Share

Chapter 05

Auteur: Yurikendo
last update Dernière mise à jour: 2025-07-28 18:25:36

Hindi na tinatanan ni Jasper ang dating asawa matapos nitong malaman na sa lumipas na anim na buwan na akala niyang nawawala ito o naging miserable ang buhay ay kabaliktaran pala ang nangyari.

Nang hindi pa niya nalaman ang tungkol sa bagong kuwento nito ay labis ang kagustuhan niya na makita si Czarina punong-puno siya ng guiltiness na ngayon ay biglang naglaho.

'Naging masaya pala siya no'ng panahong halos mabaliw ako sa kakaisip kung papaanong hihingi ng tawad sa kaniya.'

Sinundan ni Jasper si Czarina hanggang sa nakarating ito sa parking lot. Lango na sa alak si Jasper ngunit kahit papaano'y alam niya pa ang tinatahak na daan. Kahit na may panlalabo sa paningin ay kabisadong-kabisado niya ang hubog ng katawan ng dating asawa. At kasabay ng kagustuhan na makaharap ito'y naroon din ang kakaibang init na nadama ng muling makita ito.

'Czarina.' sigaw ng kaniyang isipan.

Suot ang matingkad na kulang pulang tube dress ay walang pag-aalinlangan na tinahak mag-isa ni Czarina ang patungo sa kaniyang sasakyan. Iniutos niya sa mga bodyguards na mauna na sa isang sasakyan kahit na todo ang pagpupumilit ng mga ito na eskortan siya.

Nakiusap din siya sa kanila na hayaan siyang magmaneho ngayon lang, habang hindi niya kasama ang asawang si Alexander. Tinuruan siya magmaneho ng asawa ngunit hindi naman hinahayaan na magdrive mag-isa.

Kinuha niya ang car keys sa mamahaling itim na Chanel bag, ilang dipa na lang din ay malapit na siya sa kaniyang black Sweden.

"Czarina!"

Nabitiwan ni Czarina ang hawak na susi, hindi lamang iyon sa labis na pagkagulat ngunit dahil na rin sa malakas na puwersang nanggaling sa lalaking nabungaran niya paglingon sa likuran.

Inasahan niyang makikita ang dating asawa sa event dahil iyon naman ang plano niya talaga, ang ibalita sa mga Clarkson na buhay siya't nagbabalik upang maningil sa ginawa sa kaniya. Ngunit ang hindi niya napaghandaan ay ang dahas na dala nito ngayon.

Naging napakahigpit ng kabig ni Jasper kay Czarina, na sa sobrang puwersang ginamit niya ay nagkaron ng namumulang paikot na marka sa kaniyang palapulsuhan si Czarina.

"Ano'ng problema mo?" tanong nito habang hinihilot ang kaniyang kamay.

"Ikaw! Ikaw ang problema ko. Nagpakasal ka

kaagad matapos nating mag-divorce, huh?" Pagbulyaw ni Jasper.

Pumapasok na ang tama ng alak sa ulo nito, nakalimutan na niyang dapat ay sa sikmura niya 'yon idineretso.

"Ano ba, nasasaktan ako!"

Hindi nakapalag pang muli si Czarina ng hilahin na naman ni Jasper ang kaniyang kamay, mas malakas iyon kumpara no'ng una kaya naman nilakas niya rin ang pagpiglas.

'Mukhang masyado akong naging kampante sa plano ko, nakalimutan kong kapag nalalasing siya'y bigla siyang nagiging ibang tao, halimaw kung pupuntuhin 'yon.'

"Talagang masasaktan ka sa 'kin, Czarina. Pagkatapos kong mabaliw kakaisip kung papaano mo 'ko papatawarin ay ito ang ginawa mo? Nagpakasal ka sa iba? Huh!" Singhal nito. "O baka naman kasi una pa lang ay ito na ang balak mo at hinintay mo lang na ako ang magtaboy sa 'yo?"

Naikot na lang ni Czarina ang mga mata niya sa ibinintang ni Jasper. "Ang kapal mo rin talaga no? At ako pa ang binabaliktad mo ngayon?"

"Bakit? Hindi ba totoo, huh?"

Ngali-ngali na si Czarina na tampalan ng sampal ang lalaki kung hindi lang nito hawak ang braso niya. "Puwede ba, ipapaalala ko lang sa 'yo Jasper , nakipaghiwalay ka sa akin. Divorce na tayo legally so ano'ng ipinuputok ng butsi mo ha? Wala sa usapan na hindi ako puwedeng mag-asawa ulit. At pangalawa, 'wag mong ibunton sa akin ang kasalanang ginawa mo."

"G*d damn it! Shut up!"

"Ikaw ang mag-shut up diyan, lubayan mo 'ko Jasper. At bitiwan mo rin ako kung ayaw mong tumawag ako ng pulis." Pagbabanta niya rito.

Nagpalinga-linga si Czarina, nagbabakasali na mahagilap ang kaniyang bodyguards. Saka niya naalala na sa kabilang gawi ng parking nakapuwesto ng isang kotse nila na kinasasakyan ng mga ito.

"Aray ko Jasper!"

Wala na sa kaniyang matinong pag-iisip si Jasper, ang tanging gusto niya ngayon ay kaladkariin si Czarina't i-uwi sa bahay nila. At ang balak niya'y ikulong ito sa silid at doon na magtagal.

Dahil sa lakas ng lalaki ay nagawa niyang puksain ang katinagan ni Czarina. Para na silang mga bata na naghihilahan sa gitna ng kalsada. Subalit ang presensiya ng nakasaksing si Joana ang pumutol sa nangyayaring karahasan sa pagitang ng mga ito. Kaagad na hinila ng babae si Jasper mula kay Czarina. Pagalit pa nga nitong inalis ang kamay ni Jasper sa braso nito kahit na mahirap.

"What are you doing? Hindi na kayo mag-asawa pa."

Nangunot na lang ang noo ni Czarina sa pagdating ng kabit ng kaniyang dating asawa. Hindi lang ito malandi sa kaniyang mga mata, eskandalosa pa. Nang-aagaw na naman ng spotlight ng iba.

"Wow! At nandito ka rin?" Tapon ni Czarina ng sarkastikong tanong rito.

"Can't you see? Don't tell me na bulag ka lang talaga?" MAtawa-tawang sagot naman ni Joana.

"Kung bulag ako 'di sana hindi ko pinaubaya ang dati kong asawa sa 'you. Hindi mo alam na nakita ko kasi kung gaano siya ka walang kwenta?" Napa-igik na turan nito. "At sa 'yo naman, kitang-kita ko kung gaano ka ka-desperada na pumulot ng kahit na ano'ng kalat ko, kaya ayan, pinaubaya ko na sa 'yo ang prolema ko."

Pasensiya na lang para sa babaeng biglang sumulpot sa picture frame, walang balak si Czarina sa kaniya.

"How dare you!"

Ang akmang pag-ambang ni Joana kay Czarina ay hindi natuloy nang pumagitna si Jasper upang pigilan 'yon. Ibinalandra niya ang katawan upang protektahan ang dating asawa. SA kaniya'y heroic na iyon ngunit hindi para sa babaeng kaniyang sinaktan. Walang naramdaman na kung ano'ng bugso ng damdamin ang babae, balewala sa kaniya ang kahit na ano mang gawing effort ni Jasper.

"Jasper, ano ba, umalis ka riyan. Tuturuan ko ng leksyon ang babaeng 'yan." Pagsisigaw ni JOana na siyang nakapukaw sa pansin ng ibang bisitang napagawi sa parking area.

"Stop, Joana. I said stop it!" Pagiging pananggalang ni Jasper sa sarili niya.

"No, let me! I'll gonna her pay for her rudeness. Kakalbuhin ko ang babaeng 'yan." Dugtong pa nito.

Kung titignan sa malayuan ay mukhang sina Joana at jasper ang may problema, si Czarina kasi'y prente lang ang pagkakatayo sa harapan nila. Nabubundol-bundol man siya ng mga ito'y deadma lang. Naka-cross pa nga ang mga braso niya sa isa't-isa, nangingiti na lang sa ka-oa-han na ginagawa ng mga taong kinaiinisan niya.

"Mrs. Ford? Ano'ng nangyayari rito?"

Napalingon si Czarina, sa wakas ay dumating din ang dalawa sa kaniyang mga bodyguards. Parehas na naka-casual wear ang mga to na may pa-mysterious type. Para silang 'yong mga bida sa isang movie na puros nakasuot ng itim na suit.

"Wala naman masyadong problema, maliban lang sa dalawang ito na mukhang may lovers quarell, pagkatapos ay napagkamalan pa akong nakikisawsaw sa relasyon nila." Paggawa ng kwento ni Czarina, joke lang naman 'yon sa kaniya't inakala niya na mage-gets ng mga ito ngunit hindi pala.

Nang dahil kasi sa sinabi niya'y lumala pa ang sitwasyon at nakarating pa sa asawa niya. Agad na iniradyo ni Esteban, 'yong isang bodyguard, sa kapwa nito bodyguard na siya naman nasa tabi ng asawang si Alexander na nasa ibang event naman dumalo.

"Ba't mo pa sinabi?" Iritadong tanong ni Czarina rito.

"Kailangan po, Ma'am. It's a protocol."

Hindi na lang sumagot pa si Czarina dahil alam naman niyang Wala siyang laban sa mga 'protocols' and rules ng kaniyang asawa eh. Ini-abot na nga lang niya kay ESteban ang susi ng kotse't sinenyasan ito na magdrive ng kaniyang sasakyan.

Samantala, napansin na nga ni Joana na aalis na ang babaeng kaniyang kinakalaban kaya naman nagpatianod na siya sa paghila ni Jasper sa kaniya. Sa puntong iyon ay tila ba nawala ang amats ng lalaki't mas narealized kung ano na ang kasunod na nagaganap sa harapan niya.

"Czarina, Let's talk." Nagawa ngang humabol ni Jasper sa may likuran nito, kinabig siya sa braso't nakiusap. Ngunit sa labis na attentiveness ng mga tauhan ni Czarina't hindi umabot ng isang minuto ang pagkakalapat ng ugatan nitong palad sa malambot na balat ng babae.

Isang malakas na tulak ang nagawa ni Kiko, ang ikalawa sa dumating na bodyguard ni Czarina, kay Jasper.

"Czarina, please, give me a minute please?"

"Huh?" Salubong ang Kilay na pagkakatanong niya sa sarili. Never nagmakaawa si Jasper sa kaniya kahit noong magkasama pa sila.

"Please, Czarina, I beg you."

"Ano ba, Jas! Lasing ka na, ano't nagmamakaawa ka sa isang 'yan? She's not even worth it!" Ani Joana na irritable na rin sa inaasal ng lalaking kalaguyo niya.

Na-i-ikot na naman ni Czarina ang itim sa kaniyang mga mata sa narinig mula sa babae. At talagang pinapanindigan nito ang pagiging sabit ni JAsper.

"At sino ang tinutukoy mo na hindi worth it ha? Ako ba? Nakakahiya naman sa 'yo kung gano'n o, kumusta naman ang worth mo?" Umandar ang mapagpatol mode ni Czarina, mukhang maipagkakalat niya pa ang kapintasan nito ngayon.

"Ano--"

"Hep! Hindi pa 'ko tapos magsalita." Ini-abot ni Czarina ang pouch sa kaniyang bodyguard, naglakad siya ng dahan-dahan papalapit sa babae. Nang-aasar ang mga mata nito, pinagsasadan ng tingin si Joana mula ulo hanggang paa.

Maganda rin naman ito sa kanilang puting dress na mayroong mga kumikinang-kinang na sequins ngunit hindi naman maitatago ng eleganteng kasuotan na iyon ang kaitiman ng pagkatao niya.

"Worth it ka nga naman pala sa kama ano? Soryy nakalimutan ko, kaya nga nakuha mo ang kiliti ng dati kong asawa eh. Pero 'wag kang mag-alala wala naman na akong sama ng loob sa 'yo sa nagawa mo. Actually, magpapasalamat pa nga ako sa 'yo.," ani Czarina.

Matapos bigyan ng nakakalokong ngiti ang kausap kay Jasper naman siya tumungin. "Salamat dahil Ikaw Ang naging daan sa divorce namin, dahil kung hindi ay tiyak na mas miserable ang buhay ko ngayon."

Sinadya niyang tumingin sa asawa nang sabihin ang mga katagang iyon upang mas madama nito kung ano ang naging mabuting impact niyon sa kaniya.

Umasin naman ng mukha ni Jasper ng marinig iyon, tinamaan siya ng katotohanan sa kaniyang nagawa.

"I hope both of you are happy with each other, more years to come to your relationship with him." Kay Joana na ulit siya nakabaling. Ngiting ngiti siya ng magtama ang kanilang mga mata. Nagawa pa ngang hawiin ni Czarina ang konting hibla ng buhok ng babae na nawala sa pagkakaipit sa may tainga nito. Na siya namang hindi nagustuhan ni Joana at tinapik ang kamay niya palayo. "Hmp. Bagay kasi kayo eh... Parehas kayong basura."

At isang malutong na pagtawa ang ibinigay niya para sa dalawang ahas na kasama niya.

Labis ang pagkairita ni Joana sa pinagsasabi sa kaniya ni Czarina, hanggang sa puntong yon ay hindi niya matanggap kung bakit parang naisahan na naman siya nito.

Habang patuloy sa kaniyang pagtawa si Czarina ay naging hudyat naman iyon upang sugurin siya ni Joana. Iniambang nito ang kamay upang maidapo sa kahit saang parte ng katawan ni Czarina, makaganti lang siya. Ngunit mas naging mabilis ang reflexes ng mga bodyguards na nakantabay lang sa likuran. Agad na naprotektahan nito ang amo, saka hainarap si Joana.

Hindi na inaksaya pa ni Czarina ang oras para sa mga taong alam niyang walang maia-ambag ng maayos sa buhay niya. Kaya ng makuha ang tyemp ay dumiretso na siya sa kotse, sumunod na lang ang kaniyang mga kasama. Hindi na niya nilingon pa ang dalawa, ipinilig niya na lang ang ulo't ipinikit ang mga mata.

'Tapos na ang kawawang era ko, Isa na 'kong Ford. At bilang isa sa kasapi ng respetadong pamilya ay dapat na rin nila akong respetuhin.' sa isip niya.

'At sisiguraduhin kong magagamit ko ang lahat ng perks ng pagiging isang Ford. Paluluhurin ko silang lahat sa harapan ko.'

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Latest chapter

  • After Divorce, I became Mr. Ford's Substitute Bride   Chapter 12

    "What the h*ck are you talking about, Jasper?" Kunot ang noo na pagpiga ni Joana ng sagot mula sa akin. Matapos nang harapan namin ng Ex-wife ko at ng bago niyang asawa ay muli akong bumalik kay Joana. She was frustrated to my actions a while ago. Ang sabi pa niya'y nagalit ang dad niya, and threatened me about no getting any investments to my Company. And who cares?Ang mas iniisip ko ngayon ay kung papaanong muling makuha ang loob ng dati kong asawa. Naging masama ako sa kaniya way back then, but I realized my mistakes now. Willing ako na ibigay lahat para lang makakuha ng second chance sa kaniya, kahit pa may asawa na siya. Alam ko sa sarili kong mas malakas ang tsansa ko kay Czarina, Kilala ko siya at gano'n rin siya sa akin. Tulad ng sabi ko kanina, susugal ako kahit gaano pa kabigat."Hey! Jasper, are you even listening to me?" Nakasalikop ang kaniyang mga braso sa may harapan niya. Hindi maipinta ang mukha't magkasalubong ang mga kilay. She shrugged. "Ano pang ginawa sa'yo

  • After Divorce, I became Mr. Ford's Substitute Bride   Chapter 11

    "Anong pakulo mo naman ngayon 'to, Jasper?" Napatagsik na lang ako sa drama na ginawa niya kanina. What the h*ck, he just dumped Joana in front of me, samantalang noon ay halos sambahin niya ito't tinakwil ako."Wala, ginawa ko lang kung ano ang gusto kong gawin," anito."Wow! Napakabago naman ata niyan para sa 'yo. Kailan mo ba hindi ginawa ang gusto mo?" Sa totoo lang ay gusto kong matawa sa sinabi niya ngayon. "Alam kong ang impression na 'yan ang isa sa hindi mo malilimutan tungkol sa akin, but listen Czarina, I'm serious I am making it up to you. Sabihin mo lang kung ano ang gusto mo o 'di kaya'y puwede kong gawin para lang mabago ang isipan mo. Dumped him, then let get back together." Kinuha pa nitong muli ang kamay ko, pinisil iyon na para bang pagmamay-ari niya pa rin ako ngayon. Pero dahil nasa tamang katinuan pa naman ako ay agad ko 'yong hinila, umusod ako ng bahagya sa likuran papalayo sa kaniya.Mukhang na-sense ni Esteban na iba ang kinikiloss ni Jasper, kaya ng mak

  • After Divorce, I became Mr. Ford's Substitute Bride   Chapter 10

    Jasper's POVI was out in the day, no work, and what I have is a time for myself. I find my peace in front of my childbirth's little grave, which my ex-wife made to recognize her existence. I bring white lilies, a bunch of them, make a little prayer and talked to her as if she can hear me. I really felt sorry for what I did that lead to our lose, and her too. I'm a dumb as* with no life, irresponsible and easy going man.And I am sorry for you little one. I hope to see you, maybe in our next life. Nakaupo lang ako sa tabi niya, ang aking mga braso'y nakapatong sa tuhod kong nakasalikop rin paturo sa kulay asul na kalangitan. Walang ibang tao sa sementeryo ngayon, maaliwalas rin ang panahon kaya medyo magaan sa pakiramdam.Bigla akong nagkaroon ng oras sa pagmuni-muni, siguro'y dala ng patong-patong na guilt ang nadarama ko ngayon. . . lalo na sa aking dating asawa."I'll make sure to put the things to right places, baby. At una kong gagawin ay ang tungkol sa mommy mo. Pero mukhang

  • After Divorce, I became Mr. Ford's Substitute Bride   Chapter 09

    "Oh, my Gosh! It's nice to see you here Czarina."Kahit na nakatalikod si Czarina sa may-ari ng boses na nakakilala sa kaniya ng mga oras na iyon ay nalaman niya agad kung sino 'yon. Busy siya sa pagtitingin-tingin sa Clothes section nang bigla na lang itong sumulpot. At ang babaeng iyon ang pinakahuling tao na gugustuhin niyang makasalamuha sa araw na ito, o kahit kailan pa.Hindi niya binigyang pansin ang babae, ipinagpatuloy niya ang ginagawa na para bang siya lang ang tao na naroroon."Hey! Am I not talking to you?" Isang puwersadong paghila naman ang ginawa ng naturang babae kay Czarina, wala itong pakialam kung masaktan man ang kausap.Napa-smirk na lang si Czarina sa attitude nito, sa inis ay binigyan niya ng maarteng pag-irap ang babae at saka tinanong kung ano ang kaniyang problema."Well, I don't have any problem at all, eh ikaw ba?" Turan nito kasabay ang pagsasad ng tingin nito kay Czarina mula ulo hanggang paa."Ano bang kailangan mo." Hindi na kayang tiisin pa ni Czarina

  • After Divorce, I became Mr. Ford's Substitute Bride   Chapter 08

    "Nabasa ko na po ang tungkol sa Sagrado Holdings, Miss. Mayroon silang hawak na twenty Companies. Mayroon sa Insurance, Tech Innovation, Global Investments, Finance, Real Estate and more. Isa sila sa malaking INc., sa bansa." Isinasalaysay ni Miranda Rico, ang personal na advicer ni Czarina ang tungkol sa Bussiness Company na gusto nitong pasukin bilang shareholder."Maganda, 'di ba?" Tanong niya, nasa bahay lamang sila nagkita ng advicer. Dahil Wala naman siyang sariling Kumpaniya at pang-Individual purpose lang naman ang ginagawa niya ay kahit saan sila puwedeng magtagpo ng advicer. "Yes, Miss, and as I heard ay balak nilang pumasok sa Enterprising na hindi pa nila nasusubakan kahit na kailan.Nahinto ni Czarina ang paghigop sa kaniyang Iced Coffee ng marinig ang salitang Enterprise, may bigla siyang naalala sa salitang iyon. "Do you think it's worth it to be part of them?"Tumango-tango ang babaeng kausap niya. "There is a seventy-five percent positiveness, Miss."Pinag-isipan m

  • After Divorce, I became Mr. Ford's Substitute Bride   Chapter 7

    "Hi love, good morning," masayang pagbati ni Czarina sa asawa. Mabilis niya itong ginawaran ng halik bago naupo sa silya't humarap sa hapag-kainan. Hindi gumanti ng halik si Alexander, ang maaliwalas at nakangiti nitong mga mata ang siyang sumagot sa masayang bungad sa kaniya ng asawa. "Wow, omelet ulit love? With cheese on top, hindi ka nagsasawa diyan ah," puna pa ni Czarina. Siya naman ay bacon ang pinili sa nakalatag sa lamesa na may kasamang slice ng tinapay."Alam mo na kung bakit," sagot ni Alexander habang nag-i-slice ang kaniyang omelet. Nakasilay ito sa asawa habang ginagawa 'yon, hindi niya kayang hindi tumingin sa asawa sa tuwing kausap ito."Yeah, nakuwento mo na nga kung bakit," anito na may pagtaas taas opa ng kilay niya. Nakangiti lang din si Alexander sa ginawang gesture ng asawa, masyadong cute ang babae sa kaniyang mga mata. "Pero alam mo love, naiinis ako kapag naiisip ko ang tungkol sa babae sa kuwento mo. Aywan ko ba kung bakit pero hindi ako natutuwa." Ibina

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status