แชร์

Chapter 3

ผู้เขียน: Helaena Stark
last update วันที่เผยแพร่: 2026-08-21 08:42:41

Nagsuot siya ng damit at lumabas papunta sa bakuran, kung saan nakita niya si Robin na nagwo-workout.

Wala itong suot na pang-itaas habang salitan niyang itinataas ang mga dumbbell gamit ang dalawang kamay. Sa sinag ng araw ay kumikinang ang mga muscles ng buong katawan nito. Para bang bumaba ang isang diyos mula sa langit. Bahagyang uminit ang pisngi ni Sophie.

“Ang aga mo naman,” mahina niyang bati.

Lumingon si Robin at sinulyapan lamang siya nang walang gaanong emosyon.

Tumingin sa paligid si Sophie. Hindi gano’n kalaki ang bakuran at medyo magulo, nakakalat ang mga punching bag, boxing gloves, baseball bat, at iba pang equipment. Bahagyang kinabahan si Sophie. Ayaw niyang maniwala sa mga sabi-sabi, pero sa dami ng mga gamit na ‘yon, posible ngang madalas masangkot sa mga away si Robin.

Hindi niya tuloy maiwasang mapaisip kung ano kaya ang tunay na ugali ng lalaking ito. Batay sa mga naririnig niyang balita, laganap daw sa lugar na ‘yon ang pagiging dominante ng mga lalaki, at karaniwan na ang pananakit sa asawa kapag nalalasing.

Kinagat ni Sophie ang kanyang ibabang labi, dahan-dahang lumapit, at halos may kaba nang tanungin niya ito. “Ahm… nakakakain ka na ba ng almusal?”

“Hindi pa,” maikli at malamig na sagot ng lalaki. “Ikaw na ang magluto.”

Tumango si Sophie at agad nagmadali papunta sa kusina. Mabilis siyang kumilos. Hindi nagtagal ay nakapagluto na siya ng isang kalderong lugaw na gawa sa millet, nagprito ng egg pancake, at naghiwa pa ng isang plato ng karne ng baka na bago niya ito ilapag sa harap ni Robin.

Nang itaas ni Robin ang kanyang tingin, tumama ito sa namimilog na mata ni Sophie na punong-puno ng ngiti. Biglang may kung anong kumislot sa kanyang dibdib; kumuha siya ng isang piraso ng karne at inilagay ito sa plato ni Sophie.

Natigilan si Sophie. Akmang tatanggi sana siya nang marinig ang malalim na tinig ng lalaki, “Kumain ka nang marami. Ang payat mo.”

“Oh…”

Ngumuso siya. Marami sana siyang gustong sabihin kay Robin, gaya ng paghingi ng sorry para sa nangyari kagabi. Alam naman niyang normal lang iyon para sa mga bagong kasal, pero nauwi ang lahat na parang pinipilit siya nito.

Gusto rin niya itong tanungin tungkol sa mga future plans nito. Ngayong mag-asawa na sila, dapat ay mapag-usapan at mapagplanuhan nila ang magiging buhay nila. Higit sa lahat, hindi pa rin niya malaman kung ano talaga ang trabaho nito, kung paano siya kumikita at sumusuporta sa pangangailangan ng pamilya.

Marami pa silang kailangang malaman tungkol sa isa’t isa.

Ngunit nakita niyang nakayuko lamang si Robin habang kumakain. Nang itaas nito ang kanyang kamay, kitang-kita ang mga makakapal na kalyo sa mga daliri nito, resulta at mga marka ng walang humpay na pagsuntok sa mga punching bag.

Nasa dulo na ng dila ni Sophie ang mga tanong niya, ngunit pinigilan niya ang mga ito. Ang unang almusal ng kanilang pagsasama ay tahimik at tila walang katapusan. Hindi maitatanggi ni Sophie ang lungkot na nararamdaman dahil sa sitwasyon niya, pero alam niyang sa puntong ito, wala na siyang pagkakataong umurong pa.

“Nga pala, mayroon ka bang gagawin ngayong araw?” tanong ni Sophie.

Nagulat sandali si Robin. “Bakit?”

“Pupunta ako sa syudad para isauli ang wedding gown,” ngiti niya nang bahagya.

Bahagyang natigilan si Robin sa narinig. Dahil sa totoo lang ay wala talaga siyang inasikaso kahit ano sa kasal nila. Hindi man lang nito alam na ang suot na wedding gown ni Sophie ay unipahan lamang. Sa araw na dapat sana ay pinakamasaya at pinakamalaking bahagi ng buhay ng isang babae, hindi ba’t karaniwan nilang binibili ang wedding dress at masayang inuuwi iyon? Habang iniisip iyon, hindi niya maipaliwanag ang kakaiba at mabigat na pakiramdam.

“Pero ‘wag kang mag-alala, hindi ko naman inaasahan na sasamahan mo ‘ko,” mabilis na paliwanag ni Sophie nang makita niyang nananahimik ito. “Kaya ko naman ‘tong isauli mag-isa. Kung mayroon kang gagawin, sige lang, huwag mo akong intindihin.”

“Hmm,” walang gaanong emosyong sagot ng lalaki.

Magalang sila sa isa’t isa at pinakikitunguhan nila ang bawat isa na tila magka-roommate.

Maingat na nilabhan ni Sophie ang wedding gown, ibinalot at sinigurong maayos na tulad ng kung paano niya ito nakuha. Ilang pampublikong sasakyan ang sinakyan niya bago makarating sa wedding dress shop, at halos tanghali na.

Sa araw ng kasal, bukod sa perang pangako ng kanyang ama, wala nang ibang ibinigay ang pamilyang Catañeda para sa kanya. Kaya naman napilitan siyang maglakad sa bawat kanto ng bayan hanggang sa makita ang shop na ito, kung saan mura at maganda naman ang mga wedding gown. Maliit lamang ang shop at kilala bilang mapangmata ang mga nagtatrabaho roon, lalo na sa mga babaeng tulad niya na kailangan pang mangupahan ng wedding gown.

“Miss, sigurado ka bang magagamit pa ulit ang wedding gown na ‘to?” Matigas na boses ng saleslady habang nakakunot ang noo at punong-puno ng pagkadismaya. “Tingnan mo, anong nangyari sa gown!”

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • ASAWA KO ANG LIHIM NA BILYONARYO   Chapter 6

    Hinilot ni Robin ang kanyang sentido at lalong naging mabigat ang kanyang ekspresyon. Huminga siya nang malalim bago tuluyang ibinaba ang kanyang cellphone.Kailangan niyang bumalik, ngunit hindi pa sa ngayon.Dahil alam niyang kung babalik siya ngayon, tiyak na magiging hudyat ito para sa mga kalaban. Muling gagawa ng paraan ang mga taong naniniwalang naaksidente ang kanyang eroplano at wala nang natagpuang bakas ng kanyang katawan. Baka makaisip pa sila ng mas masasamang paraan para saktan siya!“Gusto mo ba ng milktea?” Masiglang tanong ni Sophie.Bahagyang natigilan si Robin sa tanong ng asawa. Nang lumingon siya, sinalubong niya ang namimilog at kumikinang na mga mata ng babae. Nakangiti ito sa kanya. Ang ngiti nito ay kasing-tamis ng inuming hawak niya. Sa sandaling panahon na nakasama niya ito, hindi niya makita ang pagsisisi o kaya ay pag-aalangan nito sa buhay na pinasok niya.“Anong nangyari sa ’yo? Okay ka lang ba?” nag-aalala at inosenteng tanong ni Sophie habang masinsina

  • ASAWA KO ANG LIHIM NA BILYONARYO   Chapter 5

    Biglang tumahimik ang buong shop, tahimik na tila maririnig kahit ang pagbagsak ng karayom sa sahig. Lahat ng nakapaligid ay nagbigay ng nakakaawang tingin sa saleslady. Makikita rin sa kanyang ekspresyon na hindi na siya komportable sa sitwasyon. Sa sandaling iyon, lumapit ang manager at sumenyas para ipahiwatig na sundin lamang ang gusto ng customer. Dahil na rin siguro sa presyo ng wedding gown.Nanatiling kalmado si Robin. Walang bakas ng ngiti ang makikita sa ekspresyon ng kanyang mukha. Hindi namalayan ni Sophie ang napahigpit niyang pagkakahawak sa kamay ni Robin.“Huwag na lang… huwag na nating bilhin,” mahina niyang bulong. “Napakamahal ng damit na iyan, at wala na rin naman akong panggagamitin n’yan.”“Go ahead, i-swipe mo na,” matigas at walang pag-aalinlangang sagot ni Robin. “Wala ‘yang PIN.”Sa huli, kinailangan pang lumapit ng manager at designer para mapawi ang tensyon.Lumabas sandali si Robin upang manigarilyo sa may pintuan sa labas, habang sinusukat naman si Sophie

  • ASAWA KO ANG LIHIM NA BILYONARYO   Chapter 4

    “Nilabhan ko na ‘yan!” Mabilis na paliwanag ni Sophie. “Malinis na malinis na, at sigurado ako do’n!”“Talaga, nalabhan mo?” mapang-asar na tawa ng saleslady. “Miss, isang araw mo lang naman ito inuupahan. Bakit mo pa kailangang labhan? Inupahan mo lang naman ‘to para sa kasal, hindi naman para isuot sa bukid, ‘di ba?”Namula sa hiya ang mga pisngi ni Sophie dahil sa sinabi ng saleslady. Napagtanto niya na hindi naman talaga nalalayo ang pinagdaanan niya noong araw ng kasal niya at ang pagtatrabaho sa bukid. Tumawid siya sa malakas na ulan at naglakad sa maputik na daan, kaya ang napakaputing wedding gown at sapatos ay nagdumi at naputikan. Maging ang kanyang mga paa ay nagkapaltos din.Habang binubuksan at tinitingnan ng saleslady ang laylayan ng gown, hindi nawawala ang tingin nito na punong-puno ng pagkasuklam at paghahamak.“Miss, kahit na nilabhan mo ang wedding gown na ito, kailangan pa rin ‘tong ipa-dry clean!”“Alam niyo po ba kung ano ang ibig sabihin ng dry clean?”Nakita ng

  • ASAWA KO ANG LIHIM NA BILYONARYO   Chapter 3

    Nagsuot siya ng damit at lumabas papunta sa bakuran, kung saan nakita niya si Robin na nagwo-workout.Wala itong suot na pang-itaas habang salitan niyang itinataas ang mga dumbbell gamit ang dalawang kamay. Sa sinag ng araw ay kumikinang ang mga muscles ng buong katawan nito. Para bang bumaba ang isang diyos mula sa langit. Bahagyang uminit ang pisngi ni Sophie.“Ang aga mo naman,” mahina niyang bati.Lumingon si Robin at sinulyapan lamang siya nang walang gaanong emosyon.Tumingin sa paligid si Sophie. Hindi gano’n kalaki ang bakuran at medyo magulo, nakakalat ang mga punching bag, boxing gloves, baseball bat, at iba pang equipment. Bahagyang kinabahan si Sophie. Ayaw niyang maniwala sa mga sabi-sabi, pero sa dami ng mga gamit na ‘yon, posible ngang madalas masangkot sa mga away si Robin.Hindi niya tuloy maiwasang mapaisip kung ano kaya ang tunay na ugali ng lalaking ito. Batay sa mga naririnig niyang balita, laganap daw sa lugar na ‘yon ang pagiging dominante ng mga lalaki, at kara

  • ASAWA KO ANG LIHIM NA BILYONARYO   Chapter 2

    Nablanko ng ilang segundo ang isip ni Sophie.Naramdaman niya ang mainit na dibdib na nakadikit sa kanyang likuran, at naririnig pa niya ang mabilis na pagtibok ng puso nito. Nabalot siya ng matinding presence ng pagkalalaki nito; huminga siya nang malalim, ngunit nananatiling naninigas ang mga kamay at paa niya sa sobrang kaba, hindi man lang niya magawang gumalaw.Biglang tumigil ang mga kamay ng lalaki. “Alam mo ba kung sino ako?”Natigilan si Sophie. Ang gusto sana nitong sabihin ay siya ang kanyang asawa at natural lang na mangyari ang mga ganitong bagay sa unang gabi nila bilang mag-asawa. Ngunit sinagot talaga ni Sophie ang tanong niya sa mahina at takot na tinig: “Alam ko. Ikaw si Robin Alegre.”Bahagyang naniningkit ang mga mata nito at dahan-dahang umangat ang gilid ng kanyang mga labi.Robin Alegre…Hindi n’ya inaasahang alam ‘yon ni Sophie. Ngunit ang totoo, hindi naman talaga siya si Robin Alegre. At hindi rin naman ito si Briana Catañeda.Sa totoo lang, mula sa sandalin

  • ASAWA KO ANG LIHIM NA BILYONARYO   Chapter 1

    “Gabi na. Halika na, matulog na tayo.”Ang malalim at nakakaakit na tinig ng lalaki ang biglang nagpabalik ay Sophie Catañeda sa katinuan. Nang magtaas siya ng tingin, tumama agad ito sa mga mata ng lalaki, malalim at maitim ang mga mata nito, na tila may mga emosyong hindi niya matukoy o mabasa.Napahawak nang mahigpit si Sophie sa laylayan ng kanyang gown at hindi niya mapigilan ang mabilis na pagtibok ng kanyang dibdib. Mula nang pumasok siya sa silid na ito, nakaupo lamang siya sa gilid ng kama, nanatiling tuwid hanggang sa manigas at mangalay ang kanyang likod, suot pa rin ang kanyang wedding gown. Nagising lamang siya sa katotohanan nang lumabas na ang lalaki mula sa banyo. Ngayong gabi, kailangan niyang matulog kasama ang lalaking ito sa unang gabi nila bilang mag-asawa.Ngunit ang totoo, hindi niya alam kung paano niya ito pakikisamahan, lalo pa’t pinalitan lamang niya ang kanyang kapatid na siyang dapat mapangasawa nito.Bilang anak sa labas, nagpakasal siya sa lalaking walan

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status