LOGIN30 minutes earlier.Honey felt a little bit hysterical at that moment.Palpak na nga ang plano niya, naisahan pa siya ng magaling na kapatid ni Yugi na si Lester. Kaya naman sa mga sandaling iyon ay umaapaw ang inis niya sa binata.Ang lalo pa niyang ikinabubwisit ay tila ba nananadyang mag-asar ang loko. Pangisi-ngisi, pakindat-kindat at pinatataas-baba nito ang kilay nito habang nakikipagtitigan sa kanya.Kulang na lang ay masugat na ang kanyang mga daliri dahil sa talas ng kanyang mga kuko. Kanina pa nagtatangis ang kanyang mga bagang at kanina pa niya gustong buhusan ng hawak niyang wine si Lester."Good thing, Tita Bella wasn't around yet," anas niya sa kanyang sarili habang patingin-tingin sa kanyang paligid. "Mabuti na lang at busy pa siya dahil sa event ngayong gabi. Kung hindi, lagot ako sa kanya. She's right! She's fucking right! Palpak na naman ako!"Isang malalim na buntong-hininga ang pinawalan niya at bahagyang pumikit. Sa pagmulat niya ng kanyang mga mata ay saktong nap
"Parang pamilyar ako sa pangalan na 'yon?" anas ni Lorea. "Miranda Tomas. It seems like I already heard that name from somewhere before. Hindi ko lang alam kung saan. Kayo ba?"Tinapunan nito ng tingin sina Elyan, Malea at Diego na sa mga sandaling iyon ay nananahimik lamang sa kanilang kinauupuan.Sa katunayan, simula nang marinig nila ang pangalang iyon mula sa isang staff ng catering service, hindi na sila natigilan sa pag-iisip.Lorea was right. They heard that name somewhere before.Ngunit hindi rin naman nagtagal ay agad ding naudlot ang mga sandaling iyon nang marinig nila ang hagalpak nina Yugi at Aki mula sa hindi kalayuan. Pare-pareho silang nagbaling ng tingin sa kinalulugaran ng dalawang binata. Kausap nila ang ama ni Yugi kung saan ay hindi rin mabali ang ngiti sa puntong iyon.Ilang saglit pa ay nagpaalam na ang tatlo sa isa't isa at kalaunan ay nagsimulang maglakad si Yugi patungo sa kanilang table.Nang makarating ay binata sa kinaroroonan ng mga magkakaibigan ay agad
Saktong alas-sais kuwatro ng hapon nang matapos ang lahat sa kanilang paghahanda para sa 50th birthday ni Miranda. Kumpleto na ang lahat—hindi lamang ang buong venue ang nakaayos kundi pati na rin ang mga pagkain.The venue was supposed to be simple. Pero hindi nagtagal ay napagdesisyunan ng magkakapatid na gawing engrande iyon. Kung tutuusin kasi, noon pa man, hindi nila magawang bigyan ng matinong birthday party si Miranda sa kadahilanang lagi na lang itong tumututol sa ideyang iyon.Ngayon na wala itong kaalam-alam, lulubusin na nila ang pagkakataon.Minabuti rin nilang huwag sabihin sa asawa nito dahil hindi siya marunong magtago ng sekreto. Other than that, kayang-kaya siyang paaminin ni Miranda sa kahit na anong klaseng sekreto.Bago pa man tuluyang simulan ang okasyon ay nagkanya-kanya ang lahat upang ihanda ang kani-kanilang mga sarili. Sina Aki, Jessica at Saraya ay umuwi muna sa kanilang manor. Si Ara at ang mga kaibigan ni Elyan ay bumalik sa guest house upang maghanda na r
Matapos ang halos dalawang oras ay tuluyan na ring natapos ang lahat sa kanilang pagluluto. Ngunit bago pa man nila ilabas ang mga putaheng kanilang inihanda, inayos muna nila ang magiging venue kung saan gaganapin ang okasyon.Even though the family hired a catering service, tumulong pa rin ang mga trabahador sa pag-aayos ng venue. They insisted not because of Don Arnulfo or the whole family, but because of Yugi.Sa paglabas nila sa ranch house ay agad silang nagtungo sa truck ng catering service at binuhat nila ang ilang mga upuan at lamesa. Ayaw sana nilang tumulong sina Yugi at Aki ngunit sa kasamaang palad, hindi rin naman nila mapilit ang dalawang binata.Sa kalagitnaan ng mga sandaling iyon ay natigilan si Yugi sa kanyang ginagawa nang mabaling ang tingin niya kay Elyan. Nakaupo lamang ito sa terrace ng guest house habang mataman siya nitong pinagmamasdan.Hindi kalaunan ay nagtama ang kanilang mga tingin na naging dahilan ng pagguhit ng matamis na ngiti sa kanyang mga labi."K
"You're pregnant?" gulat na tanong ni Lorea. "Paanong nangyari…I mean, alam naman natin kung paano, pero bakit humantong sa ganyan?""Didn't you know ways to prevent that?" pagpapatuloy ni Malea. "Wag mong sabihing nadala ka sa kagwapuhan ni Prof. Aki at ganyan ang nangyari?"Hindi lamang si Malea ang natawa sa mga sandaling iyon kundi pati na rin ang kapatid nito. It is indeed a question, but they all know, including Elyan, that Aki charmed Jessica.Bagama't sinasabi ng dalaga na may gusto ito kay Professor Yugi, hindi maitatanggi na gwapong-gwapo ito sa nobyo nitong si Aki. Nang minsan ay naabutan nila itong titig na titig sa binata habang namumula ang magkabilang pisngi nito.Bukod pa roon, wala itong bukambibig kundi ang professor. She keeps talking and talking about him—not negatively, but overtly positive things about him.Kaya naman doon pa lang ay halata na nila na natamaan na nga ito."I know some ways to prevent it, but I am not an expert," tugon nito kasabay niyon ay hinawa
Pagpasok pa lamang sa ranch house ay agad nang bumungad kina Yugi at Aki ang mga trabahador ng hacienda. Abala sila sa kanya-kanya nilang trabaho at halos lahat sila ay hindi magkanda-ugaga.Kung tutuusin, sa labas sana nila tatrabahuin ang pagluluto. Ang masaklap ayaw naman nilang makita sila ng birthday celebrant.Mahigpit na ipinag-utos sa kanila ni Bella na maging maingat sila. Kapag nahalata ni Miranda na hinahandaan siya ay tiyak na patitigilin niya rin sila nang wala sa oras."Señorito Yugi, nandito na pala kayo," nakangiting bati ni Marcelo at kinuha ang iba pang mga bitbit ng binata. "Pumunta ho pala kayo sa butcher house, dapat kami na lang ang inutusan ninyo."Si Aki ang sumagot. "Bakit kailangang utusan pa namin kayo? Kaya naman namin. Isa pa, baka mamaya makahalata si Ms. Minchin na kulang kayo rito.""Ms. Minchin," ulit ni Yong, ang kasama ni Marcelo.Tumikhim si Yugi. "That's Tita Bella."Matapos ang pahayag na iyon ay natigilan sina Marcelo at Yong. Nagkatinginan sila
Hindi maipinta ang mukha ni Yugi habang naghuhugas siya ng pinggan. Kung tutuusin ay noong nakaraang araw pa nga siya hindi mapakali dahil sa pinag-usapan nila ni Mr. Yal Marquez.Gusto niyang magwala.Magreklamo.Tumanggi.Ngunit imbes na gawin ang mga bagay na iyon ay nabigo siya. Hindi niya magaw
Saktong alas-kuatro trenta nang magising si Elyan. Today is Saturday. Kadalasan kapag ganitong mga araw ay late na siyang gumigising dahil wala siyang pasok. Kung tutuusin nga ay pinagsabihan siya ng kanyang ama na kailangan niyang kumuha ng saturday class para advanced na siya at para mabilis siya
Matapos ang naganap na meeting sa conference room ay agad na ring nagsialisan ang mga professor. Nagpunta na sila sa kanya-kanya nilang mga klase ganoon din ang Dean na agad na ring bumalik sa opisina nito.Ngunit nanatiling tahimik at tulala si Yugi sa loob ng silid na iyon.Napahilamos siya sa kan
Papunta na sana si Yugi sa library nang isang masigabong palakpakan ang narinig niya mula sa gym. Natigil siya sa paglalakad at mula sa loob ay nakita niya ang ilang mga cheerleaders na nagpa-practice. Akmang lalakad na sana siya upang magpatuloy papuntang second floor ay natigil siya nang marinig n







