Share

Chapter 3

Author: SyntaxMaria
last update publish date: 2026-09-21 14:23:54

Inalok ko ng kasal ang pinakamayamang businessman sa bansa para lang makaligtas sa pamilya kong ginawa na akong negosyo, at sa lalaking gustong bumili sa akin.

Nakakabaliw ang katahimikan kapag si Desmond Salvatore ang kausap. Ilang minuto na siyang nang walang kaimik-imik. Sa sobrang higpit ng hawak ko, bumaon na ang gilid ng case sa palad ko.

"Marriage of convenience. Kailangan ko ng proteksyon mo sa kahit anon at sa kahit sino," sabi ko. Sinubukan kong patapangin ang boses ko kahit nanginginig na ako sa kaba. "Hindi ko kailangan ang pera mo. Pagkapanganak ko, mag-divorce na tayo. Ang hinihingi ko lang, visitation rights, ayokong maging multo sa buhay ng sarili kong anak.”

Muling tumahimik nang limang segundo. Magpapaliwanag pa lang sana ako, pero inunahan na niya ako.

"Alas-siyete ng umaga," sabi ni Desmond. "Sa City of Mayor's Office. Dalhin mo ang birth certificate mo, passport, at lahat ng ID na mayroon ka. Papapuntahin ko ang abogado ko roon nang six forty-five para sa mga papeles. Don't be late, Kendall.”

Binabaan niya ako bago pa man ako makapagsalita. Hindi siya nag-yes, pero malinaw ang instructions niya. Isinandal ko ang ulo ko sa pader at ipinikit ang mga mata ko. Far from dream wedding. Walang bulaklak, walang veil, at walang lalaking patay na patay sa akin. Pero kapalit ng kalayaan ko, may proteksyon ako. Fair deal na rin.

Hindi ako nakatulog nang maayos nung gabing iyon. Bawat oras akong nagigising dahil naaalala ko ang kadiring ngiti ni Julius Larson. At ang paghalik ni Chanel sa ex-fiancé ko.

Nang mag-umaga na, pilit kong ibangon ang sarili ko, mabilis na naligo, at nagsuot ng simpleng navy blue wrap dress. At least maayos tingnan at natatakpan ang pagpayat ko nitong mga nakaraang linggo. Sinuklay ko lang ang buhok ko, saka naglagay ng kaunting concealer at lip balm para hindi halatang puyat at pagod ako.

Amoy lumang kape at linis-kalsada sa City Mayor's Office. Lumang building na puno ng plastic na upuan at maingay na printer sa likod. May lalaking naka-charcoal suit sa tabi ng counter, may hawak na briefcase. Sa ganda pa lang ng suit niya, halatang abogado na ng bilyonaryo.

"Ms. Montenegro?" tanong niya nang makita ako. Hindi siya ngumiti. "Ako si Charles, abogado ni Mr. Salvatore. Marami tayong kailangang tapusin bago siya makarating."

Inakay niya ako sa isang maliit na mesa sa sulok at inilatag ang mga makakapal na papel. Sobrang detalyado ng prenuptial agreement, parang matagal nang nakahanda, kahit kahapon ko lang naman naisip ito.

Nakasulat doon kung gaano katagal ang kasal, ang hatian sa ari-arian kapag naghiwalay na kami, at ang pinakamasakit sa lahat, kay Desmond Salvatore ang full custody ng bata. Ang visitation rights ko naman, ginawa lang na parang simpleng note sa dulo ng papel.

Binasa ko ang bawat linya habang nangingilid ang luha sa mga mata ko. Pipirmahan ko na pala ang pagpapakawala sa tanging bagay na magiging akin talaga. Pero naalala ko ang mangyayari kapag hindi ko ito ginawa. Kapag nagtiis ako manatili sa bahay, ipapakasal ako ng stepmother ko sa lalaking ginagawang laro ang pagwasak sa mga babae. Inabot ko ang ballpen kay Charles at pumirma ako sa ibaba ng bawat pahina.

"Mukhang maayos naman ang lahat," sabi ni Charles sabay tingin sa orasan niya.

Ilang minuto ang lumipas, bumukas ang salaming p***o sa pasukan at biglang nag-iba ang hangin sa loob. Parang bumaba ng sampung antas ang lamig. Pumasok si Desmond Salvatore, at halos lahat ng tao sa silid ay napalingon sa kanya. Hindi siya naka-full suit ngayon. Naka-puting polo lang siya na nakatupi ang sleeves hanggang bisig at dark tailored trousers. Napakalakas ng dating niya na nakakatuyo ng lalamunan.

Huminto siya sa harap ng mesa namin, at ang titig niya sa akin ay kasing-tindi pa rin noong isang araw. Hindi siya bumati. Tiningnan niya ang mga papel na may pirma ko, saka binalik ang tingin sa akin. Sa isang saglit, bumaba ang tingin niya sa labi ko, matagal nang kaunti para manginig ang balat ko. Pagkatapos noon, bumalik ulit ang lamig sa mga mata niya.

"Pumirma ba siya?" tanong ni Desmond sa abogado.

"Sa bawat pahina, sir," kumpirma ni Charles.

"Mabuti."

Naging mabilis ang lahat. Sa impluwensya ba naman ni Desmond, dinala agad kami sa isang private office para asikasuhin. Wala pang labinlimang minuto, inilapag na sa harap namin 'yung papel na may gold seal.

Kumuha si Desmond ng isang copy at inabot sa akin. Nagdampi ang mga daliri namin, mainit ang balat niya, sobrang layo sa malamig niyang pakikitungo.

“You are now my Mrs. Salvatore," sabi niya. "Kailangan kong lumipad papuntang Italy mamaya. May kailangan akong asikasing negosyo doon. Mawawala ako ng dalawang araw."

Tinitigan ko ang papel. Kendall Salvatore. Ang sarap sa mata at maganda pakinggan. Parang isang malaking kasinungalingan na nakasulat sa gintong tinta.

"Magpapadala ako ng sasakyan at mga tao sa bahay niyo sa Martes ng alas-otso ng umaga," patuloy niya. "Lalipat ka sa bahay ko. Habang nagpapatuloy ang kontratang ito, sa akin ka titira. Kailangan kong masigurong nababantayan nang maayos ang kalusugan ng anak ko."

"Kaya kong alagaan ang sarili ko, Desmond," sabi ko, sinusubukang iligtas ang kaunting dignidad na natitira sa akin.

Lumapit siya lalo, at dumilim ang mukha niya.

“Ina ka ng anak ko, Kendall. Kaya responsibilidad ko ang kaligtasan mo. Ayaw kong nahihirapan ka."

Huminto siya nang bahagya, at lumambot nang kaunti ang titig niya. "Kailangan mo ba ng maghahatid pabalik sa inyo?”

Mabilis akong umiling. Ang maisip pa lang na papasok ang itim na kotse ni Desmond sa driveway nina Papa ay sakit na agad sa ulo. Siguradong mai-stroke si Louisa.

"Hindi na. Mag-aabang na lang ako ng taxi sa labas," sabi ko. "Kailangan ko munang ayusin ang mga gamit ko roon, lalo na't wala silang kaalam-alam sa ginawa ko.”

Tumango si Desmond, mabilis at pinal. "Tuesday. 8:00 AM. Inaasahan kong naroon ka na sa bahay pagdating ko.”

Tumalikod siya at lumabas, habang nakabuntot si Charles sa likod niya. Nakatayo lang ako sa gitna ng lobby, nakayakap ang marriage license sa dibdib ko. Mabilis at mabigat ang kabog ng puso ko. Nagawa ko na. Tumalon na ako sa bangin, at ngayon kailangan ko na lang maghintay kung bubukas ba ang parachute ko.

—

Pagpasok ko sa p***o ng bahay ng mga Montenegro, halos masuka ako sa amoy ng pabango ni Louisa. Nakaupo si Papa at ang stepmother ko sa sala, nakabihis na parang pupunta sa libing. Naka-black dress si Louisa at napakahigpit ng tali ng buhok niya. Si Papa naman, pabalik-balik ang ayos sa cufflinks niya habang nakasimangot.

"Saan ka galing?!" bulyaw agad ni Louisa pagkatayo niya mula sa sofa. "Dalawang oras ka na naming tinatawagan! May naghihintay na tao sa atin para sa isang lunch meeting! Umakyat ka sa taas at isuot mo 'yung pulang dress na binili ko. At ayusin mo 'yang mukha mo! Mukha kang multo sa sobrang pagod!”

"Sino ang kakausapin natin?" tanong ko, nagkukunwaring walang alam.

"Isang importanteng tao."

Tumayo rin si Papa, pero hindi man lang makatitig sa akin. "Kendall, pakiusap. Makisama ka naman. Simpleng lunch lang ito. Maimpluwensya na tao ang makakaharap natin, makakatulong siya sa negosyo natin.”

"Makakatulong sa inyo," pagtatama ko sa kanya. Nakaramdam ako ng kakaibang lakas sa loob ko, isang malamig na galit na tumutunaw sa natitira kong takot. "Alam kong si Julius Larson ang kakausapin natin. At gusto ninyo akong itapon at ipain sa kanya dahil mababayaran niya ang mga maling investment mo, ang mga alahas na gustong bilihin ni Louisa, at mga kapritso ni Chanel. Pero hindi siya makakatulong sa akin, Papa.”

"Kendall!" singhal ni Louisa habang naglalakad patungo sa akin. "Montenegro ka. May responsibilidad ka sa pamilyang ito. Umakyat ka na sa taas at magbihis!"

Hindi ako gumalaw. Dinukot ko ang marriage license sa bag ko at inilabas iyon. Itinaas ko ang papel, at tumama ang ilaw ng chandelier sa gintong seal nito.

"Hindi na ako isang Montenegro," proud kong sabi. "Pumirma ako sa kasal kaninang umaga."

Napatigil si Louisa sa paglalakad. Naibuka niya ang bibig niya na parang isdang nawalan ng hangin. Namutla naman si Papa, nanlaki ang mga mata habang nakatitig sa papel.

"A-Anong… pinagsasabi mo, Kendall?" utal na sabi ni Papa. "Kasal? Kanino? Nasa ospital pa si Grayson, siya—"

"Hindi kay Grayson," sabi ko, sabay lapit para malinaw nilang mabasa ang pangalan sa papel. "Kay Desmond Salvatore. I am now his Mrs. Salvatore. Asawa na niya ako. Ibig sabihin, responsibilidad na niya ako. Kaya tawagan niyo na si Julius Larson at sabihing kanselado na ang deal niyo. Sa Martes ng umaga ay darating dito ang mga tauhan ni Desmond para kunin ang mga gamit ko at sunduin ako."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Accidental Baby For Mr. Salvatore    Chapter 4

    Halatang malapit nang malunok ni Louisa ang sarili niyang dila sa sobrang gulat at galit—at sa totoo lang, sana tuluyan na niyang malunok iyon.Ilang minuto lang matapos akong umakyat sa kuwarto ko, sumunod agad siya na nangingitngit at kung ano-ano ang isinisigaw na hindi ko man lang pinag-aksayahang pakinggan.Ngayon, nakatayo siya sa gitna ng silid ko. Mabilis ang pagtaas-baba ng dibdib niya sa loob ng silk robe na mas mahal pa kaysa sa karaniwang kotse. Kaya naman pala desperado siyang maiahon sa utang ang pamilya, desperadong ibenta ako sa isang demonyo. Namumula ang mukha niyang punong-puno ng makeup dahil sa matinding galit. Hawak niya ang marriage license ko sa dulo ng dalawang daliri, na para bang ginamit na tissue ang tinititigan niya."Talaga bang inaasahan mong paniniwalaan ko ito, Kendall?" asik niya. Ang boses niya ay halos makabasag na ng salamin sa vanity table ko. "Akala mo ba kapag may hawak kang na-print na papel, maaari ka nang magbahay-bahayan?! Peke ito! Napakata

  • Accidental Baby For Mr. Salvatore    Chapter 3

    Inalok ko ng kasal ang pinakamayamang businessman sa bansa para lang makaligtas sa pamilya kong ginawa na akong negosyo, at sa lalaking gustong bumili sa akin.Nakakabaliw ang katahimikan kapag si Desmond Salvatore ang kausap. Ilang minuto na siyang nang walang kaimik-imik. Sa sobrang higpit ng hawak ko, bumaon na ang gilid ng case sa palad ko."Marriage of convenience. Kailangan ko ng proteksyon mo sa kahit anon at sa kahit sino," sabi ko. Sinubukan kong patapangin ang boses ko kahit nanginginig na ako sa kaba. "Hindi ko kailangan ang pera mo. Pagkapanganak ko, mag-divorce na tayo. Ang hinihingi ko lang, visitation rights, ayokong maging multo sa buhay ng sarili kong anak.”Muling tumahimik nang limang segundo. Magpapaliwanag pa lang sana ako, pero inunahan na niya ako."Alas-siyete ng umaga," sabi ni Desmond. "Sa City of Mayor's Office. Dalhin mo ang birth certificate mo, passport, at lahat ng ID na mayroon ka. Papapuntahin ko ang abogado ko roon nang six forty-five para sa mga pape

  • Accidental Baby For Mr. Salvatore    Chapter 2

    Ang lalaking pinlano kong makasama habangbuhay, hinahaplos ngayon ang buhok ng kapatid ko, parang si Chanel pa ang nagpupuyat at natutulog sa upuan ng ospital nang isang buwan.Nakatayo ako sa dilim malapit sa pinto, nakakuyom ang mga kamay ko. Iba ang hitsura ni Grayson habang nakasandal sa mga puting unan. Ang athletic kong fiancé noon, mukhang napakahina na ngayon. Pero ang mga mata niya, nakatitig lang kay Chanel. Sobrang lapit ni Chanel sa kanya, halos magdikit na ang mukha nila."Papunta ako kay Kendall noong gabing 'yon," bulong ni Grayson. "Nasa kotse na ako dahil hindi ko na kayang maghintay pa para sabihing hindi kon na itutuloy ang magpakasal sa kanya. Nagmamadali ako para makausap siya at makapunta agad sa'yo, Chanel. Kaso ang lakas ng ulan... hindi ko agad nakita 'yung truck.”Umiyak nang malakas si Chanel at isinubsub ang mukha sa kama."Muntik ka nang mamatay para sa atin," hagulgol niya. "Takot na takot ako, Grayson. Kailangan kong tiisin na panoorin siyang alagaan ka,

  • Accidental Baby For Mr. Salvatore    Chapter 1

    Nakatitig ako sa papel na tuluyan nang sumira sa natitira ko pang katinuan.Paulit-ulit ko nang kinukurot ang sarili ko hanggang sa mamula na nang husto ang balat ko, pero hindi ppa rin ako nagigising mula sa bangungot na ito.Nasa tapat ko si Dr. Tan. Nakapatong ang mga kamay niya sa isang kulay-tsokolate na folder, halatang umiiwas ng tingin."P-Pakiulit nga po?" tanong ko, umaasang nabingi lang ako o mali lang ang rinig ko noong una. Kasi imposible ito. Hindi ito pwedeng mangyari."I'm sorry, Kendall," sabi niya. Mahina at halos pabulong ang boses niya, wala 'yung kumpiyansa at awtoridad na sanay akong marinig sa kaniya. "Nagkaroon ng malaking pagkakamali sa lab. Nagkapalit ang label ng mga sample nung kinuha sa cryopreservation.”"A-Anong… ibig mong sabihin?"Umayos siya ng upo. "Ang embryo na nailagay sa 'yo... hindi nanggaling sa sample ni Grayson Campbell. Ang ginamit na punla ay mula sa ibang donor."Niyakap ko ang sarili kong tiyan. Nararamdaman ko na ang kaunting umbok nito

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status