登入
“Gabi na. Halika na, matulog na tayo.”
Ang malalim at nakakaakit na tinig ng lalaki ang biglang nagpabalik ay Sophie Catañeda sa katinuan. Nang magtaas siya ng tingin, tumama agad ito sa mga mata ng lalaki, malalim at maitim ang mga mata nito, na tila may mga emosyong hindi niya matukoy o mabasa.
Napahawak nang mahigpit si Sophie sa laylayan ng kanyang gown at hindi niya mapigilan ang mabilis na pagtibok ng kanyang dibdib. Mula nang pumasok siya sa silid na ito, nakaupo lamang siya sa gilid ng kama, nanatiling tuwid hanggang sa manigas at mangalay ang kanyang likod, suot pa rin ang kanyang wedding gown. Nagising lamang siya sa katotohanan nang lumabas na ang lalaki mula sa banyo. Ngayong gabi, kailangan niyang matulog kasama ang lalaking ito sa unang gabi nila bilang mag-asawa.
Ngunit ang totoo, hindi niya alam kung paano niya ito pakikisamahan, lalo pa’t pinalitan lamang niya ang kanyang kapatid na siyang dapat mapangasawa nito.
Bilang anak sa labas, nagpakasal siya sa lalaking walang-wala sa buhay upang tuparin ang kasunduang itinakda ng kanilang mga magulang at upang matanggap ang malaking halagang dowry. Ang pera ay magagamit niya para mapagamot ang sakit ng kanyang ina, sa pag-aaral ng kanyang mga kapatid, at magkaroon ng maayos na buhay ang kanyang pamilya.
Huminga nang malalim si Sophie at parang kunehong takot na takot ay dahan-dahang naglakad patungo sa banyo. “M-Maliligo rin ako…”
Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ng lalaki. Mabilis na pumasok si Sophie sa loob ng banyo, ngunit nang isasara na sana niya ang luma at sirang p***o, napagtanto niyang kahit isang kandado ay wala ito. Natigilan siya. Kahit noong mga panahong mahirap ang kanilang buhay, hindi naman sila umabot sa ganitong antas ng kahirapan.
Bahagyang namula ang kanyang mga mata, at nanatili siyang nakatayo sa loob ng banyo, hindi makapagdesisyon kung huhubarin ang kanyang wedding gown
Mula sa labas, tila naramdaman ng lalaki ang kanyang alalahanin, at dahan-dahang nagsalita sa mababang tinig, “Lalabas muna ako para manigarilyo. Take your time.”
Nabawasan ang kaba ni Sophie. Inilapit niya ang kanyang tainga sa pintuan upang makinig, hanggang sa tuluyan nang lumayo ang mga yabag nito, at sa huli ay wala na siyang marinig pa.
Ang pulang wedding decoration sa lumang pader ay tila kupas na. Isang malakas na bagyo ang humagupit sa syudad noong nakaraang araw, kung saan makikita sa mga kalsada ang mga nasirang tarpaulin at mga punong nabali at bumagsak. Sa gitna ng ganitong kaguluhan at kalamidad, itinuloy pa rin ni Sophie ang pagpapakasal.
Walang magandang sasakyang sumundo sa kanya. Naglakad siya nang malayo hanggang sa makasakay sa isang luma at walang kulay na van, at matapos ang mahabang biyahe ay nakarating din sa baryo, ngunit ang maputik na daan ay nagdulot ng dumi sa kanyang sapatos at maging sa kanyang wedding gown.
Sinasabi ng mga matatanda na ang pagpapakasal sa ganitong panahon ng bagyo ay hindi kailanman magdadala ng kaligayahan. Ngunit matagal nang hindi inaalala ni Sophie ang sarili niyang kaligayahan.
Lumabas siya habang pinatutuyo ang kanyang buhok. Ngunit hindi pa rin bumalik ang kanyang asawa. Tila napakatagal ito sa paninigarilyo
Tiningnan niya ang dalawang kwarto na gawa sa luma at marupok na kahoy, may mga bahagi pa ng kisame na tumutulo kapag umuulan, at marami ring palatandaan ng pagkasira. Ngunit kung lilinisin at aayusin, siguradong magiging maayos din itong bahay. Napangiti si Sophie sa kanyang naisip, at habang wala pa rin ang kanyang asawa, sinamantala niya ang pagkakataong iyon upang linisin at ayusin ang buong kwarto mula sa loob hanggang sa labas.
Ngunit noong siya ay nakaluhod at inaayos na ang kumot, biglang bumukas ang p***o at pumasok ang lalaki. Mabilis na lumingon si Sophie at dahil sa biglaang pagkagulat, ang tanging tuwalya na nakabalot sa kanyang katawan ay biglang dumulas at nahulog. Napasinghap siya sa takot at agad na niyakap ang kanyang sarili gamit ang kanyang mga kamay, ngunit huli na. Nakita na ng lalaki ang kanyang buong katawan.
Nataranta at mabilis na kinuha ni Sophie ang kumot upang takpan ang sarili, habang namumula ang kanyang mukha. Mapapansin ang paggalaw ng Adam’s apple niya at lalong lumalim ang mga tingin niya na mahirap basahin. Dahan-dahan siyang lumapit, at sa kanyang mababa at malamig na tinig ay may halong malambing na pabulong: “Gabi na. Matulog na tayo.”
Binigyang-diin niya ang salitang tayo.
Hindi maipaliwanag ni Sophie ang kabang naramdaman. Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata nang biglang maramdaman ang isang bisig na yumakap sa kanyang baywang. Isinandal niya ang sarili sa bisig ng lalaki, at dahan-dahan siyang inihiga nito sa kama.
Hinilot ni Robin ang kanyang sentido at lalong naging mabigat ang kanyang ekspresyon. Huminga siya nang malalim bago tuluyang ibinaba ang kanyang cellphone.Kailangan niyang bumalik, ngunit hindi pa sa ngayon.Dahil alam niyang kung babalik siya ngayon, tiyak na magiging hudyat ito para sa mga kalaban. Muling gagawa ng paraan ang mga taong naniniwalang naaksidente ang kanyang eroplano at wala nang natagpuang bakas ng kanyang katawan. Baka makaisip pa sila ng mas masasamang paraan para saktan siya!“Gusto mo ba ng milktea?” Masiglang tanong ni Sophie.Bahagyang natigilan si Robin sa tanong ng asawa. Nang lumingon siya, sinalubong niya ang namimilog at kumikinang na mga mata ng babae. Nakangiti ito sa kanya. Ang ngiti nito ay kasing-tamis ng inuming hawak niya. Sa sandaling panahon na nakasama niya ito, hindi niya makita ang pagsisisi o kaya ay pag-aalangan nito sa buhay na pinasok niya.“Anong nangyari sa ’yo? Okay ka lang ba?” nag-aalala at inosenteng tanong ni Sophie habang masinsina
Biglang tumahimik ang buong shop, tahimik na tila maririnig kahit ang pagbagsak ng karayom sa sahig. Lahat ng nakapaligid ay nagbigay ng nakakaawang tingin sa saleslady. Makikita rin sa kanyang ekspresyon na hindi na siya komportable sa sitwasyon. Sa sandaling iyon, lumapit ang manager at sumenyas para ipahiwatig na sundin lamang ang gusto ng customer. Dahil na rin siguro sa presyo ng wedding gown.Nanatiling kalmado si Robin. Walang bakas ng ngiti ang makikita sa ekspresyon ng kanyang mukha. Hindi namalayan ni Sophie ang napahigpit niyang pagkakahawak sa kamay ni Robin.“Huwag na lang… huwag na nating bilhin,” mahina niyang bulong. “Napakamahal ng damit na iyan, at wala na rin naman akong panggagamitin n’yan.”“Go ahead, i-swipe mo na,” matigas at walang pag-aalinlangang sagot ni Robin. “Wala ‘yang PIN.”Sa huli, kinailangan pang lumapit ng manager at designer para mapawi ang tensyon.Lumabas sandali si Robin upang manigarilyo sa may pintuan sa labas, habang sinusukat naman si Sophie
“Nilabhan ko na ‘yan!” Mabilis na paliwanag ni Sophie. “Malinis na malinis na, at sigurado ako do’n!”“Talaga, nalabhan mo?” mapang-asar na tawa ng saleslady. “Miss, isang araw mo lang naman ito inuupahan. Bakit mo pa kailangang labhan? Inupahan mo lang naman ‘to para sa kasal, hindi naman para isuot sa bukid, ‘di ba?”Namula sa hiya ang mga pisngi ni Sophie dahil sa sinabi ng saleslady. Napagtanto niya na hindi naman talaga nalalayo ang pinagdaanan niya noong araw ng kasal niya at ang pagtatrabaho sa bukid. Tumawid siya sa malakas na ulan at naglakad sa maputik na daan, kaya ang napakaputing wedding gown at sapatos ay nagdumi at naputikan. Maging ang kanyang mga paa ay nagkapaltos din.Habang binubuksan at tinitingnan ng saleslady ang laylayan ng gown, hindi nawawala ang tingin nito na punong-puno ng pagkasuklam at paghahamak.“Miss, kahit na nilabhan mo ang wedding gown na ito, kailangan pa rin ‘tong ipa-dry clean!”“Alam niyo po ba kung ano ang ibig sabihin ng dry clean?”Nakita ng
Nagsuot siya ng damit at lumabas papunta sa bakuran, kung saan nakita niya si Robin na nagwo-workout.Wala itong suot na pang-itaas habang salitan niyang itinataas ang mga dumbbell gamit ang dalawang kamay. Sa sinag ng araw ay kumikinang ang mga muscles ng buong katawan nito. Para bang bumaba ang isang diyos mula sa langit. Bahagyang uminit ang pisngi ni Sophie.“Ang aga mo naman,” mahina niyang bati.Lumingon si Robin at sinulyapan lamang siya nang walang gaanong emosyon.Tumingin sa paligid si Sophie. Hindi gano’n kalaki ang bakuran at medyo magulo, nakakalat ang mga punching bag, boxing gloves, baseball bat, at iba pang equipment. Bahagyang kinabahan si Sophie. Ayaw niyang maniwala sa mga sabi-sabi, pero sa dami ng mga gamit na ‘yon, posible ngang madalas masangkot sa mga away si Robin.Hindi niya tuloy maiwasang mapaisip kung ano kaya ang tunay na ugali ng lalaking ito. Batay sa mga naririnig niyang balita, laganap daw sa lugar na ‘yon ang pagiging dominante ng mga lalaki, at kara
Nablanko ng ilang segundo ang isip ni Sophie.Naramdaman niya ang mainit na dibdib na nakadikit sa kanyang likuran, at naririnig pa niya ang mabilis na pagtibok ng puso nito. Nabalot siya ng matinding presence ng pagkalalaki nito; huminga siya nang malalim, ngunit nananatiling naninigas ang mga kamay at paa niya sa sobrang kaba, hindi man lang niya magawang gumalaw.Biglang tumigil ang mga kamay ng lalaki. “Alam mo ba kung sino ako?”Natigilan si Sophie. Ang gusto sana nitong sabihin ay siya ang kanyang asawa at natural lang na mangyari ang mga ganitong bagay sa unang gabi nila bilang mag-asawa. Ngunit sinagot talaga ni Sophie ang tanong niya sa mahina at takot na tinig: “Alam ko. Ikaw si Robin Alegre.”Bahagyang naniningkit ang mga mata nito at dahan-dahang umangat ang gilid ng kanyang mga labi.Robin Alegre…Hindi n’ya inaasahang alam ‘yon ni Sophie. Ngunit ang totoo, hindi naman talaga siya si Robin Alegre. At hindi rin naman ito si Briana Catañeda.Sa totoo lang, mula sa sandalin
“Gabi na. Halika na, matulog na tayo.”Ang malalim at nakakaakit na tinig ng lalaki ang biglang nagpabalik ay Sophie Catañeda sa katinuan. Nang magtaas siya ng tingin, tumama agad ito sa mga mata ng lalaki, malalim at maitim ang mga mata nito, na tila may mga emosyong hindi niya matukoy o mabasa.Napahawak nang mahigpit si Sophie sa laylayan ng kanyang gown at hindi niya mapigilan ang mabilis na pagtibok ng kanyang dibdib. Mula nang pumasok siya sa silid na ito, nakaupo lamang siya sa gilid ng kama, nanatiling tuwid hanggang sa manigas at mangalay ang kanyang likod, suot pa rin ang kanyang wedding gown. Nagising lamang siya sa katotohanan nang lumabas na ang lalaki mula sa banyo. Ngayong gabi, kailangan niyang matulog kasama ang lalaking ito sa unang gabi nila bilang mag-asawa.Ngunit ang totoo, hindi niya alam kung paano niya ito pakikisamahan, lalo pa’t pinalitan lamang niya ang kanyang kapatid na siyang dapat mapangasawa nito.Bilang anak sa labas, nagpakasal siya sa lalaking walan







