Share

Chapter 4

Author: SyntaxMaria
last update publish date: 2026-09-21 14:26:15

Halatang malapit nang malunok ni Louisa ang sarili niyang dila sa sobrang gulat at galit—at sa totoo lang, sana tuluyan na niyang malunok iyon.

Ilang minuto lang matapos akong umakyat sa kuwarto ko, sumunod agad siya na nangingitngit at kung ano-ano ang isinisigaw na hindi ko man lang pinag-aksayahang pakinggan.

Ngayon, nakatayo siya sa gitna ng silid ko. Mabilis ang pagtaas-baba ng dibdib niya sa loob ng silk robe na mas mahal pa kaysa sa karaniwang kotse. Kaya naman pala desperado siyang maiahon sa utang ang pamilya, desperadong ibenta ako sa isang demonyo. Namumula ang mukha niyang punong-puno ng makeup dahil sa matinding galit. Hawak niya ang marriage license ko sa dulo ng dalawang daliri, na para bang ginamit na tissue ang tinititigan niya.

"Talaga bang inaasahan mong paniniwalaan ko ito, Kendall?" asik niya. Ang boses niya ay halos makabasag na ng salamin sa vanity table ko. "Akala mo ba kapag may hawak kang na-print na papel, maaari ka nang magbahay-bahayan?! Peke ito! Napakatanga at desperadong paraan para lang takasan ang obligasyon mo!”

Sumulpot din si Papa sa pintuan. Hindi ko man lang napansing umakyat siya. Sa laki niyang tao, napakaliit ng presence niya. Naisip ko tuloy si Desmond, bigla akong napatawa sa utak ko dahil sa layo ng pagkakaiba nilang dalawa.

"Kendall," sabi ni Papa. Kulay ube na ang mukha niya sa galit. Wala na siyang ibang sinabi, pero ang kung paano nakakuyom ang kamay niya sa p***o ay sapat na para maintindihan ko ang lahat.

"Totoo 'yan, Louisa," malamig kong sabi habang nakaupo sa gilid ng kama at nakahawak nang protektado sa tiyan ko. Pakiramdam ko ay nakalutang ako at pinapanood ko lang ang sarili kong buhay sa pelikula. "Kasal na ako. Walang-wala nang bisa 'yung kasunduan niyo kay Julius Larson."

Nalipat ang tingin ko kay Papa nang mabilis siyang lumapit. Bawat apak ng mabibigat niyang paa ay yumayanig sa sahig. Inagaw niya ang papel mula kay Louisa at binasa 'yon nang mabilis bago tuluyang nanlisik ang mga mata niya.

Doon ko narealize kung kanino ko namana ang mabilisang pagbabago ng timpla ng ulo ko.

"Wala akong pakialam kahit ang Santo Papa pa ang nakasulat na pinakasalan mo sa papel na ito!" sigaw ni Papa. "Pupunta ka sa hotel ngayon. Uupo ka sa harap ni Julius at makikipag-usap sa paraan na gusto niya! Kung kailangan kitang kaladkarin sa buhok mo papunta roon, gagawin ko! Naiintindihan mo?!"

Hindi naman sweet na ama si Papa, pero kailanman ay hindi siya naging ganito kabagsik sa akin. Sumikip ang dibdib ko kaya tumayo ako at inilagay ang kama sa pagitan naming dalawa.

Mabilis ang kabog ng dibdib ko pero nanatiling malamig ang boses ko. "Hindi mo yun magagawa. Bawal sa batas ang ipakasal ang babaeng may asawa na. Alam mo yan."

"Peke 'yan!" sigaw ulit ni Louisa habang nakaturo ang nadikitang kuko sa akin. "Gawa-gawa niya lang 'yan! Tawagan mo ang records office, Peter. Patunayan mong sinungaling siya!"

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa. Mabilis kong binuksan ang official state verification portal at tinawagan ang hotline bago ko i-loudspeaker ang tawag. Umalingawngaw ang tunog ng pagtawag sa buong silid, na pumutol sa pagwawala ni Louisa.

"Public Records Verification Office," sagot ng isang bored na boses sa kabilang linya. "State your document ID."

Binasa ko ang numero mula sa kopya ko. Natulala silang dalawa, nakatitig lang sa cellphone.

"Document ID 99-CB verified," sabi ng boses. "Issued this morning at eight zero four. Parties: Desmond Salvatore and Kendall Montenegro. Status: Legally Married."

Pinatay ko ang tawag. Tumahimik ang buong silid, sobrang bigat ng hangin na halos makasakal. Napaatras si Louisa at napahawak sa leeg niya habang namutla naman si Papa. Hindi ang kaligayahan ko ang iniisip nila, ang iniisip nila ay 'yung milyong-milyong piso na nakuha na nila kay Julius Larson. Dahil hindi naman sila magkakaganyan kung hindi pa nagpapadala ng pera ang demonyong 'yon para lang makuha ako.

Biglang tumunog ang cellphone ni Papa kaya pare-pareho kaming nagulat. Inilabas niya 'yon sa bulsa at natulala sa screen na parang nakakita ng multo. Nagkatinginan kaming lahat at iisang tao lang ang pumasok sa isip namin. Ayaw ni Julius ng pinaghihintay siya.

Humarap si Papa para lumabas, mabilis at natataranta ang mga kilos niya. "Gagawa ako ng paraan i-reschedule ang lunch meeting sa susunod na araw.”

Bago pa siya tuluyang makalabas, narinig ko ang utos niya sa mga kasambahay na nasa labas. "Ipasok niyo sa basement si Kendall! I-lock niyo ang p***o! Walang magbibigay sa kaniya ng pagkain o tubig kahit anong mangyari!"

"Ano?! Bitawan niyo ako!" nagpupumaglas kong sigaw nang hawakan agad ako ng dalawang katulong sa magkabilang braso.

"Tumahimik ka!" Isang malakas na sampal ang ibinagsak ni Louisa sa mukha ko dahilan para mag-init ang pisngi ko at malaglas ang bag ko.

Agad na inagaw ni Louisa ang shoulder bag ko sa sahig kung saan naroon ang cellphone ko. "Akin na ito! Siguraduhin niyong hindi makakalabas 'yan!"

Pilit akong kumawala pero mabilis nilang itinulak ang katawan ko pabana sa loob ng basement marahas na isinarado ang p***o. Narinig ko ang lagutok ng susi habang kinakandado nila 'yon mula sa labas.

—

Dalawang araw akong nakakulong sa basement nang walang pagkain o kahit isang patak ng tubig. Nanuyo na ang labi ko, nagdidilim ang paningin ko, at nanlalambot ang buong katawan ko sa sobrang uhaw at panghihina. Nakatutok lang ako sa kisame, halos wala nang lakas para gumalaw.

Hanggang sa biglang niyanig ang buong bahay ng isang dagundong ng boses mula sa itaas.

"Where's my wife?!"

Si Desmond.

Awtomatikong nagpumilit akong bumangon mula sa bakal na kama, pero agad din akong bumagsak sa sahig dahil nanlambot ang mga tuhod ko. Namimilipit sa panghihina, nagsimula akong gumapang patungo sa p***o.

"D-Desmond..." subok kong tawag, pero hanggang mahinang bulong lang ang lumabas sa tuyo kong lalamunan. Walang akong boses. Walang lakas.

Mula sa sahig sa itaas, narinig ko ang palitan ng boses doon.

"Mr. Salvatore, anong ginagawa mo rito?" sigaw ng boses ni Louisa, halatang nanginginig sa gulat. "This is trespassing!"

"Sino ang nagbigay ng permiso sa 'yo na basta-basta na lang manggulo at pumasok dito?!" dagdag ni Papa.

"Narito ako para kay Kendall," malamig at matigas na tugon ni Desmond. "I was expecting her to move to my mansion two days ago. Pero hindi siya dumating. Nasaan siya?"

Natahimik nang ilang segundo bago muling nagsalita si Louisa. "Totoo bang... asawa mo at pinakasalan mo si Kendall?"

"Yes. We got married two days ago," dinig kong sagot ni Desmond. "Dinadala niya rin ang anak ko. Kaya kung hindi niyo sasabihin sa akin kung nasaan ang asawa ko, mapipilitan akong bilhin ang bumabagsak niyong kumpanya at lahat ng natitirang ari-arian na meron kayo ngayon."

Nataranta ang boses ni Louisa. "Hindi namin alam kung nasaan siya—"

"Men, move! Halughugin ang buong mansion!" putol agad ni Desmond sa kaniya, walang aksayang oras. "Hanapin niyo ang asawa ko!"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Accidental Baby For Mr. Salvatore    Chapter 4

    Halatang malapit nang malunok ni Louisa ang sarili niyang dila sa sobrang gulat at galit—at sa totoo lang, sana tuluyan na niyang malunok iyon.Ilang minuto lang matapos akong umakyat sa kuwarto ko, sumunod agad siya na nangingitngit at kung ano-ano ang isinisigaw na hindi ko man lang pinag-aksayahang pakinggan.Ngayon, nakatayo siya sa gitna ng silid ko. Mabilis ang pagtaas-baba ng dibdib niya sa loob ng silk robe na mas mahal pa kaysa sa karaniwang kotse. Kaya naman pala desperado siyang maiahon sa utang ang pamilya, desperadong ibenta ako sa isang demonyo. Namumula ang mukha niyang punong-puno ng makeup dahil sa matinding galit. Hawak niya ang marriage license ko sa dulo ng dalawang daliri, na para bang ginamit na tissue ang tinititigan niya."Talaga bang inaasahan mong paniniwalaan ko ito, Kendall?" asik niya. Ang boses niya ay halos makabasag na ng salamin sa vanity table ko. "Akala mo ba kapag may hawak kang na-print na papel, maaari ka nang magbahay-bahayan?! Peke ito! Napakata

  • Accidental Baby For Mr. Salvatore    Chapter 3

    Inalok ko ng kasal ang pinakamayamang businessman sa bansa para lang makaligtas sa pamilya kong ginawa na akong negosyo, at sa lalaking gustong bumili sa akin.Nakakabaliw ang katahimikan kapag si Desmond Salvatore ang kausap. Ilang minuto na siyang nang walang kaimik-imik. Sa sobrang higpit ng hawak ko, bumaon na ang gilid ng case sa palad ko."Marriage of convenience. Kailangan ko ng proteksyon mo sa kahit anon at sa kahit sino," sabi ko. Sinubukan kong patapangin ang boses ko kahit nanginginig na ako sa kaba. "Hindi ko kailangan ang pera mo. Pagkapanganak ko, mag-divorce na tayo. Ang hinihingi ko lang, visitation rights, ayokong maging multo sa buhay ng sarili kong anak.”Muling tumahimik nang limang segundo. Magpapaliwanag pa lang sana ako, pero inunahan na niya ako."Alas-siyete ng umaga," sabi ni Desmond. "Sa City of Mayor's Office. Dalhin mo ang birth certificate mo, passport, at lahat ng ID na mayroon ka. Papapuntahin ko ang abogado ko roon nang six forty-five para sa mga pape

  • Accidental Baby For Mr. Salvatore    Chapter 2

    Ang lalaking pinlano kong makasama habangbuhay, hinahaplos ngayon ang buhok ng kapatid ko, parang si Chanel pa ang nagpupuyat at natutulog sa upuan ng ospital nang isang buwan.Nakatayo ako sa dilim malapit sa pinto, nakakuyom ang mga kamay ko. Iba ang hitsura ni Grayson habang nakasandal sa mga puting unan. Ang athletic kong fiancé noon, mukhang napakahina na ngayon. Pero ang mga mata niya, nakatitig lang kay Chanel. Sobrang lapit ni Chanel sa kanya, halos magdikit na ang mukha nila."Papunta ako kay Kendall noong gabing 'yon," bulong ni Grayson. "Nasa kotse na ako dahil hindi ko na kayang maghintay pa para sabihing hindi kon na itutuloy ang magpakasal sa kanya. Nagmamadali ako para makausap siya at makapunta agad sa'yo, Chanel. Kaso ang lakas ng ulan... hindi ko agad nakita 'yung truck.”Umiyak nang malakas si Chanel at isinubsub ang mukha sa kama."Muntik ka nang mamatay para sa atin," hagulgol niya. "Takot na takot ako, Grayson. Kailangan kong tiisin na panoorin siyang alagaan ka,

  • Accidental Baby For Mr. Salvatore    Chapter 1

    Nakatitig ako sa papel na tuluyan nang sumira sa natitira ko pang katinuan.Paulit-ulit ko nang kinukurot ang sarili ko hanggang sa mamula na nang husto ang balat ko, pero hindi ppa rin ako nagigising mula sa bangungot na ito.Nasa tapat ko si Dr. Tan. Nakapatong ang mga kamay niya sa isang kulay-tsokolate na folder, halatang umiiwas ng tingin."P-Pakiulit nga po?" tanong ko, umaasang nabingi lang ako o mali lang ang rinig ko noong una. Kasi imposible ito. Hindi ito pwedeng mangyari."I'm sorry, Kendall," sabi niya. Mahina at halos pabulong ang boses niya, wala 'yung kumpiyansa at awtoridad na sanay akong marinig sa kaniya. "Nagkaroon ng malaking pagkakamali sa lab. Nagkapalit ang label ng mga sample nung kinuha sa cryopreservation.”"A-Anong… ibig mong sabihin?"Umayos siya ng upo. "Ang embryo na nailagay sa 'yo... hindi nanggaling sa sample ni Grayson Campbell. Ang ginamit na punla ay mula sa ibang donor."Niyakap ko ang sarili kong tiyan. Nararamdaman ko na ang kaunting umbok nito

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status