Share

After Divorce: Escaping With My Ex-Husband's Daughter
After Divorce: Escaping With My Ex-Husband's Daughter
Author: dangerosely

Kabanata 1

Author: dangerosely
last update Last Updated: 2024-07-04 12:52:50

Kleer Ronnilaine's POV

Mainit na luha ang dumaloy sa aking pisngi habang titig na titig sa pregnancy test na hawak ko. Dalawang guhit na pula ang lumabas doon. Ibig sabihin... 

Buntis ako.

Tila nanlambot ang mga tuhod ko. Napahawak ako sa sink ng bathroom para masuportahan ang aking balanse. Hindi ako dinatnan ngayong buwan. Naging madalas din ang pagkahilo at pagsusuka ko sa mga nagdaang araw kaya naghinala na ako at ngayong kumpirmado na ay hindi ko alam kung ano ang dapat na maramdaman. Gusto kong matuwa at magdiwang pero natatakot ako sa magiging reaksyon ni Arrex.

Sa oras na malaman niya ang tungkol dito...paniguradong hindi siya matutuwa.

My hands flew to my mouth as tears flooded my vision, blurring everything in front of me. Dalawang taon na kaming kasal ni Arrex at kahit na isang beses, hindi siya nakalimot na ipaalala sa akin na hindi niya ako mahal at sa papel lang kami mag-asawa. Alam ko rin na ibang babae ang mahal niya at isa lang akong... hamak na bayaran para sa kaniya.

"Ma'am Kleer?" boses iyon ni Manang Lelia na sinundan ng katok sa pintuan. "Nakahanda na po ang hapunan. Nakauwi na rin po si Sir. Hinihintay niya kayo sa hapag."

Tumukhim ako at mabilis na pinalis ang mga luha sa aking mata.

"Susunod po ako," sigaw ko at buti na lang ay hindi ako pumiyok. 

Kahit gulong-gulo at parang sasabog na ang dibdib ko sa sobrang kaba ay naging mabilis ang pagkilos ko.

Ayaw ni Arrex pinaghihintay siya nang matagal.

Itinago ko ang pregnancy test at inayos ang aking sarili. Sinigurado kong walang mababakas na luha sa mukha ko bago ako tuluyang bumaba.

Pisil-pisil ko ang kamay at marahas ang pintig ng puso ko habang tinatahak ang dining area. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay may mangyayaring hindi maganda. Lalo ngayon na buntis ako... Mas lalo lang bumundol ang kaba sa sistema ko nang natanaw ko na si Arrex na seryosong nakaupo sa kabisera sa harap ng hapag, pinaglalaruan niya ang wine sa kaniyang baso. 

Umupo ako sa kanang upuan, kung saan ang pwesto ko sa tuwing magkakasabay kaming kumain. Bihira itong mangyari, nagsasalo lang kami sa hapag tuwing may okasyon o 'di kaya'y kapag bumibisita ang lolo niya. Ramdam ko ang tingin niya sa akin dahilan para mas lalo akong kabahan. I'm sweating bullets. Iniwasan ko ang mapatingin sa kaniya at binaling sa mga pagkain ang aking mata, takot na baka mahalata niya ang pagiging balisa ko.

Tahimik ang buong hapagkainan. Nasa kusina si Manang Lelia. Wala rin nagsasalita sa amin ni Arrex. Kahit nanginginig ang mga kamay ko, naglagay pa rin ako ng kanin at ulam sa aking pinggan. Napansin kong wala pang laman ang sa kaniya, kaya inabot ko ang sandok upang lagyan din sana, ngunit napahinto ako sa biglaang pagtikhim niya. Naibaba ko agad ang hawak na sandok.

Nagtataka akong napatingin sa kaniya... na sana'y hindi ko na lang pala ginawa.

Walang kahit anong mababakas na emosyon sa kaniyang mukha. But the look in his eyes, told me he hadn’t waited there just to share a meal with me.

Dinampot niya ang isang envelope na nakapatong sa lamesa na ngayon ko lang napansin. 

Itinulak niya 'yon palapit sa akin. 

"Open it," utos niya sa malamig na boses at mga mata. 

Parang sasabog ang dibdib ko sa lakas ng tibok ng puso ko. Natataranta ko iyong mabilis na dinampot. Nanginig pa ang mga daliri ko habang binubuksan ang envelope at hinuhugot ang isang puting papel mula roon. Nanlaki ang mga mata ko at napaawang ang aking labi nang mapagtanto kung ano iyon.

Divorce agreement.

"A-ano 'to?" hindi pa makapaniwalang usal ko at tumingin sa kaniya. Umaasang mali ang nabasa ko.

Ngumisi siya.

"As you can see, a divorce agreement. Mag-divorce na tayo," kaswal na wika niya, tila ba normal lang ang bagay na iyon at wala lang sa kaniya, samantalang para akong nabingi sa narinig.

"Pero b-bakit?" tanong ko, hindi pa rin tuluyang naproproseso ang nangyayari.

Sarkastiko siyang tumawa. Sumimsim siya ng wine sa kaniyang baso bago niya seryosong sinalubong ang titig ko.

"Because I don't love you," he shrugged. "I never did."

Nangilid ang luha sa mga mata ko. Tila punyal na binaon sa dibdib ko ang mga salita niya. Alam ko naman ang bagay na iyon pero masakit pa rin pala talaga na harap-harapan niya mismong sinasabi. 

"I guess it's enough reason for you to sign it. Well, kahit naman ayaw mo, wala ka ring choice kundi pirmahan iyan. Kahit ngayon lang maging disente ka naman. Kung inaalala mo ang pera, don't worry, susustentuhan kita. Also, you can have this house if you want. Sabihin mo lang kung ano gusto mo, ibibigay ko." Ngumisi siya. 

Kagat-kagat ko ang labi ko upang pigilan ang mga luhang nagbabadyang tumulo. Hanggang ngayon ay mukhang pera pa rin pala talaga ang tingin niya sa akin... 

Sa oras na nakapagdesisyon na siya ay hindi na iyon mababago kaya wala na talaga akong magagawa. Isang bagay lang ang pwedeng magpabago. 

"A-alam ba ito ni Chairman?" Nanginig ang boses ko, tinutukoy ang kaniyang lolo. 

Muli siyang natawa. 

The dining area was filled with his intense laughter. Ang titig niya sa akin ay punong-puno ng iritasyon at... disappointment. 

"Kahit malaman ni Lolo, wala rin naman siyang magagawa na. The two years of enduring with you is enough," mariing aniya. "Kung kinakailangan kong isuko ang company at ang mana ko para lang matuloy ang divorce na 'to...I would gladly do that." He smirked more. 

Napayuko ako. Tuluyang lumandas ang mga luha sa aking pisngi. Gano'n na ba niya ako kinasusuklaman kaya gagawin niya ang lahat para makawala siya sa akin? Parang dinudurog ang puso ko sa maliliit na piraso sa sobrang sakit. 

Nanilbihan bilang katulong si Mama sa pamilya nila Arrex noon. Namatay daw sa isang aksidente ang ama ko habang ipinagbubuntis ako ni Mama kaya kaming dalawa lang ang magkasama. Sa sobrang bait ng Lolo ni Arrex ay pinayagan niya si Mama na dalhin ako at patuluyin sa mansion nila. Pinag-aral ako ni Chairman. Maraming maids ang naiinggit dahil sa pakikitungo sa amin ng chairman, naririnig ko pang pinag-uusapan nilang inaakit daw ni Mama ang chairman. Pero hindi totoo iyon. Kahit kailan ay hindi ko nakitang inakit ni Mama si Chairman. 

Eighteen-year-old ako noong una kong makita si Arrex. Sa states siya lumaki at nagtapos ng pag-aaral. Umuwi lang siya sa Pilipinas dahil sa isang trahedya. Apat na taon ang tanda niya sa akin at unang beses pa lang na dumapo ang tingin ko sa kaniya, tumibok na agad ang puso ko para sa kaniya. 

He is a man that every girl would dream of. Tall and intimidating, with fair skin that glows against his dark, brooding appearance. Natural ang pagkakulay brown ng kaniyang mga mata na mas lalong nadedepina tuwing nasisinagan ng araw. Matangos din ang kaniyang ilong at perepekto ang hugis ng kaniyang labi. His chiseled jawline is beautifully framed by his tousled black hair, which enhances his rugged charm.

Ang kahit na sinong makakakita sa kaniya ay malabong hindi mabibighani... 

Sa 'di malamang dahilan, noon pa man ay masyado na siyang ilag sa akin at mas lalo iyong lumala nang kinausap ako ng Chairman na ipapakasal niya ako kay Arrex.

Sinabi ng Chairman sa akin na kung papayag akong pakasalan ito, hindi na kailangang magtrabaho ni Mama at ibibigay niya na lang ang isang hacienda nila sa Bulacan sa amin ni Mama. Tumutol ako no'ng una. I'm not a fan of fixed marriage. Iniisip ko rin na masyadong kalabisan at isang kabaliwan ang bagay na iyon. Isa lamang akong hamak na anak ng kanilang kasambahay. Hindi ako nababagay sa kay Arrex... I believed that he deserves a woman who will match his status... a woman with elite background...

Pero, pursigido ang Chairman na ipakasal kaming dalawa kaya napapayag niya ako kalaunan. Naisip ko ring matanda na rin si Mama at kung magpapakasal ako kay Arrex, maaalagaan ko siya...at baka matutunan niya rin akong mahalin. 

Iyon ang akala ko, halos isumpa niya ako dahil doon. Hindi namin alam na may girlfriend pala siya at nakipaghiwalay ito sa kaniya nang inanunsyo ng chairman ang kasal namin. Kahit sobrang tutol at galit na galit, walang nagawa si Arrex noon kundi ang sumunod dahil makukuha lang niya ang mana at ang kumpanya ng magulang niya kung ikakasal siya sa akin. 

Simula noon, tanging galit lang ang naramdaman niya para sa akin. Para sa kaniya, pera lang ang habol ko. In-offer-an niya pa ako ng malaking halaga upang 'wag dumalo sa kasal namin. Tinanggihan ko iyon dahil nangingibabaw sa akin ang kagustuhang makasama siya dahil...mahal ko siya. 

Sa dalawang taon ng pagsasama namin, naniniwala siyang pineperahan ko lang ang pamilya niya.

"Let's end our sufferings. I know nagtitiis ka lang din naman na makasama ako kapalit ng pera." Nilapag niya ang baso sa lamesa at tumayo. "Just sign it, and we're both free," aniya at nagsimulang lumakad paalis.

Napaigtad ako. Inipon ko lahat ng lakas ng loob ko, pinalis ang mga luhang dumadaloy sa pisngi ko at nagsalita.

"Iyong nangyari sa atin?"

Napahinto siya. Nanlalabo ang mata kong tumingin sa kaniya.

"W-wala lang ba iyon?" 

Tumawa siya.

"Don't tell me," Nilingon niya ako, ang mga mata niya'y puno ng panunuya. "Iniisip mo bang may ibig sabihin iyon?"

He laughed again, each laugh was a dagger piercing my heart. Mas lalong nanlabo ang paningin ko.

"It's nothing, but a pure lust..." He stopped a bit and continued with a serious tone, "pinagsisisihan ko iyon." 

Parang sirang plakang nagpaulit-ulit sa isip ko ang sinabi niya. 

A pure lust. 

Is it just a pure lust?

Sa lahat ng sinabi niya ay iyon ang pinakamasakit. Nagpatuloy na siya sa paglakad. Mabilis kong tinakpan ang aking bibig upang pigilan ang paghikbi. Parang gripong sunod-sunod na umagos ang luha mula sa aking mga mata. 

That was one of the most unforgettable memories that I will cherish yet... he was regretting it.

Napahawak ako sa tiyan ko.

I'm sorry, baby...Mukhang hindi na kita maipapakilala sa ama mo. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • After Divorce: Escaping With My Ex-Husband's Daughter    Kabanata 32

    Kagaya ng sinabi ni Arrex, nakatanggap ako ng email mula sa sekretarya niya patungkol sa schedule ng magaganap na meeting. For four three executive days, naging abala ako pagdalo sa mga meetings na pina-reschedule ko. Naging 'meeting sa umaga, paghahanda at pagplaplano naman sa gabi' ang naging routine ko. Bukod kasi sa joint venture na plano ko with the Lyverigo chain, abala rin ang utak ko sa mga bagong proyekto para sa Solarez chain. Balak kong mag launch ng isang eco-friendly program sa lahat ng branches. To become an efficient CEO, I work harder, mas lalo pa kaysa mga nagdaang araw. Kasama sa paghahanda ko para sa presentation sa board ng Lyverigo chain of hotels ang masusing pag-review sa operational reports ng Solarez chain. At unti-unti, ramdam ko na nagagamay ko na ang trabaho at ang bawat detalye ng negosyo.Unlike Arrex and his board members, na haharapin ko, baguhan pa ako sa industriya na ito. Kaya nilunod ko talaga ang sarili ko sa paghahanda, pero sinigurado kong mapa

  • After Divorce: Escaping With My Ex-Husband's Daughter    Kabanata 31

    Hanggang sa byahe namin ni Matthew pauwi ay sakop pa rin ni Arrex ang pag-iisip ko. Umuulan pa rin, at habang pinagmamasdan ko ang bawat patak ng ulan na nagmamadaling dumulas sa bintana, hindi ko maiwasang balik-balikan ang nangyari kagabi at kanina.How he ran to the elevator, chest heaving like he’d sprinted a marathon, the way his hands gripped the panel with such tension. How he had held me… that was the first time he held me like I'm a fragile porcelain he scared to break. At kanina, habang kausap ko si Matthew sa phone, parang gusto niya ng agawin ang phone sa akin. At kulang na lang din ay magliyab ako sa tindi ng pagkakatitig niya sa akin. Is he… jealous? I immidiately shook my head, scolding myself.No. Stop it, Kleer. Bakit siya magseselos, e, hindi ka naman niya mahal! He doesn’t feel anything for you. Imposible ‘yon!And yet, kahit pinipilit kong balewalain, a small, stupid voice inside me nags, could it be… something more? No! He doesn’t… he wouldn’t… care like that

  • After Divorce: Escaping With My Ex-Husband's Daughter    Kabanata 30

    Mabigat ang talukap ng mga mata ko habang unti-unting bumabalik ang malay ko. Una kong naramdaman ay ang lamig ng hangin sa balat ko at ang lambot ng kama sa ilalim ko. Hindi pamilyar ang pakiramdam na 'to kaya kaagad akong napabalikwas ng tayo. Sh*t! Where am I? The room wasn’t mine. It wasn't familiar either. Shadows played along the walls, soft light filtering through heavy curtains, at sa bawat hinga ko, amoy ng sariwang bulaklak na humahalo sa faint scent ng polished wood ang naamoy ko. Hindi ito mukhang kwarto ng pangkaraniwang bahay. It looked like a presidential suite in a luxurious hotel. I froze, fingers fumbling at my chest… and then realization hit. Robe... I am only wearing a robe! Wala akong maalalang nagpalit ako nito at hindi ko matandaan kung paano ako nakapasok dito. Parang kuryenteng gumapang ang panic sa buong sistema ko. I pressed my hand to my temple, desperately trying to gather the pieces of last night. Para akong nalasing na ngayon lang nahimasmasan. A

  • After Divorce: Escaping With My Ex-Husband's Daughter    Kabanata 29

    For a split second, akala ko guni-guni ko lang. Parang multo lang siya na lumitaw sa gitna ng bangungot ko. Dahil sa lahat ng tao, siya ang huling aasahan kong makita roon. But no—he was there. Real. His broad frame filled the doorway, the dim light catching the sharp angles of his face. His eyes narrowed the moment they landed on me, then his lips curled in frustration.“D*mn it, Kleer,” he muttered under his breath, voice rough, parang pinipigilan ang mas malakas pang mura.I didn’t know if it was anger, exhaustion, or something else buried beneath his tone, pero ramdam ko ang tensyon. He stepped inside, shoulders stiff, his gaze heavy on me, at kasabay no’n, unti-unting nagsara ang pinto, sealing us inside the cramped metal box.My chest constricted. Hindi ako makapagsalita. Ang takot at panic ko ay napalitan ng gulat dahil sa kaniya. Mas rumahas pa lalo ang tibok ng puso ko pero hindi ko na alam kung dahil pa ba 'yon sa trauma ko o dahil na sa kaniya. Every thud echoed painfully

  • After Divorce: Escaping With My Ex-Husband's Daughter    Kabanata 28

    Sandali akong naestatwa sa aking kinatatayuan. Ronnilaine.It slipped from his lips so effortlessly, yet it struck me like a thousand needles. Siya lang ang tumatawag sa akin sa pangalang 'yon. No one else. Everyone calls me Kleer. Everyone… except him.And this was only the second time I’d ever heard him say my second name. The first was that night. The night something happened between us—something I swore I’d lock away in the darkest corners of my memory. A night I could never erase, no matter how hard I tried. A night where Rovie was conceived... A night he claimed he regretted.I bit my lower lip, tasting the faint metallic tang where my teeth pressed too hard. Parang sinadya niyang sambitin ang pangalan para ipaalala kung gaano niya akong kayang wasakin sa pinakamadali at pinakamasakit na paraan. Every syllable sounded like mockery, like he was spitting out a piece of my soul I once gave him, only to crush it right in front of me.Ramdam na ramdam ko na ang luha ko, kaonti na lan

  • After Divorce: Escaping With My Ex-Husband's Daughter    Kabanata 27

    Halos hindi ako makahinga sa bigat ng tanong niya. Napalunok ako, pilit na pinipigilan ang kaba sa dibdib ko."I adjusted the time already but you're still late? Gano'n ba talaga kahalaga sa'yo ang love life mo para ma-late ng almost 40 minutes?" may bahid na panunuya at panghuhusgang aniya.I gasped.Bakit ba iniisip niya na love life ang pinagkakaabalahan ko? For pete's sake, it's her daughter! Sabagay wala nga pala siyang alam. I silently calmed myself. Hindi ako pwedeng makipagtalo sa kaniya. Useless din naman. I set aside my frustrations. Kailangan kong tapusin na agad itong meeting nang makauwi na ako kay Rovie.Observing his looks, masasabi kong medyo tinamaan na siya ng alak.Hindi ito ang unang pagkakataon na nakita ko siyang ganito. Noon pa man, mabilis na siyang malasing. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit siya uminom gayong may meetin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status