Share

Chapter 15 Dangerous

“T-Tinanggap mo?” hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Jandy matapos kong sabihin sa kanya ang ginawang pagbibigay ng pera sa akin ni Mr. Chua. 

“B-Bonus daw kasi . . .”

“Naniwala ka naman?” Binalot ng sarkasmo ang tono nito. 

Pinasadahan ko ang mahabang buhok gamit ang mga daliri. Pagod kong tiningnan si Jandy na nakaupo sa tapat ko. Kanina pa kami nasa loob ng library pero wala ni isa sa amin ang may ganang magbuklat ng aklat para mag-aral. 

“Kailangan ko ng pera, Jandy,” sabi ko sa mahinang boses. 

Napasandal siya sa inuupuan at ilang segundo pa akong pinagmamasdan lang. Puno ng pag-aalala ang nakikita ko sa mga mata niya. 

“Kapag umulit siya ng pagbibigay sa'yo ng pera, sabihin mo sa'kin.”

Kumunot ang noo ko. “Bakit? Anong gagawin mo?”

Bahagya siyang umahon sa kinauupuan para mas malapitan ako. Marahan niyang hinawakan ang kamay kong nakapatong sa mesa. 

“Pipigi

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status