Compartir

CHAPTER 64

Autor: Middle Child
last update Fecha de publicación: 2026-02-23 11:54:08

Biglang natakot si Ran at namutla ang kanyang mukha. “President Robles—anong ginagawa niyo? Pumunta ako rito para balaan kayo tungkol sa ugali ni Jazz, tapos ganito ang gagawin niyo sa akin?”

Bago pa siya matapos magsalita, isang mabilis na hiwa ng kutsilyo ang nangyari. Naputol ang tatlo niyang daliri.

Napahiyaw siya sa sakit at nangisay ang kanyang katawan. Kalmadong ibinaba ni Malachi ang kanyang tasa ng kape, na tila natutuwa pa. “Sabihin mo sa akin,” mahinang sabi niya, “anong klaseng tao
Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App
Capítulo bloqueado
Comentarios (1)
goodnovel comment avatar
Snobsnob
Ganyan nga Jazz pabagsakin mo yang Jamilla na yan.
VER TODOS LOS COMENTARIOS

Último capítulo

  • Abandoned by Him: Claimed by His Billionaire Uncle   Emerson Aranas 22

    Bumalik si Mildred sa opisina nang hindi namamalayang matagal na pala siyang nakatayo sa reception area. Nang makaupo, agad niyang binuksan ang computer, ngunit wala siyang nagawa. Nakatitig lamang siya sa monitor habang paulit-ulit na bumabalik sa isip ang ngiti ni Emerson.Hindi niya maintindihan. Bakit ganoon?Noong una, akala niya ay nag-aalala ito dahil may pakialam pa rin sa kanya. Kaya naman ikinuwento niya ang lahat tungkol kay Damon—sadyang pinalaki pa ang mga detalye para makita kung magkakaroon ito ng reaksyon. Sinabi niyang gusto siya ni Damon, na papakasalan niya ito, at na para siyang tumama sa lotto dahil sa kabaitan ng lalaki.Ngunit sa halip na magselos, natuwa pa si Emerson. Parang siya na ang pinakamapalad na tao sa mundo dahil nakatagpo siya ng lalaking kayang mag-alaga sa kanya.At ang pinakamasakit? Parang iyon talaga ang gusto nitong mangyari.Napahawak si Mildred sa noo. "Ang kapal ng mukha mo, Mildred," bulong niya sa sarili.Ano ba ang inaasahan niya? Na haha

  • Abandoned by Him: Claimed by His Billionaire Uncle   Emerson Aranas 21

    "Ano iyon?"Napangiti si Mildred nang mapaglaro. "Sa tingin ko, gusto ako ni Damon."Tumingin si Emerson sa kanya, pagkatapos ay bahagyang ngumiti. "Talaga?"Napakurap siya. "Opo.""Well, that's good."'Iyon lang?' Napalunok si Mildred. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nawalan ng kumpiyansa, ngunit hindi siya sumuko."Alam mo, hindi lang basta mabait siya sa akin. Iba rin ang pakikitungo niya minsan. Parang espesyal ako.""That's nice, Mildred."Napakunot-noo siya. Hindi ba nito naiintindihan ang ibig niyang sabihin? Kaya naman nagpatuloy siya."At alam mo kung ano ang naisip ko?""Ano?""Papakasalan ko siya."Saglit na natahimik si Mildred matapos bitawan ang mga salitang iyon. Naghintay siya. Siguro ay magtatanong ito kung seryoso ba siya. Siguro ay kukunot ang noo nito, o baka naman sasabihing masyado siyang nagmamadali. Gusto niyang makakita ng kahit anong senyales na hindi nito nagustuhan ang narinig.Ngunit ang sumunod na ginawa ni Emerson ay hindi niya inaasahan.Ngumiti

  • Abandoned by Him: Claimed by His Billionaire Uncle   Emerson Aranas 20

    Hindi maikakailang naging maganda ang pananatili ni Mildred sa kumpanya ni Damon Robles.Kung noong una ay halos araw-araw siyang naghahanap ng paraan para mapaalis nito, ngayon naman ay tila ayaw na niyang umalis. Hindi rin niya alam kung kailan nagsimulang magbago ang pakiramdam. Marahil ay dahil sa araw-araw na pakikitungo rito, o baka dahil unti-unti niyang nakikita ang tunay na pagkatao sa likod ng pagiging seryosong negosyante.Mabait ito.Hindi iyong mabait lamang kapag may kailangan, kundi iyong likas na magalang at marunong magbigay-halaga sa ibang tao. Hindi siya pinapagalitan kapag nagkakamali; sa halip, ipinapaliwanag nang mahinahon kung paano iyon maiiwasang maulit. Kapag marami ang gawain, hindi siya dinadagdagan ng trabaho nang walang konsiderasyon. Minsan pa nga, si Damon mismo ang nag-uutos na huwag ubusin ang buong araw sa pagtatrabaho.At hindi rin ito mahirap pakisamahan. May mga pagkakataong nagbibiro ito, lalo na kapag napapansing masyadong seryoso si Mildred sa

  • Abandoned by Him: Claimed by His Billionaire Uncle   Emerson Aranas 19

    Pagsapit ng ikapitong araw, napagpasyahan ni Mildred na kausapin na si Damon.Hindi na siya makapaghihintay. Hindi na niya kayang pumasok araw-araw sa opisina nito at magkunwaring walang pakialam sa mga nangyayari. Kailangan niyang malaman kung may paraan pa ba para maibalik siya sa kumpanya ni Emerson; at kung wala, kailangan niyang tanggapin iyon at magpatuloy sa buhay.Maaga siyang pumasok sa opisina. Sa pagkakataong ito, inayos niya ang lahat ng dokumentong nakatambak sa mesa. Tinapos niya ang mga gawaing ilang araw ding ipinagpaliban at inayos ang mga folder na nagulo.Hindi niya gustong maging dahilan ng problema ng ibang empleyado. Sapat na ang ginawa niyang panggugulo sa sarili niyang trabaho.Nang matapos, tumayo siya at huminga nang malalim. "Okay, Mildred. Kaya mo ito."Kumatok siya sa pinto ng opisina ni Damon. Ngunit bago pa man siya makapasok, narinig niya ang tinig nito. May kausap ito.At nang marinig ang sumunod na boses, kusang natigilan ang kamay niyang nakahawak sa

  • Abandoned by Him: Claimed by His Billionaire Uncle   Emerson Aranas 18

    Pagsapit ng alas-nuwebe, dumating ang kalihim ni Damon at iniabot sa kanya ang ilang dokumento."Miss Mildred, maaari mo bang ayusin ang mga ito? Para sana sa meeting ni Sir Damon sa hapon."Tinanggap niya ang mga papel. "Sure."Pagkaalis nito, inilapag ni Mildred ang mga dokumento sa mesa at tiningnan ang mga ito. Madali lang naman ang trabaho—aayusin lamang ang mga papel ayon sa petsa, lalagyan ng mga kaukulang marka, at ihahanda para sa pulong.Pero hindi niya iyon ginawa.Sa halip, kumuha siya ng isang papel at nagsimulang gumuhit ng maliliit na bilog, pagkatapos ay mga bituin. Nang magsawa, nagbukas siya ng isang libro sa computer. At nang magsawa rin doon, kumuha siya ng meryenda.Alas-diyes. Alas-onse. Alas-dose.Wala pa rin siyang nagagawa.Nang magtanghalian, lumabas siya para kumain. Bumalik siya nang may dalang inumin at tinapay, saka muling umupo sa harap ng computer. Wala pa rin.Sa buong maghapon, ni isang dokumento ay hindi niya inayos. Iyon ang pinakamatagal na oras na

  • Abandoned by Him: Claimed by His Billionaire Uncle   Emerson Aranas 18

    May sarili talagang kasaysayan ang dalawang pamilyang iyon.Noong una siyang pumasok sa kumpanya ni Emerson, hindi pa alam ni Mildred ang buong detalye ng nakaraan ng mga ito. Marami siyang naririnig na usap-usapan, ngunit hindi siya mahilig makialam sa personal na buhay ng mga taong pinaglilingkuran.Gayunman, imposibleng maiwasang malaman ang ilang bagay dahil sa laki ng impluwensiya ng mga Robles sa negosyo.Noon, si Malachi Robles ang namumuno sa kumpanyang paglilipatan niya. Siya ang nagtatag at nagpalago rito hanggang sa maging isa ito sa mga kinikilalang pangalan sa industriya.Subalit nagbago ang lahat nang mapangasawa nito ang kapatid ni Emerson—ang dating kasintahan naman ni Damon.Hindi alam ni Mildred ang buong kuwento ng naging relasyon nina Damon at ng kapatid ni Emerson. May mga narinig siyang hindi magandang pangyayari sa pagitan nila, ngunit kailanman ay hindi niya tinanong si Emerson tungkol doon.Ang alam lamang niya, nang tuluyang maikasal si Malachi sa kapatid nit

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status