LOGINAyaw sanang isama ni Elijah si Scarlett pero wala siyang magawa dahil request iyun ng chairman. Ayaw din sanang i-invite ni Hazel si Scarlett pero wala silang magawa sa desisyon ng chairman.
Nakangiting nilapitan ni Scarlett si Hazel saka nakipagbeso dito. Napipilitan namang ngumiti si Hazel at nakipagbeso kay Scarlett.
“Happy birthday mom, sana magustuhan mo ang regalo ko para sayo.” Saad ni Scarlett. Napapataas naman ang kilay ni Hazel.
“Regalo mo sa a
Hindi tumigil si Elijah sa pagsunod kay Scarlett. Nang makakuha na si Scarlett nang makakain niya ay naghanap na rin siya ng table na pwede niyang pwestuhan.“Hi, can I seat here?” nakangiting tanong ni Scarlett. Napatingin naman sa kaniya ang tatlong lalaki.“Oh, Hi pretty.” Wika ni Kenneth. Napatingin naman si Scarlett kay Jared na nasa table din. Napalunok siya. Hindi niya nakita na kasama si Jared sa lamesa. Halos lahat kasi ay puno na, may dalawang upuan pa kasing available sa pwesto nina Jared.“Of course, you can sit. Please have a sit.” Saad din ni Marcus. Bahagya na lang na ngumiti si Scarlett. Gusto niya sanang umatras pero nahihiya naman siya. Nananatili namang nasa likod ni Scarlett si Elijah.“Elijah, hanep ah. Hindi mo ba kasama si Camila?” tanong ni Kenneth sa kaniya. Napapalunok na lang si Elijah. Napatingin si Elijah sa uncle Jared niya. Hindi niya nakita ang mga ito dahil nakafocus lang siya kay Scarlett.“Kailangan ba kasama ko siya palagi?” sagot naman ni Elijah. N
Naggagayak na si Scarlett para sa pagpunta niya sa charity gala na pupuntahan niya. Naglagay lang siya ng light make-up sa mukha niya saka niya hinayaang nakalugay ang mahaba niyang buhok.Nang matapos siya sa pag-aayos sa sarili niya ay tumayo na siya saka niya tiningnan ang sarili sa human size niyang salamin. Wala rin siyang masyadong maraming alahas sa katawan niya kahit na isa siyang designers. Mas gusto pa rin niya ang kaunti lang ang suot niyang alahas.Kwintas at bracelet lang ang suot niya. Nang makontento na siya sa itsura niya ay lumabas na siya ng kwarto. Naabutan niya namang kumakain sa sala ang anak niya.“Mommy!” tawag sa kaniya ng anak niya. Napangiti naman si Scarlett saka siya naupo sa sofa para mapantayan ang anak niya.“Kumain ka ng marami. Huwag na rin masyadong magplay ngayon okay? Pagkatapos mo kumain magpahindag ka saglit tapos magpashower ka na kay ate Keanne, do you understand?” tumango naman kaagad si Lucien kaya bahagyang ginulo ni Scarlett ang buhok ng an
Hindi pumayag si Scarlett sa request ni Jared. Iniuwi niya na ang anak niya sa bahay nila. May handa naman sila sa bahay nila, ipinasyal niya lang ang anak niya para hindi ito maboring.Pagsapit ng alas dose ng gabi ay masaya silang dalawa na nagcelebrate ng christmass.“Merry christmass my baby.” Nakangiting saad ni Scarlett sa anak niya.“Merry christmass din sayo mommy. I love you so much po.” Malambing na sagot ni Lucien. Mahigpit na niyakap ni Scarlett ang anak niya saka ito hinalikan sa pisngi at noo. Kahit na dalawa lang silang magkasama sa buhay, masaya at kontento naman sila.Nang matapos silang kumain ng dinner ay nakatulog din kaagad si Lucien. Pinahiga na ito ni Scarlett sa kwarto nila. Habang mahimbing na natutulog si Lucien ay nakatitig si Scarlett sa anak niya.Napapabuntong hininga na lang siya. Nagsisimula na si Lucien na tanungin kung nasaan ang kaniyang ama. Hindi naman masabi ni Scarlett dahil hiwalay naman na sila ni Elijah. Hindi man naniniwala sa kaniya si Elija
Limang taon ang lumipas simula nang umalis ng Pilipinas si Scarlett. Limang taon kaagad ang lumipas. Hindi niya akalaing nalampasan niya ang hirap ng buhay ng mag-isa niya lang. Ngayon nakapag-ipon na siya ng sapat at nabuild niya na ang pangalan niya sa industriya, panahon na para bumalik siya ng Pilipinas.Scarlett returns as a Renowned Designer. Now a global luxury designer under a new brand name. Colder, elegant, unrecognizable.Napangiti si Scarlett nang maamoy niya na naman ang mainit na hangin ng Pilipinas. Inalis niya ang sunglass niya nang makapasok siya sa van. Kasama niya ang anak niyang busy na nakatingin sa paligid nila.“This place is so hot, mom.” Seryosong wika ni Lucien, ang apat na taong anak ni Scarlett.“Maninibago ka talaga sa klima ng bansang ‘to, anak. Magkaiba sila ng klima sa New York but don’t worry, may aircon ka naman.” Sagot ni Scarlett. Hindi naman sumagot ang anak niya dahil nasa labas pa rin ng bintana ang paningin nito.Dumiretso na sila sa bahay na na
Matamis na nakangiti si Scarlett sa napakarami nilang customers. Pinagkakaguluhan na naman ng mga ito ang new collection nila. Naunang nasold out ang mga jewelries ni Scarlett kaya tuwang tuwa na naman siya. Malaki na naman ang makukuha niya sa boss nila.“You’re truly exceptional, Scarlett. You remain our number one designer. Do you have plans to establish your own jewelry brand? I’m certain your success would be swift—your designs are already widely recognized.” Napapangiti naman si Scarlett sa sinabi ni Ellaine. Naalala niya ang kompanya ng mga magulang niya. Nag-iipon lang siya ng malaking pera para makapagsimula ulit. Babawiin niya ang kompanya na kinuha sa kaniya ng pinsan niya. Inasikaso pa rin ni Scarlett ang iba pang mga customers kahit na nauna nang naubos ang mga collection niya. Dissapointed naman ang ibang customers ng malaman nilang ubos na ang mga design ni Aurora. Wala silang nagawa kundi ang mamili na lang sa iba.“Good morning, ma’am. Please take your time and choos
Pinuntahan ni Camila si Hazel sa office nito para pag-usapan nila ang mga plano nila sa jewelry business nila.Salubong ang mga kilay ni Camila habang nakatingin sa laptop niya. Hanggang ngayon ay hindi nagrereply sa kaniya ang designer na gusto niyang makuha. Napabuntong hininga na lang siya ng makita niya na naman ang mga bagong labas na design nito.“May problema ba iha?” tanong ni Hazel ng marinig nito ang pagbuntong hininga niya.“Do you know Aurora, Tita? Yung designer na unti-unting umaangat at sumisikat na nasa New York? I want her. Gusto ko sana siyang kunin para maging designer ng jewelry business natin pero hindi siya nagrereply sa mga email ko. Dinoble ko na yung sahod niya pero wala pa rin. Hindi pa rin siya nagrereply.” Napapabuntong hininga na lang ulit si Camila.“Yeah, I know her. Marami pa naman diyan na pwede mong kunin at siguradong magagaling din. Kung ayaw niya, hindi siya kawalan. Akala mo naman kung sino ng sikat para hindi ka pansinin.”“Pero Tita, alam mo nam







