Share

Chapter 06

Auteur: Yurikendo
last update Dernière mise à jour: 2025-07-28 18:25:58

Isang makisig at matipunong bulto ng lalaki ang sumalubong kay Czarina pagkarating ng Mansiyon na pagmamay-ari ng mga Ford.

Anim na buwan ang nakalipas ng una syang makatuntong sa napakalaking residensiyang iyon. Mas malaki pa sa tirahan ng mga Clarkson ang bahay na kaniyang nilipatan.

Hindi pa man nakaabot si Czarina sa ika-sampung baitang ng hagdan papanhik sa entrada ng Mansiyon ay lumapit na sa kaniyang ang guwapong asawa.

Poker faced ito, nakapamulsa ang kaniyang mga kamay at mamasa-masa ang makapal nitong buhok. Nakatitig ang mga mata nito sa paparating na si Czarina, at pagkuwa'y napa-angat ang kabilang dulo ng labi nito.

"What happened?" Bungad ni Alexander Ford, ang ikalawa sa tatlong magkakapatid, at siyang may mas pribadong buhay sa kanila.

Umiling-iling si Czarina, "Wala ah."

Hindi ito umimik ngunit tumalim ang pagkakatitig sa kaniya na siya namang na-gets niya agad. Kahit na nakakunot ang noo nito'y napaka-amo parin ng mukha ni Alexander. Paano'y hindi naman purong Pinoy ito, ang Ina ang Pilipina at ang ama ay isang Canadian.

"Fine. Nakakainis kasi tong si Esteban eh." May pag-ikot pa ng kanyang mata si Czarina.

"So, it's true."

Tiningala ng kaunti si Alex saka tumango-tango. Kahit naman kasi magsinungaling siya'y hindi naman siya makalusot dito. Mas malala pa ang radar nito sa mga paparazzi eh.

"What do you want me to do?" Tanong nito na ikinalaki ng mga mata ni Czarina. Kapag gano'n kasi ang tanong ng asawa ay mayroong nangyayari na hindi maganda.

"Ha, Wala naman. Wala na 'yon, hindi na kailangang pagtuunan ng pansin. At saka wala naman nangyaring masama sa akin kasama ko sina Esteban at Kiko. Alam mo naman ang mga 'yon, hindi hahayaan na may nangyaring masama sa akin , eh." Pagpapliwanag ni Czarina sa asawa. Para pa siyang bata na kung makasagot ng Wala ay may pa-posture pa ng mga kamay na tila nagpupunas ng bintana.

Bumuntong-hininga si Alex. SA anim na buwan nilang pagsasama ay kabisado na rin niya si Czarina. Alam niya kung kailan ito nate-tense o 'di kaya ay nahihirapan sa isang sitwasyon. At ngayon ay ramdam niya na iniiwasan nito ang topic tungkol sa dati nitong asawa kaya naman agad din siyang tumaliama upang pakalmahin ito.

Isang mainit na yakap ang iginawad niya sa asawa, hinahagod nito ang likod ni Czarina't hinayaan siyang kumalma sa bisig niya. "Ayoko lang na bumaba na naman ang tingin mo sa sarili mo. You're like a very specail gem, na kung hindi nila nakikita ay mga bulag sila."

Nagsimulang naging passionate si Alexander sa asawa ng mas maintindihan nito ang pinagdaanan niya sa kamay ng dating asawa. Mas ginusto niya itong protektahan sa kahit na sino pang mangahas na manakit rito.

He is willing to sacrifice anything para sa babae.

"Naku po! Masyado mo na naman akong bine-baby eh, kaya naman labis na ang pamimihasa ko," ani Czarina na ninanamnam naman ang init nang katawan ng kaniyang asawa, Tila siya nakaunan sa bisig nito, isang pahingahan na bigay ng 'affection' ng kaniyang asawa ang nagpapawi sa kaniyang stress.

"Ayos lang, andito lang naman ako parati. Araw-araw mo 'kong makakasama, parati kong ipaparamdam sa 'yo kung paano ang maging masaya."

Bumitaw si Czarina sa pagkakayakap sa asawa't tiningala siya. "Nagiging makata ka na ha. Hindi ka na rin nabububol, infairness sa 'yo, love."

"Magaling kasi ang tutor ko," ani pa ni Alexander sabay ang paghaplos sa buhok ni Czarina.

Isang pagdutdot naman sa tungki ng kaniyang ilong ang matanggap ni Alexander sa kaniyang asawa. Kumikislap ang mga mata niya sa presensiya ng asawa, hanggang sa punto ng kaniyang buhay ngayon ay hindi niya pa rin lubos maisip na naging maayos ang pagsasama nila kahit na anim na buwan pa lang ang itinatagal ng kanilang relasyon bilang mag-asawa.

'HIndi mahirap na mahalin ang babaeng ito, simple lang siya na kayang pasayahin ng kahit na simpleng bulaklak lang. Kaya walang dahilan upang hindi mahulog ang loob ko sa kaniya.'

"Thank you love ha, kung wala ka ay aiguradong hindi ko alam kung ano ang gagawin."

Nginitian ni Alexander ang asawa, saka nito naisipang kunin nag pouch sa kamay nito't sinubukan kung kakasya sa bulsa niya.

"Hindi talaga kakasya 'yan diyan love, buti pa 'tong kamay ko, oo. Look."

Nakatingin na lang si Alexander rito, ipinasok nga nito ang kamay sa pants niya habang tatawa-tawa. Nagawang ilabas ni Czarina ang tunay na siya sa tuwing kasama niya ang lalaki.

"Opps! What is this?" Biglang nagbago ang ekspresyon sa mukha nito, tumingin ng masama kay Alexander na para bang mayroon itong magawang masama sa kaniya. Nasa loob pa rin ng pants ng lalaki ang kamay nito.

"What is what?" Salubong ang kilay na tanong ni Alex.

"You tell me, Zander! What is this on your pocket?"

Pansamantalang hindi gumana ng maayos ang isip ni Alexander, na stuck up siya sa pag-alam kung ano ang sinasabi ng asawa. Sabayan pa ng biglang pag-English nito sa kaniya na nangyayari lang kapag nagagalit ito sa kaniya.

"Hindi ko alam. Let me see, ano ba 'yan?" Nakasalikop ang kamao ni Czarina ng itaas ni Alex ang kamay nito mula sa bulsa, sinipat niyang mabuti iyon ngunit wala naman naging kakaiba.

"Here oh."

Pinigilan ni Alexander ang namumuong tawa sa bibig niya sa ibinungad sa kaniya ng asawa. Napanood niya na sa cellphone ang gano'ng pakulo na ginawa nito sa kamay niya, hindi lang niya in-expect na gagawin din nito ang gano'n.

Czarina just make a finger heart and he loves it.

"Silly," then he hugged her.

Tuwang-tuwa rin si Czarina na alam niyang sa simpleng ginawa niya'y napangiti niya ang asawa. Alam niyang nagagawa niya ang ipinangako sa sarili na suklian ang pagmamahal na ibinibigay sa kaniya ni Alexander.

"I love you," wika ni Alexander. Nang muling magtama ang kanilang mga mata'y hinaplos nito ang porselanang pisngi ng asawa, dumiretso iyon sa baba nito't dahan-dahang pinisil iyon.

"I love you, too." Ang sagot na iyon ni Czarina ang naging hudyat ng paglapat ng labi ni Alexander sa mapula at hindi kanipisang labi niya.

Isang mapanuyo at puno ng damdamin ang dala ng bawat pagkilos ng labi ni Alexander. Hindi na normal ang pagtibok ng kaniyang puso dala ng labis na kasiyahan. Sinasalo ang pagsagot ni Czarina sa kaniyang ginagawa. At sa bawat pagtama ng kanilang labi kasabay ang pagalaw ng kamay ng lalaki sa leeg ng asawa pababa sa beywang nito. Hinila niya ang katawan ni Czarina papalapit sa kaniya, ang pagkiskis ng kanilang balat ay mas nagdadagdag sa namumuong init sa kanilang kalamnan.

"Love, malamig na rito," bulong ni Czarina, bahagya pa niyang hinahabol ang hininga nang maputol ang kanilang ginagawa.

"Yeah," nihigpitan ni Alexander ang yakap sa asawa, napapikit ang mga mata nito, pinipigilan ang sarili sa puwede niyang magawa. Idinantay niya ang pisngi sa may ulo ng asawa, dahil mas mataas siya rito'y nagawa niyang itago ang emosyon sa kaniyang mukha.

"Let's go inside," sambit ni Alexander.

Ngunit ang pag-aaya na iyon ni Czarina ay upang mas magkaroon sila ng privacy ng asawa. Tulad sa lalaki ay gusto rin nitong makasama siya ngayong gabi.

Nang tatalikod na ang asawa ay agad na hinila ni Czarina ang kamay nito dahilan upang napatanong si Alxander kung ano ang problema.

Kagat naman ang kaniyang labi, medyo nag-aalangan na siya ang kumilos ay sinubukan magbigay ng senyales ni Czarina sa asawa ngunit hindi naman 'iyon basta naintindihan.

"Love?" Pagtawag ni Alex sa pananahimik nito. Kumunot ang noo nito, agad na nag-isip kung may nagawa ba siyang Mali.

Ngunit hindi na siya nakapagreact pa ng mabilis siyang sinunggaban ng asawa, kumalambitin ito sa kaniyang leeg at binibigyan siya ng agresibong halik.

At ang init na iyon ang mas lalong nagdarang kay Alexander, muli'y hinila niya sa beywang ang asawa't mahigpit ang yapos na inilapit ang katawan nito sa kaniya. Tumugon siya sa ginagawang kapusukan ng kaniyang asawa sa kniya, at wala siyang pakialam doon, walang pagka-turn off na nangyari dahil mahal niya si Czarina.

Unti-unting humakbang ang mga paa ng dalawa patungo sa pintuan, gabi na't tulog na rin ang mga kasambahay. Hindi nagbitaw ang mga labi nito sa isa't-isa, mas lalo pa iyong naging mapangahas dala ng bawat paghaplos nila sa katawan ng isa't-isa.

Haplos at halik na kanilang pinagsaluhan, na ang tanging saksi ay ang kadiliman.

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Latest chapter

  • After Divorce, I became Mr. Ford's Substitute Bride   Chapter 12

    "What the h*ck are you talking about, Jasper?" Kunot ang noo na pagpiga ni Joana ng sagot mula sa akin. Matapos nang harapan namin ng Ex-wife ko at ng bago niyang asawa ay muli akong bumalik kay Joana. She was frustrated to my actions a while ago. Ang sabi pa niya'y nagalit ang dad niya, and threatened me about no getting any investments to my Company. And who cares?Ang mas iniisip ko ngayon ay kung papaanong muling makuha ang loob ng dati kong asawa. Naging masama ako sa kaniya way back then, but I realized my mistakes now. Willing ako na ibigay lahat para lang makakuha ng second chance sa kaniya, kahit pa may asawa na siya. Alam ko sa sarili kong mas malakas ang tsansa ko kay Czarina, Kilala ko siya at gano'n rin siya sa akin. Tulad ng sabi ko kanina, susugal ako kahit gaano pa kabigat."Hey! Jasper, are you even listening to me?" Nakasalikop ang kaniyang mga braso sa may harapan niya. Hindi maipinta ang mukha't magkasalubong ang mga kilay. She shrugged. "Ano pang ginawa sa'yo

  • After Divorce, I became Mr. Ford's Substitute Bride   Chapter 11

    "Anong pakulo mo naman ngayon 'to, Jasper?" Napatagsik na lang ako sa drama na ginawa niya kanina. What the h*ck, he just dumped Joana in front of me, samantalang noon ay halos sambahin niya ito't tinakwil ako."Wala, ginawa ko lang kung ano ang gusto kong gawin," anito."Wow! Napakabago naman ata niyan para sa 'yo. Kailan mo ba hindi ginawa ang gusto mo?" Sa totoo lang ay gusto kong matawa sa sinabi niya ngayon. "Alam kong ang impression na 'yan ang isa sa hindi mo malilimutan tungkol sa akin, but listen Czarina, I'm serious I am making it up to you. Sabihin mo lang kung ano ang gusto mo o 'di kaya'y puwede kong gawin para lang mabago ang isipan mo. Dumped him, then let get back together." Kinuha pa nitong muli ang kamay ko, pinisil iyon na para bang pagmamay-ari niya pa rin ako ngayon. Pero dahil nasa tamang katinuan pa naman ako ay agad ko 'yong hinila, umusod ako ng bahagya sa likuran papalayo sa kaniya.Mukhang na-sense ni Esteban na iba ang kinikiloss ni Jasper, kaya ng mak

  • After Divorce, I became Mr. Ford's Substitute Bride   Chapter 10

    Jasper's POVI was out in the day, no work, and what I have is a time for myself. I find my peace in front of my childbirth's little grave, which my ex-wife made to recognize her existence. I bring white lilies, a bunch of them, make a little prayer and talked to her as if she can hear me. I really felt sorry for what I did that lead to our lose, and her too. I'm a dumb as* with no life, irresponsible and easy going man.And I am sorry for you little one. I hope to see you, maybe in our next life. Nakaupo lang ako sa tabi niya, ang aking mga braso'y nakapatong sa tuhod kong nakasalikop rin paturo sa kulay asul na kalangitan. Walang ibang tao sa sementeryo ngayon, maaliwalas rin ang panahon kaya medyo magaan sa pakiramdam.Bigla akong nagkaroon ng oras sa pagmuni-muni, siguro'y dala ng patong-patong na guilt ang nadarama ko ngayon. . . lalo na sa aking dating asawa."I'll make sure to put the things to right places, baby. At una kong gagawin ay ang tungkol sa mommy mo. Pero mukhang

  • After Divorce, I became Mr. Ford's Substitute Bride   Chapter 09

    "Oh, my Gosh! It's nice to see you here Czarina."Kahit na nakatalikod si Czarina sa may-ari ng boses na nakakilala sa kaniya ng mga oras na iyon ay nalaman niya agad kung sino 'yon. Busy siya sa pagtitingin-tingin sa Clothes section nang bigla na lang itong sumulpot. At ang babaeng iyon ang pinakahuling tao na gugustuhin niyang makasalamuha sa araw na ito, o kahit kailan pa.Hindi niya binigyang pansin ang babae, ipinagpatuloy niya ang ginagawa na para bang siya lang ang tao na naroroon."Hey! Am I not talking to you?" Isang puwersadong paghila naman ang ginawa ng naturang babae kay Czarina, wala itong pakialam kung masaktan man ang kausap.Napa-smirk na lang si Czarina sa attitude nito, sa inis ay binigyan niya ng maarteng pag-irap ang babae at saka tinanong kung ano ang kaniyang problema."Well, I don't have any problem at all, eh ikaw ba?" Turan nito kasabay ang pagsasad ng tingin nito kay Czarina mula ulo hanggang paa."Ano bang kailangan mo." Hindi na kayang tiisin pa ni Czarina

  • After Divorce, I became Mr. Ford's Substitute Bride   Chapter 08

    "Nabasa ko na po ang tungkol sa Sagrado Holdings, Miss. Mayroon silang hawak na twenty Companies. Mayroon sa Insurance, Tech Innovation, Global Investments, Finance, Real Estate and more. Isa sila sa malaking INc., sa bansa." Isinasalaysay ni Miranda Rico, ang personal na advicer ni Czarina ang tungkol sa Bussiness Company na gusto nitong pasukin bilang shareholder."Maganda, 'di ba?" Tanong niya, nasa bahay lamang sila nagkita ng advicer. Dahil Wala naman siyang sariling Kumpaniya at pang-Individual purpose lang naman ang ginagawa niya ay kahit saan sila puwedeng magtagpo ng advicer. "Yes, Miss, and as I heard ay balak nilang pumasok sa Enterprising na hindi pa nila nasusubakan kahit na kailan.Nahinto ni Czarina ang paghigop sa kaniyang Iced Coffee ng marinig ang salitang Enterprise, may bigla siyang naalala sa salitang iyon. "Do you think it's worth it to be part of them?"Tumango-tango ang babaeng kausap niya. "There is a seventy-five percent positiveness, Miss."Pinag-isipan m

  • After Divorce, I became Mr. Ford's Substitute Bride   Chapter 7

    "Hi love, good morning," masayang pagbati ni Czarina sa asawa. Mabilis niya itong ginawaran ng halik bago naupo sa silya't humarap sa hapag-kainan. Hindi gumanti ng halik si Alexander, ang maaliwalas at nakangiti nitong mga mata ang siyang sumagot sa masayang bungad sa kaniya ng asawa. "Wow, omelet ulit love? With cheese on top, hindi ka nagsasawa diyan ah," puna pa ni Czarina. Siya naman ay bacon ang pinili sa nakalatag sa lamesa na may kasamang slice ng tinapay."Alam mo na kung bakit," sagot ni Alexander habang nag-i-slice ang kaniyang omelet. Nakasilay ito sa asawa habang ginagawa 'yon, hindi niya kayang hindi tumingin sa asawa sa tuwing kausap ito."Yeah, nakuwento mo na nga kung bakit," anito na may pagtaas taas opa ng kilay niya. Nakangiti lang din si Alexander sa ginawang gesture ng asawa, masyadong cute ang babae sa kaniyang mga mata. "Pero alam mo love, naiinis ako kapag naiisip ko ang tungkol sa babae sa kuwento mo. Aywan ko ba kung bakit pero hindi ako natutuwa." Ibina

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status