Share

Chapter 14 Pangako

“Anong problema, bro?!” asik ng lalaking kinukuwelyuhan na ni Ryker. Dahil sa lapit nila ay hindi maiiwasang mapuna na halos magkasingtangkad lang silang dalawa. 

“Boyfriend niya ako, bakit?” sagot ni Ryker sa malamig na boses sabay sulyap sa akin. 

Maagap akong tumayo. Hinawakan ko kaagad si Ryker sa braso upang maawat sa ginagawa. 

Palipat-lipat na ang tingin ng lalaki sa aming dalawa ni Ryker. Nanliit ang mga mata niya. 

“Eh, hindi naman siya ang pinopormahan ko, ah!”

Kinuha itong pagkakataon ni Jandy para makisali na rin sa usapan. Pagod niyang tiningnan si Ryker na mariin pa ring nakatingin sa lalaking lumapit sa amin. 

“Ikalma mo nga 'yang bayag mo, Ryker. Ako ang pinopormahan niya at hindi si Gertrude.”

Mukhang hindi pa rin kumbinsido si Ryker dahil nanatili ang tingin niya sa lalaki at hindi niya pa ito binibitiwan. Medyo nagusot na nga ang kuwelyo ng suot nitong pu

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status