LOGINThe Assassin’s Hidden Wife - Chapter 30LUNA PEARL GUZMAN - HUXLEY ♥ MAKALIPAS ANG 3 TAON…“Luna, kailan mo ba talaga sasagutin si Dok Fontana? Sobrang bagay kaya kayo!” Usisang tanong sa akin ni Anika. Si Anika ang naging pinaka-close friend kong nurse sa hospital na pinapasukan namin dito sa Sarangani.“Huyy, ang ingay mo baka may makarinig sa ‘yo maniwala talaga na nanliligaw sa akin si Doc.”“Bakit, hindi ba? Obvious naman na binabakuran ka niya. Kung nasaan ka, andun din siya. Special treatment pa siya pagdating sa ‘yo.”“Uyy, hindi ah! Mag-kaibigan lang kami. Hindi niya ako nililigawan at hindi din ako nagpapaligaw. Alam mo ‘yan.”“Ayy, sauce! Sabi ko na nga ba hindi ka pa nakakapag-move on sa ex mo eh. Mahal mo pa siya ‘no? Aminin! ” Panunukso nito sa ‘kin.“Tumigil ka nga diyan, Anika. Nakapag-move on na ko ‘no! Hindi ko na nga siya naaalala kung hindi mo pa binanggit ngayon.” Of course, it’s a lie. Walang araw na hindi ko naalala si Hedeon at hanggang ngayon nasasaktan pa ri
The Assassin’s Hidden Wife - Chapter 29FOX HEDEON HUXLEY ♥“Isasama ko sa hukay ang mag-ina mo.” Mga salitang paulit ulit na umuugong sa utak ko. Hindi ko maunawaan ang sinabi ni Vargas. Gustong gusto ko na talaga pasabugin ang ulo niya sa mga sandaling ito. “Ano'ng ibig mo sabihin!?” Galit na hinila ko ang kwelyo niya. Pinipilit ko siyang magsalita pero huli na, wala na siyang hininga. Para na akong mababaliw sa huling sinabi niya. Sa sobrang galit ko, pinaulanan ko ng bala ang buong katawan niya para ilabas ang frustrations ko. Sinasabi niya ba na buntis ang asawa ko? Kung ganun, bakit mas alam niya pa kaysa sa akin. Hindi! Sigurado akong ginugulo niya lang ang isip ko dahil hindi niya ako nagawang patayin. Imposible! She’s taking her pills after our love-making. I saw it. I’m sure hindi siya mabubuntis. Ayaw ko pa talaga na magbuntis siya dahil hindi pa siya tapos sa pag-aaral niya. Ayaw kong mahirapan siya habang nag-aaral that’s why I’m making sure she’s taking her pills.Tama
The Assassin’s Hidden Wife - Chapter 28“Shut up, Vargas.” Madiin na sabi ni Hedeon na may himig ng babala at nanlilisik ang mga mata.“Why? Are you afraid of something? Natatakot ka ba na malaman ng asawa mo ang tungkol sa sikreto mo? Sikreto ng pamilya mo?” Humalakhak si Alex na natutuwa sa pagdaan ng takot sa mga mata ng isang Fox Hedeon Huxley habang nakatingin sa minamahal na asawa.“Bakit hindi ka makapag salita, Fox? Bakit hindi mo ngayon aminin sa harap mismo ng asawa mo ang totoo?” Nakangisi na hamon ni Alex kay Hedeon.“Totoo ba ang binibintang niya sa ‘yo at sa pamilya mo?” Nanghihinang tanong ni Luna, umaasang hindi totoo ang lahat ng sinabi ni Alex.“Baby…” Tangkang lapit ni Hedeon pero tinutokan siya ni Alex ng baril gamit ang isang kamay. “Totoo ba? Gusto ko malaman kung ano ang totoo. Sino ka ba talaga, Hedeon?” Gusto hagkan ni Hedeon ang asawa sa nakikitang takot, lungkot at pagkamuhi sa mga mata nito. “Y-yes. But…”“W-what?” Kumirot ang puso ni Hedeon ng makita ni
The Assassin’s Hidden Wife - Chapter 27LUNA PEARL GUZMAN - HUXLEY ♥ “Van… Parang awa mo na, pakawalan niyo na ako. Wala naman akong kasalanan sa inyo.” Hindi ko alam kung saang lugar nila ako dinala dahil nakapiring ang mga mata ko. Tinanggal lang nila ito ng nakarating na kami sa isang abandonadong building. Itinali din nila ako sa isang upuan na may sandalan. Sobrang sakit na ng mga kamay ko sa higpit ng pagkakatali.“Walang kasalanan? Kasalanan maging asawa ng isang assassin.” Naguluhan ako sa sinabi ni Vanessa.“Assassin? Ano’ng ibig mo sabihin? Hindi mamamatay-tao ang asawa ko. Isang ordinaryong negosyante lang siya! Mali lang kayo ng taong inakala!” Inis kong sabi. Hindi totoo ang sinasabi ni Vanessa.Pagak na natawa si Vanessa at ang iba niyang kasamahan na tila ba may sinabi akong nakakatawa.“Mukhang hindi pa sinasabi sa ‘yo ng asawa mo ang sikreto niya. Hindi na ako magtataka pa. Masyado ka kasing mahina, nakakasagabal ka lang sa mga mission niya. Ewan ko ba naman diyan s
The Assassin’s Hidden Wife - Chapter 26LUNA PEARL GUZMAN - HUXLEY ♥ “Vanessa…” Sambit ko sa pangalan ng classmate ko na madalas ako ipahiya sa classroom namin lalo na sa subject ni Professor Vargas. Katabi naman niya ang alipores niya na si Sharmaine. Hindi maganda ang kutob ko sa paglapit sa akin ng dalawa kong kaklase pero binalewala ko lang. Hindi naman siguro gagawa ng eksena dito? “Boring mag-shopping mag-isa, Luna. Tara, sama ka sa amin.”“H-hindi naman, may kas…”“Sa coffee shop lang tayo. Mabilis lang, promise! May gusto kami sabihin sa ‘yo ni Sharmaine.” Putol ni Vanessa sa sinasabi ko. Mukhang napansin ng dalawa ang pag-alangan ko.“Alam ko na medyo hindi maganda ang samahan natin sa school kaya nga gusto namin sana makipag-ayos sa ‘yo at humingi ng sorry.” May pakiusap na sabi ni Vanessa.“Oo nga naman, Luna. Kapag hindi ka sumama sa amin, iisipin namin na ayaw mo lang makipag-ayos at may galit ka talaga sa amin ni Vanessa.” Wika naman ni Sharmaine.“Hindi naman sa gan
The Assassin’s Hidden Wife - Chapter 25LUNA PEARL GUZMAN - HUXLEY ♥ Hanggang sa makauwi kami ng bahay ni Hedeon ay lutang pa rin ako. Ngayon ko lang naintindihan ang naging pakiramdam ko noon. Kaya pala pakiramdam ko na parang may tao lagi sa labas ng kwarto ko pero kapag tiningnan ko naman ay tahimik at malamig na hallway lang naman ang bumbungad sa akin. Sa tuwing nagigising ako sa hatinggabi, lagi na lang nakabukas ang bintana sa kwarto ko kahit alam ko naman na sinara ko iyon bago ako matulog. Akala ko si Nanay Nosgel lang ang nag bukas. Hindi ko rin alam kung panaginip o guni-guni ko lang ito pero minsan may nararamdaman akong humahaplos sa buhok ko at humahalik sa labi at noo ko sa kalagitnaan ng pagtulog ko. Lahat ba iyon posibleng may kinalaman ang asawa ko? Kinilabutan ako bigla kung ganun nga.Sa pag-iisip ko ng malalim, hindi ko na namalayan na umibabaw na sa akin ang asawa ko. “Don’t think too much about it, wife. Ang lagi mo lang itatak sa isip mo, YOU ARE MINE.” Masuy
AV ➭ 001 ❀ ❀ ❀ LEVANA HEIDIDEA LAMBRIX † Gamit ang L96 AWP Bolt-Action Sniper na rifle ko, sumilip ako sa lense scope at tinutok ko ang baril sa direksyon kung nasaan ngayon ang sasakyan ng target ko na si Danilo Verdad-isang senador na may mga ilegal na gawain. Siya ang trabaho na binigay sa
AV ➭ 004❀❀❀LEVANA HEIDIDEA LAMBRIX †Ilang araw matapos ang insidente ng silipan sa office ni Feitan, napansin ko na iniiwasan niya ako. Kahit dapuan ng konting tingin ay hindi niya ginagawa. Hindi ko matyempuhan ang makapasok sa office niya ng ako lang. Kahit uwian na kasi ng mga empleyado ay
AV ➭ 003 ❀ ❀ ❀ LEVANA HEIDIDEA LAMBRIX † KINABUKASAN☘︎ Maaga akong bumalik sa ospital kung nasaan si Danilo. Dahil private hospital ito, I dressed in refined, luxurious clothing to present an image of wealth. Mag papanggap ako na may dadalawin. Nakakataka na kahit maraming tauhan ni Dani
AV ➭ 002 ❀ ❀ ❀ LEVANA HEIDIDEA LAMBRIX † “Who are you?” Saglit akong nag-panic sa narinig kong boses pero mabilis ko rin kinalma ang sarili ko. Tinabig ko ang kamay niya na may hawak na baril. Hinawakan niya ako sa kanang balikat gamit ang kaliwang kamay niya, hinawakan ko naman ng madii







