LOGINAng lalaking pinlano kong makasama habangbuhay, hinahaplos ngayon ang buhok ng kapatid ko, parang si Chanel pa ang nagpupuyat at natutulog sa upuan ng ospital nang isang buwan.
Nakatayo ako sa dilim malapit sa p***o, nakakuyom ang mga kamay ko. Iba ang hitsura ni Grayson habang nakasandal sa mga puting unan. Ang athletic kong fiancé noon, mukhang napakahina na ngayon. Pero ang mga mata niya, nakatitig lang kay Chanel. Sobrang lapit ni Chanel sa kanya, halos magdikit na ang mukha nila.
"Papunta ako kay Kendall noong gabing 'yon," bulong ni Grayson. "Nasa kotse na ako dahil hindi ko na kayang maghintay pa para sabihing hindi kon na itutuloy ang magpakasal sa kanya. Nagmamadali ako para makausap siya at makapunta agad sa'yo, Chanel. Kaso ang lakas ng ulan... hindi ko agad nakita 'yung truck.”
Umiyak nang malakas si Chanel at isinubsub ang mukha sa kama.
"Muntik ka nang mamatay para sa atin," hagulgol niya. "Takot na takot ako, Grayson. Kailangan kong tiisin na panoorin siyang alagaan ka, kahit ako naman talaga ang totoong mahal mo.”
Tumingin ako sa kanila habang nanlalamig ang buo kong katawan. Biglang nag-flashback sa akin lahat ng ginawa ko nitong nakaraang buwan. 'Yung sakit ng pagtuturok sa hita ko para sa IVF. 'Yung sisi na dinala ko kasi akala ko nagmamadali siyang umuwi para sa akin kaya siya nabangga. Tapos 'yung baby na dinadala ko ngayon mula kay Desmond Salvatore... ginawa ko lang naman 'to para may maiwang alaala si Grayson sa pamilya niya kung sakaling mawala siya.
Binuksan ko ang p***o saka ako pumasok. Biglang napalayo si Chanel sa kanya. Tumingin sa akin si Grayson na parang nakakita ng multo. Hindi man lang niya kayang tingnan ako nang diretso, namula siya at agad na nag-iwas ng tingin sa kisame.
Bago pa ako makapagsalita, may narinig ako sa likod ko. Lumingon ako at nakita ko ang ina ni Grayson na may dalang tray ng kape. Namumula ang mga mata niya at mukhang ilang araw nang walang tulog.
"Kendall, bakit sobrang namumutla ka?" tanong niya. Tumingin siya sa tiyan ko habang may umaasang ngiti. "Kumusta ang appointment mo? Ligtas ba ang baby?"
Tinitigan ko siya, ang babaeng itinuring akong parang totoong anak sa loob ng tatlong taon, saka ako tumitig kay Grayson. Ang duwag, nakatitig pa rin sa kisame. Ang katotohanan tungkol sa baby ni Desmond Salvatore ay parang abong nakasara sa lalamunan ko.
"Negative po," sabi ko. Deretso ang boses ko, walang halong pag-aalinlangan o sakit. "Hindi gumana ang IVF. Walang bata na nabuo.”
Biglang namutla at nanghina ang ina ni Grayson. Humawak siya sa likod ng upuan para hindi matumba. "Diyos ko, Kendall. Hindi... Matapos ang lahat ng pinagdaanan mo? I'm so sorry…”
Nakikita ko si Chanel sa gilid ng mata ko. Nakatitig siya sa akin, nakabuka ang bibig sa kunwaring nagulat. Naglabas siya ng panyo at nagpunas ng luhang wala naman talaga.
"Nakakalungkot naman, Kendall," sabi ni Chanel habang lumalapit sa akin. Nagkunwari pa siyang malungkot sa harap ng ina ni Grayson, pero nang tumingin siya sa akin, kumikislap ang mga mata niya sa tuwa. "Alam kong gustong-gusto mo na matuloy ang pagbubuntis. Akala nating lahat ay matutuloy.”
Huminto siya sa harap ko. "Pero siguro," bulong ni Chanel, "mas mabuti na rin ito, 'di ba? Sobrang gulo ng lahat ngayon habang nagpapagaling si Grayson. At least ngayon, wala ka nang dagdag na pabigat. Pwede mo nang asikasuhin ang sarili mo.”
Ang salitang pabigat ay paulit-ulit na tumunog sa tainga ko.
I've never felt this kind of rage before. Isang matinding galit na biglang nagpalinaw sa isip ko at nagdikta sa susunod kong gagawin.
Bago ko pa man ma-process ang lahat, mabilis na lumipad ang kamay ko. Ang lakas ng tunog ng sampal ko sa pisngi ni Chanel na umalingawngaw sa buong kwarto.
Napaatras si Chanel habang namumula ang bakas ng kamay ko sa mukha niya.
"Kendall!" sigaw ni Grayson mula sa kama. Pinilit niyang umupo, habang namimilipit sa sakit ang mukha niya at nagsimulang mag-beep nang mabilis ang mga monitor. "Ano bang ginagawa mo?!"
Hindi ko siya sinagot. Hinawakan ko si Chanel sa collar ng silk blouse niya at hinalak ko siya pabalik sa tabi ng kama. Sumisigaw siya habang kinakalmot ang pulso ko, pero wala akong nararamdaman. Itinulak ko siya papunta kay Grayson.
"Gusto mong pag-usapan ang pagiging pabigat, Chanel?" tanong ko. "Pag-usapan natin ang pagiging sinungaling niyo! Pag-usapan natin kung anong ginagawa ninyong dalawa noong nasa clinic ako at sinusubukang isalba ang pamilyang ito na ayaw naman palang masalba!"
Inabot ako ni Grayson, nanginginig ang mga daliri niya habang sinusubukang alisin ang kamay ko sa collar ni Chanel. "Kendall, stop. Naghi-hysterical ka lang."
Tumingin ako sa kanya, at ang lalaking akala ko mahal ko? Wala na. Isang duwag na lang ang nasa harap ko. Binitawan ko si Chanel para siya naman ang harapin ko.
Inangat ko ang kamay ko at sinampal ko siya sa mukha. Ang unang sampal ay para sa tatlong taong sinayang ko. Ang pangalawang sampal ay para sa guilt na dinala ko, sa pag-aakalang ako ang dahilan kung bakit siya naaksidente. Ang pangatlong sampal ay para sa katraydoran nila. Hinihayaan nila akong magpa-IVF, habang nagpaplano na pala silang dalawa na magsama.
"Simula ngayon ay tapos na tayo, Grayson," sabi ko. "Huwag mo na akong tatawagan. Kapag nakita ko ulit kayong dalawa, sisiguraduhin kong malalaman ng buong mundo kung anong klase kayong tao."
Tumalikod ako at lumabas nang hindi na nililingon ang gulo sa kwarto. Naglakad ako pababa hanggang sa makarating sa bakanteng hagdanan. Sumandal ako sa pader at doon ako umiyak nang husto.
Mag-isa na lang ako. Buntis sa anak ni Desmond Salvatore. At nawala na sa akin ang lahat.
—
Pagkalipas ng isang oras, nakaupo na ako sa waiting room ng isang maliit na women's clinic. Hindi ko pwedeng ituloy ang pagbubuntis sa anak ni Desmond Salvatore. Nabuo lang ang batang ito sa gitna ng panloloko nila.
Tumingin sa records ko ang doktor, isang babaeng nasa 60s, saka tumitig sa akin. "Magiging tapat ako sa 'yo. Himala na ngang nabuntis ka dahil sa sever endometriosis mo at sa nipis ng uterine lining mo. Kapag itinuloy mo itong abortion, permanenteng masisira ang bahay-bata mo. Hindi ka na makakapagbuntis ulit.”
Lumabas ako ng clinic at naghanap pa ng iba. At isa pa. Buong hapon akong nag-ikot sa buong lungsod, pero pare-pareho lang ang naririnig ko. Permanent infertility.
Pagpasok ng kotse ko sa driveway ng mansyon, palubog na ang araw. Hahanapin ko sana si Papa sa study room niya, pero huminto ako nang marinig ko silang nag-uusap sa loob ng sala.
"Hindi ko alam kung tama ito, Louisa," boses ni Papa.
"Bumabagsak na ang kumpanya," sagot ni Louisa, ang stepmother ko. "At ang deal lang kay Julius Larson ang makakasalba sa atin ngayon. Ilang buwan na siyang nagtatanong tungkol kay Kendall. Wala siyang pake kahit masira ang engagement ni Kendall kay Grayson. Handang bayaran ni Julius ang lahat ng utang natin sa oras na mapirmahan ang marriage certificate.”
"Pero ang mga balita sa kanya..." mahinang sabi ni Papa. "Ang nangyari sa huling asawa niya... tsaka halos dalawampung taon ang tanda niya kay Kendall."
"Mayaman siya, Peter!" inis na sagot ni Louisa. "Pagkatapos ng balitang nalaman natin sa ospital, kailangan na nating idiskarte si Kendall. Sisiguraduhin ni Julius na hindi na makakapag-rebelde 'yang anak mo.”
Napasandal ako sa pader ng hallway habang nasusuka sa narinig ko. Si Julius Larson. Isang demonyong kilala sa pagiging manyakis. Binebenta ako ng sarili kong pamilya sa isang halimaw para lang iligtas ang bumabagsak nilang negosyo.
Nag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa. Inilabas ko 'yon at binasa ang text habang nagmamatubig ang mga mata ko.
From: Unknown Number
This is Desmond Salvatore’s number. Nakapagdesisyon ka na ba sa alok ko sa'yo?
Mukhang kinuha ni Desmond ang number ko kay Dr. Tan.
Tumingin ako sa p***o ng sala, kung saan ibinebenta ako ng sarili kong ama at ng stepmother ko na parang gamit lang. Pagkatapos, tinitigan ko ang text sa cellphone ko. Wala na akong fiancé. Wala na akong pamilya. At kapag nawala pa itong baby, wala na rin akong kinabukasan.
Pinindot ko ang tumawag sa unknown number. Isang ring pa lang, sinagot na niya agad.
"Hindi ko akalaing tatawag ka," sabi ng boses sa kabilang linya.
"Gagawin ko ang gusto mo," sabi ko habang tumatayo nang diretso at hawak ang tiyan ko. "Itutuloy ko ang pagbubuntis sa anak mo.”
"A wise choice, Kendall. Ipapahanda ko ang mga papeles para sa kontrata na pipirmahan mo."
"No," sabi ko, habang tumitigas ang boses ko. Ito na lang ang huling choice na meron ako ngayon—si Desmond Salvatore. "Ayaw ko ng one hundred million. May iba akong gusto."
"Name it, Kendall."
Huminga ako nang malalim. "Kailangan mo akong pakasalan, Desmond.”
Halatang malapit nang malunok ni Louisa ang sarili niyang dila sa sobrang gulat at galit—at sa totoo lang, sana tuluyan na niyang malunok iyon.Ilang minuto lang matapos akong umakyat sa kuwarto ko, sumunod agad siya na nangingitngit at kung ano-ano ang isinisigaw na hindi ko man lang pinag-aksayahang pakinggan.Ngayon, nakatayo siya sa gitna ng silid ko. Mabilis ang pagtaas-baba ng dibdib niya sa loob ng silk robe na mas mahal pa kaysa sa karaniwang kotse. Kaya naman pala desperado siyang maiahon sa utang ang pamilya, desperadong ibenta ako sa isang demonyo. Namumula ang mukha niyang punong-puno ng makeup dahil sa matinding galit. Hawak niya ang marriage license ko sa dulo ng dalawang daliri, na para bang ginamit na tissue ang tinititigan niya."Talaga bang inaasahan mong paniniwalaan ko ito, Kendall?" asik niya. Ang boses niya ay halos makabasag na ng salamin sa vanity table ko. "Akala mo ba kapag may hawak kang na-print na papel, maaari ka nang magbahay-bahayan?! Peke ito! Napakata
Inalok ko ng kasal ang pinakamayamang businessman sa bansa para lang makaligtas sa pamilya kong ginawa na akong negosyo, at sa lalaking gustong bumili sa akin.Nakakabaliw ang katahimikan kapag si Desmond Salvatore ang kausap. Ilang minuto na siyang nang walang kaimik-imik. Sa sobrang higpit ng hawak ko, bumaon na ang gilid ng case sa palad ko."Marriage of convenience. Kailangan ko ng proteksyon mo sa kahit anon at sa kahit sino," sabi ko. Sinubukan kong patapangin ang boses ko kahit nanginginig na ako sa kaba. "Hindi ko kailangan ang pera mo. Pagkapanganak ko, mag-divorce na tayo. Ang hinihingi ko lang, visitation rights, ayokong maging multo sa buhay ng sarili kong anak.”Muling tumahimik nang limang segundo. Magpapaliwanag pa lang sana ako, pero inunahan na niya ako."Alas-siyete ng umaga," sabi ni Desmond. "Sa City of Mayor's Office. Dalhin mo ang birth certificate mo, passport, at lahat ng ID na mayroon ka. Papapuntahin ko ang abogado ko roon nang six forty-five para sa mga pape
Ang lalaking pinlano kong makasama habangbuhay, hinahaplos ngayon ang buhok ng kapatid ko, parang si Chanel pa ang nagpupuyat at natutulog sa upuan ng ospital nang isang buwan.Nakatayo ako sa dilim malapit sa pinto, nakakuyom ang mga kamay ko. Iba ang hitsura ni Grayson habang nakasandal sa mga puting unan. Ang athletic kong fiancé noon, mukhang napakahina na ngayon. Pero ang mga mata niya, nakatitig lang kay Chanel. Sobrang lapit ni Chanel sa kanya, halos magdikit na ang mukha nila."Papunta ako kay Kendall noong gabing 'yon," bulong ni Grayson. "Nasa kotse na ako dahil hindi ko na kayang maghintay pa para sabihing hindi kon na itutuloy ang magpakasal sa kanya. Nagmamadali ako para makausap siya at makapunta agad sa'yo, Chanel. Kaso ang lakas ng ulan... hindi ko agad nakita 'yung truck.”Umiyak nang malakas si Chanel at isinubsub ang mukha sa kama."Muntik ka nang mamatay para sa atin," hagulgol niya. "Takot na takot ako, Grayson. Kailangan kong tiisin na panoorin siyang alagaan ka,
Nakatitig ako sa papel na tuluyan nang sumira sa natitira ko pang katinuan.Paulit-ulit ko nang kinukurot ang sarili ko hanggang sa mamula na nang husto ang balat ko, pero hindi ppa rin ako nagigising mula sa bangungot na ito.Nasa tapat ko si Dr. Tan. Nakapatong ang mga kamay niya sa isang kulay-tsokolate na folder, halatang umiiwas ng tingin."P-Pakiulit nga po?" tanong ko, umaasang nabingi lang ako o mali lang ang rinig ko noong una. Kasi imposible ito. Hindi ito pwedeng mangyari."I'm sorry, Kendall," sabi niya. Mahina at halos pabulong ang boses niya, wala 'yung kumpiyansa at awtoridad na sanay akong marinig sa kaniya. "Nagkaroon ng malaking pagkakamali sa lab. Nagkapalit ang label ng mga sample nung kinuha sa cryopreservation.”"A-Anong… ibig mong sabihin?"Umayos siya ng upo. "Ang embryo na nailagay sa 'yo... hindi nanggaling sa sample ni Grayson Campbell. Ang ginamit na punla ay mula sa ibang donor."Niyakap ko ang sarili kong tiyan. Nararamdaman ko na ang kaunting umbok nito







