LOGINSASHAMalamig ang hangin dito sa aming bagong tinitirhang apartment sa ibang bansa. Malayo sa Pilipinas, malayo sa ingay ng high-society, at malayo sa lalaking hanggang ngayon ay nagmamay-ari pa rin ng buo kong puso. Nakaupo ako sa maliit na sofa sa sala habang hawak ang isang baso ng warm water. Ang mga mata ko ay nakatutok sa malaking TV screen na nakabukas sa harap ko.Isang international entertainment news channel ang nakaplay. At sa screen, malinaw na malinaw na ipinapalabas ang live coverage at highlights ng pinakamalaking kasalan ng taon sa Maynila—ang kasal nina Dwayne Lewis at Crystal Flores.Tinitigan ko ang mukha ni Dwayne habang naglalakad siya sa aisle. Suot niya ang isang napakagandang itim na tuxedo, ngunit kahit pinalalamutian ng mamahaling mga bulaklak ang paligid at nakangiti ang lahat ng bisita, kita ko ang matinding lungkot at kawalan ng buhay sa kanyang mga mata. Walang kahit katiting na ngiti sa kanyang mga labi. Alam ko ang tinging 'yan—iyong tingin ng isang lal
DWAYNENaka-tindig ako sa harap ng malaking salamin ng kwarto habang nakatingin sa aking repleksyon. Ang suot kong mamahaling tuxedo ay hubad na, nakasabit na sa gilid, at naka-white dress shirt na lamang ako habang hawak ang isang baso ng whiskey. Kahit anong pilit ko, alam kong hindi ako naaantok. Ang totoo, hindi naman talaga ako inaantok. Ayaw ko lang talagang makasama sa kwarto si Crystal—at hindi lang ngayon, kundi sa buong pagsasama namin.Hinding-hindi ko kayang tumabi sa isang babaeng naging dahilan kung bakit gumuho ang buhay ko at kung bakit napilitang lumayo ang nag-iisang babaeng minahal ko. Para sa akin, ang silid na ito ay hindi isang honeymoon suite; isa itong selda kung saan nakakulong ang kaluluwa ko.Habang umiinom ako ng alak, muli kong binalikan sa isip ko ang mga pangyayari ngayong araw. Ang engrandeng kasal, ang mga matang nakatingin sa aming dalawa na puno ng inggit at paghanga, at ang mukha ni Crystal na punong-puno ng tagumpay. Para sa buong mundo, kami na an
CRYSTALIsang napakatamis na ngiti ang nakaguhit sa labi ko habang nakatayo kami sa harap ng altar at binibigkas ang huling mga salita ng vows namin. Tagumpay! Sa wakas, pagkatapos ng lahat ng luha, ng kahihiyan na idinulot niya noong gabing ipinagpalit niya ako sa basurang babaeng 'yun, at ng lahat ng gulo, nasa akin na ang korona. Mrs. Lewis na ako.Nang matapos ang seremonya at magpalitan kami ng rings, feeling ko gusto kong sumigaw sa sobrang saya. Tingnan mo nga naman ang tadhana, Dwayne. Akala mo maililigtas mo ang sarili mo at ang mahal mong si Sasha sa pamamagitan ng pagtatago, pero sa huli, lumuhod ka pa rin sa harap ko.Agad kaming tumuloy sa grand reception hall na pinalalamutian ng mamahaling bulaklak at kumikinang na chandeliers. Ang buong high-society ay naroon, nakatingin sa amin nang may paghanga at inggit. Ang mga flash ng camera ay sunod-sunod na kumikislap, at ang mga bisita ay nag-uunahang bumati sa amin ng "Congratulations."Pero habang abala ang lahat sa pag-cele
DWAYNEIdinilat ko ang aking mga mata sa gitna ng malamig at madilim na silid. Ang unang bagay na pumasok sa aking isip ay ang mukha ni Sasha. Agad kong iginalaw ang aking kamay sa ibabaw ng bedside table para hanapin ang aking cellphone. Nang mahawakan ko ito, mabilis kong pinindot ang power button para tiningnan ang screen.Bzzzt!Isang text message. Agad ko itong binuksan, umaasa na baka nagsasabi lang siya ng biro o baka nagbago na ang isip niya. Ngunit nang mabasa ko ang mga salitang nakasulat, parang piniga ang aking puso sa tindi ng sakit."Dwayne, patawad kung umalis ako nang hindi nagpapaalam nang harapan. Salamat sa lahat ng pagtatanggol mo sa akin at sa pagmamahal na ibinigay mo. Mahal na mahal kita, kaya sana ay kalimutan mo na ako at magpakasal kay Crystal para sa kaligtasan mo at ng iyong kinabukasan. Mag-ingat ka palagi.""H-hindi... hindi..." nanginginig kong bulong habang paulit-ulit na binabasa ang bawat kataga.Tuluyan na akong nawasak. Tumagilid ako sa kama at ibin
SASHAMalalim na ang gabi nang marinig ko ang pagtunog ng makina ng sasakyan na pumasok sa bakuran ng aming private mansion sa labas ng lungsod. Mabilis akong tumayo mula sa pagkakaupo ko sa sofa sa living room at nagmamadaling sumalubong sa pintuan. Alam kong si Dwayne na ito. Ilang oras ko siyang hinintay nang may matinding kagalakan at kaba sa dibdib, umaasa na maganda ang ibabalita niya pagkatapos ng pag-usap nila kay Crystal.Nang bumukas ang pinto, sinalubong ko siya ng isang ngiti. Ngunit agad ding naglaho ang ngiting iyon nang makita ko ang mukha niya.Napaka-tahimik ni Dwayne. Ang kanyang mga mata na karaniwang nag-uumapaw sa determinasyon ay mukhang blangko, pagod, at puno ng mabigat na pasanin. Ang kanyang mga balikat ay nakayuko, parang pasan-pasan niya ang buong mundo sa kanyang pagbabalik."Dwayne?" tawag ko sa kanyang pangalan habang dahan-dahang lumalapit at hinawakan ang kanyang braso. "Bakit ka ganyan kakatapos lang dumating? Napagod ka ba nang sobra kina Crystal? An
DWAYNENanatili akong nakatayo, nanginginig ang mga palad sa galit habang nakatitig sa pamilyang nakapaligid sa akin. Nakatali ang leeg ko, at hawak nila ang talim na pwedeng pumutol sa aking kinabukasan.Ang mga tingin nina Glen at Pia ay puno ng kasakiman, habang si Clara naman ay nakangiti nang may halong panunuya. Subalit ang pinakamatindi sa lahat ay ang mapanghamon na mukha ni Crystal, na naghihintay na lumuhod ako sa kanyang mga paa.Huminga ako nang malalim, pilit pinatitibay ang aking boses sa kabila ng nag-aapoy na galit sa aking dibdib. Ipinatong ko ang aking mga kamay sa bulsa ng aking suit, tiningnan sila nang diretso sa mga mata."Crystal, sa buong buhay ko, ngayon ko lang naintindihan kung bakit hindi tayo kinaloob ng langit na magsama noon," panimula ko habang malamig na nakatingin sa kanya. "In this lifetime, si Sasha lang ang mamahalin ko, at walang makakapagbago niyan—kahit pa ipagsiksikan mo ang sarili mo sa akin sa pamamagitan ng basurang blackmail na ito."Nang m
Sasha Willow“Sasha, are you okay? Bakit parang namumutla ka?” tanong ni Nancy.“I’m fine,” sagot ko.Tumawa naman sina Andrea at Jenna sana nagsimulang asarin ako.“Girl, huwag mo masyadong isipin ng mapapangasawa mo, baka kumulubot rin ang balat mo sa stress,” sabi ni Andrea.Si Jenna naman na pi
Sasha WillowKinabukasan, nagising ako sa sobrang sakit ng ulo. "Ugh, what happened?" ungol ko habang pilit idinidilat ang mga mata.Pero laking gulat ko nang makitang hubad at puno ng mga kiss marks ang buong katawan ko. Lumingon ako sa gilid at nakita ang isang lalakeng mahimbing pang natutulog s
Sasha WillowMedyo umiikot na ang paningin ko sa dami ng nainom ko, pero ayoko pang umuwi. Maingay ang bar, malakas ang music, at halos puno ang dance floor ng mga taong nagwawala sa sayaw. Ilang beses na rin may lumapit na mga lalaki sa akin.“Hey Sexy, one more drink?” sabi ng isa habang inaabot
Dwayne LewisNakatayo ako sa loob ng private hospital room. Tahimik ang buong kwarto maliban sa tunog ng monitor. Nakapaligid sa akin ang limang doctor at halata sa mukha nila ang bigat ng sasabihin.“Sorry, Mr. Lewis, pasensya na po pero until now wala pa rin pong kasiguraduhan kung kailan magigis







