Samantala habang nasa loob ng aparador si Adamantine. Patuloy kong prinoprotektahan sina Calix. Patuloy na nagpupumiglas si Calix upang iligtas si Ada. Naiinis ako dahil kailangan kong mamili sa dalawang sitwasyon na hindi ko naman inaasahan.
"Pakawalan mo ako dito, Arius! Kailangan kong tulungan si Ada!" ang sigaw ni Calix.
"Look! Mapapahamak tayo kung tutulungan natin si Ada! Priority muna natin ang iligtas ang ating mga sarili sa mga oras na ito! Dahil sa oras na mamatay tayo at nagkaroon ng pagkakataong matulungan si Ada, walang ibang tutulong sa kanya! Kaya manatili kayong buhay! Naiintindihan niyo ba?" ang sigaw ko kay Calix.
Nakita kong yakap ni Mr. Eli si Miss Gneiss. I wish nagawa ko iyon sa batang iyon bago niya ako nalimutan. Sana nasa mabuting kalagayan ang batang iyon ngayon. Binura ko ang alaala niya pagkatapos ko siyang iligtas noon. Ano bang iniisip mo, Arius? Bakit ngayon mo pa naisip ang mga bagay na iyon? Kailangan kong makaisip ng paraan upan
Nakailang baling na ako sa aking kama. Ngunit hirap akong dalawain ng antok. Nanatili kasi silang tahimik pagkatapos naming umalis kanina sa villa. Siguro naman wala akong ginawang kabalbalan. Pero bakit nga ba anapagkamalan akong diwata nina Señorita Veronica? Sinearch ko sa internet kung anong ibig sabihin ng pangalang Ada at laking gulat ko nang malaman kong diwata ang ibig sabihin nito. Napangiti naman ako nang bigla kong maalala na binuhat ako ni Arius pabalik ng villa. Napansin ko naman na tahimik si Calix sa isang sulok. "Calix? May problema ka ba?" ang tanong ko sa kanya. Hindi naman nagsasalita si Calix at walang anu-ano'y tumagos ito palabas ng kwarto ko. Ano bang problema ni Calix? May buwanang dalaw ba yun? Naisip kong magdasal muna bago matulog. Ipinagdasal ko na nawa ay maging ligtas ang mahal ko sa buhay lalo na ang mga kaibigan ko na si Calix. Sana palagi siyang ligtas. Ganun na rin sina Arius at Gray pati na rin si Tita Portia at ang
Natulala ako pansamantala. Kapag naalala kong gaganap ako bilang si Juliet sa isang play ng Theater Club. Nag-iisip ba sila? Mukha nga akong maton kapag naglalakad tapos gusto nila ako ang gaganap na Juliet? Ang malala kay Arius pa ako pinartner dahil sa ako ang nakakuha ng matamis na first kiss ni Arius. Sinamaan ko ng tingin si Gray. Dahil sa totoo lang ay kasalanan niya ang lahat kaya napunta ako sa ganitong sitwasyon. Kasalukuyan akong nagluluto at tinutulungan naman ako ni Serendipity na maghiwa ng mga gulay. May refrigerator rin dito kaya naman nakapag-imbak rin sila ng karneng baboy at karneng manok. Naisip ko magluto ng pancit, adobong manok at minarinate ko ang baboy para gawing samgyupsal lalo na't may curly lettuce na naka-imbak sa ref."Seren, pwede mo na baliktarin ang karne. Binuksan ko naman ang exhaust fan upang hindi kumalat ang usok dito,"ang sabi ko kay Serendipity.Binaliktad naman agad ni Serendipity ang karne at akmang lalapit si Gray ngunit hinam
Natulala naman ako sa sinambit ni Magwayen. Nagbibiro lang naman siya hindi ba? Katatapos lang ng problema at heto isang panibagong problema na naman ang ibinigay sa akin. Pambihira, pwede bang magsubscribe ng lifetime absences? "Nagbibiro ka lang , hindi ba?" ang tanong ko. Napabuntung-hininga naman siya at tiningnan niya na naman ako nag malamig. Ayan na naman ang kanyang tingin na halos nanakot sa akin sa nakaraan. "Kung nagbibiro ako, sana ay nagpadala ako ng kaluluwa para takutin ka?" ang walang buhay na sambit ni Magwayen. Napatampal naman ako sa kanyang sinabi. Nasa seryoso kaming sitwasyon at heto naiisip niyang padalhan ako ng kaluluwa upang takutin ako? "Eh kung ipadala mo na lang kaya ang mga kaluluwa mo para hagilapin ang kaluluwang nakatakas sa sisidlan mo? Hindi yung bibigyan mo ako ng problema!" ang reklamo ko kay Magwayen. Tiningnan naman ako ni Magwayen na tila nang-iinis. Tutal mahilig naman talaga siyang mang-inis.
Natulala ako sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Hindi ko alam kung isang ilusyon lang ang lahat ng ito. Nangangatal pa ako dahil sa ginawa ko kay Arius. Hinawakan naman ng lalaking nagngangalang Lucas. Naluluha ako dahil sa pag-aalala kay Arius. Hindi ko alam ang nangyari noong nawalan ako ng malay. Kahit ako ay hindi makapaniwala na magagawa ko iyon kay Arius. Kaya pala sinasabi ng mga taong nasa panaginip ko na gumising ako. Sana nakinig na lang ako. Sana ginawa ko kaagad ang sinasabi nila. Hindi sana aabot sa puntong ito ang lahat. “Huli na para magsisi, iha. Ang kailangan mo na lang gawin ngayon ay solusyunan ito,”ang sambit ni Lucas. Napatingin naman ako kay Calix na tila namumutla. Ano naman ba ang problema niya sa pagkakataong ito? Ako nga itong dapat mag-aalala sa aming dalawa. Kaso hindi ko na alam kung may mukha pa ba akong ihaharap kay Arius pagkatapos ng lahat ng nangyari. “Paano ko po bibigyan ng solusyon kung wala akong ibang lulusutan? M
Nakatulog na sa aking balikat si Ada. Hindi ko akalaing pagdidiskitahan siya ng isang kaluluwa. Naawa rin ako sa kanya kanina lalo na at nauuhaw na talaga siya ngunit hindi ko naman siya mapagbigyan ng tubig lalo na't bilin iyon ni Arius. Perong ngayong gabi lang iyon. Hindi ko maisip na malaki ang epekto ng tubig sa sitwasyon ni Ada. Kung sabagay, mukhang tama ang sabi ng mga matatanda ang tubig ay buhay pero sa sitwasyon ni Ada ay unti-unti siyang pinapatay nito. Kasalukuyan kaming nasa silid na para sa mga relatives ng pasyente. Nasa intensive care unit pa si Arius dahil under monitoring siya lalo na't nagkaroon ng internal bleeding si Arius. Halos parehas sila ng sitwasyon ni Ada. Si Arius ay nag-aagaw buhay samantalang si Ada ay nakikipagsapalaran at patuloy na nanghihina dahil sa nangyari kanina. Kasama ko si Mommy ngayon at iniabot niya sa akin ang isang plato ng mansanas na kanyang hiniwa. Pasado alas dose kwarenta na ng hatinggabi at hindi pa rin ako dinadalaw ng an
Natagpuan ko ang sarili ko sa isang madilim na pasilyo. Tanging mga sulo lamang ang nagbibigay ng liwanag sa lugar na iyon ngunit hindi iyon sapat upang makita ang lahat. Nakita ko ang isang batang babae na tumatakbo patungo sa dulo ng pasilyo. Natutulala ako habang pinagmamasdan ang batang iyon. Napaluha ako nang makita ko kung sino ang batang iyon. Siya ang batang babaeng nagligtas sa buhay ko. “Sandali lang!” ang sigaw ko. Hindi ito huminto sa pagtakbo kaya naman hindi ko sinayang ang pagkakataon. Hinabol ko ang bata dahil gusto kong humingi ng tawad dahil sa hinayaan ko siyang masaktan sa kamay ng mga kalaban ng pamilya namin. Hindi ko na nagawang alamin ang pangalan niya dahil nang rumesponde ang mga awtoridad na sakop ng lihim na samahan ng mga exorcist, ay hindi na muling nagkrus ang landas namin. Huminto ang bata sa tapat ng isang pinto. Selyado iyon ng mga papel na may sulat ng ancient runes. Tiningnan niya ako at kinuha niya ang ak
Halos mag-aalas onse na ng gabi nang matapos sa pangngungulit ang multo. Mabuti na lamang at hindi sila nakikita ng mga bumibisitang nurse. I can't imagine na nakatagal ako ng isang linggo sa isang ospital. Napabuntung-hininga na lang ako dahil hindi ako nagawang bisitahin ng magulang ko. Siguro busy pa rin sila sa organisasyon. As if na dadalawin nila ako dito samantalang lagi nga nila ako pinababantayan sa kanilang mga spirits noong bata pa ako. I wonder if they safely return from their mission? The last time I heard abut them ay nasa America sila upang lutasin ang isang kaso ng Poltergeist and after that wala pa akong naririnig na balita sa kanila. “Gusto ko na lang maging ordinaryong nilalang. I hate these abilities,” ang sambit ko. Paglingon ko naman sa kabilang direksyon ng aking kama ay nakita ko ang makulit na multo kaya naman napabusangot ako. Hindi ba natutulog ang mga multo? Bakit ba ayaw pumirmi nang isang ito sa isang lugar kung saan hindi ko siya nakiki
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ng baliw kong kapatid. Ipapartner niya na nga lang ako sa isang kaso, sa babaeng ito pa niya naisip? Noong una kong makita ang babaeng ito ay tila isang bangungot ang naramdaman ko. Sagana sa mana ang babaeng ito at wala siyang kamalay-malay na pwede siyang medium ng mga masasamang nilalang. Kasalukuyan kaming nasa isang coffee shop malapit sa ospital kung saan nakaadmit si Arius.“Isa lang lang ang sasabihin ko sa’yo. Huwag kang haharang sa dadaanan ko,”ang sambit ko sa babaeng kaharap ko.Napataas naman ang kilay ng babaeng ito at patuloy niyang tinipa ang kanyang laptop. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya pero duda ako sa babaeng ito. Mukhang maduming lumutas ng kaso.“Hindi mo ako kailangang sabihan. Dahil one step ahead na ako sa kasong ito,” ang sambit niya.Napataas naman ang kilay ko sa kanyang sinabi. At anong ibig niyang sabihin d’on?