Compartilhar

THE CHARITY GALA

Autor: Raindaja323
last update Data de publicação: 2026-05-04 06:17:32

 

Vance Tower. Penthouse. 6:00 PM.

May nakahandang damit sa kama. Pagbukas ni Gabriel, nakita niya ang isang Armani tuxedo. Sa tabi nito ay may mga pilak na cufflinks na may nakaukit na inisyal: NJF.

"Magbihis ka na," utos ni Nosgel mula sa loob ng kanyang malaking walk-in closet. Kalmado ang boses niya pero may kakaiba rito. Hindi ito yung karaniwang malamig at matigas niyang utos. Parang... kinakabahan siya?

Lumabas si Nosgel. Suot niya ang isang pulang damit na walang likod at may hiwa hanggang hita. May suot din siyang kwintas na gawa sa diyamante at nakapusod nang maayos ang kanyang buhok. Pero napansin ni Gabriel na nanginginig ang kamay niya habang naglalagay ng kolorete sa kanyang mga labi.

"Saan po tayo pupunta, Ma'am?" tanong ni Gabriel habang isinusuot ang kasuotan. Bagay na bagay ito sa kanya. Lalo siyang tumangkad at lalong gumwapo. Tumingin siya sa salamin at napaisip—mas lalo siyang mukhang... pag-aari ni Nosgel.

Ngumiti si Nosgel pero hindi umabot hanggang sa kanyang mga mata. "Sa Vance Foundation Charity Gala. Para ito sa mga pasyenteng may kanser."

Nanlamig ang buong katawan ni Gabriel. Kanser. Scarlet. Leukemia. Ang mga salitang ito ay parang kidlat na tumama sa kanyang isipan.

Lumapit si Nosgel sa kanya. Kinuha niya ang mga cufflinks na may nakaukit na NJF at isa-isang ikinabit sa manggas ng damit ni Gabriel. Ramdam ni Gabriel ang dahan-dahang pagdampi ng mga daliri nito sa kanyang balat—sobrang init at nakakabuhay ng dugo.

"Day 4 na," bulong niya nang mahina. Hindi siya tumitingin sa mata ni Gabriel; nakapako lang ang tingin niya sa kanyang ginagawa. "Ito na ang Loyalty Test. At gusto kong makita... kung sino ang pipiliin mo kapag naroon na rin siya."

Siya.

Alam na agad ni Gabriel kung sino ang tinutukoy nito.

"Bakit kailangan nandiyan ako?" tanong niya nang mababa ang boses.

Sa wakas, tumingin na si Nosgel sa kanya. Takot ang nakikita niya sa mga mata nito. Kauna-unahang pagkakataon.

"Kasi kapag hindi kita isinama... baka balikan mo pa siya. At hindi ko kaya... hindi ko kaya na mangyari 'yun, Gabriel."

Gabriel.

Hindi "Asset". Tinawag siya nito sa pangalan niya.

 

The Peninsula Manila. Grand Ballroom. 8:00 PM.

Pagpasok pa lang nila sa bulwagang punong-puno ng mga tao, agad na napalingon ang lahat sa kanilang dalawa.

Si Nosgel Jademara Francisco na nakasuot ng mapulang damit ay nakakapit nang mahigpit sa braso ni Gabriel Hawthorne na naka-itim na kasuotan.

Nagsimula ang mga bulungan at tanungan ng mga bisita.

"Sino kaya 'yan kasama ni Ms. Francisco?"

"Bagong nobyo kaya?"

"Isa na naman ba itong laruan ni Nosgel?"

"Balita ko, ₱50 milyon daw ang ibinayad niya sa lalaking 'yan."

Ngumiti nang matamis si Nosgel. Hinalikan niya si Gabriel sa pisngi sa harap ng lahat—isang malinaw na senyales ng pagmamay-ari.

"Smile, Gabriel. Kasama mo ako," bulong niya.

Lumapit sa kanila ang isang matandang mayaman na babae.

"Mr. Hawthorne... ikaw ba ay... kasama ni Nosgel?" tanong nito nang may pagtataka at pagsusuri.

"Akin siya," sagot agad ni Nosgel bago pa man makapagsalita si Gabriel. Hinigpitan niya ang hawak sa braso nito. "May problema ba, Tita?"

Umalis ang matanda nang tahimik, pero ang mga tingin ng ibang tao ay nanatili kay Gabriel—sinusuri siya, hinuhusgahan, at tinitignan nang mababa.

8:47 PM

Biglang tumunog ang telepono ni Nosgel. Tiningnan niya ito at dahan-dahang gumuhit ang isang ngiti sa kanyang mga labi. Hindi ito simpleng ngiti... ito ay ngiting pang-digmaan.

"Simula na ang palabas," bulong niya kay Gabriel at mas hinigpitan pa ang hawak sa braso nito. "Narito na siya."

 

Main Hall. Charity Auction.

"Ang susunod na aytem: Isang linggong bakasyon sa Mykonos, na ibinigay ng Vance Industries! Ang panimulang halaga ay limang daang libong piso!" malakas na anunsyo ng MC sa entablado.

Pero hindi ito narinig ni Gabriel.

Ang narinig at nakita lang niya ay ang paghinto ng kanyang mundo.

Nakita niya si Scarlet.

Nasa bandang bar siya. Nakasuot ng maputing magarang damit. Kulot ang buhok at makapal ang kolorete sa mukha—sobrang ganda at maayos ang itsura. Malusog. Masigla. Tumatawa.

May kasama siyang lalaki—moreno at mukhang matipuno, tila isang gym instructor. Nakapulupot ang braso nito sa kanyang baywang at halikan siya nito sa leeg.

Walang tangke ng oxygen. Walang peluka. Hindi siya payat. Walang karayom o swero. Walang sakit.

Nanigas si Gabriel sa kanyang kinatatayuan. Mahigpit ang pagkakakuyom ng kanyang mga kamao. Gusto kong sumugod. Gusto kong sakalin siya. Gusto kong sumigaw sa mukha niya:

"Dalawang milyong piso ang ibinigay ko sa'yo! Sabi mo mamamatay ka na! Sabi mo ako lang ang mahal mo at ako lang ang meron ka!"

Pero bago pa siya makagalaw o makapagsalita, mahigpit na hinawakan ni Nosgel ang kanyang kamay. Nanginginig ang mga palad nito pero matibay ang hawak.

"Rule Number 1, Gabriel," bulong ni Nosgel. Hindi siya nakatingin kay Scarlet; nakatingin lang siya kay Gabriel. Mata sa mata. "Kapag nagsalita ako, mananahimik ka. Kapag inutusan kita, susunod ka. Walang pasubali."

"Pero Nosgel, siya ay—" simula ni Gabriel, punong-puno ng galit at panlilinlang.

"Tumingin ka sa akin," mariing putol ni Nosgel. Basag na basag ang boses nito. "Huwag sa kanya. Sa akin lang. Please..."

Please.

Kauna-unahang pagkakataon na gumamit siya ng salitang iyon.

Tumingin si Gabriel kay Nosgel. Namumula na ang mga mata nito—halo ng galit, takot, sakit, at pagkalito. May tumulong luha mula sa mga mata ni Nosgel na hindi man lang niya namalayan.

Dahan-dahang hinaplos ni Nosgel ang pisngi ni Gabriel. Pinunasan niya ang luha na tumulo mula sa mata ng binata gamit ang kanyang hinlalaki—nanginginig ang mga daliri nito habang ginagawa ito.

"Ito ang tinatawag na Loyalty Test, baby," bulong ni Nosgel. Baby. "Sino ang pipiliin mo? Ang anino ng iyong nakaraan na ginamit lang naman ang damdamin mo... o ang babaeng nasa harap mo ngayon na handang sirain at sunugin ang buong mundo para lang hindi ka na muling masaktan?"

Sa kabilang banda ng bulwagan, biglang lumingon si Scarlet. Nagtagpo ang kanilang mga mata ni Gabriel.

Nabitawan ni Scarlet ang hawak niyang baso. Basag. Tumapon ang mamahaling alak sa sahig. Nanlaki ang mga mata nito sa gulat at takot.

"B-Babe?" nauutal na tawag nito.

Tumayo siya mula sa kanyang upuan at akmang lalapit. Nagsisimula na siyang umiyak at nanginginig ang buong katawan.

Pero bago pa siya makalapit, tumayo rin si Nosgel. Hinarangan niya ang daan ni Gabriel. Suot ang pulang damit, ang kwintas na diyamante, nakataas ang baba, at ang kanyang kulay-abong mga mata—malamig sa paningin pero basag at puno ng takot sa loob.

"Scarlet Merry," tawag ni Nosgel nang malakas at malinaw. Rinig ito ng buong bulwagan. Biglang tumahimik ang lahat. Lahat ng telepono at kamera ay nakatutok na sa kanila. "Ang tagal nating hindi nagkikita. Kumusta na ang iyong Leukemia? Stage 4 'di ba?"

Nanlamig ang buong paligid. Ang mga bulungan ay napalitan ng pagkamangha. Ang mga kamera ay sunod-sunod ang pagkuha ng litrato.

Namutla ang mukha ni Scarlet. Halos hindi na ito makatayo nang maayos.

"N-Nosgel... ako... kaya kong ipaliwanag—" nauutal na sagot ni Scarlet.

"Ipaliwanag ang ano?" Hakbang palapit si Nosgel. Tak. Tak. Tak. Ang tunog lang ng kanyang matataas na sapatos ang naririnig sa katahimikan. "Na buhay ka pa? Na malusog na malusog ka? Na niloko mo ang lalaki ko para sa dalawang milyong piso, tapos ginastos mo lang ito para magpakasasa sa mga lalaki sa Siargao?"

"Hindi totoo 'yan!" sigaw ni Scarlet habang nagsisimula nang humagulgol. Nanginginig ang buong katawan niya habang lumingon kay Gabriel. "Babe! Baby! Sabihin mo sa kanya! May sakit ako! Alam mong may sakit ako! Mahal kita, Babe!"

Lahat ng mata ay nakatuon kay Gabriel.

Ito na ang pagsusulit.

Lalapit ba siya kay Scarlet? Pipigilan ba niya si Nosgel? Iiyak ba siya? Sasampalin ba niya si Nosgel dahil sa kahihiyan?

Tumayo si Gabriel nang tuwid.

Katahimikan. Sobrang tahimik na kahit ang pagbagsak ng karayom ay maririnig mo.

Humakbang siya.

Pero hindi papunta kay Scarlet.

Lumapit siya kay Nosgel. Tumayo siya sa tabi nito, pagkatapos ay mahigpit niyang hinawakan ang kamay ni Nosgel. Pinagtagpi niya ang kanilang mga daliri at hinawakan ito nang mahigpit na parang hindi na muling bibitaw.

Pagkatapos ay tiningnan niya si Scarlet. Ang kanyang mga mata ay malamig, walang emosyon, at basag na basag. Tapos na ang lahat.

"Hindi kita kilala," sagot ni Gabriel nang buo ang boses. Walang galit, pero mas masakit ito pakinggan. Kapag wala nang galit, ibig sabihin ay wala na ring halaga. "Ang kilala ko... at ang mahal ko... ay siya lang."

Itinuro niya si Nosgel. Hindi niya binitawan ang kamay nito kahit saglit.

Napahagulgol nang malakas si Scarlet. Ang lalaking kasama niya ay dahan-dahang bumitaw sa pagkayakap at umatras palayo sa kanya—iniwan siyang mag-isa sa gitna ng kahihiyan.

Ngumiti si Nosgel. Isang ngiting puno ng tagumpay pero may kasamang luha na dumadaloy sa kanyang pisngi. Hinila niya si Gabriel palapit sa kanya at hinalikan ito nang mariin sa mga labi.

Sa harap ng lahat. Sa harap ni Scarlet. Sa harap ng mga kamera. Sa harap ng daan-daang mayayamang tao sa loob ng bulwagan.

"Good boy," bulong niya nang humiwalay sila. Nanginginig pa rin ang boses niya. "Pasado ka na sa Day 4. Pasado ka na sa lahat."

Pagkatapos ay humarap siya sa MC na nasa entablado. Ngumiti siya—iyon ang ngiti ng isang CEO—nakakatakot, matalim, at makapangyarihan.

"Sampung milyong piso!" malakas na sigaw niya. "Para sa bakasyon sa Mykonos. Ilagay niyo sa pangalan ko." Tumigil sandali siya at lalong lumapad ang ngiti. "At habang ginagawa niyo 'yan... kasuhan niyo ang babaeng 'yan ng panloloko o E****a. Nandito naman si Atty. Lim, hindi ba? Ipaaresto na siya ngayon din."

Nagkaroon ng palakpakan, tawanan, at muling pagbulungan.

Pumasok ang mga guwardiya at si Atty. Matteo Lim kasama ang mga pulis.

Si Scarlet? Kinaladkad siya palabas ng bulwagan habang sumisigaw, umiiyak, at nagpupumiglas.

"BABE! PAKIUSAP! MAHAL KITA! SCAM LANG 'YON PERO MAHAL KITA! BABE!"

Hindi man lang lumingon si Gabriel.

Nakatingin lang siya kay Nosgel. Mas hinigpitan pa niya ang hawak sa kamay nito.

"Umuwi na tayo," bulong ni Nosgel. Pagod na pagod na ang boses niya. "Gusto ko na ang aking gantimpala. Ikaw."

 

Vance Tower. Penthouse. 11:00 PM.

Pagkasara ng pinto, agad na isinandal ni Nosgel si Gabriel sa pader. Pareho silang hinihingal at nanginginig.

Dahan-dahang tinanggal ni Nosgel ang mga pilak na cufflinks ni Gabriel. Isa-isa. At sa tuwing matatanggal ang isa, hinahalikan niya ang pulso ni Gabriel.

"Pinili mo ako," bulong niya nang basag na ang boses at nagsisimula na namang umiyak. "Mas pinili mo ako kaysa sa kanya. Kaysa sa limampung milyong piso. Kaysa sa iyong dangal. Kaysa sa lahat."

"Hindi kita pinili, Nosgel," sagot ni Gabriel habang hinihingal din. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito at pinunasan ang mga luha gamit ang kanyang mga hinlalaki. "Pinili ko ang sarili ko. At ikaw lang ang taong nagparamdam sa akin na mas mahalaga ako kaysa sa limampung milyong piso... kahit na binili mo ako."

Natigilan si Nosgel. Kauna-unahang pagkakataon. Sa buong buhay niya, ito ang unang beses na may nagsabi sa kanya ng ganito. Hindi dahil sa pera. Hindi dahil sa kapangyarihan. Hindi dahil sa apelyido niya. Kundi dahil sa kung sino siya.

At bigla niyang sinakmal si Gabriel.

Hindi ito utos. Hindi ito pagsusulit. Hindi ito bahagi ng kontrata.

Ito ay dahil gusto niya. Kailangan niya. At para lang sa kanya.

Ang pulang damit ay nahulog sa sahig. Ang itim na kasuotan ay tinanggal. Ang mga cufflinks na may inisyal ay tumalsik sa kung saan. Ang kwintas na diyamante ay nanatili sa leeg ni Nosgel.

Wala nang Day 5. Wala nang mga patakaran. Wala nang "Ari-arian" at "May-ari".

Sina Nosgel at Gabriel na lang. Hinihingal. Lumuluha. Naghahalikan. Masakit. Masarap. Totoo.

 

Kinaumagahan, ito ang naging ulo ng balita sa lahat ng mga pahayagan at news sites:

"HEIRESS NOSGEL FRANCISCO EXPOSES SCAMMER AT OWN CHARITY GALA; GOES PUBLIC WITH MYSTERY MAN"

"He's mine," sabi ni Francisco sa mga mamamahayag. Isinagawa ang pag-aresto dahil sa kasong E****a.

Sa ibaba ng ulo ay may litrato nilang dalawa. Mag

Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App

Último capítulo

  • AUDITION FOR HER BED   THE GHOST IN BED

    Day 5. Wala nang kontrata. Pero may multo pa rin.Vance Tower. Penthouse. 3:00 AM.Walang heels na tumutunog. Walang utos na "Strip." Tanging ugong lang ng aircon at hininga nilang dalawa ang maririnig sa loob ng silid.Nakahiga si Gabriel sa kama ni Nosgel—sa kama talaga. Hindi sa sahig, hindi sa couch. Katabi niya si Nosgel na mahimbing na tulog at payapang nakayakap sa kanyang baywang, tila takot itong bumitaw kahit sa panaginip.Pero si Gabriel ay gising na gising. Tulala siya sa kisame habang pilit na iwinawaksi ang alaala ni Scarlet.FLASHBACK – 2 Years Ago. Tondo. Maliit na kwarto (₱4K monthly).Umuulan. Basang-basa si Gabriel galing sa pagde-deliver. May bitbit siyang Jollibee—Chickenjoy, palabok, at peach mango pie. Birthday ni Scarlet.Pagbukas niya ng pinto, madilim ang paligid. Tapos, biglang may sumigaw: "Surprise!"Si Scarlet iyon. Maputla at payat, pero bakas ang tamis ng ngiti. May hawak siyang "cake" na gawa sa SkyFlakes at may kandilang galing pa yata sa simbahan. Si

  • AUDITION FOR HER BED   THE CHARITY GALA

    Vance Tower. Penthouse. 6:00 PM.May nakahandang damit sa kama. Pagbukas ni Gabriel, nakita niya ang isang Armani tuxedo. Sa tabi nito ay may mga pilak na cufflinks na may nakaukit na inisyal: NJF."Magbihis ka na," utos ni Nosgel mula sa loob ng kanyang malaking walk-in closet. Kalmado ang boses niya pero may kakaiba rito. Hindi ito yung karaniwang malamig at matigas niyang utos. Parang... kinakabahan siya?Lumabas si Nosgel. Suot niya ang isang pulang damit na walang likod at may hiwa hanggang hita. May suot din siyang kwintas na gawa sa diyamante at nakapusod nang maayos ang kanyang buhok. Pero napansin ni Gabriel na nanginginig ang kamay niya habang naglalagay ng kolorete sa kanyang mga labi."Saan po tayo pupunta, Ma'am?" tanong ni Gabriel habang isinusuot ang kasuotan. Bagay na bagay ito sa kanya. Lalo siyang tumangkad at lalong gumwapo. Tumingin siya sa salamin at napaisip—mas lalo siyang mukhang... pag-aari ni Nosgel.Ngumiti si Nosgel pero hindi umabot hanggang sa kanyang mga

  • AUDITION FOR HER BED   THE OTHERS APPLICANT

    Day 3 – Jealousy TestVance Tower. Penthouse. 8:00 AM.Pagbukas ng elevator, hindi si Nosgel ang sumalubong kay Gabriel. Instead, tatlong lalaki ang nandoon.Naka-suit sila, gwapo, at amoy mamahaling pabango. Nakaupo sila sa sofa niya, umiinom ng kape niya, at tawanan pa habang nasa loob ng penthouse niya."Mr. Hawthorne," bati ng isa habang nakangiti at nagpapakita ng magagandang dimples. "Ikaw pala yung survivor ng Day 1 at 2. Congrats, bro."Kumuyom ang kamao ni Gabriel pero nanatili siyang tahimik. Rule ng Day 2: Obedience. Kapag nakipagsagot ka o nakipag-away, automatic tanggal ka."Relax lang," sabi nung lalaking moreno habang tinitingnan siya mula ulo hanggang paa. "Hindi naman namin agawin sayo ang trabaho. Unless... mas magaling kami kaysa sa'yo."Sabay-sabay silang tumawa nang malakas.Click.Bumukas ang pinto ng kwarto at lumabas si Nosgel.Suot lang niya ang kanyang red silk robe. Basang-basa pa ang buhok niya, obviously kakaligo lang. Walang kahit anong makeup pero natura

  • AUDITION FOR HER BED   FIRST NIGHT

    Vance Tower. Ang Pinakamataas na Palapag. 11:47 ng Gabi.Tahimik ang buong paligid. Ang buong palapag ay tila walang buhay, maliban sa mahinang huni ng makinang nagpapalamig ng hangin. Sa labas, ang lungsod ng BGC ay nagniningning na parang libo-libong bituin na bumagsak sa lupa—maganda, makinang, at puno ng pangarap. Ngunit sa loob ng silid na ito, tanging ang silid lamang ni Nosgel ang may ilaw. Mahina, malabo, at kulay pula—parang apoy na nag-aapoy ngunit hindi nagbibigay ng init, o tila dugong kumalat sa dilim.Nakatayo si Gabriel sa gitna ng silid. Nakasuot lamang siya ng itim na pantalon. Walang sapatos, walang medyas, at higit sa lahat—wala siyang suot na pang-itaas. Ang kanyang matipunong katawan ay nakalantad sa liwanag, ngunit sa kabila ng ganda ng kanyang hubog, pakiramdam niya ay hubad din ang kanyang dangal at pagkatao. Wala na akong pagmamalaki, bulong niya sa kanyang sarili. Kanina lamang ay pinirmahan niya ang kasunduan. Kanina lamang ay ipinagbili niya ang kanyang sar

  • AUDITION FOR HER BED   INTERVIEW

    Vance Tower. ika-87 na Palapag. 3:04 ng Hapon.Kumatok si Gabriel Hawthorne. Dalawang beses lamang. Mahina at maingat. Puno na ng pawis ang kanyang mga palad bago pa man siya tuluyang makapasok sa silid."Pasok."Isang boses ng babae. Malamig. Walang bahid ng emosyon. Ang boses na tila laging nag-uutos, nagpapipirma ng mga kontrata, o kaya naman ay nagtataboy ng mga taong wala nang silbi.Pagbukas niya ng pinto, dalawang bagay ang agad na tumambad sa kanya: una, ang amoy—pinaghalong bango ng pabangong Chanel, mamahaling pulang alak, at ang natatanging amoy ng bagong salapi. Pangalawa... ang babae.Nakaupo ito sa isang itim na silyang gawa sa balat ng hayop na umiikot. Nakasuot ito ng pulang bestida na may hiwang umaabot hanggang hita. May suot itong kwintas sa leeg na tila palamuti lamang, ngunit sa tingin ni Gabriel ay higit pa roon—tila isang kwelyo ng nagmamay-ari. Naka-krus ang mga paa nito habang nakatapak sa mamahaling alpombra. Ang isang kamay ay may hawak na baso ng alak, haba

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status