Se connecterPagkatapos nito, inilagay niya ang kanyang kamay sa baywang ni Angelyn at umalis nang walang pag-aalinlangan.
Nakatitig lang si Jazz sa mga numero sa kanyang cellphone.
Ang kanyang totoong fiancee ay hindi man lang nagpakita ng malasakit sa kanya, mula pa umpisa, bagkus, hinamak siya nito kahit alam na nito ang kanyang kalagayan. Ang mga binitawan nitong salita, ay para lamang sa sarili, at sa babaeng kasama nito, na kapatid niya mismo.
Para siyang sinasakal sa puso. Namutla ang kanyang mukha at isang mapurol at hindi mapigilang sakit ang kumalat sa kanyang dibdib. Kahit malabo pa ang ilan niyang alaala, hindi maipagkakailang nasasaktan siya sa sinabi nito.
Halatang magaling na si Angelyn mula sa aksidenteng kinasangkutan nila, pero siya—na siyang sinisisi ng lahat—ang halos mawalan ng buhay.
Paano niya naging fiancé ang isang lalaking tulad nito?
Tatlong araw na siyang nawawala, pero wala ni isa mula sa pamilya niya ang nagtangkang kumontak sa kanya at mag alala. Sa kanyang isipan, tanging ang malabo at malamlam na alaala lang ng isang boyfriend ang nananatili.
Nang walang pag-aalinlangan, dinial niya ang numero.
Pagkaraan ng ilang ring, isang matigas at pormal na boses—na parang sa isang assistant—ang sumagot.
“Miss Jazz?”
“Hello. Si Malachi ba ito? Nawala ang ilan kong alaala dahil sa isang car accident na kinasangkutan ko. Ako—”
“Kababalik lang ng CEO sa bansa at kasalukuyan pang nagpapatherapy,” malamig na putol ng boses sa kabilang linya. “Noong nakaraan, MissJazz, ginamit mo ang eksaktong dahilan na iyan para tawagan siya, nagpasundo ka sa kanya, at pagkatapos ay naaksidente nga kayong dalawa. Kung may natitira ka pang konsensya, pakiusap, itigil mo na ang pagkontak sa boss ko. Maawa ka naman sa kanya.”
“Pero ako—”
Beep… beep… beep…
Naputol na ang tawag.
Napabuntong-hininga nang mahina si Jazz at sumandal sa kama. Kumikirot ang kanyang ulo, at sa kailaliman nito ay may malabong takot at kalituhan tungkol sa kanyang kinabukasan.
Ibinaba niya ang kanyang tingin at sinuri ang naka-unlock na phone. Mabuti na lang at gumagana pa ang payment function nito kahit may kaunting damage.
Iniabot niya ang phone sa nurse na kapapasok lang. “Maaari niyo po ba akong tulungang tingnan kung pwedeng gamitin ang account na ito pambayad?”
Habang tinitingnan ang history ng mga transaksyon, napansin niya na noong nakaraang linggo lang, may binayaran siya na one hundred thousand sa isang kilalang brand ng cufflinks na para sa lalaki.
‘Mukhang may pera pa ako..’ bulong niya sa kanyang sarili.
“Miss..” tinig iyon ng nurse, “hindi sapat ang balance sa cellphone mo, para mabayaran ang bill mo dito sa ospital. Kailangan mo ng thirty thousand. Limang libo na lang ang laman nito.”
Napayuko si Jazz, bakas ang kalituhan sa kanyang maamong mukha. Nakagastos siya ng isandaang libo noong nakaraang linggo lang—paanong halos maubos na lamang ang laman ng account niyang iyon? Wala ba talaga siyang pera?
Hinalungkat niya ang kanyang mga contact at huminto sa numerong may pangalang Mom.
Huminga siya nang malalim at tumawag.
Halos kaka-ring pa lang ng tawag nang isang matalas na mura ang sumalubong sa kanya.
“Ngayon mo lang naisipang tumawag? Jazz, ilang taon ka na ba, bakit gumagawa ka pa rin ng ganyang mga eksena? Matagal nang palihim na nagdedate sina Damon at Angelyn. Natakot lang si Angelyn na masaktan ka kaya hindi niya sinabi sa iyo. At ano ang ginawa mo? Nakita mo lang silang naghalika, kinaladkad mo na si Angelyn palabas, tapos nagdulot ka pa ng aksidente! Wala ka nang dinala kundi kamalasan—sa tingin ko mas mabuti pa kung namatay ka na lang! Bwesit ka!”
Walang habas ang pagbuhos ng mga salita. Kung sa pagkain, kahit aso, hindi iyon kayang lunukin.
“Napakabuti ni Angelyn sayo, at ng dahil lang sa selos, naisipan mo siyang saktan? Anong klase kang kapatid, Jazz! Itigil mo na yang mga kalokohan mo. Hindi ko alam, kung bakit binigyan ako ng anak na kagaya mo!”
Bubuka pa lang sana ang bibig ni Jazz para magtanong nang may isa pang boses na sumingit.
“Ma,” malambing na sabi ni Angelyn, “parang nawalan po talaga ng alaala si Ate ngayon. Huwag na po kayong magsalita nang ganyan sa kanya…”
“Nawalan ng alaala?” kutyang sagot ng kanyang ina. “Ilang beses ba siyang ‘nawawalan ng alaala’ sa loob ng isang taon? Napakagunggong—isang trick lang ang alam niyang gamitin. Kung mayroon talaga siyang kakayahan, dapat ay hindi na siya bumalik para hindi tumaas ang blood pressure ko. Angelyn, huwag mo na siyang ipagtanggol. Hindi pa ba sapat na nagdusa ka sa mga taong nagdaan? Si Damon ang unang umamin sa iyo ng kanyang pagmamahal, pero dahil hindi magawang awayin ni Jazz ang lalaking iyon, ikaw ang palagi niyang binubully. Napakabait mo lang talaga.”
Habang nakikinig, naramdaman ni Jazz ang hindi matitiis na kirot sa kanyang puso.
Ito ba talaga ang sarili niyang ina?
Bakit—tulad ni Damon—wala man lang itong itinanong tungkol sa kanyang mga sugat simula’t sapul?
Nanginig nang bahagya ang kanyang mga labi. Pinilit niyang magpakawala ng isang mapait na ngiti.
“Ina ko po ba talaga kayo?”
Paano nagagawang itrato ng isang ina ang sarili niyang anak nang ganito?
“Anong kalokohan ang pinagsasabi mo, Jazz? Gusto mo ba akong patayin sa galit? Kung ayaw mo akong kilalanin bilang ina, hindi ko rin gusto ng kasing-walang-kwentang anak na gaya mo! Gaano na ba karaming kahihiyan ang ginawa mo sa paghahabol kay Damon? Hindi ka pa ba kontento? Bakit kailangang makipagkumpitensya ka sa kapatid mo sa lahat ng bagay—pati noong binilhan ko siya ng extra na kotse, nagwala ka! Itinuring mo ba talaga siyang kapatid?”
“Ayaw muna kitang makita. Hindi ba’t sabi mo nawalan ka ng alaala? ’Wag ka nang bumalik sa buhay namin. Sa wakas ay magiging mapayapa na ang bahay. Wala kang ibang dala kundi kamalasan at sakit ng ulo, letse!”
Biglang naputol ang tawag.
Nakatitig lang si Jazz sa madilim na screen ng phone. Ang mapurol na kirot sa kanyang dibdib ay ayaw mawala. May mainit na likidong gumulong sa kanyang pisngi—hinawakan niya ito at napagtanto niyang umiiyak na pala siya.
Binuksan niya ang kanyang phone at walang sa loob na nag-scroll sa kanyang social feed. Isang post mula kay Angelyn ang kumuha ng kanyang atensyon.
Isa itong litrato.
Sa likod ng malalaking floor-to-ceiling windows, makulay na pumuputok ang mga fireworks sa ibabaw ng ilog sa bayan. Ang caption nasa caption:
“Kasama ang aking mahal at ang aking pamilya.”
Mababanaag nang bahagya sa salamin ang repleksyon ni Damon—at ang dalawang malabong pigura ng mga may edad ng tao.
Isang matalas na saksak ng sakit ang bumaon sa dibdib ni Jazz. Muntik na siyang mapaluhod sa tindi ng kirot.
Nakaramdam si Jazz ng matinding kirot sa kanyang dibdib, habang rumaragasa ang galit sa kanyang buong pagkatao. Nagmamadali niyang tinipon ang kanyang mga dokumento, pero napatigil siya nang buksan niya ang huling drawer.Sa loob nito ay may isang salansan ng mga certificate—ang pinakaprestihiyosong CPA at CFA credentials sa finance world.Kahit isa lang sa mga ito ay sapat na para maging pasaporte sa malupit na labanan sa labas upang magkaroon ng magandang posisyon sa kahit anong kumpanya, pero narito ang mga ito, nakasiksik lang sa pinakatagong sulok.Hindi ba’t ang tingin nila sa kanya ay isang walang kwentang tao na walang ibang alam kundi ang humabol sa lalaki?Sulyap lang ang ibinigay niya sa mga ito, ayaw nang magtagal, at mabilis na nag-impake ng ilang damit sa maleta para umalis.Eksakto namang pumasok si Emerson. “Ate, maglalayas ka na naman ba? Itigil mo na nga ’yan—gutom na gutom na ako!”Dali-dali itong lumapit at hinablot ang maleta mula sa kanyang mga kamay.“Kung hindi
Bago umalis matapos kumain, medyo nahihiyang nagtanong si Jazz, “Puwede mo ba akong pahiramin ng pera?”Huminga nang malalim si Sheena. “Ang cufflinks na ibinigay mo kay Damon noong nakaraang linggo ay nagkakahalaga ng isang daang libong piso. Tapos ngayon, sasabihin mong manghihiram ka ng pera dahil wala kang pera?”Napakamot sa pisngi si Jazz, halatang napahiya. “Nangutang lang ako para mabayaran ang bill sa ospital kahapon. Babayaran din kita agad.”Nag-transfer si Sheena ng sampung libong piso sa kanya sa pamamagitan ng WeChat at tinapik siya sa balikat. “Ilang taon nang nililimitahan ng pamilya mo ang gastos mo, pero tinitiis mong mag-ipon para lang maibili ng regalo si Damon—pati nga mga kamag-anak niya, sinusuyo mo. Hayaan mo na nga. Wala na ring saysay ang magsalita pa ako sayo. Hindi mo na kailangang magbayad. Kung wala kang matutuluyan ngayong gabi, bumalik ka lang dito.”Lubos na natouch ang damdamin ni Jazz sa sinabing iyon ng kaibigan.Ngayon, sigurado na siyang magtatra
Sa sobrang frustration, hindi na nakapagsalita si Jazz. At dahil nakita niyang pagod na pagod si Sheena, nanahimik na lang siya.Naglatag si Sheena ng bagong pajama sa ibabaw ng kama. “May sariling banyo ang kwarto mo. Maligo ka na at magpahinga. Pagod na pagod ako ngayong araw—hindi na muna kita dadaldalin.”Tumango nang mahinahon si Jazz. “Salamat.”Pinanood niyang maglakad si Sheena patungo sa isa sa mga pinto ng kwarto, at alam niyang ang kabilang kwarto naman ang para sababae.Matapos maligo at magpalit ng pajama, sa wakas ay gumaan nang kaunti ang kanyang pakiramdam.Eksaktong papatulog na sana siya nang tumunog ang kanyang cellphone dahil sa isang bagong mensahe.Galing ito sa kanyang nakababatang kapatid na si Emerson.[Ate, naka-bakasyon ako ngayon. Kararating ko lang sa bahay. Birthday ngayon ni ate Angelyn—bakit wala ka rito? Sabi ni Mama naglayas ka na naman daw. Kailan ba ito matatapos? Umuwi ka na. Hindi ko gusto ang luto ng mga katulong dito; mas gusto ko ang luto mo.
Nanatiling nakatayo si Jazz, tulala matapos ang sampal. Nakabiling ang kanyang ulo at tila wala nang buhay ang kanyang mga mata. Dinig niya ang matinis na ugong na iyon sa kanyang tainga.Dali-daling lumapit si Angelyn sa tabi ni Norelyn at dahan-dahang hinaplos ang likod nito para kumalma ang paghinga. “Ma, ayos lang po talaga ako. Isang milyon lang naman ang laman ng account. Nag- aalala lang ako na baka walang magamit si ate. Kaunti lang ang perang naroon para hindi na siya masyado pang makapaglustay.”Kumirot ang lalamunan ni Jazz sa sakit. Bigla niyang binuksan ang pinto ng isang taxing nakaparada sa kanyang tabi. “Excuse me…”Ngunit wala siyang maisip na destinasyon. Ang tanging nagawa niya ay tumitig sa bintana ng sasakyan habang pinagmamasdan ang mga taong iyon na naglalakad papasok sa loob ng bahay.Sinulyapan ng driver ang kanyang namumutlang pasaheroi, “Pamilya mo ba ang mga ‘yon o mga kaaway? Wala kang kaimik-imik kanina kahit nasampal ka na. Huwag mo na alalahanin ang dal
Hindi na niya alam kung kanino pa hihingi ngthirty thousand na kabayaran sa kanyang hospital bill. Sa huli, alas-nuwebe na ng gabi nang muli niyang tawagan si Malachi.Isang malalim at paos na boses ang sumagot sa tawag niya—malamig at tila malayo, kagaya ng isang naliligaw tuta.“Jazz?”Agad na parang may bumara sa kanyang lalamunan ng marinig ang titig ng lalaki sa kabilang linya. Isang matinding bugso ng hinanakit ang bumaha sa kanyang puso. Naaalala niya kung paano sinaktan ng kanyang ina ang kanyang damdamin. Nanginginig ng bahagya ang kanyang tinig, ng mag umpisa siyang magsalita.“Hello… Malachi. Maaari– maaari ba akong makahiram ng thirty thousand?” mahina niyang tanong. “Nasa ospital ako at hindi ko mabayaran ang aking medical fees. Kilangan ko ng maka bill out upang hindi na lumaki pa ang aking babayaran dito.”Mula sa kabilang linya, narinig niya ang mahinang tunog ng paghinga, kasabay ng bahagyang kaluskos ng tela.Noong nawalan na siya ng pag asa, dahil sa hindi nito pag
Pagkatapos nito, inilagay niya ang kanyang kamay sa baywang ni Angelyn at umalis nang walang pag-aalinlangan.Nakatitig lang si Jazz sa mga numero sa kanyang cellphone. Ang kanyang totoong fiancee ay hindi man lang nagpakita ng malasakit sa kanya, mula pa umpisa, bagkus, hinamak siya nito kahit alam na nito ang kanyang kalagayan. Ang mga binitawan nitong salita, ay para lamang sa sarili, at sa babaeng kasama nito, na kapatid niya mismo.Para siyang sinasakal sa puso. Namutla ang kanyang mukha at isang mapurol at hindi mapigilang sakit ang kumalat sa kanyang dibdib. Kahit malabo pa ang ilan niyang alaala, hindi maipagkakailang nasasaktan siya sa sinabi nito.Halatang magaling na si Angelyn mula sa aksidenteng kinasangkutan nila, pero siya—na siyang sinisisi ng lahat—ang halos mawalan ng buhay.Paano niya naging fiancé ang isang lalaking tulad nito?Tatlong araw na siyang nawawala, pero wala ni isa mula sa pamilya niya ang nagtangkang kumontak sa kanya at mag alala. Sa kanyang isipan,







