แชร์

Chapter 6

ผู้เขียน: Helaena Stark
last update วันที่เผยแพร่: 2026-08-21 08:46:28

Hinilot ni Robin ang kanyang sentido at lalong naging mabigat ang kanyang ekspresyon. Huminga siya nang malalim bago tuluyang ibinaba ang kanyang cellphone.

Kailangan niyang bumalik, ngunit hindi pa sa ngayon.

Dahil alam niyang kung babalik siya ngayon, tiyak na magiging hudyat ito para sa mga kalaban. Muling gagawa ng paraan ang mga taong naniniwalang naaksidente ang kanyang eroplano at wala nang natagpuang bakas ng kanyang katawan. Baka makaisip pa sila ng mas masasamang paraan para saktan siya!

“Gusto mo ba ng milktea?” Masiglang tanong ni Sophie.

Bahagyang natigilan si Robin sa tanong ng asawa. Nang lumingon siya, sinalubong niya ang namimilog at kumikinang na mga mata ng babae. Nakangiti ito sa kanya. Ang ngiti nito ay kasing-tamis ng inuming hawak niya. Sa sandaling panahon na nakasama niya ito, hindi niya makita ang pagsisisi o kaya ay pag-aalangan nito sa buhay na pinasok niya.

“Anong nangyari sa ’yo? Okay ka lang ba?” nag-aalala at inosenteng tanong ni Sophie habang masinsinan siyang pinagmamasdan. “Masama ba ang pakiramdam mo? Parang hindi maganda ang—”

“Ayos lang ako.” Agad niyang sinagot at hindi na niya ito pinatapos sa pagsasalita. Dahil ayaw niya ng pakiramdam na para bang nababasa ng isang tao ang iniisip niya.

Matigas at malamig ang boses ni Robin ng tinalikuran siya. “Sige na, sa ’yo na lang iyan. Hindi ako mahilig sa matatamis.”

Nakatayo lamang si Sophie roon, hawak ang dalawang baso ng milktea na binili niya para sa kanilang mag-asawa. Matagal siyang natigilan bago niya kagatin ang labi at bahagyang tumakbo para habulin si Robin.

Sinundan lamang niya ito mula sa likuran at hindi na nangangahas pang lumapit nang husto. Ang malapad nitong likod ay tila isang malamig na pader. Sa kabilang ibayo nito ay nakatago ang kanyang sariling mundo. Napakalapit na niya, ngunit kahit anong gawin niya ay tila hindi niya kayang makatawid papunta roon.

**

Sa ikalawang araw ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa, naging normal lang ang lahat sa kanila.

Ipinagamit ni Robin kay Sophie ang kuwarto para doon matulog, habang siya naman ay natulog sa sofa sa labas. Iisa lamang din ang kanilang kumot, kaya ibinigay niya na rin iyon kay Sophie at piniling magbalot na lamang ng isang luma at manipis na kumot.

Nakaramdam ng kaunting hiya si Sophie. Naglakad siya ng pabalik-balik, hindi mapakali, kaya’t matagal siyang nakatayo sa may pintuan ng kuwarto. Ngunit ang mga salitang ‘halika ka na rito at dito ka na rin matulog’ ay tila nagbuhol-buhol na sa kanyang dila at hindi niya magawang sabihin.

Mukhang tama nga si Robin. Siguro nga ay kailangan pa niya ng panahon para masanay sa katotohanang may asawa na siya. Yumuko siya ng bahagya at napangiti na lamang nang may halong hiya. 

Ayon sa mga usap-usapan, malamig daw ang ugali ni Robin, hindi marunong makisama sa ibang tao, at bihasa naman sa pakikipag-away. Ngunit para kay Sophie, hindi naman siya ganoon kasama tulad ng mga sinasabi nila. Para sa kanya, higit pa sa sapat ang ipinapakita nitong respeto at pag-unawa sa kanya.

Ayon sa nakagawian, sa ikatlong araw pagkatapos ng kasal ay dapat nang umuwi ang bagong kasal na babae sa kanyang pamilya. Pagkagising pa lamang ni Sophie noong umagang iyon, hindi na siya mapakali.

Para sa ibang tao, mahalagang okasyon ang pag-uwi ng bagong kasal na babae sa kanyang pamilya sa ikatlong araw. Kailangang sumama ang kanyang asawa at magdala sila ng mga kakanin para sa pamilya ng babae. Masayang magsasalo ang buong pamilya sa tanghalian bago sila muling umuwi bago lumubog ang araw.

Pero para kay Sophie, hindi simpleng pag-uwi sa pamilya ang pakay niya ngayon. Uuwi siya para kunin ang ipinangakong pera ng kanyang ama kapalit ng pagpayag na magpakasal. Mahalaga iyon para sa kanya. 

Nangako ang kanyang ama na kapag pumayag siyang pumalit kay Briana sa kasal ay bibigyan siya nito ng malaking halaga bilang dowry para maipagamot ang kanyang ina at mapag-aral ang kanyang mga nakababatang kapatid.

Ngunit tatlong araw na siyang kasal at nakatira sa pamilya ng kanyang asawa, pero ang pangako ng pamilyang Valderrama ay tila biglang naglaho na lamang. Wala ni isa sa kanila ang nagparamdam matapos ang kasal. 

Paulit-ulit itong pinag-isipan ni Sophie at napagtanto niyang kailangan niyang siya mismo ang kumuha nito. Ang tanging problema lamang niya ay kung paano niya sasabihin sa asawa ang tungkol sa planong pag-uwi ng hindi siya kasama. Hindi niya puwedeng isama si Robin. Kapag sumama ito, mabubunyag ang lahat; malalaman nitong hindi siya ang dapat na pinakasalan nito kundi ang kapatid niyang si Briana. At kapag nagalit si Robin, hindi niya alam kung ano ang maaari nitong gawin.

“Robin, I'm…”

Nag-iisip siya ng magandang paraan kung paano ito sasabihin. Kailangan niyang makahanap ng isang kapani-paniwala at makatuwirang dahilan para hindi na siya kailangang samahan ng kanyang asawa sa pag-uwi sa pamilya niya.

Matagal niya iyong pinag-isipan, pero sa huli, nilunok na lamang niya ang lahat ng gusto niyang sabihin at napilitang ngumiti. “Nakapaghanda na ako ng almusal. Halika na, kain na tayo.”

Habang nasa bakuran si Robin para mag-workout ay narinig niya ang malambing at mahinang boses ni Sophie na para bang may isang parteng napukaw sa kanyang matigas na puso.

Naghanda si Sophie ng pritong itlog at sinangag na kanin. Nagtimpla rin siya ng mainit na kape para sa kanila.

Nang pumasok si Robin sa maliit nilang bahay, bigla niyang napansin na tila mas maliwanag na ang loob nito. Mula nang magpakasal sila, hindi na ito mukhang dating maputla, marumi, at walang buhay. Mas ramdam na rito ang isang tunay na tahanan. Lahat ng bagay na nahahawakan ni Sophie ay tila nagkakaroon ng buhay. Hindi namalayan ni Robin na bahagyang umangat ang mga sulok ng kanyang labi habang nakaupo siya sa tabi ng mesa at pinagmamasdan ang kanyang asawa.

Sa tapat niya ay tila mukhang nababagabag at may malalim na iniisip ang kanyang asawa. Kaya sandali niya itong pinagmasdan bago mahinang nagsalita.

“Diba dapat ay ngayon ka uuwi sa pamilya mo?” Natigilan si Sophie sa narinig na tanong ng asawa. Napakagat siya sa kanyang labi, at napayuko ng tahimik.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • ASAWA KO ANG LIHIM NA BILYONARYO   Chapter 6

    Hinilot ni Robin ang kanyang sentido at lalong naging mabigat ang kanyang ekspresyon. Huminga siya nang malalim bago tuluyang ibinaba ang kanyang cellphone.Kailangan niyang bumalik, ngunit hindi pa sa ngayon.Dahil alam niyang kung babalik siya ngayon, tiyak na magiging hudyat ito para sa mga kalaban. Muling gagawa ng paraan ang mga taong naniniwalang naaksidente ang kanyang eroplano at wala nang natagpuang bakas ng kanyang katawan. Baka makaisip pa sila ng mas masasamang paraan para saktan siya!“Gusto mo ba ng milktea?” Masiglang tanong ni Sophie.Bahagyang natigilan si Robin sa tanong ng asawa. Nang lumingon siya, sinalubong niya ang namimilog at kumikinang na mga mata ng babae. Nakangiti ito sa kanya. Ang ngiti nito ay kasing-tamis ng inuming hawak niya. Sa sandaling panahon na nakasama niya ito, hindi niya makita ang pagsisisi o kaya ay pag-aalangan nito sa buhay na pinasok niya.“Anong nangyari sa ’yo? Okay ka lang ba?” nag-aalala at inosenteng tanong ni Sophie habang masinsina

  • ASAWA KO ANG LIHIM NA BILYONARYO   Chapter 5

    Biglang tumahimik ang buong shop, tahimik na tila maririnig kahit ang pagbagsak ng karayom sa sahig. Lahat ng nakapaligid ay nagbigay ng nakakaawang tingin sa saleslady. Makikita rin sa kanyang ekspresyon na hindi na siya komportable sa sitwasyon. Sa sandaling iyon, lumapit ang manager at sumenyas para ipahiwatig na sundin lamang ang gusto ng customer. Dahil na rin siguro sa presyo ng wedding gown.Nanatiling kalmado si Robin. Walang bakas ng ngiti ang makikita sa ekspresyon ng kanyang mukha. Hindi namalayan ni Sophie ang napahigpit niyang pagkakahawak sa kamay ni Robin.“Huwag na lang… huwag na nating bilhin,” mahina niyang bulong. “Napakamahal ng damit na iyan, at wala na rin naman akong panggagamitin n’yan.”“Go ahead, i-swipe mo na,” matigas at walang pag-aalinlangang sagot ni Robin. “Wala ‘yang PIN.”Sa huli, kinailangan pang lumapit ng manager at designer para mapawi ang tensyon.Lumabas sandali si Robin upang manigarilyo sa may pintuan sa labas, habang sinusukat naman si Sophie

  • ASAWA KO ANG LIHIM NA BILYONARYO   Chapter 4

    “Nilabhan ko na ‘yan!” Mabilis na paliwanag ni Sophie. “Malinis na malinis na, at sigurado ako do’n!”“Talaga, nalabhan mo?” mapang-asar na tawa ng saleslady. “Miss, isang araw mo lang naman ito inuupahan. Bakit mo pa kailangang labhan? Inupahan mo lang naman ‘to para sa kasal, hindi naman para isuot sa bukid, ‘di ba?”Namula sa hiya ang mga pisngi ni Sophie dahil sa sinabi ng saleslady. Napagtanto niya na hindi naman talaga nalalayo ang pinagdaanan niya noong araw ng kasal niya at ang pagtatrabaho sa bukid. Tumawid siya sa malakas na ulan at naglakad sa maputik na daan, kaya ang napakaputing wedding gown at sapatos ay nagdumi at naputikan. Maging ang kanyang mga paa ay nagkapaltos din.Habang binubuksan at tinitingnan ng saleslady ang laylayan ng gown, hindi nawawala ang tingin nito na punong-puno ng pagkasuklam at paghahamak.“Miss, kahit na nilabhan mo ang wedding gown na ito, kailangan pa rin ‘tong ipa-dry clean!”“Alam niyo po ba kung ano ang ibig sabihin ng dry clean?”Nakita ng

  • ASAWA KO ANG LIHIM NA BILYONARYO   Chapter 3

    Nagsuot siya ng damit at lumabas papunta sa bakuran, kung saan nakita niya si Robin na nagwo-workout.Wala itong suot na pang-itaas habang salitan niyang itinataas ang mga dumbbell gamit ang dalawang kamay. Sa sinag ng araw ay kumikinang ang mga muscles ng buong katawan nito. Para bang bumaba ang isang diyos mula sa langit. Bahagyang uminit ang pisngi ni Sophie.“Ang aga mo naman,” mahina niyang bati.Lumingon si Robin at sinulyapan lamang siya nang walang gaanong emosyon.Tumingin sa paligid si Sophie. Hindi gano’n kalaki ang bakuran at medyo magulo, nakakalat ang mga punching bag, boxing gloves, baseball bat, at iba pang equipment. Bahagyang kinabahan si Sophie. Ayaw niyang maniwala sa mga sabi-sabi, pero sa dami ng mga gamit na ‘yon, posible ngang madalas masangkot sa mga away si Robin.Hindi niya tuloy maiwasang mapaisip kung ano kaya ang tunay na ugali ng lalaking ito. Batay sa mga naririnig niyang balita, laganap daw sa lugar na ‘yon ang pagiging dominante ng mga lalaki, at kara

  • ASAWA KO ANG LIHIM NA BILYONARYO   Chapter 2

    Nablanko ng ilang segundo ang isip ni Sophie.Naramdaman niya ang mainit na dibdib na nakadikit sa kanyang likuran, at naririnig pa niya ang mabilis na pagtibok ng puso nito. Nabalot siya ng matinding presence ng pagkalalaki nito; huminga siya nang malalim, ngunit nananatiling naninigas ang mga kamay at paa niya sa sobrang kaba, hindi man lang niya magawang gumalaw.Biglang tumigil ang mga kamay ng lalaki. “Alam mo ba kung sino ako?”Natigilan si Sophie. Ang gusto sana nitong sabihin ay siya ang kanyang asawa at natural lang na mangyari ang mga ganitong bagay sa unang gabi nila bilang mag-asawa. Ngunit sinagot talaga ni Sophie ang tanong niya sa mahina at takot na tinig: “Alam ko. Ikaw si Robin Alegre.”Bahagyang naniningkit ang mga mata nito at dahan-dahang umangat ang gilid ng kanyang mga labi.Robin Alegre…Hindi n’ya inaasahang alam ‘yon ni Sophie. Ngunit ang totoo, hindi naman talaga siya si Robin Alegre. At hindi rin naman ito si Briana Catañeda.Sa totoo lang, mula sa sandalin

  • ASAWA KO ANG LIHIM NA BILYONARYO   Chapter 1

    “Gabi na. Halika na, matulog na tayo.”Ang malalim at nakakaakit na tinig ng lalaki ang biglang nagpabalik ay Sophie Catañeda sa katinuan. Nang magtaas siya ng tingin, tumama agad ito sa mga mata ng lalaki, malalim at maitim ang mga mata nito, na tila may mga emosyong hindi niya matukoy o mabasa.Napahawak nang mahigpit si Sophie sa laylayan ng kanyang gown at hindi niya mapigilan ang mabilis na pagtibok ng kanyang dibdib. Mula nang pumasok siya sa silid na ito, nakaupo lamang siya sa gilid ng kama, nanatiling tuwid hanggang sa manigas at mangalay ang kanyang likod, suot pa rin ang kanyang wedding gown. Nagising lamang siya sa katotohanan nang lumabas na ang lalaki mula sa banyo. Ngayong gabi, kailangan niyang matulog kasama ang lalaking ito sa unang gabi nila bilang mag-asawa.Ngunit ang totoo, hindi niya alam kung paano niya ito pakikisamahan, lalo pa’t pinalitan lamang niya ang kanyang kapatid na siyang dapat mapangasawa nito.Bilang anak sa labas, nagpakasal siya sa lalaking walan

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status