TUMAAS PA ANG isang kamay ni Rohi at inabot na ang labi niya. Marahan niyang hinaplos iyon ng kanyang hinlalaki. Nagtitimpi na huwag niyang halikan ang labi. Hindi pa rin niya inaalis noon ang nakatitig niyang mga mata sa mukha ni Daviana. “You are my girlfriend. My future wife. Stop thinking too much about the problem. Now your business is also my business. Maano bang tulungan ko ang future wife ko sa mga pinagdadaanan niya? Hindi naman iyon masama di ba? Future husband ako.” Hindi na napigilan ni Daviana na mamula ang mga mata. Shit! Naiiyak siya. Sobrang na-touch siya nito dahil sino ba siya para pagtuonan pa? “Magkasama nating haharapin ang lahat ng mga problema. Hindi ba at ganun naman dapat, Baby? Nagtutulungan. Nagdadamayan. Walang maiiwan sa ating dalawa. Narito ako sa kahinaan mo at dapat ay nariyan ka rin kapag lugmok ako. Okay?” Hindi maisip ni Daviana kung ano ang kabutihang ginawa niya sa past life niya para bigyan siya ngayon ng lalaking ganito kabusilak ang puso. P
MAHIGPIT NA SIYANG niyakap ni Rohi habang bakas sa mukha nito na puno ng pag-asang tunay ang sinasabi ng kanyang nobya. Gumanti naman si Daviana. Alam niyang niloloko lang niya ang sarili at ang kasintahan sa mga salitang binitawan niya. Sinabi niya lang naman iyon para kumalma ito, pero ang totoo, sa mga sandaling iyon ay labis siyang naguguluhan sa kinikilos ng nobyo. Sa ginawa nitong pakiusap, ibig lang sabihin ay may pagdududa rin itong nararamdaman sa kanya. Hindi buo ang tiwala ni Rohi sa kanya. Bagay na nagpakirot ng puso niya. Nang gabing iyon ay hindi tabi natulog ang dalawa sa iisang kama. Sa magkabila silang silid na hindi naman ipinilit ni Rohi sa nobya. Hindi makatulog noon si Daviana na panay ang biling sa higaan. Humahanap ng posisyon na komportable siya ng higa. Patuloy niyang naririnig sa kanyang isipan ang pakiusap ni Rohi na piliin niya ito. Patuloy na binabasag noon ang puso niya habang nagre-replay.‘Baka parte ito ng plano; ang manatili ako sa tabi niya para hin
IRITABLENG HUMIGPIT NA ang hawak ni Daviana sa kanyang cellphone. Nabubuwisit na naman kay Warren. Balisa na nga siya at problemado, dinagdagan pa iyon ni Warren na halatang nais siya ma-pressure.Warren Gonzales: Fake engagement lang naman iyo at walang ibang mawawala sa’yo. Isipin mong mabuti. Pabor iyon sa’yo. Hahanap na lang tayo ng paraan para i-cancel ang engagement at hindi magtuloy ng wedding. Lampasan na lang muna natin ito Viana nang matapos na.Napasabunot na sa buhok si Daviana. Parang wala na siyang ibang paraan kundi ang pumayag na lang.Warren Gonzales:Isipin mong mabuti ang kalagayan ng Mommy mo. Sa tingin mo titigilan siya ng Daddy mo? Hangga't hindi ka umuuwi, nasa panganib ang buhay niya. Wala kang konsensya at pagmamahal sa kanya. Ganyan ka ba ha?Gusto na sana niyang e-blocked muli si Warren kaso paano naman siya makikibalita sa kanyang ina?Daviana Policarpio: Speaking, nakita mo ba si Mommy? Kumusta siya?Warren Gonzales:Hindi ko siya nakikita.Daviana Polica
BUMIGAT PA ANG pakiramdam ni Daviana nang dahil sa nalaman niya. “Domestic violence a once and for all thing. Maaaring tinitiis ng Mommy mo ang pananakit ng Daddy mo para protektahan ka. Kailangan mong malaman iyon. Kausapin mo ang Daddy mo. Kung hindi kayo magkasundo, tumawag ka ng pulis. Mag-report ka na. Mahirap man resolbahin iyon ng pulis at least may report ka sa kanila. Malayo ka nga at malaya, pero hindi ka naman mapanatag. Ano pang silbi niyan?”Namasa na ang mga mata ni Daviana. Pinatay na niya ang tawag ni Warren. Nag-vibrate ang cellphone ni Daviana at nakita niyang message iyon ng ina niya. Mommy: Viana, pwede ka bang sumaglit mamayang gabi dito sa bahay? Bilhan mo ako ng gamot. Se-send ko ang reseta.Nahigit na ni Daviana ang hininga. Naisip na what if ang ama lang niya iyon at nagpapanggap na ang ina? Isang message pa ang dumating kaya binasa niya ito. Mommy:Huwag kang mag-alala. Wala naman dito ang Daddy mo mamaya. Lalabas siya dahil a-attend siya ng party.Naipiki
NANINIKIP ANG DIBDIB na pinalis ng likod ng palad ni Daviana ang kanyang mga luhang nagsimula na doong bumagsak. Inalalayan na niya ang kanyang inang makatayo habang namumuo na ang galit sa puso para sa kanyang amang ang tingin niya ay naging isang halimaw na ngayon. Kapag may masamang nangyari sa kanyang ina, hinding-hindi niya mapapatawad ang ama. Iha-hunting niya ito at pagbabayarin. Marapat lang na ipanalangin nito na walang anumang maging problema dahil magiging masama siya. “Halika, Mommy, dadalhin kita sa hospital. Kaya mo bang tumayo? Aalalayan kita, okay?” sambit niya na pilit na pinapasigla ang kanyang boses kahit na wasak na wasak na siya nang mga sandaling iyon.Masyadong mataas ang temperatura ni Nida, nagliliyab sa init ang kanyang buong katawan. Namilog na ang mga mata ni Daviana nang pahapyaw niyang salatin ang noo ng kanyang ina. Sobrang init nito. Hindi niya rin alam kung gaano katagal na nakakulong doon mag-isa ang ina kaya naman mas lalong lumala ito. Pakiramdam n
WALANG IMIK AT piniling hindi na lang magsalita nina Danilo at Daviana sa mgasinabing iyon ng doctor. Wala rin namang mangyayari kung magbibigay pa sila ng katwiran at ipapaliwanag kung ano ang nangyari. “Bilhin niyo na ang mga kailangang ito ng pasyente.” tagubilin pa ng doctor at inabot na ang reseta.At dahil public hospital iyon ay sila ang pinabili ng mga gamot na kailangan ng kanyang ina. Hindi na siya sinamahan pa ni Danilo dahil batid ng lalaki na babalik naman ang anak lalo pa at nasa ganung sitwasyon ang kanyang ina. Hindi nito magagawang iwan ito sa kanyang palad kung kaya naman panatag na siya. “Siguraduhin mong babalik ka, Viana. Alam mo ang mangyayari sa iyong ina kung hindi.” mahina nitong usal na tanging silang mag-ama lang ang nakakaalam, “Huwag na huwag mong balakin iyon, Viana...”“Oo, Dad, babalik ako. Hindi mo kailangang paulit-ulit na sabihin iyon sa akin. Babalik ako...”Nanatili ang padre de pamilya nila sa labas ng ward pagbalik ni Daviana. May dextrose na s
HATINGGABI NA NANG humupa at bumaba ang taas ng lagnat ni Nida. Nakahiga na sa bakanteng kama ng ward si Danilo, habang si Daviana namann ay hindi kayang ipikit ang mga mata sa labis na pag-aalala pa rin sa kalagayan ng kanyang ina. Hindi siya dalawin ng antok sa patong-patong na problema at isipin. Stress na stress ang utak niya kung alin ang kanyang uunahin. Nagtatalo ang puso niya at ang isipan niya. Ayaw siyang patulugin noon kahit na gustohin niya man kahit na saglit lang. Madaling araw na iyon ng naalimpungatan si Nida. Natulala siya saglit nang makita ang anak na si Daviana na naroon pa rin sa tabi. “Ano pang ginagawa mo dito? Bakit hindi ka pa umaalis? Binalaan na kita noon na huwag kang—”“May lagnat ka na naman, dinala ka namin ni Daddy ng ospital.” pagputol ni Daviana upang sabihin ang bagay na iyon sa kanyang ina nang matapos na ang pag-iisip nito ng ibang mga bagay sa kanya.Naalala ni Nida ang nangyari ng nagdaang gabi sa kanilang bahay. Naging malinaw ang lahat ng iyo
HINDI NAMAN NA nagulat pa si Warren nang makita niyang bumaba si Daviana ng hagdan kasunod ng kanyang ama. Masakit man sa kanyang paningin na napipilitan lang si Daviana ay hindi niya ito pinansin. Iwinaglit niya iyon sa isipan dahil siya rin naman ang isa sa humimok kay Daviana para sa fake engagement.“Hija, napag-isipan mo na ba?” maligayang tanong ni Carol matapos na bigyan niya ng yakap si Daviana ng makalapit, “May sagot ka na? Alam mo na, gusto na naming matapos ito sa lalong madaling panahon.”“Opo, Tita…nagkausap na kami ni Daddy…” linga niya sa ama na nasa sulok lang at matamang nakikinig sa usapan. “Pumapayag na ako sa engagement namin ni Warren.” halos ayaw lumabas noon sa lalamunan.Sumilay na ang kakaibang ngiti sa labi ni Carol sa kanyang narinig. Ang gusto niya ay isang manugang na madaling kontrolin kagaya na lang ni Daviana na sunud-sunuran lang. Kung hindi ito, kung ang ugali niya ay katulad ng kanyang anak na si Warren paniguradong masakit sa ulo iyon ng kanilang b
HINDI GUMALAW SA kinatatayuan niya si Daviana na nanatili ang malamlam na tingin sa nasa harapang si Rohi. Gusto niyang sundin ang suggestion nito ngunit pinigilan niya doon ang kanyang sarili. Pinagmasdan pa siya ni Rohi nang tahimik na may nase-sense na kakaiba kung bakit ganun na lang ang hitsura ni Daviana. Hindi mapigilan ng lalaki na punahin kung gaano kaganda ni Daviana sa kanyang suot na damit. Dangan lang at ayaw niyang purihin ito nang tahasan at sa malakas na tinig dahil paniguradong iiyak siya dahil sa ibayong sakit lang din ang dulot nito sa kanya. Hindi na nakaligtas sa kanyang mga mata ang emosyon ng pagiging desperado sa mga mata ng babae niyang kaharap. Pinatay na niya ang apoy ng sigarilyo at itinapon na iyon sa basurahan. Mabagal ng humakbang palapit kay Daviana. Gusto na niyang tanggalin ang suot na coat at ibigay sa babae dahil nakita niyang nangangatal na ang labi nito sa lamig.“Anong nangyari, Viana?”“Biglang nawala sa hotel na ito si Warren, mukhang pinuntaha
ILANG SANDALI PA ang lumipas at umahon na si Daviana sa sofa at mabagal na lumabas na ng dressing room na walang sinuman ang nagbibigay sa kanya ng atensyon. Busy ang lahat sa kanilang ginagawa kung kaya naman nagawa niyang makalabas nang walang sinuman ang nakakakita. Puno ng pananantiya ang hakbang niya sa hallway, tumitingin-tingin sa paligid kahit na kahibangan kung makikita niya doon si Warren. Hindi alam ni Daviana kung saan siya papunta. Gusto niyang lumabas na ng hotel kung kaya naman pumanaog siya kung nasaan ang banquet hall na puno na ng mga bisita. Kung dadaan siya doon, agaw pansin ang kanyang suot na damit. Paniguradong makikilala siya sa isang lingon lang nila.‘Punyeta ka talaga, Warren! Ipapahiya mo ba talaga ako? Bakit mo ako iniwan dito? Tatakas ka rin lang naman pala!’Namumutla pa rin ang kanyang mukha. Sa halip na dumiretso at ituloy ang kanyang paglalakad, muli siyang umikot upang bumalik sa kanyang pinanggalingan. Hindi siya pwedeng lumabas. Dinala siya ng kany
HINDI RIN SUKAT-AKALAIN ni Daviana na biglang tatakbuhan siya ni Warren. Kahit siya ay hindi naisip na magagawa niya ang bagay na iyon lalo pa at mayroon silang matinong kasunduan. Hindi nila nahulaan na angyayari ito kaya pati ang kanilang magulang ay nagawang mag-relax lang at makampante. Akala niya magiging kuntento na ito sa kanilang pekeng engagement, kaya bakit niya ginawa ang tumakas? Wala iyon sa choices.“Hindi siya nag-iisip! Ano na lang ang mangyayari sa kahihiyan ng ating pamilya?!” problemadong sambit ni Welvin na hindi na mapalagay, kung sinu-sino na ang tinawagan nito at kinakausap. “Mabuti sana kung tayo-tayo lang din na pamilya ang nakakaalam. May mga invited ka pang mga media, Carol!” baling na nito sa kanyang asawa.“Ano ba talaga ang nangyari, Daviana? Tumakas ba siya kasama ang babaeng iyon?” baling muli ng babae kay Daviana upang magtanong muli. “Hindi ko po alam, Tita Carol. Ang sabi lang po ni Warren ay may tatawagan lang siya.” hindi na niya sinabi pa ang pan
MAKAHULUGAN NG TININGNAN ni Anelie si Daviana na para bang binabasa nito ang laman ng kanyang isipan ng sandaling iyon na nabanggit ang lalaking alam naman nilang pareho na laman ng puso ni Daviana at hindi ito si Warren. Napaiwas na ng tingin si Daviana sa kaibigan niya. Kilala niya ang mga tinging iyon. Ayaw niyang kaawaan siya nito na iyon na ang nakikita dito.“Oo, Viana. Hindi lang din kaming dalawa ang narito. Actually, marami kami sa mga employee ng Gonzales Group kabilang na si Keefer. Nasa banquet hall na kami kanina malapit doon sa may pagdadausan ng engagement niyo. Inutusan lang ako ni Keefer na pumunta dito sa'yo upang alamin kung nagkita ba kayo ni Rohi. Alam mo na, iniisip lang namin na baka gumawa pa siya ng gulo.” Bumigat ang pakiramdam ni Daviana na para bang may invisible na mga kamay na pumipiga sa kanyang puso paulit-ulit at ayaw bumitaw. Bakit pa siya pumunta ng araw na iyon doon? Hindi naman na niya kailangan pang magpakita. Ayaw din naman niyang makita ang lal
HINDI SUMAGOT SI Melissa. Umiyak lang nang umiyak. Umiihip pa rin ang malakas na hangin sa pandinig niya. Pakiramdam ni Warren ay malapit na siyang liparin ng napakalakas na pressure ng hanging iyon. “Sige na Melissa, please? Bumaba ka na diyan at pumasok ka sa loob ng silid. Pag-usapan natin mabuti ang suggestion ko. Hmm? Makinig ka na…” That was a life, not to mention na girlfriend niya iyon. Umiinit na ang kanyang ulo pero pilit na kinakalma upang huwag siyang magalit. Nanghihinang sumandal na ang katawan niya sa pader. Pumikit na siya nang mariin. Tila may dumaang picture ni Melissa sa balintataw na nahulog ito mula sa palapag, may dugo at scenes na lumilipad sa kanyang isipan.“I don't want you to get engaged…” nabubulunan ng sariling luha na sambit ni Melissa, “Hindi ko kayang tanggapin. Sinabihan na kita noon di ba? Bakit ayaw mong umalis ng bansa at sumama sa akin? Pumunta tayo sa lugar na walang nakakakilala sa atin. Lugar na hindi nila tayo mapipilit na maghiwalay, Warren.
GANUN NA LANG ang naging pag-iling ni Warren matapos na huminga nang malalim. Nasa screen pa rin ng kanyang cellphone ang mga mata; sa nunero ng nobya na patuloy pa rin sa ginagawang pagtawag.“Hindi na. She might be a little emotional today…alam mo na, engagement natin. Ayokong marinig ang boses niya na umiiyak at nasasaktan dahil baka hindi ko kayanin.” sagot nitong nakatitig pa rin sa screen. Napakunot na ang noo ni Warren nang may picture na sinend si Melissa at nag-appear iyon sa notification bar ng kanyang cellphone. Nagbago ang hilatsa ng kanyang mukha nang makita iyon. Masusi at tahimik na pinanood pa ni Daviana ang kanyang reaction. Nahuhulaan na niyang may mali sa kaharap.“Anong meron, Warren?” tanong niya nang mapansing namutla pa ang kanyang mukha, napuno ng takot ang mga mata ng malingunan na si Daviana. “V-Viana, saglit lang ha? Tatawagan ko lang siya.”Ipinagkibit-balikat iyon ni Daviana kahit na medyo bothered na siya sa naging reaksyon ng lalaki. Alam niyang may ma
ILANG SANDALI PA ay pumanaog na si Daviana hawak ng magkabila niyang kamay ang gilid ng damit upang huwag niyang maapakan. Nang makita niyang naroon na si Warren ay bahagya lang siyang tumango dito at naglakad na patungo sa ina niyang si Nida. Nakatitig pa rin sa kanya si Warren ng mga sandaling iyon. Ang tagal niyang hindi nag-react. Nang bumalik siya sa kanyang katinuan, ang kanyang puso ay marahas na tumitibok na animo ay tinatambol. Hindi niya maiwasang tumingin ulit sa likod niya kung nasaan ngayon si Daviana kausap pa ang kanyang ina. Mula sa anggulo ni Warren ay kitang-kita niya ang magagandang collarbone nito ba nagmistulang butterfly at balingkinitan naman na puting swan ang leegnito. Binawi ni Warren ang tingin, ngunit ang bilis pa rin ng tibok ng puso niya. Kasama niyang lumaki si Daviana, kaya kailan pa siya naging ganito kaganda at bakit hindi niya ito nakita?Malalim ang hinga ni Nida nang pinagmamasdan ang anak na bihis na bihis. Malaki na ang anak na hindi man lang ni
SA BISPERAS NG kanilang engagement ay nagpadala ng message si Melissa kay Warren. Pinag-isipan niya itong mabuti. At nang hindi makatanggap ng reply sa kasintahan, minabuti na lang niya na katawagan na si Warren na kinailangan pang patagong lumabas ng kanilang bahay dahil sa maraming tao doon. Kinukumpirma nila ang mga detalye ng mangyayaring engagement nila ni Daviana kinabukasan. Sumasakit ang ulong sinagot na niya ang tawag ni Melissa. “Hey, bakit ka tumatawag? Alam mo namang busy ako—” “Ang engrande ng magiging engagement niyo ni Daviana aat halos mga kilalang tao ang bisita. Sa tingin mo magagawa mong i-cancel iyon at hindi matuloy na mauwi sa kasalan?” puno ng lungkot, selos at pagdududang turan ni Melissa dito. “Sinabi ko naman sa’yo di ba? Gagawa ako ng paraan. Hahanapan ako ng paraan. Wala ka bang tiwala sa akin, Melissa?” Suminghot na doon si Melissa na halatang umiiyak na naman dahil sa sinabi niya. “Sinabi ko rin naman sa’yo na hindi ko hawak ang lahat. Wala akong kon
IBINUKA NA NI Warren ang kanyang bibig upang lumaban, ngunit ang mga salita ay natigil lang sa dulo ng kanyang dila. Ano ang sasabihin niya naman? Noong una ay gusto niyang igiit na kung gusto niya, maaari rin naman niyang puntahan ang lalaking nagugustuhan anumang oras, ngunit hindi niya ito masabi. Ayaw ni Warren na makita niya ulit ang lalaking iyon. God knows whether that mysterious man is good or bad. Anyway, simula nung nainlove si Daviana sa lalaking ‘yun, wala ng nangyaring maganda sa buhay ng dalaga. “Ano pa nga bang magagawa ko sa inyo, Warren?” “Wala, Viana. At most I can see Melissa less before we break off the engagement. Sinabi ko na rin sa kanya na dapat hindi na kami magkita ng madalas gaya ng dati. Okay na sa’yo iyon? Masaya ka na ba ha?”Wala namang pakialam si Daviana kung magkita pa sila o hindi na. Ang sa kanya lang ilugar nila dahil maaaring simulan iyon ng iba’t-ibang uri ng tsismis. Ayaw din naman niyang maging laman ng mga iyon. “It was you who proposed th