author-banner
SyntaxMaria
SyntaxMaria
Author

Novels by SyntaxMaria

Accidental Baby For Mr. Salvatore

Accidental Baby For Mr. Salvatore

Akala ni Kendall Montenegro, ang pagbubuntis gamit ang IVF ang magpapatuloy sa alaala ng fiancé niyang si Grayson na na-coma. Pero nawasak ang mundo niya nang lumabas ang resulta. Hindi kay Grayson ang bata sa tiyan niya, kundi kay Desmond Salvatore, ang pinakamayamang businessman sa bansa na may pusong bato. Mas lumala pa ang bangungot nang magising si Grayson mula sa coma. Hindi si Kendall ang hinanap nito kundi ang mismong half-sister niyang si Chanel, doon nabunyag ang matagal na nilang pagtataksil kay Kendall. Gipit na gipit na si Kendall. Gusto pa siyang ibenta ng sarili niyang ama at stepmother sa isang manyakis na negosyante para lang maisalba ang baon sa utang nilang negosyo. Sabi ng doktor, ito na ang huling tsansa niyang maging ina. Para mailigtas ang anak at makatakas sa pamilya niya, inalok ng kasal ni Kendall si Desmond. Pero sa pagpasok ni Kendall sa mundo ni Desmond, matututunan niyang ang pagpapanggap bilang asawa ng katulad nito ay isang larong delikado, dahil puso mo ang unang mawawala sa 'yo.
Read
Chapter: Chapter 4
Halatang malapit nang malunok ni Louisa ang sarili niyang dila sa sobrang gulat at galit—at sa totoo lang, sana tuluyan na niyang malunok iyon.Ilang minuto lang matapos akong umakyat sa kuwarto ko, sumunod agad siya na nangingitngit at kung ano-ano ang isinisigaw na hindi ko man lang pinag-aksayahang pakinggan.Ngayon, nakatayo siya sa gitna ng silid ko. Mabilis ang pagtaas-baba ng dibdib niya sa loob ng silk robe na mas mahal pa kaysa sa karaniwang kotse. Kaya naman pala desperado siyang maiahon sa utang ang pamilya, desperadong ibenta ako sa isang demonyo. Namumula ang mukha niyang punong-puno ng makeup dahil sa matinding galit. Hawak niya ang marriage license ko sa dulo ng dalawang daliri, na para bang ginamit na tissue ang tinititigan niya."Talaga bang inaasahan mong paniniwalaan ko ito, Kendall?" asik niya. Ang boses niya ay halos makabasag na ng salamin sa vanity table ko. "Akala mo ba kapag may hawak kang na-print na papel, maaari ka nang magbahay-bahayan?! Peke ito! Napakata
Last Updated: 2026-09-21
Chapter: Chapter 3
Inalok ko ng kasal ang pinakamayamang businessman sa bansa para lang makaligtas sa pamilya kong ginawa na akong negosyo, at sa lalaking gustong bumili sa akin.Nakakabaliw ang katahimikan kapag si Desmond Salvatore ang kausap. Ilang minuto na siyang nang walang kaimik-imik. Sa sobrang higpit ng hawak ko, bumaon na ang gilid ng case sa palad ko."Marriage of convenience. Kailangan ko ng proteksyon mo sa kahit anon at sa kahit sino," sabi ko. Sinubukan kong patapangin ang boses ko kahit nanginginig na ako sa kaba. "Hindi ko kailangan ang pera mo. Pagkapanganak ko, mag-divorce na tayo. Ang hinihingi ko lang, visitation rights, ayokong maging multo sa buhay ng sarili kong anak.”Muling tumahimik nang limang segundo. Magpapaliwanag pa lang sana ako, pero inunahan na niya ako."Alas-siyete ng umaga," sabi ni Desmond. "Sa City of Mayor's Office. Dalhin mo ang birth certificate mo, passport, at lahat ng ID na mayroon ka. Papapuntahin ko ang abogado ko roon nang six forty-five para sa mga pape
Last Updated: 2026-09-21
Chapter: Chapter 2
Ang lalaking pinlano kong makasama habangbuhay, hinahaplos ngayon ang buhok ng kapatid ko, parang si Chanel pa ang nagpupuyat at natutulog sa upuan ng ospital nang isang buwan.Nakatayo ako sa dilim malapit sa pinto, nakakuyom ang mga kamay ko. Iba ang hitsura ni Grayson habang nakasandal sa mga puting unan. Ang athletic kong fiancé noon, mukhang napakahina na ngayon. Pero ang mga mata niya, nakatitig lang kay Chanel. Sobrang lapit ni Chanel sa kanya, halos magdikit na ang mukha nila."Papunta ako kay Kendall noong gabing 'yon," bulong ni Grayson. "Nasa kotse na ako dahil hindi ko na kayang maghintay pa para sabihing hindi kon na itutuloy ang magpakasal sa kanya. Nagmamadali ako para makausap siya at makapunta agad sa'yo, Chanel. Kaso ang lakas ng ulan... hindi ko agad nakita 'yung truck.”Umiyak nang malakas si Chanel at isinubsub ang mukha sa kama."Muntik ka nang mamatay para sa atin," hagulgol niya. "Takot na takot ako, Grayson. Kailangan kong tiisin na panoorin siyang alagaan ka,
Last Updated: 2026-09-21
Chapter: Chapter 1
Nakatitig ako sa papel na tuluyan nang sumira sa natitira ko pang katinuan.Paulit-ulit ko nang kinukurot ang sarili ko hanggang sa mamula na nang husto ang balat ko, pero hindi ppa rin ako nagigising mula sa bangungot na ito.Nasa tapat ko si Dr. Tan. Nakapatong ang mga kamay niya sa isang kulay-tsokolate na folder, halatang umiiwas ng tingin."P-Pakiulit nga po?" tanong ko, umaasang nabingi lang ako o mali lang ang rinig ko noong una. Kasi imposible ito. Hindi ito pwedeng mangyari."I'm sorry, Kendall," sabi niya. Mahina at halos pabulong ang boses niya, wala 'yung kumpiyansa at awtoridad na sanay akong marinig sa kaniya. "Nagkaroon ng malaking pagkakamali sa lab. Nagkapalit ang label ng mga sample nung kinuha sa cryopreservation.”"A-Anong… ibig mong sabihin?"Umayos siya ng upo. "Ang embryo na nailagay sa 'yo... hindi nanggaling sa sample ni Grayson Campbell. Ang ginamit na punla ay mula sa ibang donor."Niyakap ko ang sarili kong tiyan. Nararamdaman ko na ang kaunting umbok nito
Last Updated: 2026-09-21
You May Also Like
Mr. Del Real Wants Me Back
Mr. Del Real Wants Me Back
Romance · Blue Haven
1.3K views
Love Me, Mr. CEO
Love Me, Mr. CEO
Romance · Ms. Morimien
1.3K views
Owned by His name
Owned by His name
Romance · Bluemoon22
1.3K views
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status