Share

Chapter 1.3

last update Last Updated: 2024-08-20 15:01:21

SUMIKLAB PA LALO ang naramdamang tampo ni Daviana kay Warren dahil sa tono at meaning ng sinabi nito. Nais na nga niya itong palakpakan sa pagiging mabait nito, sa ibang tao nga lang iyon. Nakahanda siyang isakripisyo nito para lang sa pansariling kapakanan. Ano pa nga bang magagawa niya? Tapos  na rin naman at kung mag-aalboroto siya, wala na rin namang silbi iyon. Nagawa na niyang magpauto sa kanya.

“Maraming salamat nga pala sa pagpunta. Sabi ko na eh, hindi mo ako matitiis. Huwag kang mag-alala, babawi ako sa'yo kapag naging maayos na ang lahat. Salamat sa palaging pagtulong mo sa akin, ha?” 

Kagaya ng malamig na klima sa labas, parang ganun ang naramdaman ni Daviana sa puso niyang yumakap. Malinaw na walang pakialam sa kanya si Warren, kahit pa siya ay magkasakit ‘wag lang ang kanyang girlfriend. At bulag siya sa katotohanang iyon.

“Sige. Ayos lang.” 

Kumatok sa pintuan ng silid na tinigilan nila si Warren. Ilang sandali pa ay bumukas iyon at isang bulto ng babae ang lumabas. Walang hiyang itinapon ang sarili kay Warren habang umiiyak upang yumakap pa nang mahigpit. Para itong alagang asong inuwian ng amo at nanghihingi ng atensyon dito.

“Beyb, alam mo ba kung gaano ako natakot kanina? Bakit mo pinairal ang init ng ulo mo? Nasaktan ka ba? Pinag-alala mo ako ng sobra. Huwag mo ng uulitin iyon ha? Paano kung may masamang nangyari sa'yo?” 

“Ayos lang ako, Melissa. Wala kang dapat na ipag-alala.” pilit na kalas nito sa yakap ng babae sa kanya na parang galamay ng mga pusit kung makapulupot, tumikhim ito upang ipaalam na may kasama siya. “Siya nga pala, Melissa, ito si Daviana, kaibigan ko. Siya ang tumulong mag-piyensa sa akin sa police station.”

Bumaling na ang babae sa banda ni Daviana na nanatiling nakatayo pa rin doon. Pareho silang maganda. Kung mukhang simple si Daviana na walang make up sa mukha, papantay ang ganda ni Melissa sa kanya kung mananatili itong may suot na make up lagi.

“Hi? Ikaw pala si Daviana. Alam mo palagi kang kinu-kuwento nitong si Warren sa akin. Sa wakas nagkita na rin tayo.” friendly ang tono ng boses nito, ngunit sa di malamang dahilan ayaw sa presensya niya ni Daviana. 

“Ah, h-hello…” napipilitang tugon ng dalaga at tinanggap na ang nakalahad na kamay. 

Pumasok na sila sa loob ng silid. Dire-diretsong nagtungo si Warren sa sofa. Sumunod sa kanya si Melissa upang muling e-check ang kanyang sugat sa noo. Naiwang nakatayo lang si Daviana, di na komportable.

“Huwag mo ng hawakan nang hawakan at baka ma-infection. Ako na ang bahalang maglinis niyan mamaya. Sa ngayon, hanapan muna natin ng matutulugan ang kaibigan ko.” reklamo ni Warren sabay palo nito sa kamay ng nobya, “Anong oras na rin kasi. Paniguradong inabutan na siya ng curfew sa dorm at hindi na siya papapasukin pa sa loob.”

Sinubukan nilang tumawag sa front desk upang mag-book ng another room, subalit saglit lang si Warren nakipag-usap doon dahil nalaman niyang fully booked na ang hotel nang  dahil rin sa masamang panahon.

“Panigurado talagang puno na iyon ngayon, eh kaninang umaga pa ako nag-booked ng room na ‘to.” nguso ni Melissa na pinalungkot ang mga matang sinulyapan si Daviana, “Ano ng gagawin natin ngayon, Warren?”

Hindi ang hotel room ang tumatakbo ngayon sa isipan ni Daviana kung hindi ang sinabi ni Melissa. Kung nag-booked sila ng hotel room ng umaga, malamang ay may plano na talagang dito sila matulog. Hindi niya maintindihan kung bakit nagagalit siya nang patago gayong wala naman silang relasyon ni Warren. Gusto niya lang din naman niyang malaman kung gaano na sila katagal dahil umabot na sila sa point na kailangan nilang mag-book ng hotel room para magkasamang matulog? Mag-usap? Dito sila magde-date?

Napakagaling namang magtago ni Warren ng relasyon nila kung matagal na pala sila.

Natatandaan niya pang parang isang buwan pa lang ang lumilipas nang mag-dinner ang family nila at inaasar-asar pa sila ng Lolo ni Warren kung kailan siya papakasalan. Ang linaw pa ng naging sagot nito sa matanda. Hinding-hindi niya iyon makakalimutan na naka-ukit sa balintataw niya pati ang hitsura.

“Lolo, huwag po kayong atat. Hintayin niyo po munang maka-graduate si Viana. Huwag niyo siyang e-pressure, baka kung mapano.”

Aaminin niya, umasa siyang ganun nga ang mangyayari sa kanila ni Warren after niya ng college. Ngunit sa ganitong sitwasyon? Parang ang imposible na noong mangyari. 

Magiging ipokrita siya kung sasabihin niya na hindi siya nasasaktan. Nasasaktan siya to the point na gusto na niyang maglupasay ng sandaling iyon. Parang pinaglalaruan lang nito ang damdamin niya. Ginagamit lang siya kapag kailangan siya nito. Hindi magawang matawa ni Daviana sa sitwasyon nila ngayon, kinuha niya ang cellphone sa bulsa at ibinaling na lang doon ang buong atensyon. Kailangan niyang umalis. Para siyang unti-unti ng nauupos kasama ang dalawa.

“Ayos lang, huwag na kayong mag-abala pa. Ako na lang ang hahanap ng hotel room malapit dito. Dito na lang kayo.”

“Hayaan mong tulungan ka naming makahanap ng hotel room gamit ang cellphone.” mabait ang tonong wika ni Melissa, ngumiti pa ito na mas lalong ikinakulo ng dugo ni Daviana. “Bumaba ka na muna at magtingin kung may available room sa malapit na mga hotel. Tatawagan ka namin kapag may nakuha na kami. Mabuti na iyong tulong-tulong tayo sa paghahanap.” 

Hindi tanga si Daviana para hindi niya maramdaman na itinataboy na siya nito paalis ng silid nang sa ganun ay masolo na niya si Warren. Malakas ang pakiramdam niya kapag ganun na ang asal ng babae na akala mo ay aagawin niya ang binata sa kanya. Hindi rin naman niya gustong manatili sa lugar. Walang imik siyang tumalikod upang lumabas na ng silid. 

“Teka lang, Viana. Ihahatid na kita sa—” 

Bago pa matapos ni Warren iyon ay nagawa na siyang pigilan ni Melissa. 

“Nakalimutan mo na bang may sugat ka sa noo. Hindi ka pwedeng kung saan-saan pumunta at baka ma-infection ka pa. Ang kailangan mo ngayon ay ang magpahinga…” 

Hindi na narinig pa ni Daviana ang ibang sinabi ni Melissa dahil isinara na niya ang pintuan ng silid nila. Ni hindi rin siya lumingon upang tingnan ang reaction ng tinuring niyang future husband niya sana. 

“Anong ginagawa mo dito Daviana? Para kang tanga. Nagpapagamit ka na naman sa kanya!”

Habang papalabas ng nasabing hotel, muli na naman siyang sinalubong ng malamig na ihip ng hangin. Bagay na nagpasama pa ng loob niya. Sa mga sandaling iyon, pakiramdam niya ay pinagtaksilan siya ni Warren kahit na malinaw naman na wala silang anumang relasyon. Mahigpit na niyakap niya ang katawan. Umaambon na naman kasi pero hindi pa rin niya iyon alintana. Hindi siya tumigil sa paghakbang. Ilang beses siyang kumurap-kurap upang pigilin ang buhos ng estrangherong emosyon. Hinayaan niyang saluhin ng kanyang mga pilik-mata ang patak ng ambon na nagmistulang mga butil na ng mga luha niya.  

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 113.2

    MALAMBING NA DINALA si Rohi ni Welvin sa loob ng kanyang opisina. Hindi alintana ang presensya ng bunso niyang anak na suko hanggang langit ang galit. Si Warren na animo ay papatay habang nakatingin sa kanila ng napakatalim. Everything went wrong today para sa lalaki. Tumalikod si Warren at nagmamadaling lumabas, sinara ang pinto ng opisina ng ama sa padabog na paraan. Welvin is now closer to Rohi than to him. He waited for a long time to arrange a position, and Welvin let Rohi in first without saying a word. Sa sobrang galit niya ay hindi na siya makapaghintay pa sa ama. Naglakad siya papunta sa elevator dala pa rin ang galit sa loob ng dibdib, bumaba at umalis na ng kumpanya. Sinulyapan lang naman siya ni Welvin, halatang walang pakialam kung magwala man siya. Ang tanging nasa isip ng matandang lalaki ay ang goal niya at pakay kay Rohi na ang sariling kumpanya niya ang labis na makikinabang kalaunan.“Huwag mo na lang pansinin si Warren.” tapik pa ng matanda isang balikat ni Rohi, i

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 113.1

    NANG MAKITANG TAHIMIK lang ang reaction ni Rohi sa kanyang sinabi, tila nakahanap ng pagkakataon si Warren na mas galitin ang half-brother niya. Iyong tipong magwawala ng sobra.“Oh, and speaking of the past, parang naawa lang siya sa’yo at sinabing hindi ako naging mabuti sa’yo. Masyado lang siyang mabait at laging nagpapakain ng mga ligaw na pusa kapag nakita niya itong gutom kahit nadaanan lang. If she was nice to you occasionally, it was because of sympathy and pity. Don't get her wrong. Huwag mong bigyan ng kulay.”Rohi looked very cold, staring at Warren quietly. Sa katunayan ay gusto na niyang undayan ng suntok ang lalaki, na kahit hindi siya basagulero ay napupundi.“Pumunta ka dito para lang sabihin ito?”Warren was not in a much better condition at the moment. What he was doing now was something he had despised doing in the past, sowing discord. Malinaw na sinabi ni Viana noong araw na iyon na gusto niya si Rohi, ngunit hindi na niya ito binanggit muli sa kapatid. Nakikita n

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 112.3

    DAVIANA PASSED THE first test two days ago. Iyon ang nakarating kay Rohi buhat sa babae. Sa araw na iyon ang second test, at hindi alam ni Rohi kung ano na ang nangyari. Ni hindi pa siya nito bina-balitaan. But before Rohi even entered the door, the assistant outside the door of his office winked at him. Tipong may pinaparating sa kanya na masamang balita noon.“Nasa loob po ang kapatid niyo, Sir.” Kumunot na ang noo ni Rohi kahit alam niya na kung sino ang pinapahiwatig ng assistant niya. Opisina niya rin iyon kaya hindi ito pwedeng magkamali. Malinaw na sinadyang puntahan siya ni Warren doon. Rohi pushed the door open and walked in. Tama ang assistant, nasa loob nga si Warren, nakatayo sa tabi ng desk, inilibot ang tingin sa buong opisina. Meeting Rohi’s gaze, his expression was calm and composed. “Mag-usap nga tayo.” bossy nitong turan na akala mo ay mas nakakatanda sa bagong dating na kapatid.Warren actually wanted to fight more, but this was a company after all. Welvin, their

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 112.2

    KALMADONG INAKAY NA ni Carol ang anak pababa ng unang palapag upang kumain, doon naisip ng Ginang na bakit hindi niya noon pa ito prinovoke gamit ang mamanahin at si Rohi e ‘di sana matagal ng natapos ang kanyang alalahanin at problema nila ni Welvin. Mabuti na lang at naisip na gawin iyon ng kanyang asawa. Bigla tuloy nakaisip ang kanyang anak na magtrabaho.“Kailangan mong magpalakas, Warren. Huwag kang papayag na pati ang kumpanya ay kunin sa’yo ng anak sa labas ng Daddy mo. Kapag nasa iyo na ang kumpanya, malay mo may pag-asa ka pa na muling makuha si Daviana?” sambit ni Carol upang lalong i-motivate ang anak, “Iyon muna ang unahin mo at baka hindi mo mamalayan, maangkin na rin ni Rohi ito.” Sa sumunod na araw, tinotoo ni Warren ang kanyang sinabi sa ama na papasok siyang trabaho simula kinabukasan. Pumunta siya ng Gonzales Group. Hindi na niya nagawa pang balikan ang kanyang ama matapos na kumain dahil nakatulog na siya. Sinabi rin ng kanyang ina na kailangan niyang maagang magp

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 112.1

    AYAW PA RIN ni Warren na makipag-usap sa ina kahit nakalabas na siya. He planned to go to the medicine box to get stomach medicine and went straight to the living room on the second floor. Carol followed carefully all the way, constantly persuading him. Kailangan niyang kumbinsihin ang anak na makinig sa kanyang mga hinaing. Sobrang payat na nito eh.“Dapat kumain ka ng kahit ano. Wala ka man lang kinakain buong araw tapos bigla kang iinom ng—”Tumigil si Carol sa kanyang pagsasalita. Ang dahilan noon ay nasa sofa nakaupo si Welvin ng ikalawang palapag. Nakapako man ang kanyang mga mata sa tablet na hawak, batid ni Carol na dinig ng asawa ang mga sinabi niya. Napatunayan niya iyon nang lumingon ang matandang lalaki sa kanila gamit ang mga mata nitong seryoso at matalim na.“Hayaan mo siya kung gusto niyang gutumin ang sarili niya. Gusto na yata niyang mamatay eh. Don't bother the maid. Throw the food away. Lalo mong pinipilit, lalo lang iyang mag-iinarte. Huwag mo siyang e-baby, Carol

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 111.3

    MAKAHULUGAN NA SINULYAPAN ng kaibigan ang cellphone na kanyang hawak. Doon pa lang ay nahulaan na niya kung ano ang ginawa ni Rohi sa balcony kaya hindi nakasigarilyo.“Ah, kaya naman pala. Tinawagan mo si Viana? I'm telling you, you smell. It's killing me.” Humagalpak ng tawa si Rohi sa ginawang pangngiwi ng kanyang kaibigan.“Anong amoy ang pinagsasabi mo?” “The sour smell of love.” Nagpanggap pang pinaypayan ni Rohi ang kanyang ilong. “You're almost 26, and you're doing the same thing as your first love now—” “May girlfriend ka na, Sir?” biglang sulpot ng isa nilang ka-team. Kakabalik lang nito galing abroad ng bansa kung kaya naman hindi ito updated tungkol sa messed up ng engagement. “Kaya naman pala panay ang ngiti niya habang nakatingin sa screen ng cellphone, in love.” Pinanliitan na siya ni Rohi ng mga mata na may pagbabanta ng kakaiba.“Late ka na sa balita, Dude…” tapik ni Keefer sa kanilang kasamahan na humagalpak pa, “Matagal na siyang in love, at ngayon ay fiance

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status