LOGINNablanko ng ilang segundo ang isip ni Sophie.
Naramdaman niya ang mainit na dibdib na nakadikit sa kanyang likuran, at naririnig pa niya ang mabilis na pagtibok ng puso nito. Nabalot siya ng matinding presence ng pagkalalaki nito; huminga siya nang malalim, ngunit nananatiling naninigas ang mga kamay at paa niya sa sobrang kaba, hindi man lang niya magawang gumalaw.
Biglang tumigil ang mga kamay ng lalaki. “Alam mo ba kung sino ako?”
Natigilan si Sophie. Ang gusto sana nitong sabihin ay siya ang kanyang asawa at natural lang na mangyari ang mga ganitong bagay sa unang gabi nila bilang mag-asawa.
Ngunit sinagot talaga ni Sophie ang tanong niya sa mahina at takot na tinig: “Alam ko. Ikaw si Robin Alegre.”
Bahagyang naniningkit ang mga mata nito at dahan-dahang umangat ang gilid ng kanyang mga labi.
Robin Alegre…
Hindi n’ya inaasahang alam ‘yon ni Sophie. Ngunit ang totoo, hindi naman talaga siya si Robin Alegre. At hindi rin naman ito si Briana Catañeda.
Sa totoo lang, mula sa sandaling pumasok si Sophie sa pintuan, nakita na agad niyang isa lamang siyang substitute. Hindi man niya sigurado ang totoong dahilan, pero batid niya na imposibleng pumayag ang panganay na anak ng Catañeda na magpakasal sa isang lalaking taga-baryo lamang.
Ngunit hindi naman ‘yon mahalaga sa kanya, siya ang pumalit bilang bride, at siya rin naman ang ipinalit bilang groom, kaya patas lang sila.
“Robin…”
Napabalik siya sa katinuan nang maramdaman ang mainit na tingin ng lalaki sa kanyang mga mata, malambing at parang tubig, habang ang kanyang presensya ay tila isang kamay na dahan-dahang humahaplos sa pinakamalalim at lihim na bahagi ng puso niya.
“Sorry, kinakabahan lang talaga ako.” Kinagat niya ang kanyang ibabang labi at dahan-dahang iniangat ang maliit na kamay upang hawakan ang leeg nito. “Asawa na kita kaya dapat lang na ibigay ko ang sarili ko sa ‘yo nang buo… kaya… simulan na natin.”
May mga butil ng pawis sa dulo ng kanyang ilong. Pilit siyang lumapit sa asawa, ngunit nanginginig pa rin sa kaba ang kanyang buong katawan. Sa sandaling paglapit ni Sophie upang halikan sa labi ang asawa, may kung anong kumirot sa puso ni Robin. Kaya bigla nitong hinawakan ang kanyang maliit na kamay at dahan-dahang inilayo siya nang bahagya.
Natigilan si Sophie, hindi pa rin nawawala ang pamumula sa kanyang mukha, habang ang kanyang namimilog na mga mata ay punong-puno ng pagkalito at pagtataka.
“Huwag na muna,” tinitigan siya nito. “Pagod ka na rin ngayong araw. Magpahinga ka na.”
“Robin…”
“Sa tingin ko, kailangan mo pa ng panahon,” malumanay nitong wika. “Hangga’t hindi ka pa sanay na may asawa ka na, hindi kita pipilitin.”
Pagkatapos nito, tumalikod na ang lalaki at humiga. Nakatitig lamang si Sophie sa hubad at malapad nitong likuran, at hindi niya namalayan kung gaano katagal siyang nakatingin sa kanya, hanggang sa dahan-dahan niyang narinig ang mahina at payapang paghilik ng lalaki.
Tinitigan niya ito nang mabuti. Napakaguwapo nitong matulog, may matibay at malinaw na anggulo ang kanyang mukha, at ang makapal nitong kilay na lalong nagpapakita ng kanyang pagiging masculine. Nakapatong ang kanyang ulo sa malalaki niyang braso. Naramdaman ni Sophie ang biglang pag-init ng kanyang mukha at mga pisngi sa patuloy na pagtitig sa matipuno nitong pangangatawan.
Biglang bumilis ang tibok ng dibdib ni Sophie, kaya agad siyang tumalikod upang itago ang kanyang hiya at kaba.
Unti-unti siyang dinalaw ng antok, ngunit magulo pa rin ang isip niya habang inaalala ang mga masasakit na salita ng kanyang madrasta at si Briana bago ang kasal. Paulit-ulit nilang sinabi sa kanya na ang pamilya ng mga Alegre at ang kanilang angkan ay matagal nang magkakakilala at magkaibigan, at mayroon talagang nakatakdang kasunduan sa pagpapakasal. Ngunit nang mangkaroon ng problema ang pamilyang Alegre, nagtago na lamang sila sa malayong baryo sa bukid. Naghirap sila sa buhay at halos wala na silang ari-arian. Ang anak na lalaki ng kanilang pamilya ay wala ring narating sa buhay. Kilala pa raw ito sa buong lugar bilang isang walang kuwentang tambay na madalas pa ngang makulong.
“Paano naman ako magpapasakal sa isang basagulero?” Tinaasan siya ng boses ni Briana habang nakataas ang kanyang noo. “Bagay na bagay ka naman sa kanya! Tutal, sino bang nakakaalam kung ilan ang naging lalaki ng nanay mo? Isa pa, mga anak sa labas din naman ang mga kapatid mo!”
“Sigurado ako, mga tulad mo lamang ang babagay para sa isang basagulero!”
“Sophie, pag-isipan mong mabuti,” malamig at walang pakiramdam na wika ng kanyang ama. “Kung ikaw ang magpapakasal kay Robin Alegre sa halip na si Briana, bibigyan kita ng malaking halaga, sapat upang mapagamot mo ang iyong ina.”
Itinuro-turo siya ng kanyang madrasta at sinigawan, “Walanghiya ka! Pinayagan ka na ngang magpakasal bilang anak ng pamilyang Catañeda. Dapat nga magpasalamat ka pa. ‘Wag kang masyadong mapili!”
Sa isang iglap, nagising si Sophie mula sa kanyang pagkakatulog at nakita niyang maliwanag na ang araw. Ngunit wala na ang anino ng lalaking katabi niya.
Hinilot ni Robin ang kanyang sentido at lalong naging mabigat ang kanyang ekspresyon. Huminga siya nang malalim bago tuluyang ibinaba ang kanyang cellphone.Kailangan niyang bumalik, ngunit hindi pa sa ngayon.Dahil alam niyang kung babalik siya ngayon, tiyak na magiging hudyat ito para sa mga kalaban. Muling gagawa ng paraan ang mga taong naniniwalang naaksidente ang kanyang eroplano at wala nang natagpuang bakas ng kanyang katawan. Baka makaisip pa sila ng mas masasamang paraan para saktan siya!“Gusto mo ba ng milktea?” Masiglang tanong ni Sophie.Bahagyang natigilan si Robin sa tanong ng asawa. Nang lumingon siya, sinalubong niya ang namimilog at kumikinang na mga mata ng babae. Nakangiti ito sa kanya. Ang ngiti nito ay kasing-tamis ng inuming hawak niya. Sa sandaling panahon na nakasama niya ito, hindi niya makita ang pagsisisi o kaya ay pag-aalangan nito sa buhay na pinasok niya.“Anong nangyari sa ’yo? Okay ka lang ba?” nag-aalala at inosenteng tanong ni Sophie habang masinsina
Biglang tumahimik ang buong shop, tahimik na tila maririnig kahit ang pagbagsak ng karayom sa sahig. Lahat ng nakapaligid ay nagbigay ng nakakaawang tingin sa saleslady. Makikita rin sa kanyang ekspresyon na hindi na siya komportable sa sitwasyon. Sa sandaling iyon, lumapit ang manager at sumenyas para ipahiwatig na sundin lamang ang gusto ng customer. Dahil na rin siguro sa presyo ng wedding gown.Nanatiling kalmado si Robin. Walang bakas ng ngiti ang makikita sa ekspresyon ng kanyang mukha. Hindi namalayan ni Sophie ang napahigpit niyang pagkakahawak sa kamay ni Robin.“Huwag na lang… huwag na nating bilhin,” mahina niyang bulong. “Napakamahal ng damit na iyan, at wala na rin naman akong panggagamitin n’yan.”“Go ahead, i-swipe mo na,” matigas at walang pag-aalinlangang sagot ni Robin. “Wala ‘yang PIN.”Sa huli, kinailangan pang lumapit ng manager at designer para mapawi ang tensyon.Lumabas sandali si Robin upang manigarilyo sa may pintuan sa labas, habang sinusukat naman si Sophie
“Nilabhan ko na ‘yan!” Mabilis na paliwanag ni Sophie. “Malinis na malinis na, at sigurado ako do’n!”“Talaga, nalabhan mo?” mapang-asar na tawa ng saleslady. “Miss, isang araw mo lang naman ito inuupahan. Bakit mo pa kailangang labhan? Inupahan mo lang naman ‘to para sa kasal, hindi naman para isuot sa bukid, ‘di ba?”Namula sa hiya ang mga pisngi ni Sophie dahil sa sinabi ng saleslady. Napagtanto niya na hindi naman talaga nalalayo ang pinagdaanan niya noong araw ng kasal niya at ang pagtatrabaho sa bukid. Tumawid siya sa malakas na ulan at naglakad sa maputik na daan, kaya ang napakaputing wedding gown at sapatos ay nagdumi at naputikan. Maging ang kanyang mga paa ay nagkapaltos din.Habang binubuksan at tinitingnan ng saleslady ang laylayan ng gown, hindi nawawala ang tingin nito na punong-puno ng pagkasuklam at paghahamak.“Miss, kahit na nilabhan mo ang wedding gown na ito, kailangan pa rin ‘tong ipa-dry clean!”“Alam niyo po ba kung ano ang ibig sabihin ng dry clean?”Nakita ng
Nagsuot siya ng damit at lumabas papunta sa bakuran, kung saan nakita niya si Robin na nagwo-workout.Wala itong suot na pang-itaas habang salitan niyang itinataas ang mga dumbbell gamit ang dalawang kamay. Sa sinag ng araw ay kumikinang ang mga muscles ng buong katawan nito. Para bang bumaba ang isang diyos mula sa langit. Bahagyang uminit ang pisngi ni Sophie.“Ang aga mo naman,” mahina niyang bati.Lumingon si Robin at sinulyapan lamang siya nang walang gaanong emosyon.Tumingin sa paligid si Sophie. Hindi gano’n kalaki ang bakuran at medyo magulo, nakakalat ang mga punching bag, boxing gloves, baseball bat, at iba pang equipment. Bahagyang kinabahan si Sophie. Ayaw niyang maniwala sa mga sabi-sabi, pero sa dami ng mga gamit na ‘yon, posible ngang madalas masangkot sa mga away si Robin.Hindi niya tuloy maiwasang mapaisip kung ano kaya ang tunay na ugali ng lalaking ito. Batay sa mga naririnig niyang balita, laganap daw sa lugar na ‘yon ang pagiging dominante ng mga lalaki, at kara
Nablanko ng ilang segundo ang isip ni Sophie.Naramdaman niya ang mainit na dibdib na nakadikit sa kanyang likuran, at naririnig pa niya ang mabilis na pagtibok ng puso nito. Nabalot siya ng matinding presence ng pagkalalaki nito; huminga siya nang malalim, ngunit nananatiling naninigas ang mga kamay at paa niya sa sobrang kaba, hindi man lang niya magawang gumalaw.Biglang tumigil ang mga kamay ng lalaki. “Alam mo ba kung sino ako?”Natigilan si Sophie. Ang gusto sana nitong sabihin ay siya ang kanyang asawa at natural lang na mangyari ang mga ganitong bagay sa unang gabi nila bilang mag-asawa. Ngunit sinagot talaga ni Sophie ang tanong niya sa mahina at takot na tinig: “Alam ko. Ikaw si Robin Alegre.”Bahagyang naniningkit ang mga mata nito at dahan-dahang umangat ang gilid ng kanyang mga labi.Robin Alegre…Hindi n’ya inaasahang alam ‘yon ni Sophie. Ngunit ang totoo, hindi naman talaga siya si Robin Alegre. At hindi rin naman ito si Briana Catañeda.Sa totoo lang, mula sa sandalin
“Gabi na. Halika na, matulog na tayo.”Ang malalim at nakakaakit na tinig ng lalaki ang biglang nagpabalik ay Sophie Catañeda sa katinuan. Nang magtaas siya ng tingin, tumama agad ito sa mga mata ng lalaki, malalim at maitim ang mga mata nito, na tila may mga emosyong hindi niya matukoy o mabasa.Napahawak nang mahigpit si Sophie sa laylayan ng kanyang gown at hindi niya mapigilan ang mabilis na pagtibok ng kanyang dibdib. Mula nang pumasok siya sa silid na ito, nakaupo lamang siya sa gilid ng kama, nanatiling tuwid hanggang sa manigas at mangalay ang kanyang likod, suot pa rin ang kanyang wedding gown. Nagising lamang siya sa katotohanan nang lumabas na ang lalaki mula sa banyo. Ngayong gabi, kailangan niyang matulog kasama ang lalaking ito sa unang gabi nila bilang mag-asawa.Ngunit ang totoo, hindi niya alam kung paano niya ito pakikisamahan, lalo pa’t pinalitan lamang niya ang kanyang kapatid na siyang dapat mapangasawa nito.Bilang anak sa labas, nagpakasal siya sa lalaking walan







