Share

PART 2-ELEVEN, HEART AND SOUL

  “REMEMBER OUR AGREEMENT, Doreen. I need to see your sketches first before you start your painting.”

     Katatapos lang nilang mag-almusal sa garden table na nasa backyard ng cabin nito. Ngayon ang unang session ng pagmo-model nito para sa kanya. At ang balak niya ay i-sketch ang lalaki habang nakaupo ito sa harapan ng mga pine trees.

     “Yes, Master. I remember, master. Paulit-ulit mo nang nasabi iyan, Jim. Memoryado ko na,” patuya ang tonong ani Doreen kay Jim. “Now, let’s go to your room.”

     Natigilan ito. Nangunot ang noo at nahinto sa akmang pagtayo mula sa wooden chair. “Bakit natin kailangang pumunta sa kwarto ko?” puno ng pagdududang tanong nito.

      Pilyang kinindatan naman niya ito. Lumapit siya dito at halos idikit ang mukha sa mukha nitong sumagot sa mapanghibong boses.   

&nb

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status