LOGIN“Nilabhan ko na ‘yan!” Mabilis na paliwanag ni Sophie. “Malinis na malinis na, at sigurado ako do’n!”
“Talaga, nalabhan mo?” mapang-asar na tawa ng saleslady. “Miss, isang araw mo lang naman ito inuupahan. Bakit mo pa kailangang labhan? Inupahan mo lang naman ‘to para sa kasal, hindi naman para isuot sa bukid, ‘di ba?”
Namula sa hiya ang mga pisngi ni Sophie dahil sa sinabi ng saleslady. Napagtanto niya na hindi naman talaga nalalayo ang pinagdaanan niya noong araw ng kasal niya at ang pagtatrabaho sa bukid. Tumawid siya sa malakas na ulan at naglakad sa maputik na daan, kaya ang napakaputing wedding gown at sapatos ay nagdumi at naputikan. Maging ang kanyang mga paa ay nagkapaltos din.
Habang binubuksan at tinitingnan ng saleslady ang laylayan ng gown, hindi nawawala ang tingin nito na punong-puno ng pagkasuklam at paghahamak.
“Miss, kahit na nilabhan mo ang wedding gown na ito, kailangan pa rin ‘tong ipa-dry clean!”
“Alam niyo po ba kung ano ang ibig sabihin ng dry clean?”
Nakita ng saleslady na mukhang inosente si Sophie, kaya sinadya nitong lokohin siya. “Hay naku, simula nang magbukas ang shop namin, ipinapagbenta lang talaga ang mga wedding gown. Ngayon lang kami pumayag na may umupa rito. At kung hindi mo kayang bumili ng wedding gown, bakit ka pa nagpakasal?”
“Bawal na bang magpakasal kung hindi makakabili ng wedding gown? Sa anong batas nakasulat ‘yan?”
Natigilan si Sophie nang may malamig na boses na biglang nanggaling mula sa likuran at napalingon siya. Nakita niyang pumasok si Robin mula sa p***o, mayroong awtoridad sa bawat galaw ng kanyang mga mata at kilay, at ang buong pagkatao nito ay nagpaparamdam ng takot at paggalang sa sinumang makakakita.
Bahagyang kumunot ang noo ni Robin at dahan-dahang lumapit kay Sophie upang akbayan ito nang walang pag-aalinlangan. Pagkatapos ay tinitigan niya ang saleslady at malamig na ngumisi dito. “Napalaki ng nakasulat na ‘Wedding Gown Rental’ sa mga service na ino-offer ng shop n’yo. Sa tingin mo ba bulag ang mga customer n’yo para hindi ‘yon makita?”
“Ikaw!”
“Isa pa, tiningnan ko yung mga wedding gown n’yo, parang ordinaryo lang naman ang mga design, at hindi rin naman maganda ang quality, kaya hindi nakapagtataka kung bakit hindi talaga ‘yan dapat bilhin at iuwi,” dagdag pa niya.
Galit na galit silang tiningnan ng saleslady at halos umabot sa langit ang pagkakairap nito. “Kung hindi n’yo kayang bumili, sabihin n’yo na lang! Huwag na huwag ninyong sisiraan ang mga paninda namin. Alam niyo bang may mga exclusive designer kami rito na gumagawa ng mga customized gown?”
Itinaas ni Robin ang kanyang kilay at tumingin sa pinakamagandang gown na suot ng mannequin at naka-display sa gitna ng shop. Mermaid cut ‘yon, perpektong humuhubog sa katawan, at may gintong nakaburda rito at mga kumikinang na batong palamuti sa dibdib nito.
Nangingibabaw ito sa lahat ng mga gown sa shop na iyon, ngunit kahit hindi pa rin maikumpara sa quality ng mga gown na nakita na noon ni Robin.
“Hay naku, huwag mo nang tingnan,” malamig na tawa ng saleslady. “Sigurado akong hindi mo rin ito kayang bilhin! Miss, sa totoo lang, nakakaawa ka talaga, ang ganda-ganda mo pa naman, pero bakit hindi man lang namili nang maayos bago ka nagpakasal? Sayang lang, ang ganda mo pa naman!”
“Wala kang karapatang makialam sa relasyon naming mag-asawa!” mabilis na sagot ni Sophie.
Natigilan sandali si Robin matapos marinig si Sophie, na laging mahinhin at mahinahon. Ngunit ngayon ay buong tapang na nakikipagtalo sa iba para sa kanya. Humakbang palapit si Sophie at tinitigan nang diretso ang saleslady. “Ipapa-dry clean ko muna ang gown bago ko ibalik ulit nang maayos. Pero kailangan mong humingi ng tawad sa asawa ko dahil sa mga sinabi mo kanina!”
“Ano?”
Malambot man ang puso ni Sophie, alam niya kung sino ang nararapat na pagbigyan. Kaya niyang tiisin ang panglalait sa kanya ng iba, ngunit kapag ang mga taong mahalaga sa kanya, maging ang kanyang asawa na kakakilala pa lamang niya.ang inaapi, handa niyang gawin ang lahat para ipagtanggol ito.
Namula ang kanyang pisngi at binigkas niya nang malinaw at may diin. “Sinasabi ko sa iyo, humingi ka ng tawad sa asawa ko!”
Tumingin lamang ng may pangmamata ang saleslady sa kanya at binalewala siya na parang hangin.
“Hindi na kailangan,” dahan-dahang ngumiti si Robin habang nakayakap sa kanya. “Gusto mo ba ang damit na iyan?” Mahinahon at malambing na tannong nito.
“Ha?” Sinundan ni Sophie ang turo ng kamay ni Robin at nakita ang napakagandang wedding gown sa gitna. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Hindi niya maunawaan kung ano ang gustong gawin ni Robin.
Bahagyang ngumiti si Robin habang inilalabas ang isang kard at inilapag ito sa counter. “My wife likes that wedding gown. I’ll take it.”
Parang biglang tumigil ang pag-ikot ng mundo ng marinig ito ni Sophie. Nanlaki ang mga mata ng saleslady sa gulat, habang si Sophie ay hindi rin alam kung ano ang gagawin sa labis na pagtataka.
“Robin, anong ginagawa mo?” Hinila niya nang bahagya ang laylayan ng damit nito at bumulong nang mahina. “Nakapagpakasal na tayo!”
“Kahit tapos na, pwede pa rin nating bilhin as remembrance,” kalmadong sagot ni Robin. “Designer haute couture ang gown na ‘yan. At kailangang sukatin muna ang katawan bago ito gawin. Mayroon ba ritong marunong kumuha ng measurements?”
Doon lamang nagising sa katotohanan ang saleslady. Agad na napalitan ng matamis at magalang na ngiti ang kanyang ekspresyon, magalang na pinagdakop ang mga palad niya at yumuko nang mababa. “Sir, sigurado po ba kayong bibilhin n’yo ‘to?”
“Oo,” sagot ni Robin. “Sukatan mo na ngayon ang asawa ko.”
“Sige po, Sir. Tatawagan ko lang po sandali ang designer namin.”
“Miss,” tinaasan ni Robin ng kilay ang saleslady. “Hindi mo ba kaya?” Nanigas ang ekspresyon ng saleslady.
“Kung hindi ikaw ang magsusukat sa kanya, hindi ko na ‘to bibilhin,” seryosong banta ni Robin. Punong-puno ng awtoridad ang kanyang presensya, kaya’t bahagyang kinabahan sa takot ang saleslady. Alam niyang bihirang makakuha ng ganitong order ang shop nila, at kasama rin sa trabaho niya ang pagkuha ng measurements ng mga customer, kaya agad niyang kinuha ang medida at lumapit kay Sophie.
“Miss, susukatin ko na po kayo.”
“Masusukat mo ba ang laylayan ng gown sa ganyang paraan?” Mahinang tawa ni Robin habang ang kanyang mga mata ay matalim na nakatitig sa saleslady. “Kapag sinusukat ang laylayan… kailangan mong lumuhod!”
Hinilot ni Robin ang kanyang sentido at lalong naging mabigat ang kanyang ekspresyon. Huminga siya nang malalim bago tuluyang ibinaba ang kanyang cellphone.Kailangan niyang bumalik, ngunit hindi pa sa ngayon.Dahil alam niyang kung babalik siya ngayon, tiyak na magiging hudyat ito para sa mga kalaban. Muling gagawa ng paraan ang mga taong naniniwalang naaksidente ang kanyang eroplano at wala nang natagpuang bakas ng kanyang katawan. Baka makaisip pa sila ng mas masasamang paraan para saktan siya!“Gusto mo ba ng milktea?” Masiglang tanong ni Sophie.Bahagyang natigilan si Robin sa tanong ng asawa. Nang lumingon siya, sinalubong niya ang namimilog at kumikinang na mga mata ng babae. Nakangiti ito sa kanya. Ang ngiti nito ay kasing-tamis ng inuming hawak niya. Sa sandaling panahon na nakasama niya ito, hindi niya makita ang pagsisisi o kaya ay pag-aalangan nito sa buhay na pinasok niya.“Anong nangyari sa ’yo? Okay ka lang ba?” nag-aalala at inosenteng tanong ni Sophie habang masinsina
Biglang tumahimik ang buong shop, tahimik na tila maririnig kahit ang pagbagsak ng karayom sa sahig. Lahat ng nakapaligid ay nagbigay ng nakakaawang tingin sa saleslady. Makikita rin sa kanyang ekspresyon na hindi na siya komportable sa sitwasyon. Sa sandaling iyon, lumapit ang manager at sumenyas para ipahiwatig na sundin lamang ang gusto ng customer. Dahil na rin siguro sa presyo ng wedding gown.Nanatiling kalmado si Robin. Walang bakas ng ngiti ang makikita sa ekspresyon ng kanyang mukha. Hindi namalayan ni Sophie ang napahigpit niyang pagkakahawak sa kamay ni Robin.“Huwag na lang… huwag na nating bilhin,” mahina niyang bulong. “Napakamahal ng damit na iyan, at wala na rin naman akong panggagamitin n’yan.”“Go ahead, i-swipe mo na,” matigas at walang pag-aalinlangang sagot ni Robin. “Wala ‘yang PIN.”Sa huli, kinailangan pang lumapit ng manager at designer para mapawi ang tensyon.Lumabas sandali si Robin upang manigarilyo sa may pintuan sa labas, habang sinusukat naman si Sophie
“Nilabhan ko na ‘yan!” Mabilis na paliwanag ni Sophie. “Malinis na malinis na, at sigurado ako do’n!”“Talaga, nalabhan mo?” mapang-asar na tawa ng saleslady. “Miss, isang araw mo lang naman ito inuupahan. Bakit mo pa kailangang labhan? Inupahan mo lang naman ‘to para sa kasal, hindi naman para isuot sa bukid, ‘di ba?”Namula sa hiya ang mga pisngi ni Sophie dahil sa sinabi ng saleslady. Napagtanto niya na hindi naman talaga nalalayo ang pinagdaanan niya noong araw ng kasal niya at ang pagtatrabaho sa bukid. Tumawid siya sa malakas na ulan at naglakad sa maputik na daan, kaya ang napakaputing wedding gown at sapatos ay nagdumi at naputikan. Maging ang kanyang mga paa ay nagkapaltos din.Habang binubuksan at tinitingnan ng saleslady ang laylayan ng gown, hindi nawawala ang tingin nito na punong-puno ng pagkasuklam at paghahamak.“Miss, kahit na nilabhan mo ang wedding gown na ito, kailangan pa rin ‘tong ipa-dry clean!”“Alam niyo po ba kung ano ang ibig sabihin ng dry clean?”Nakita ng
Nagsuot siya ng damit at lumabas papunta sa bakuran, kung saan nakita niya si Robin na nagwo-workout.Wala itong suot na pang-itaas habang salitan niyang itinataas ang mga dumbbell gamit ang dalawang kamay. Sa sinag ng araw ay kumikinang ang mga muscles ng buong katawan nito. Para bang bumaba ang isang diyos mula sa langit. Bahagyang uminit ang pisngi ni Sophie.“Ang aga mo naman,” mahina niyang bati.Lumingon si Robin at sinulyapan lamang siya nang walang gaanong emosyon.Tumingin sa paligid si Sophie. Hindi gano’n kalaki ang bakuran at medyo magulo, nakakalat ang mga punching bag, boxing gloves, baseball bat, at iba pang equipment. Bahagyang kinabahan si Sophie. Ayaw niyang maniwala sa mga sabi-sabi, pero sa dami ng mga gamit na ‘yon, posible ngang madalas masangkot sa mga away si Robin.Hindi niya tuloy maiwasang mapaisip kung ano kaya ang tunay na ugali ng lalaking ito. Batay sa mga naririnig niyang balita, laganap daw sa lugar na ‘yon ang pagiging dominante ng mga lalaki, at kara
Nablanko ng ilang segundo ang isip ni Sophie.Naramdaman niya ang mainit na dibdib na nakadikit sa kanyang likuran, at naririnig pa niya ang mabilis na pagtibok ng puso nito. Nabalot siya ng matinding presence ng pagkalalaki nito; huminga siya nang malalim, ngunit nananatiling naninigas ang mga kamay at paa niya sa sobrang kaba, hindi man lang niya magawang gumalaw.Biglang tumigil ang mga kamay ng lalaki. “Alam mo ba kung sino ako?”Natigilan si Sophie. Ang gusto sana nitong sabihin ay siya ang kanyang asawa at natural lang na mangyari ang mga ganitong bagay sa unang gabi nila bilang mag-asawa. Ngunit sinagot talaga ni Sophie ang tanong niya sa mahina at takot na tinig: “Alam ko. Ikaw si Robin Alegre.”Bahagyang naniningkit ang mga mata nito at dahan-dahang umangat ang gilid ng kanyang mga labi.Robin Alegre…Hindi n’ya inaasahang alam ‘yon ni Sophie. Ngunit ang totoo, hindi naman talaga siya si Robin Alegre. At hindi rin naman ito si Briana Catañeda.Sa totoo lang, mula sa sandalin
“Gabi na. Halika na, matulog na tayo.”Ang malalim at nakakaakit na tinig ng lalaki ang biglang nagpabalik ay Sophie Catañeda sa katinuan. Nang magtaas siya ng tingin, tumama agad ito sa mga mata ng lalaki, malalim at maitim ang mga mata nito, na tila may mga emosyong hindi niya matukoy o mabasa.Napahawak nang mahigpit si Sophie sa laylayan ng kanyang gown at hindi niya mapigilan ang mabilis na pagtibok ng kanyang dibdib. Mula nang pumasok siya sa silid na ito, nakaupo lamang siya sa gilid ng kama, nanatiling tuwid hanggang sa manigas at mangalay ang kanyang likod, suot pa rin ang kanyang wedding gown. Nagising lamang siya sa katotohanan nang lumabas na ang lalaki mula sa banyo. Ngayong gabi, kailangan niyang matulog kasama ang lalaking ito sa unang gabi nila bilang mag-asawa.Ngunit ang totoo, hindi niya alam kung paano niya ito pakikisamahan, lalo pa’t pinalitan lamang niya ang kanyang kapatid na siyang dapat mapangasawa nito.Bilang anak sa labas, nagpakasal siya sa lalaking walan







