Share

Chapter 5

Author: Helaena Stark
last update publish date: 2026-08-21 08:45:15

Biglang tumahimik ang buong shop, tahimik na tila maririnig kahit ang pagbagsak ng karayom sa sahig. Lahat ng nakapaligid ay nagbigay ng nakakaawang tingin sa saleslady. Makikita rin sa kanyang ekspresyon na hindi na siya komportable sa sitwasyon. Sa sandaling iyon, lumapit ang manager at sumenyas para ipahiwatig na sundin lamang ang gusto ng customer. Dahil na rin siguro sa presyo ng wedding gown.

Nanatiling kalmado si Robin. Walang bakas ng ngiti ang makikita sa ekspresyon ng kanyang mukha. Hindi namalayan ni Sophie ang napahigpit niyang pagkakahawak sa kamay ni Robin.

“Huwag na lang… huwag na nating bilhin,” mahina niyang bulong. “Napakamahal ng damit na iyan, at wala na rin naman akong panggagamitin n’yan.”

“Go ahead, i-swipe mo na,” matigas at walang pag-aalinlangang sagot ni Robin. “Wala ‘yang PIN.”

Sa huli, kinailangan pang lumapit ng manager at designer para mapawi ang tensyon.

Lumabas sandali si Robin upang manigarilyo sa may pintuan sa labas, habang sinusukat naman si Sophie sa loob. Sa pagkakataong ito, wala nang sinumang nangahas na magbitaw ng masasakit na salita o manghusga kay Sophie. Ang saleslady na kaninang naglalait ay pinagsabihan na ng manager ng shop at nakatayo na lamang sa gilid, hindi man lamang ito umaalis sa posisyon. Ang designer naman ay walang tigil sa pagpuri sa hubog ng katawan ni Sophie, at maging ang manager ay itinuturing siyang VIP, maingat at magalang na ipinagtimpla siya ng tsaa.

Nang sa wakas ay makalabas sila sa shop, nanatiling malungkot at walang sigla si Sophie sa buong paglalakad pauwi. Mahigit tatlumpung libong piso ang halaga ng damit na iyon.

Kinagat niya ang kanyang labi at tumingin sa lalaking nasa tabi niya. Ngunit ang lalaki ay nanatiling kalmado, walang bakas ng pag-aalala.

“Robin,” sa wakas ay nakapagsalita siya matapos ang mahabang pagtitimpi. “Sa palagay ko, may kailangan tayong pag-usapan ng masinsinan.”

Natigilan si Robin at huminto sa paglalakad. Tinitigan siya ni Sophie, kumikinang ang namimilog na mga mata nito, habang bahagyang pinagdikit nito ang kanyang labi.

“Kanina… masyado kang nagpadalos-dalos.”

Kumunot ang noo nito. “Ano ang ibig mong sabihin?”

“Sa shop kanina, alam mo namang hindi mo na kailangang gawin iyon. Bakit mo pa binili yung napakalamahal na wedding gown na ‘yan? Mahigit thirty thousand pesos din ‘yon. Alam mo ba kung gaano katagal tayo mabubuhay sa halagang iyon?”

Sa totoo lang, hindi alam ni Robin ang halaga no’n. Dati, marahil ay hindi pa sapat ang halagang iyon para sa pagkain. Mahinahon ang boses ni Sophie habang nananatiling walang emosyon ang makikita sa mukha ni Robin.

“Hindi naman kita sinisisi.” Lalong huminahon ang kanyang tono. “Gusto ko lang sabihin na ngayong mag-asawa na tayo, kailangan na nating pag-usapan at pagplanuhan ang future. Alam kong gusto mo lang akong ipagtanggol, pero may mga pagkakataon din na kailangan nating magpasensya at maging matipid. Marami pa tayong pagkakagastusan sa bahay.”

Sa bahay.

Sa hindi malamang dahilan, sa sandaling marinig niya ang salitang iyon, bahagya siyang napangiti.

“Bukod pa rito… hindi pa dumarating ang dowry ko. Kapag nakuha na natin iyon, mayroon na rin kasi ‘yong pinaglalaanan. Hindi tayo pwedeng basta-basta gumastos ng hindi pinag-iisipan muna,” dagdag pa niya.

Unti-unting humina ang boses ni Sophie. Sa tuwing naiisip niya ang kanyang inang kailangang ipagamot sa ospital at ang mga kapatid na naghihintay ng pera para sa gastusin sa araw-araw, binalot siya ng labis na pag-aalala. Ngunit alam niyang hindi ‘yon pwedeng malaman ni Robin. Sa harap nito, gusto niyang maging si Briana.

“Gumastos?” Iniulit ni Robin at may halong bahagyang pagtawa sa kanyang boses. “Hindi ba galing ka sa mayamang pamilya? Bakit nag-aalala ka na mauubusan tayo ng pera?”

Nanlaki ang mga mata ni Sophie sa sinabi ni Robin, habang pumipintig sa kaba ang kanyang dibdib. Agad siyang nag-isip ng paraan para ibahin ang usapan. “Nauuhaw ka ba? Bibili ako ng milktea!”

Pagkasabi nito, mabilis siyang tumalikod at mabilis na naglakad papunta sa milktea shop. Pinagmasdan siya ni Robin, ang maliit at payat na likuran ng asawa, at bahagyang ngumiti. Ngunit biglang tumunog ang kanyang telepono. Nawala ang ngiti ng makita niya ang pangalan sa kanyang screen.

“How’s the investigation going?”

“Young Master Creighton…” Magalang na nabati nito. “Patapos na po ang inspection. Noong araw na sinabotage ang private plane n’yo, confirmed po na may tao sa likod nito. Sa ngayon, naghahanap pa po kami ng solid na ebidensya. Pero malapit na po nating mapatunayan. Itong mapatunayan at ang mastermind po ay ang taong iniisip n’yong gumawa nito sa inyo.”

“Mabuti kung ganon,” mariin at may awtoridad na wika ni Robin. “Ipagpatuloy niyo lang ang imbestigasyom hanggang sa lumabas ang katotohanan!”

“Masusunod. Pero, Young Master Creighton, gaano pa po katagal kayong mag-i-stay diyan sa probinsya ng Quezon? Sigurado po ba kayong wala pa po kayong balak na bumalik dito sa Manila?”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • ASAWA KO ANG LIHIM NA BILYONARYO   Chapter 6

    Hinilot ni Robin ang kanyang sentido at lalong naging mabigat ang kanyang ekspresyon. Huminga siya nang malalim bago tuluyang ibinaba ang kanyang cellphone.Kailangan niyang bumalik, ngunit hindi pa sa ngayon.Dahil alam niyang kung babalik siya ngayon, tiyak na magiging hudyat ito para sa mga kalaban. Muling gagawa ng paraan ang mga taong naniniwalang naaksidente ang kanyang eroplano at wala nang natagpuang bakas ng kanyang katawan. Baka makaisip pa sila ng mas masasamang paraan para saktan siya!“Gusto mo ba ng milktea?” Masiglang tanong ni Sophie.Bahagyang natigilan si Robin sa tanong ng asawa. Nang lumingon siya, sinalubong niya ang namimilog at kumikinang na mga mata ng babae. Nakangiti ito sa kanya. Ang ngiti nito ay kasing-tamis ng inuming hawak niya. Sa sandaling panahon na nakasama niya ito, hindi niya makita ang pagsisisi o kaya ay pag-aalangan nito sa buhay na pinasok niya.“Anong nangyari sa ’yo? Okay ka lang ba?” nag-aalala at inosenteng tanong ni Sophie habang masinsina

  • ASAWA KO ANG LIHIM NA BILYONARYO   Chapter 5

    Biglang tumahimik ang buong shop, tahimik na tila maririnig kahit ang pagbagsak ng karayom sa sahig. Lahat ng nakapaligid ay nagbigay ng nakakaawang tingin sa saleslady. Makikita rin sa kanyang ekspresyon na hindi na siya komportable sa sitwasyon. Sa sandaling iyon, lumapit ang manager at sumenyas para ipahiwatig na sundin lamang ang gusto ng customer. Dahil na rin siguro sa presyo ng wedding gown.Nanatiling kalmado si Robin. Walang bakas ng ngiti ang makikita sa ekspresyon ng kanyang mukha. Hindi namalayan ni Sophie ang napahigpit niyang pagkakahawak sa kamay ni Robin.“Huwag na lang… huwag na nating bilhin,” mahina niyang bulong. “Napakamahal ng damit na iyan, at wala na rin naman akong panggagamitin n’yan.”“Go ahead, i-swipe mo na,” matigas at walang pag-aalinlangang sagot ni Robin. “Wala ‘yang PIN.”Sa huli, kinailangan pang lumapit ng manager at designer para mapawi ang tensyon.Lumabas sandali si Robin upang manigarilyo sa may pintuan sa labas, habang sinusukat naman si Sophie

  • ASAWA KO ANG LIHIM NA BILYONARYO   Chapter 4

    “Nilabhan ko na ‘yan!” Mabilis na paliwanag ni Sophie. “Malinis na malinis na, at sigurado ako do’n!”“Talaga, nalabhan mo?” mapang-asar na tawa ng saleslady. “Miss, isang araw mo lang naman ito inuupahan. Bakit mo pa kailangang labhan? Inupahan mo lang naman ‘to para sa kasal, hindi naman para isuot sa bukid, ‘di ba?”Namula sa hiya ang mga pisngi ni Sophie dahil sa sinabi ng saleslady. Napagtanto niya na hindi naman talaga nalalayo ang pinagdaanan niya noong araw ng kasal niya at ang pagtatrabaho sa bukid. Tumawid siya sa malakas na ulan at naglakad sa maputik na daan, kaya ang napakaputing wedding gown at sapatos ay nagdumi at naputikan. Maging ang kanyang mga paa ay nagkapaltos din.Habang binubuksan at tinitingnan ng saleslady ang laylayan ng gown, hindi nawawala ang tingin nito na punong-puno ng pagkasuklam at paghahamak.“Miss, kahit na nilabhan mo ang wedding gown na ito, kailangan pa rin ‘tong ipa-dry clean!”“Alam niyo po ba kung ano ang ibig sabihin ng dry clean?”Nakita ng

  • ASAWA KO ANG LIHIM NA BILYONARYO   Chapter 3

    Nagsuot siya ng damit at lumabas papunta sa bakuran, kung saan nakita niya si Robin na nagwo-workout.Wala itong suot na pang-itaas habang salitan niyang itinataas ang mga dumbbell gamit ang dalawang kamay. Sa sinag ng araw ay kumikinang ang mga muscles ng buong katawan nito. Para bang bumaba ang isang diyos mula sa langit. Bahagyang uminit ang pisngi ni Sophie.“Ang aga mo naman,” mahina niyang bati.Lumingon si Robin at sinulyapan lamang siya nang walang gaanong emosyon.Tumingin sa paligid si Sophie. Hindi gano’n kalaki ang bakuran at medyo magulo, nakakalat ang mga punching bag, boxing gloves, baseball bat, at iba pang equipment. Bahagyang kinabahan si Sophie. Ayaw niyang maniwala sa mga sabi-sabi, pero sa dami ng mga gamit na ‘yon, posible ngang madalas masangkot sa mga away si Robin.Hindi niya tuloy maiwasang mapaisip kung ano kaya ang tunay na ugali ng lalaking ito. Batay sa mga naririnig niyang balita, laganap daw sa lugar na ‘yon ang pagiging dominante ng mga lalaki, at kara

  • ASAWA KO ANG LIHIM NA BILYONARYO   Chapter 2

    Nablanko ng ilang segundo ang isip ni Sophie.Naramdaman niya ang mainit na dibdib na nakadikit sa kanyang likuran, at naririnig pa niya ang mabilis na pagtibok ng puso nito. Nabalot siya ng matinding presence ng pagkalalaki nito; huminga siya nang malalim, ngunit nananatiling naninigas ang mga kamay at paa niya sa sobrang kaba, hindi man lang niya magawang gumalaw.Biglang tumigil ang mga kamay ng lalaki. “Alam mo ba kung sino ako?”Natigilan si Sophie. Ang gusto sana nitong sabihin ay siya ang kanyang asawa at natural lang na mangyari ang mga ganitong bagay sa unang gabi nila bilang mag-asawa. Ngunit sinagot talaga ni Sophie ang tanong niya sa mahina at takot na tinig: “Alam ko. Ikaw si Robin Alegre.”Bahagyang naniningkit ang mga mata nito at dahan-dahang umangat ang gilid ng kanyang mga labi.Robin Alegre…Hindi n’ya inaasahang alam ‘yon ni Sophie. Ngunit ang totoo, hindi naman talaga siya si Robin Alegre. At hindi rin naman ito si Briana Catañeda.Sa totoo lang, mula sa sandalin

  • ASAWA KO ANG LIHIM NA BILYONARYO   Chapter 1

    “Gabi na. Halika na, matulog na tayo.”Ang malalim at nakakaakit na tinig ng lalaki ang biglang nagpabalik ay Sophie Catañeda sa katinuan. Nang magtaas siya ng tingin, tumama agad ito sa mga mata ng lalaki, malalim at maitim ang mga mata nito, na tila may mga emosyong hindi niya matukoy o mabasa.Napahawak nang mahigpit si Sophie sa laylayan ng kanyang gown at hindi niya mapigilan ang mabilis na pagtibok ng kanyang dibdib. Mula nang pumasok siya sa silid na ito, nakaupo lamang siya sa gilid ng kama, nanatiling tuwid hanggang sa manigas at mangalay ang kanyang likod, suot pa rin ang kanyang wedding gown. Nagising lamang siya sa katotohanan nang lumabas na ang lalaki mula sa banyo. Ngayong gabi, kailangan niyang matulog kasama ang lalaking ito sa unang gabi nila bilang mag-asawa.Ngunit ang totoo, hindi niya alam kung paano niya ito pakikisamahan, lalo pa’t pinalitan lamang niya ang kanyang kapatid na siyang dapat mapangasawa nito.Bilang anak sa labas, nagpakasal siya sa lalaking walan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status