na buryong na naman siya dahil nakakulong lang siya sa kanyang kwarto. Si Adam naman ay nagkulong sa study nito dahil may mga kailangan itong gawin marahil tungkol sa mga negosyo nito at hanggang sa mga oras na iyon ay hidni pa rin ito lumalabas doon simula pa kaninang umaga. Nitong mga nakaraang araw kasi ay nakabuntot lang ito sa kaniya ng nakabuntot. Pagbaba niya ay agad niyang napansin na natataranta ang mga kasambahay. Ang ilan ay nakasilip pa sa pinto kaya hindi niya napigilan ang kanyang sarili na lumapit sa pinto at makisilip din sa mga ito. Nakita niya na may isang mamahaling sasakyan ang pumarada sa harapan ng bahay. Agad na kumunot ang kanyang noo. “May bisita ba?” tanong niya sa isa sa mga ito.Nilingon siya nito. Ang mga mata nito ay puno ng pag-aalala habang nakatingin sa kaniya. “Dumating po ang Daddy nila sir Adam.” sagot nito.Bahagya siyang nagulat dahil ang alam niya ay wala ng ama ang mga ito pero
ILANG araw ang mabilis na lumipas ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay nananatili pa rin sa kanyang isip ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw. Nakapag-desisyon na siya noon na lalayo at didistansya na siya kay Adam ngunit habang lumilipas ang mga araw ay mas palalim lang naman ng palalim ang kanyang nararamdaman para rito.Nitong mga nakaraang araw ay kakaibang atensyon ang ibinigay sa kaniya ni Adam dahilan para mas mahulog pa siya rito lalo kaya ang tanong niya ngayon sa kanyang isip ay kung paano niya pa ngayon pipigilan ang kanyang nararamdaman? Isang buntong hininga ang pinakawalan niya. Akala niya noon ay hindi siya ganun kabilis na mahuhulog kay Adam. napakalakas pa noon ng loob niya na magsabi na hinding-hindi niya ito mamahalin ngunit halos lunukin niya ang lahat ng sinabi niya. Tandang-tanda pa niya ang eksaktong salita ni River sa kaniya noo. ‘Huwag na huwag kang maiinlove sa kaniya.’Noong mga panahong iyon ay hindi niya pa maintindihan kung bakit nito iyon sinab







