Share

Chapter 2.1

last update Last Updated: 2024-08-20 15:16:53

MAHILIG MAGLARO SA iba’t-ibang larangan si Warren noong ito ay bata pa. Hilig nitong mag-rides ng bike na kung saan-saan nakakarating at kabisadong mabuti na iyon ni Daviana. Mahilig din ito sa musika. Pang-atleta rin ang katawan nito kung kaya naman hindi ito basta na lang masasaktan sa mga natamo. Inaasahan ng kanyang ama na mag-aaral siya ng masteral sa ibang bansa at pagbalik ay mamanahin na niya ang kanilang family business. Subalit, matapos na maka-graduate ng college ay hindi nito sinunod ang gusto ng ama. Nanatili ito sa bansa at nagsimulang sumali sa mga racing, mapa-kabayo man iyon o sasakyan. Minsan nga sumasali pa ito sa mga endurance na para kay Daviana ay sobrang napakadelikado.

“Hindi iyan, huwag kang kabahan.” palaging sagot nito kapag pinapaalalahanan ni Daviana, wala namang magawa doon ang dalaga kung hindi ang ibigay na lang ang kanyang hilig. “Magtiwala ka lang sa akin.”

Lahat ay kinabaliwan ni Warren laruin, maliban na lang sa babae kung kaya naman nagtataka pa rin si Daviana kung paano ito biglang nagkaroon na lang ng girlfriend. Iyon ang pagkakakilala niya kay Warren, kailanaman ay hindi naging mahilig sa babae. Kaya naman umasa din siya na magiging sila tutal iyon din naman ang itinakdang mangyari ng mga Lolo nila. Bukod doon siya lang ang babaeng nilalapitan nito. Ang buong akala niya talaga ay walang girlfriend si Warren, bagay na kailangan sigurong ipaliwanag niya sa mga magulang oras na magkaroon ulit siya ng pagkakataong makausap ang mga itong muli para malinaw.

“Whoo ang lamig!” bulong niyang pinagkiskis ang dalawang palad kahit na wala naman iyong maitutulong sa kanya, “Sana may hotel room na akong makuha, kapag wala pa baka manigas na ako at magkasakit.” bulong niya na pilit ng winawaglit ang sekretong nalaman niya sa kanyang isip. 

Mabibilang lang sa daliri ang mga hotel sa malapit. Magkakalayo rin ang agwat noon kaya kailangan niya pang maglakad ng malayo upang marating lang ang mga hotels na ilang beses niyang ipinagdasal na sana naman ay mayroong available na room para sa kanya. Ngunit nakadalawa na siya, palaging punuan iyon at wala ng available. Hindi niya alintana ang papalakas na ambon dahil ang tanging goal ay ang makahanap.

“Kapag itong hotel na ‘to wala pa rin, hindi ko na alam kung saan pa ako maghahanap.” may himig nagtatampo na sa kanyang boses, kung alam niya lang na may girlfriend ito hindi na niya pinuntahan.

Nang makapasok na siya sa loob ng pangatlong hotel ay nanginginig na ang katawan niyang nakipag-usap sa front desk, kulang na lang ay magngalit ang mga ngipin niya dahil ‘di niya na kinakaya ang lamig. 

“Pasensya na po Miss, okupado na po ang lahat ng silid. Nahuli po kayo ng ilang minutong dating. Kakakuha lang ng last room ngayon-ngayon lang.” magalang na tugon ng front desk, puno ng pakikisimpatya ang mga mata sa kalagayan niya. 

Pakiramdam ni Daviana ay hindi umaayon sa kanya ang lahat at hindi niya maintindihan kung bakit. Malakas na bumuhos na ang ulan sa labas na natanaw niya sa salaming pintuan ng hotel. Nagpabagsak pa iyon ng kanyang balikat dahil paniguradong lalamig ang hangin paglabas niya. Nanatili siya sa may front desk, pinag-iisipang mabuti kung mauupo na lang ba siya sa sofa sa lobby at hihintayin na doon na lang dumating ang umaga keysa naman lumabas siya at maghanap pa ng ibang mga hotels. Kung naka-tatlo na siya at wala pa, baka mapagod na lang siya ay wala pa rin. Nang makapagpasya na ang dalaga na doon na lang siya, may narinig siyang pamilyar na boses na tumawag sa pangalan niya mula sa likod.

“Daviana Policarpio?” 

Mabilis ang ginawang pag-ikot ng katawan ng dalaga upang tingnan kung sino ang tumawag. Matangkad ang lalaki na nakasuot ng kulay itim na jacket. Kakagaling lang nito sa labas ng hotel dahil may dala itong payong na basa pa ng malakas na buhos ng ulan. Mahaba ang kanyang mga binti, ngunit hindi niya maaninag ang mukha nito nang dahil sa suot niyang sumbrero sa ulo. Ilang segundong tinitigan siya ni Daviana upang alalahanin kung saan niya nakita ang nag-angat na pamilyar nitong mukha. 

“R-Rohi Gonzales?” 

Umangat ang gilid ng labi ng binata nang banggitin nito ang kanyang pangalan. Kung ganun pala ay hindi pa siya nagagawang kalimutan ng dalaga kahit matagal na silang hindi nagkikita. Half-brother siya ni Warren. Anak sa labas ng kanyang ama, pero siya naman ang panganay sa kanilang dalawa.

“Ikaw nga, R-Rohi!”

Matanda kay Daviana ng ilang taon ang binata kung kaya naman dapat ay kumu-kuya siya dito bilang paggalang. Hindi na iyon naisip pa ng dalaga sanhi ng pagkagulat niya sa biglang pagpapakita niya sa hotel na ‘yun. Sa lawak ng lugar, dito pa talaga? Sinong hindi magugulat? May espesyal na identity ang binata at hinding-hindi niya iyon makakalimutan. Anak siya sa labas ng ama ni Warren dahilan upang huwag siyang galangin at kilalanin na kapatid ni Warren kahit na noon pang bata sila. Hindi rin naman sila magkaibigan kaya itinapon ni Daviana ang guilt niya sa pagtawag lang dito sa kanyang pangalan. 

“Anong ginagawa mo dito ng ganitong oras? Sobrang late na ah? Bakit wala ka sa dorm?” sunod-sunod na tanong ni Rohi, hindi na rin inintindi ng binata kung ano ang gustong itawag nito sa kanya. Sanay naman siya sa pangalan lang. At isa pa hindi rin naman sila close para pansinin niya pa iyon at gawing big deal.

“Hmm…” saglit nag-isip si Daviana, hindi alam kung sasabihin dito ang totoong nangyari. 

Ngumiti siya ng bukal sa puso. Matagal na noong huling nagkaroon siya ng balita tungkol sa binatang ito. Pakiramdam niya ay nabunutan siya ng tinik sa dibdib ng may nakitang kakilala kahit na hindi niya close. Hinawakan niya ang ilong nang maramdaman niyang malapit na siyang mabahing. Feeling niya ay bigla siyang sisipunin nang dahil sa masamang klima at nagpaambon pa siya kanina habang naghahanap ng hotel room. Nag-iwan pa ng maraming katanungan kay Rogi ang gawing iyon ni Daviana. Ilang saglit pa ay naisip ng dalaga na hindi niya kailangang magsinungaling sa binata, mahuhuli siya nito kahit gawin iyon. At saka hindi naman siguro masama kung magsasabi siya dito ng totoong dahilan kung bakit siya naroon.

“Nasangkot sa gulo si Warren, galing ako sa police station para tulungan siyang lumabas.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 113.2

    MALAMBING NA DINALA si Rohi ni Welvin sa loob ng kanyang opisina. Hindi alintana ang presensya ng bunso niyang anak na suko hanggang langit ang galit. Si Warren na animo ay papatay habang nakatingin sa kanila ng napakatalim. Everything went wrong today para sa lalaki. Tumalikod si Warren at nagmamadaling lumabas, sinara ang pinto ng opisina ng ama sa padabog na paraan. Welvin is now closer to Rohi than to him. He waited for a long time to arrange a position, and Welvin let Rohi in first without saying a word. Sa sobrang galit niya ay hindi na siya makapaghintay pa sa ama. Naglakad siya papunta sa elevator dala pa rin ang galit sa loob ng dibdib, bumaba at umalis na ng kumpanya. Sinulyapan lang naman siya ni Welvin, halatang walang pakialam kung magwala man siya. Ang tanging nasa isip ng matandang lalaki ay ang goal niya at pakay kay Rohi na ang sariling kumpanya niya ang labis na makikinabang kalaunan.“Huwag mo na lang pansinin si Warren.” tapik pa ng matanda isang balikat ni Rohi, i

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 113.1

    NANG MAKITANG TAHIMIK lang ang reaction ni Rohi sa kanyang sinabi, tila nakahanap ng pagkakataon si Warren na mas galitin ang half-brother niya. Iyong tipong magwawala ng sobra.“Oh, and speaking of the past, parang naawa lang siya sa’yo at sinabing hindi ako naging mabuti sa’yo. Masyado lang siyang mabait at laging nagpapakain ng mga ligaw na pusa kapag nakita niya itong gutom kahit nadaanan lang. If she was nice to you occasionally, it was because of sympathy and pity. Don't get her wrong. Huwag mong bigyan ng kulay.”Rohi looked very cold, staring at Warren quietly. Sa katunayan ay gusto na niyang undayan ng suntok ang lalaki, na kahit hindi siya basagulero ay napupundi.“Pumunta ka dito para lang sabihin ito?”Warren was not in a much better condition at the moment. What he was doing now was something he had despised doing in the past, sowing discord. Malinaw na sinabi ni Viana noong araw na iyon na gusto niya si Rohi, ngunit hindi na niya ito binanggit muli sa kapatid. Nakikita n

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 112.3

    DAVIANA PASSED THE first test two days ago. Iyon ang nakarating kay Rohi buhat sa babae. Sa araw na iyon ang second test, at hindi alam ni Rohi kung ano na ang nangyari. Ni hindi pa siya nito bina-balitaan. But before Rohi even entered the door, the assistant outside the door of his office winked at him. Tipong may pinaparating sa kanya na masamang balita noon.“Nasa loob po ang kapatid niyo, Sir.” Kumunot na ang noo ni Rohi kahit alam niya na kung sino ang pinapahiwatig ng assistant niya. Opisina niya rin iyon kaya hindi ito pwedeng magkamali. Malinaw na sinadyang puntahan siya ni Warren doon. Rohi pushed the door open and walked in. Tama ang assistant, nasa loob nga si Warren, nakatayo sa tabi ng desk, inilibot ang tingin sa buong opisina. Meeting Rohi’s gaze, his expression was calm and composed. “Mag-usap nga tayo.” bossy nitong turan na akala mo ay mas nakakatanda sa bagong dating na kapatid.Warren actually wanted to fight more, but this was a company after all. Welvin, their

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 112.2

    KALMADONG INAKAY NA ni Carol ang anak pababa ng unang palapag upang kumain, doon naisip ng Ginang na bakit hindi niya noon pa ito prinovoke gamit ang mamanahin at si Rohi e ‘di sana matagal ng natapos ang kanyang alalahanin at problema nila ni Welvin. Mabuti na lang at naisip na gawin iyon ng kanyang asawa. Bigla tuloy nakaisip ang kanyang anak na magtrabaho.“Kailangan mong magpalakas, Warren. Huwag kang papayag na pati ang kumpanya ay kunin sa’yo ng anak sa labas ng Daddy mo. Kapag nasa iyo na ang kumpanya, malay mo may pag-asa ka pa na muling makuha si Daviana?” sambit ni Carol upang lalong i-motivate ang anak, “Iyon muna ang unahin mo at baka hindi mo mamalayan, maangkin na rin ni Rohi ito.” Sa sumunod na araw, tinotoo ni Warren ang kanyang sinabi sa ama na papasok siyang trabaho simula kinabukasan. Pumunta siya ng Gonzales Group. Hindi na niya nagawa pang balikan ang kanyang ama matapos na kumain dahil nakatulog na siya. Sinabi rin ng kanyang ina na kailangan niyang maagang magp

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 112.1

    AYAW PA RIN ni Warren na makipag-usap sa ina kahit nakalabas na siya. He planned to go to the medicine box to get stomach medicine and went straight to the living room on the second floor. Carol followed carefully all the way, constantly persuading him. Kailangan niyang kumbinsihin ang anak na makinig sa kanyang mga hinaing. Sobrang payat na nito eh.“Dapat kumain ka ng kahit ano. Wala ka man lang kinakain buong araw tapos bigla kang iinom ng—”Tumigil si Carol sa kanyang pagsasalita. Ang dahilan noon ay nasa sofa nakaupo si Welvin ng ikalawang palapag. Nakapako man ang kanyang mga mata sa tablet na hawak, batid ni Carol na dinig ng asawa ang mga sinabi niya. Napatunayan niya iyon nang lumingon ang matandang lalaki sa kanila gamit ang mga mata nitong seryoso at matalim na.“Hayaan mo siya kung gusto niyang gutumin ang sarili niya. Gusto na yata niyang mamatay eh. Don't bother the maid. Throw the food away. Lalo mong pinipilit, lalo lang iyang mag-iinarte. Huwag mo siyang e-baby, Carol

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 111.3

    MAKAHULUGAN NA SINULYAPAN ng kaibigan ang cellphone na kanyang hawak. Doon pa lang ay nahulaan na niya kung ano ang ginawa ni Rohi sa balcony kaya hindi nakasigarilyo.“Ah, kaya naman pala. Tinawagan mo si Viana? I'm telling you, you smell. It's killing me.” Humagalpak ng tawa si Rohi sa ginawang pangngiwi ng kanyang kaibigan.“Anong amoy ang pinagsasabi mo?” “The sour smell of love.” Nagpanggap pang pinaypayan ni Rohi ang kanyang ilong. “You're almost 26, and you're doing the same thing as your first love now—” “May girlfriend ka na, Sir?” biglang sulpot ng isa nilang ka-team. Kakabalik lang nito galing abroad ng bansa kung kaya naman hindi ito updated tungkol sa messed up ng engagement. “Kaya naman pala panay ang ngiti niya habang nakatingin sa screen ng cellphone, in love.” Pinanliitan na siya ni Rohi ng mga mata na may pagbabanta ng kakaiba.“Late ka na sa balita, Dude…” tapik ni Keefer sa kanilang kasamahan na humagalpak pa, “Matagal na siyang in love, at ngayon ay fiance

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status