Partager

Accidental Baby For Mr. Salvatore
Accidental Baby For Mr. Salvatore
Auteur: SyntaxMaria

Chapter 1

Auteur: SyntaxMaria
last update Date de publication: 2026-09-21 14:17:23

Nakatitig ako sa papel na tuluyan nang sumira sa natitira ko pang katinuan.

Paulit-ulit ko nang kinukurot ang sarili ko hanggang sa mamula na nang husto ang balat ko, pero hindi ppa rin ako nagigising mula sa bangungot na ito.

Nasa tapat ko si Dr. Tan. Nakapatong ang mga kamay niya sa isang kulay-tsokolate na folder, halatang umiiwas ng tingin.

"P-Pakiulit nga po?" tanong ko, umaasang nabingi lang ako o mali lang ang rinig ko noong una. Kasi imposible ito. Hindi ito pwedeng mangyari.

"I'm sorry, Kendall," sabi niya. Mahina at halos pabulong ang boses niya, wala 'yung kumpiyansa at awtoridad na sanay akong marinig sa kaniya. "Nagkaroon ng malaking pagkakamali sa lab. Nagkapalit ang label ng mga sample nung kinuha sa cryopreservation.”

"A-Anong… ibig mong sabihin?"

Umayos siya ng upo. "Ang embryo na nailagay sa 'yo... hindi nanggaling sa sample ni Grayson Campbell. Ang ginamit na punla ay mula sa ibang donor."

Niyakap ko ang sarili kong tiyan. Nararamdaman ko na ang kaunting umbok nito sa kabila ng manipis na tela ng bulaklakin kong damit. Ang batang ito ang tanging kumakapit sa akin. Mula nang sumalpok at magpaikot-ikot ang kotse ni Grayson sa madulas na daan noong isang buwan, ang pagbubuntis na ito na lang ang nagpapanatili sa akin sa katinuan. Sabi ng mga doktor, maliit na ang tsansang magising pa si Grayson mula sa koma, kaya nakiusap ang mga magulang niya na gamitin ko 'yung frozen sample niya bago pa man kami magpakasal. Gusto nilang may maiwang bakas ng buhay niya. At mas gusto ko 'yun.

"Hindi," umiling ako nang dahan-dahan. Kataka-takang napakalimang ng boses ko, bagay na kinagulat ko rin. "Hindi totoo 'yan. Ang sample ni Grayson ang ginamit natin. 'Yun ang pinag-usapan natin. 'Yun ang pinirmahan ko."

"Kendall—"

"Ilang linggo akong nagtiis sa mga turok at gamot!" singhal ko, at biglang napawi 'yong kalmadong tono ko. "Mga hormone. Araw-araw na turok. Paulit-ulit na kuhanan ng dugo. Sabi niyo maayos ang lahat! Sabi niyo magiging matagumpay ito!”

"Naging matagumpay naman," dahan-dahan niyang paliwanag. "Buntis ka." Pagkatapos ay humina ang boses niya. "Pero hindi si Grayson Campbell ang biological na ama."

Bago ko pa mapigilan, pumatak na ang luha sa pisngi ko. Mabilis at galit ko 'yung pinunas.

"Hindi ko anak 'yan," matigas kong sabi, na tila kaya ng paninindigan ko na burahin ang katotohanan.

"Anak mo 'yan," sagot niya. "Sa DNA at henetika, ikaw ang ina."

Inirapan ko siya nang ilang segundo bago ako napatawa, isang mapait at walang katuwa-tuwang tawa. "Hindi ko ito anak sa fiancé ko. Gusto ko ng anak sa lalaking mahal ko. Sa lalaking papakasalan ko. Ginawa ko naman ang lahat nang tama. Sinunod ko ang bawat hakbang. Nagtiwala ako sa inyo."

"Naiintindihan ko kung gaano kabigat—"

"Hindi! Wala kang naiintindihan!" sigaw ko sabay hampas ng nanginginig kong mga kamay sa lamesa. "Wala kang kaalam-alam sa ginawa niyo!"

Dahil baka hindi na kailanman magising si Grayson. Dahil ang batang ito sana ang tanging alaala na maiiwan niya sa akin. Dahil binuo ko ang buong kinabukasan ko sa pag-asang ito.

"We are very sorry."

"Sorry?!" singhal ko. "Doktor, hindi bag na nawala sa biyahe ang pinag-uusapan natin dito! Ang huling natitirang alala ng fiancé ko ang sinira niyo! Comatose si Grayson—baka hindi na siya magising! Tapos lalagyan niyo ako ng... ng ano? DNA ng kung sinong random na lalaki?!”

Ang sakit at ang hirap tanggapin. Anim na linggo kong pinagtiisan 'yong mga hormone, hanggang sa magpasa-pasa na 'yong mga hita ko sa kakaturok.

"Gusto kong ipatanggal ito," direktang sabi ko. "Ipalaglag ko ang bata. Ulitin natin ang proseso. Hindi ako magsisilang ng anak mula sa isang 'human error'."

"Kendall, handang magbayad ang pamunuan ng ospital ng five million bilang settlement," mabilis na hirit ni Dr. Tan habang namumutla ang mukha. "Kasama na roon ang full refund at ang pinakamagandang pangangalaga sa pagbubuntis na mabibili ng pera, basta pumirma ka lang ng non-disclosure agreement."

Mabilis akong tumayo kaya umingit ang upuan ko sa sahig. Limang milyon. Gusto nilang bayaran ako para sa anak ng ibang tao. Tinitigan ko ang mga naka-frame niyang diploma sa pader, ang mga tsart ng anatomy, ang mga plastic na modelo ng sanggol, at naramdaman ko ang biglang pag-init ng leeg ko. Parang sumisikip ang balat ko sa sarili kong katawan.

"Limang milyon?" bulong ko. Pumatak ulit ang isa pang luha at nagbalik ang malamig na katahimikan sa akin. Pabalik-balik ako sa pagitan ng pagiging kalmado at galit, at wala akong paraan para kontrolin ito.

"Hindi ko kailangan ang pera niyo," sabi ko. "Ang gusto ko, ito," itinuro ko ang tiyan ko. "Mawala ito."

Lalong sumeryoso ang mukha niya. "Sa tingin ko hindi iyan makakabuti—"

"Wala akong pakialam! Aalisin ko ang bata na ito!"

"Huwag mong subukan."

Mababa at malamig ang boses niya, parang utos na agad na dapat mong sundin. Napalingon ako sa lalaking nakatayo sa may p***o. Matangkad, malapad ang balikat, at naka-dark grey suit na halatang mamahalin. Matalim at direktang nakatitig sa akin ang kulay-abo niyang mga mata.

Mabilis na napatayo si Dr. Tan na halos matapilok pa siya. "Mr. Salvatore. H-Hindi ko alam na… nandito kayo."

"Mabilis akong kumilos kapag pinapabayaan ang mga asset ko, Dr. Tan," sabi ng lalaki. Pumasok siya sa silid, at parang biglang lumiliit ang kwarto sa presensya niya. Hindi niya man lang nilingon ang doktor; sa akin lang siya nakatitig, sinusuri ako nang napakalalamig na mga mata.

Sa lakas ng presensya niya, halos mapaatras ako sa takot. Pero pinalakas ko ang loob ko. Ginawa ko ang lahat para hindi niya makitang nanginginig ako.

Naglabas siya ng isang makapal at matte-black na business card galing sa bulsa niya at inilapag ito sa mesa. Desmond Salvatore. CEO of Salvatore Industries.

Napasinghap ako nang kaunti. Ito ang lalaking nagpatakbo at nag-automate sa kalahati ng mga logistics firm sa buong bansa. Siya ang tinaguriang "The Phantom CEO.”

"Ako ang biological father ng batang dinadala mo," direktang sabi ni Desmond. Walang bahid ng pakiusap o sorry sa boses niya. "At wala akong balak na hayaan kang ipalaglag 'yan. Ituloy mo ang pagbubuntis. Ibigay mo sa akin ang bata pagkapanganak mo, at magdedeposito ako ng one hundred million sa kahit anong account na gusto mo.”

Napaatras ako hanggang sa tumama ang binti ko sa upuan. Tinitigan ko siya, habang napapasinghap ako sa gulat. Ang kaninang lamig ay napalitan ng matinding init sa dibdib ko at napakuyom ang mga kamay ko.

 "Nababaliw ka ba?"

Napakurap si Dr. Tan sa sinabi ko. Samantalang nagsalubong naman ang mga kilay ni Desmond Salvatore. 

"Ano?"

"Sabi ko nababaliw ka na ba," ulit ko. "Nakaratay ang fiancé ko sa ospital at comatose, tapos iniisip mong mababayaran mo ako para isilang ang anak mo at hindi ang sa kaniya?"

"Two hundred million—"

"Wala akong pakialam sa pera mo, Mr. Salvatore!" sigaw ko. "Gusto kong bumalik ang buhay ko. Gusto ko ang anak ng fiancé ko!"

Wala man lang nagbago sa mukha ni Desmon. Mas lalo lang itong tumigas at nawalan ng emosyon. "Kayang bayaran ng pera ang oras. At sa sitwasyon mo ngayon, wala ka nang ibang pwedeng takbuhan.”

"Anong ibig mong sabihin?"

Suminyas siya kay Dr. Tan, na agad namang nag-abot ng panibagong lab result. "Sa pinakahuling resulta mo ngayong umaga... masyadong manipis ang lining ng uterus mo. Nagdulot ng malalang scarring ang hormonal stress mula sa IVF cycle na ito.”

Huminto siya, tumingin kay Desmond, tsaka muling humarap sa akin. "Kapag ipinatanggal mo ang bata sa loob mo, hindi na mawawala ang pinsala. Halos zero na ang tsansa na maging matagumpay pa ang susunod na pagpapasok ng embryo. Hindi ka na kailanman makakabuod o magkakaanak."

Halos mahimatay ako sa narinig ko. "H-Hindi 'yan totoo! Pwede niyo pa rin ako turukan niyo ako ng gamot! O kahit ano!”

"Hindi na 'yun kayang idaan sa ganun, Kendall,” iling-iling na sambit ni Dr. Tan.

Ang pangarap kong pamilya, ang baby boy na may kulot na buhok katulad ng kay Grayson—lahat 'yun biglang nabura. Kapag pinalaglag ko ito, tapos na. Hindi na ako kailanman magiging ina. Hindi sa anak ni Grayson... at hindi na kahit kanino pa.

"Pag-isipan mo," malamig at kalkulado ang boses ni Desmond. "Mararanasan mong maging ina. Magkakaroon ka ng perang sisiguraduhin na hindi mo na kailangang magtrabaho kailanman. At pagkatapos, pwede ka nang magkaanak ulit sa fiancé mo. Ang tanging hiling ko lang…”

Huminto siya nang makitang muling nangilid ang mga luha sa mga mata ko. May kaunting paglambot na gumuhit sa mukha niya, pero tumagal lang 'yun ng isang segundo.

"Hayaan mong buhayin ang anak ko."

Lalong lumala ang pagkahilo ko at ngayon ay hindi na ako makahinga. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Kailangan kong makita si Grayson. Kailangan kong mahawakan ang kamay niya at sabihin sa kaniyang patawarin ako dahil nabigo ko siya.

Tila nabasa ng mundo ang nasa isip ko, biglang nagvibrate ang cellphone ko sa loob ng shoulder bag. Mabilis ko itong kinuha at nakita ang pangalan ng ina ni Grayson sa screen.

"Kendall!" hagulgol niya sa kabilang linya sa sandaling sagutin ko ang tawag. "Kendall, pumunta ka rito sa kwarto niya. Ngayon na! Si Grayson... nagmulat na siya ng mata. Gising na siya!"

Hindi ko na sinagot si Desmond. Hindi ko na rin siya nilingon. Tumakbo ako. Mabilis akong tumakbo sa hallway ng ospital habang sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko, at iisang pangalan lang ang nasa isip ko. Grayson. Grayson. Grayson.

Nakarating ako sa floor kung nasaan ang fiancé ko, humahabol ang aking hininga. Dahan-dahan akong lumapit sa Room 105, habang nanginginig ang kamay kong umaabot sa hawakan ng p***o. Gusto kong sumugod sa loob, yakapin siya nang mahigpit, at sabihing ayusin namin nang magkasama ang kaguluhang ito tungkol sa bata.

Nakawaang nang kaunti ang p***o. At mula sa loob, hindi tunog ng heart monitor o ang hininga ng nagpapagaling na pasyente ang narinig ko, kundi ang isang pamilyar at pigil na hagulgol ng babae.

Boses iyon… ng halfsister ko.

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Dernier chapitre

  • Accidental Baby For Mr. Salvatore    Chapter 4

    Halatang malapit nang malunok ni Louisa ang sarili niyang dila sa sobrang gulat at galit—at sa totoo lang, sana tuluyan na niyang malunok iyon.Ilang minuto lang matapos akong umakyat sa kuwarto ko, sumunod agad siya na nangingitngit at kung ano-ano ang isinisigaw na hindi ko man lang pinag-aksayahang pakinggan.Ngayon, nakatayo siya sa gitna ng silid ko. Mabilis ang pagtaas-baba ng dibdib niya sa loob ng silk robe na mas mahal pa kaysa sa karaniwang kotse. Kaya naman pala desperado siyang maiahon sa utang ang pamilya, desperadong ibenta ako sa isang demonyo. Namumula ang mukha niyang punong-puno ng makeup dahil sa matinding galit. Hawak niya ang marriage license ko sa dulo ng dalawang daliri, na para bang ginamit na tissue ang tinititigan niya."Talaga bang inaasahan mong paniniwalaan ko ito, Kendall?" asik niya. Ang boses niya ay halos makabasag na ng salamin sa vanity table ko. "Akala mo ba kapag may hawak kang na-print na papel, maaari ka nang magbahay-bahayan?! Peke ito! Napakata

  • Accidental Baby For Mr. Salvatore    Chapter 3

    Inalok ko ng kasal ang pinakamayamang businessman sa bansa para lang makaligtas sa pamilya kong ginawa na akong negosyo, at sa lalaking gustong bumili sa akin.Nakakabaliw ang katahimikan kapag si Desmond Salvatore ang kausap. Ilang minuto na siyang nang walang kaimik-imik. Sa sobrang higpit ng hawak ko, bumaon na ang gilid ng case sa palad ko."Marriage of convenience. Kailangan ko ng proteksyon mo sa kahit anon at sa kahit sino," sabi ko. Sinubukan kong patapangin ang boses ko kahit nanginginig na ako sa kaba. "Hindi ko kailangan ang pera mo. Pagkapanganak ko, mag-divorce na tayo. Ang hinihingi ko lang, visitation rights, ayokong maging multo sa buhay ng sarili kong anak.”Muling tumahimik nang limang segundo. Magpapaliwanag pa lang sana ako, pero inunahan na niya ako."Alas-siyete ng umaga," sabi ni Desmond. "Sa City of Mayor's Office. Dalhin mo ang birth certificate mo, passport, at lahat ng ID na mayroon ka. Papapuntahin ko ang abogado ko roon nang six forty-five para sa mga pape

  • Accidental Baby For Mr. Salvatore    Chapter 2

    Ang lalaking pinlano kong makasama habangbuhay, hinahaplos ngayon ang buhok ng kapatid ko, parang si Chanel pa ang nagpupuyat at natutulog sa upuan ng ospital nang isang buwan.Nakatayo ako sa dilim malapit sa pinto, nakakuyom ang mga kamay ko. Iba ang hitsura ni Grayson habang nakasandal sa mga puting unan. Ang athletic kong fiancé noon, mukhang napakahina na ngayon. Pero ang mga mata niya, nakatitig lang kay Chanel. Sobrang lapit ni Chanel sa kanya, halos magdikit na ang mukha nila."Papunta ako kay Kendall noong gabing 'yon," bulong ni Grayson. "Nasa kotse na ako dahil hindi ko na kayang maghintay pa para sabihing hindi kon na itutuloy ang magpakasal sa kanya. Nagmamadali ako para makausap siya at makapunta agad sa'yo, Chanel. Kaso ang lakas ng ulan... hindi ko agad nakita 'yung truck.”Umiyak nang malakas si Chanel at isinubsub ang mukha sa kama."Muntik ka nang mamatay para sa atin," hagulgol niya. "Takot na takot ako, Grayson. Kailangan kong tiisin na panoorin siyang alagaan ka,

  • Accidental Baby For Mr. Salvatore    Chapter 1

    Nakatitig ako sa papel na tuluyan nang sumira sa natitira ko pang katinuan.Paulit-ulit ko nang kinukurot ang sarili ko hanggang sa mamula na nang husto ang balat ko, pero hindi ppa rin ako nagigising mula sa bangungot na ito.Nasa tapat ko si Dr. Tan. Nakapatong ang mga kamay niya sa isang kulay-tsokolate na folder, halatang umiiwas ng tingin."P-Pakiulit nga po?" tanong ko, umaasang nabingi lang ako o mali lang ang rinig ko noong una. Kasi imposible ito. Hindi ito pwedeng mangyari."I'm sorry, Kendall," sabi niya. Mahina at halos pabulong ang boses niya, wala 'yung kumpiyansa at awtoridad na sanay akong marinig sa kaniya. "Nagkaroon ng malaking pagkakamali sa lab. Nagkapalit ang label ng mga sample nung kinuha sa cryopreservation.”"A-Anong… ibig mong sabihin?"Umayos siya ng upo. "Ang embryo na nailagay sa 'yo... hindi nanggaling sa sample ni Grayson Campbell. Ang ginamit na punla ay mula sa ibang donor."Niyakap ko ang sarili kong tiyan. Nararamdaman ko na ang kaunting umbok nito

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status