공유

CHAPTER 3

작가: Middle Child
last update 게시일: 2026-02-04 17:58:57

Hindi na niya alam kung kanino pa hihingi ngthirty thousand na kabayaran sa kanyang hospital bill. Sa huli, alas-nuwebe na ng gabi nang muli niyang tawagan si Malachi.

Isang malalim at paos na boses ang sumagot sa tawag niya—malamig at tila malayo, kagaya ng isang naliligaw  tuta.

“Jazz?”

Agad na parang may bumara sa kanyang lalamunan ng marinig ang titig ng lalaki sa kabilang linya. Isang matinding bugso ng hinanakit ang bumaha sa kanyang puso. Naaalala niya kung paano sinaktan ng kanyang ina ang kanyang damdamin. Nanginginig ng bahagya ang kanyang tinig, ng mag umpisa siyang magsalita.

“Hello… Malachi. Maaari– maaari ba akong makahiram ng thirty thousand?” mahina niyang tanong. “Nasa ospital ako at hindi ko mabayaran ang aking medical fees. Kilangan ko ng maka bill out upang hindi na lumaki pa ang aking babayaran dito.”

Mula sa kabilang linya, narinig niya ang mahinang tunog ng paghinga, kasabay ng bahagyang kaluskos ng tela.

Noong nawalan na siya ng pag asa, dahil sa hindi nito pagsagot agad, bigla itong nagsalita, “Ano ang card number?”

Biglang nabuhayan siya ng loob, saka nagmamadaling nagsalita, “Sandali… hahanapin ko.”

Dali-dali niyang kinuha ang bag sa kanyang tabi at naghalughog, sa takot na baka ibaba nito ang tawag.

Sabi ng nurse ay bag niya iyon, pero ang laman lang nito ay mga gamit sa pagmi make-up.

Sa wakas, nakakita siya ng isang bank card sa pinakailalim na bahagi at binasa ang numero sa lalaki.

Wala pang isang minuto, tumunog ang notification—na-transfer na ang pera.

Hindi nagawang ibaba ni Jazz ang tawag. Sa dami ng nangyari mula nang mawala ang kanyang alaala, ito lang ang tanging taong tumugon sa kanya.

Ngunit nag-atubili siya sa loob ng tatlong minuto, hindi alam kung ano ang sasabihin.

Ang nakapagtataka, hindi rin ibinaba ni Malachi ang linya.

Sa katahimikang namagitan sa kanila, dinig nila ang paghinga ng isa’t isa.

“Malachi, ako—”

“Malala ba ang sugat mo?”

Hindi malambing ang  boses ng lalaki, sa halip ay may hatid itong nakakakilabot na lamig.

Gayunpaman, para kay Jazz, ito ang unang bakas ng pag-aalala na naramdaman niya mula nang magising siya. Ang lalaki ang kauna unahang nagtanong tungkol sa kanyang natamong sugat.

Bigla siyang naantig sapag alala nito sa kanya, ngunit dahil sa pagka-ilang at kawalan ng maisagot, nasabi na lang niya, “Ayos na ako. Salamat. Gagawa ako ng paraan para mabayaran kita.”

“Jazz,” mahina nitong wika, “talaga bang balak mo pang magkunwari sa akin?”

Biglang dumagundong nang malakas ang puso ni Jazz. Agad niyang ibinaba ang tawag, gulung-gulo ang isipan niya.

Ano ang ibig nitong sabihin?

Madalas ba siyang magsinungaling kay Malachi noon?

Habang iniisip niya ito, lalo lang siyang nalilito.

Sa huli, binayaran na lamang niya ang mga utang sa ospital at tinapos ang mga papeles para makalabas.

Ngunit nang tumayo siya sa harap ng pintuan ng ospital, natigilan siya.

Wala siyang dalang pera, at wala siyang ideya kung saan siya dapat pumunta.

Sa huli, nagawa niyang mahanap ang daan pauwi sa pamamagitan ng pagtingin sa kanyang WeChat chat history at nag-taxi siya papunta roon.

Isa itong napakagandangmansiyon, at ang hardin ay maayos na maayos, halatang inaalagaan.

Tinapik ng driver ang manibela. “Two hundred lang ma’am.. Cash o gcash?”

Bigla siyang napahiya. Wala siyang dala na kahit ano. Bumaba siya ng taxi, at nais sanang pumasok sa loob ng bahay kung saan siya dinala ng mapa upang kumuha ng pera. Pero biglang may dumating na isang mamahalin at magarang sasakyan.

Bumaba ang bintana nito at lumitaw ang mukha ni Damon. Sa passenger seat ay nakaupo si Angelyn, na ang make-up ay simple at mukhang inosente.

Bumaba ng kotse ang babae at nagtanong na tila nag-aalala, “Ate, bakit ang aga mo namang lumabas ng ospital? Okay ka na ba?”

Napakagara ng suot nito ng araw na iyon. Halatang mamahalin ang damit at hindi babasta ang halaga.

“Hindi ba’t sinabi na sa iyo ni Damon?” malambing na pagpapatuloy ni Angelyn. “Ang boyfriend mo ay si Malachi.” Namula ang kanyang mga mata, at nagkunwaring natatakot. “Nandito ka ba para muli akong saktan?”

Bago pa makapagsalita si Jazz, bumaba si Damon mula sa driver’s seat, ang mukha ay puno ng pangungutya.

“Iniisip ko kung hanggang kailan mo kakayanin ang ginagawa mo, Jazz,” singhal niya. “Hindi mo man lang pala kayang magtagal ng anim na oras sa iyong pagkukunwari. Hindi ka ba naaawa sa sarili mo? Kailangan ko bang ulit-ulitin sayo ang lahat? Ang gusto ko ay si Angelyn. Siya lang ang babaeng para sa akin.  Wala ka na bang respeto sa sarili mo? Hindi mo ba kayang lumipas ang isang araw nang hindi napapahiya? Bakit ba palagi mo na lang pinag-iinitan si Angelyn? Dahil sa selos? Ano bang karapatan mong magselos?”

Sumandal si Angelyn sa kanyang bisig at umiling nang tila natatakot. “Hayaan mo na, Damon. Sanay na ako kay ate.. Bata pa lang kami, ganyan na siya.”

Tuluyang nawalan ng kulay ang mukha ni Jazz. Suot pa rin niya ang maluwag na hospital gown. Ang kanyang makipot na labi ay kumikibot kibot, at bahagyang nanginig ang kanyang mga kamay.

Pinilit niyang mag-iwas ng tingin at paos na nagsabi, “Mayroon ka bang dalawang daan? Pwede bang hiramin muna?”

Nagpakawala ng malamig na tawa si Damon, hindi itinatago ang kanyang pandidiri at pagkaumay sa naiisip na palabas ng babae. “Ibibigay ko pa ito sa aso kaysa sa iyo.”

Ibinaba niya ang kanyang ulo at malambing na hinawakan si Angelyn. “Pumasok na tayo sa loob. Huwag mo na siyang pansinin.”

Pinunasan ni Angelyn ang kanyang mga mata, saka bahagyang ngumiti. “Ate, kunin mo na itong card ko. Gamitin mo kung kailangan mo.”

Ibinaba ni Jazz ang kanyang paningin. Nilunok niya ang kapaitan sa kanyang dibdib at pinilit na isantabi ang kanyang dangal para abutin ang card—kailangang-kailangan niya talaga ng pera ngayon.

Sa huli, kailangang yumuko ng tao sa realidad.

Ngunit bago pa man mahawakan ng kanyang mga daliri ang card, isa pang  luxury car ang huminto sa kanyang tabi.

Lumabas ang kanyang ina na si Norelyn, na galit na galit. Sa sandaling makita ang eksena, mabilis itong lumapit at malakas na sinampal si Jazz sa mukha.

“Binubully mo na naman ba si Angelyn?” sigaw ni Norelyn. “Hindi ka pa ba nakakakuha ng sapat na pera sa kanya? Jazz, ano ba talagang gusto mo sa amin? Gusto mo bang magdusa kaming lahat dahil sa iyo? Simula nang bumalik siya  dito, araw-araw mo na lang siyang ginugulo. Bakit hindi na lang ikaw ang nakidnap noon?”

“Napakaraming pagdurusa ang pinagdaanan ni Angelyn, pero hindi ka pa rin marunong umarte nang tama! Sana, hindi ka na nakaligtas sa trahedya at tuluyan ka na lang namatay!”

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
댓글 (1)
goodnovel comment avatar
Precious Valencia Soberano
Ang sakit naman neto
댓글 더 보기

최신 챕터

  • Abandoned by Him: Claimed by His Billionaire Uncle   Emerson Aranas 16

    "SIR..."Dahan-dahang lumapit si Mildred sa malaking executive desk ni Emerson. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang mahigpit na nakahawak sa isang pirasong papel—ang opisyal na Notice of Transfer.Hindi agad nag-angat ng tingin si Emerson. Nanatili ang kanyang mga mata sa mga babasahing papeles. Bahagya lamang siyang sumulyap sa dalaga nang may malamig at walang katuturang ekspresyon bago muling ibinalik ang pansin sa ginagawa."Bakit niyo naman po ako pinapalipat ng kumpanya, Sir?" tanong ni Mildred. Ang boses niya ay may pilit na katatagan, ngunit bakas ang pakiusap at takot. "Bakit po kay Kuya Damon?"Isang pormal at tamad na buntong-hininga ang lumabas sa mga labi ng chairman. Inilipat niya ang pahina ng kontratang hawak nang hindi man lang tumitingin sa mata ng dalaga."Inirerequest ni Kuya Damon na maging sekretarya ka niya," malamig at walang kabuhay-buhay na saad ni Emerson. "Kaya pumayag na ako. Mula sa araw na ito, sa kumpanya ka na niya magtatrabaho."Parang sinaksak a

  • Abandoned by Him: Claimed by His Billionaire Uncle   Emerson Aranas 15

    Napahinto si Emerson sa pagnguya. Dahan-dahan siyang tumingin kay Mildred, bakas ang pagtataka sa mga mata. "Anong koneksiyon ng pagluluto sa pagmamahal?"Ikiniling uli ni Mildred ang kanyang ulo at binigyan siya ng isang napakalambing na ngiti. "Wala po. Sinabi ko lang para malaman mo."Umiling si Emerson ngunit may bahagyang amusement sa kanyang boses. "You're weird."Agad na lumapit si Mildred at nagpacute sa tapat ng mukha ng lalaki. "Pero cute naman po, 'di ba? Umamin ka na, Sir!""Hindi," mabilis at walang kakurap-kurap na sagot ni Emerson.Natahimik nang ilang segundo si Mildred. Ang mga mata nito ay bahagyang kumurap, at dahan-dahang nawala ang malapad na ngiti. "Ah..."Sandali itong nakatitig sa kanyang sariling mga kamay sa ibabaw ng mesa. May munting kirot na dumaplis sa kanyang dibdib, ngunit mabilis din niya itong itinago. Makalipas ang ilang segundo, pilit siyang ngumiti nang napakatamis at muling nag-alok ng pagkain."Okay lang po! Babawi na lang ako bukas!" wika nito n

  • Abandoned by Him: Claimed by His Billionaire Uncle   Emerson Aranas 14

    Pagkatapos ng almusal, wala nang escape route si Emerson kay Mildred.Hindi dahil may mahalagang emergency board meeting silang kailangang dalohan. Hindi rin dahil may nag-aalab na krisis sa kumpanya. Kundi dahil tila naging personal at cute na anino na niya ang dalaga.Saan man siya pumunta, nandoon din si Mildred—nakatitig, nakangiti, at tila laging may lihim na balak.Sa malawak na sala—nandiyan ito, kunwari'y nagpapagpag ng unan habang sumusulyap sa kanya. Sa kusina—nandiyan din ito, nagpapanggap na naghahanap ng meryenda pero nakatitig lang sa bawat kilos niya.Nang umakyat si Emerson sa kanyang study room upang magbasa ng ilang mahahalagang dokumento, nakahinga siya nang maluwag. Akala niya'y ligtas na siya. Subalit makalipas lamang ang limang minuto, may narinig siyang mahihinang katok."Pasok," malamig ngunit may pagod na utos ni Emerson.Dahan-dahang bumukas ang pinto. Unang sumungaw ang kalahati ng mukha ni Mildred. Ang dalawa nitong bilugang mata ay kumikislap sa katuwaan,

  • Abandoned by Him: Claimed by His Billionaire Uncle   Emerson Aranas 13

    Hindi umuwi si Emerson ng gabing iyon. Buong gabi siyang naghintay, ngunit walang anino ng lalaki ang nagpakita.Nag-aalala man nang husto, hindi talaga nagawang mag-message ni Mildred sa kanyang boss. Inaatake kasi siya ng matinding hiya. Ayaw niyang magmukhang masyadong pilit o nag-o-overstep sa kanyang posisyon bilang empleyado sa bahay na iyon. Ayaw niyang mag-insist na mag-text o tumawag, dahil baka kung ano pa ang isipin nito. Baka isipin ni Emerson na tsismosa siya, o mas malala, baka isipin nitong may gusto siya rito. Kahit ang totoo, may kaunti nga naman talaga.Ang ending, hindi siya nakatulog magdamag. Pabaling-baling siya sa kanyang kama, yakap-yakap ang unan, at paulit-ulit na tinitingnan ang screen ng kanyang cellphone kung may chat o missed call, pero wala talaga.Buong gabi siyang sumisilip sa bintana at sa pintuan ng kanyang silid. Tuwing may maririnig siyang tunog ng sasakyan sa kalye o tunog ng hangin, mabilis siyang tumatayo para tingnan kung iyon na ba ang sasakya

  • Abandoned by Him: Claimed by His Billionaire Uncle   Emerson Aranas 12

    "Wala ka bang nararamdaman para kay Mildred?" tanong ni Damon kay Emerson matapos nilang maupo sa isang VIP lounge ng bar. Bahagyang maingay ang paligid dahil sa musika, ngunit sa sulok kung saan sila naroroon, sapat ang katahimikan para magkaunawaan sila nang maayos.Inayos ni Emerson ang kanyang pagkakaopo at kinuha ang baso ng inumin sa mesa. "Wala pa sa plano ko ang magka-girlfriend o pumasok sa isang relasyon. Marami pa akong dapat asikasuhin sa pamilya at sa negosyo. Isa pa, para sa akin, hindi ko tipo ang mga katulad ni Mildred na masyadong bata. Ayoko ng ganoon, Kuya Damon," maikling sagot ni Emerson sabay iling."So, okay lang ba sa iyo kung ligawan ko siya?" muling tanong ni Damon sa kanya. Seryoso ang mukha nito at halatang hindi nagbibiro sa kanyang sinasabi.Natawa si Emerson sa paraan ng pagtatanong ng lalaki. Parang may relasyon naman sila ni Mildred kung magpaalam ito sa kanya. Hindi niya akalain na hihingi ito ng permiso sa isang bagay na wala naman siyang kinalaman.

  • Abandoned by Him: Claimed by His Billionaire Uncle   Emerson Aranas 11

    "Hi, Mildred..." nakangiting bati ni Damon sa kanya ng hapong iyon. Ang kanyang boses ay may kakaibang lambing na tila nagpapahiwatig ng interes, isang bagay na agad na nagpabilis sa tibok ng puso ni Mildred dahil sa matinding kaba."Hello po, Mr. Robles..." bahagya siyang yumuko at pilit na ngumiti, sinusubukang itago ang panginginig ng kanyang mga kamay. Lumayo siya nang kaunti upang mapanatili ang propesyonal na distansya."Out mo na pala. Tamang-tama, aayain sana kitang kumain sa labas ngayon. Hindi kasi ako busy, at gusto ko sanang magkwentuhan tayo," ngumiti si Damon bago dahan-dahang tinanggal ang suot niyang mamahaling shades.Mayabang at puno ng kompyansa sa sarili ang aura ni Damon, ang uri ng lalaki na sanay na nakukuha ang lahat ng hilingin niya. Malayong-layo ang ugali niya kay Emerson na kilala bilang isang seryosong tao, tahimik, at walang panahon sa mga walang kwentang bagay."Ah... Mr. Robles... may gagawin po kasi ako ngayon sa bahay," magalang na tanggi ni Mildred.

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status