Itinago niya ang pregnancy test sa takot na baka may ibang makakita no’n. Pagkalabas niya sa CR, nagkasalubong niya ang kaniyang kapatid na si Cathy.
“Ate Marga, galit ka ba sa akin? Hindi mo naman ako sinisisi sa nangyari, ‘di ba? Hindi ko rin naman alam na magagawa nila ang bagay na ‘yon sa kompanya.”
Napasinghap si Marga. “Ang kompanya ay magbibigay ng punishment sa mga empleyadong nagkakamali. Hindi naman aabot sana sa ganoon kung nakinig ka lang at naging maingat sa ginagawa mo, Cathy.”
“Pupunta ka ba sa birthday ni Papa next week?” Pag-iiba ni Cathy ng topic. “Matagal ka ng hindi nakikita ni Papa. Gusto mo bang bumalik sa pamilya natin upang sabay natin ipagdiwang ang kaniyang kaarawan?”
Napahinto si Marga sa paglalakad at hinarap ang kaniyang kapatid. “Wala ako sa mood makipagbiruan sa ‘yo. Nasa tamang pag-iisip ka pa naman siguro, ‘di ba? Ipapaalala ko lang sa ‘yo na wala akong balak bumalik sa pamilyang sinasabi mo at ang araw na ‘yon ay hindi mabuti para sa akin at kay Mama.”
Biglang natigilan si Cathy. Kumuyom ang kaniyang mga kamao at namumula ang mukha sa galit. “Alam ko naman na ‘yon ang ikapitong araw ng pagkamatay ng ‘yong ina, pero hindi na mabubuhay ang taong patay. Matagal na siyang patay. Hindi ka pa rin pa nakapag-move on? Hindi mo pa rin ba matanggap ang pagkawala ng ‘yong ina?”
Pinigilan ni Marga ang sarili niyang sigawan ang kapatid lalo na’t napaka-insensitive nito pagdating sa yumaong niyang ina.
“Buhay pa si Papa, kailangan natin ipagdiwang ang kaarawan niya kesa alalahanin ang ‘yong ina na matagal ng namatay. Anyway, bakit ba ang laki-laki ng galit ninyo kay Papa?” Nagkibit-balikat si Caroline.
“Wala ako sa mood makipagbiruan sa ‘yo, Cathy. Kung nasa tamang pag-iisip ka pa, ipapaalala ko sa ‘yo na hindi naging mabuti ang araw na ‘yon sa akin, lalong-lalo na sa aking ina.”
Saglit na natigilan si Cathy dahil sa sinabi ng kaniyang kapatid. Namumula ang kaniyang mukha sa galit, na para bang sasabog na siya, pero Nanatili pa rin siyang kalmado. “Alam ko naman na ‘yon ang ikapitong araw ng pagkamatay ng ‘yong ina, pero hindi na mabubuhay ang patay, Ate Marga. Matagal ng wala ang ‘yong ina. Paiiralin mo pa rin ba ang galit na nararamdaman mo kesa ipagdiwang ang kaarawan ni Papa? Hindi ko sinisisi ang ‘yong ina kung bakit niya ako pinadala sa ibang probinsya dahil naging maayos naman ang buhay ko roon at naranasan ang pagkakaroon ng magandang edukasyon. Bakit ba ang laki-laki ng galit ninyo kay Papa?”
“Alam mo ang dahilan kung bakit ka pinadala sa ibang probinsiya, Cathy. Kahit ano pa ang gawin o marating mo sa buhay, mananatili ka pa ring anak sa labas ni Papa. Kayo ng ina mo ang dahilan kung bakit nagkaganoon ang buhay ni Mama.” Napabuga ng hangin si Marga. “Hindi ako manhid. Kahit ano pa ang gagawin o sasabihin mo ay hinding-hindi ko ipagdiriwang ang kaarawan ng taong nanakit kay Mama. Our father cheated on my mother. You are an illegitimate child, Cathy.”
Mabilis na namutla ang mukha ni Cathy. Biglang nanuyo ang kaniyang lalamunan. Nagsisimula na rin mangilid ang kaniyang luha sa mga mata niya. “Ate Marga…” gumaralgal na ang boses niya.
“Huwag kang iiyakan sa harapan ko, Cathy. Alam ko kung gaano ka kagaling magpanggap. Ang galing-galing mong magbalat-kayo.” Tinitigan niya ng ilang segundo si Cathy bago nagpatuloy, “Sa kompanya, magkatrabaho lang tayo parehong mga empleyado. Sana naman ay mas mag-focus ka sa tranaho mo kesa sa personal nating mga buhay, Secretary Santillan,” dagdag niya bago tinalikuran si Cathy.
Walang oras si Marga na makipaglokohan sa kapatid niyang anak sa labas. Mas gugustohin niya pa ang magbabad sa trabaho buong araw kesa makita ito.
Pagkatapos niyang kumain ng pananghalian ni Marga ay nagpaalam siyang liliban muna sa trabaho at palihim na nagpunta sa ospital dahil hindi niya na maintindihan ang kaniyang sarili. Pakiramdam niya ay parang matutumba na siya. Nahihilo na rin siya sa paulit-ulit na pagsusuka.
Pagdating niya sa ospital ay hindi niya aakalaing makikita niya roon ang kaniyang kapatid. Natalisod kasi si Cathy at kaagad na isinugod ni Brandon sa ospital nang sabihin nitong masakit ang paa.
Pinagkuskos ni Marga ang kaniyang mga kuko habang hinihintay ang resulta sa kaniyang check-up. Tumayo siya kaagad nang makita ang doktor na lumabas sa opisina at bitbit ang isang papel. ‘Yon na siguro ang resultang hinihintay niya.
Nakangiti ang doktor. “Congratulations, Miss Santillan. You are six weeks pregnant.”
Nanigas si Marga sa kinatatayuan niya habang nakatitig lang sa doktor. Bumaba ang paningin niya sa prenatal examination report. Napapikit siya at napahawak sa kaniyang tiyan. “B-Buntis ako…” mahinang sabi niya. Hindi niya maintindihan ang kaniyang nararamdaman. Mas nangibabaw pa rin ang takot sa kaniya na baka malaman ni Brandon ang tungkol sa kaniyang pagbubuntis.
“Hindi po ba kayo masaya?” tanong nang doktor nang mapansin ang pananahimik ni Marga.
“Hindi ako pwedeng mabuntis. Hindi niya tatanggapin ang bata.” Gusto niyang umiyak, pero kahit ano ang gawin niya ay walang lumalabas na luha sa mga mata niya. “Kailangan niyang mawala. Hindi siya pwedeng mabuhay…”
“Miss Santillan, hindi kakayanin ng katawan mo kung ipapalaglag mo ang batang nasa sinapupunan mo. Kapag nakunan ka, may posibilidad na mahihirapan ka ulit sa pagbubuntis. Kailangan mong pag-isipan ng mabuti ang iyong gagawing desisyon.”
Nang makalabas na sa ospital si Marga, hawak niya pa rin ang prenatal examination report. Napahinto siya nang makita si Brandon na tinutulongan si Cathy sa paglalakad. Napapikit siya nang sumagi sa isipan niya ang mga sinabi ng doktor. Delikado rin kung ipapalaglag niya ang bata dahil sobrang hina ng kaniyang katawan.
Pinagmasdan niya si Brandon. Nasa sinapupunan niya ang anak nito. Tatlong taon niya rin ‘tong hinintay. Labag man sa loob ni Brandon na mabuntis siya, araw-araw pa rin siyang nagbabasakali na baka ang bata ang magiging tulay upang itrato siya ng tama ni Brandon, pero huli na ang lahat. Hiwalay na sila ni Brandon bago pa dumating ang bata.
Biglang napaisip si Marga. Tatanggapin kaya ni Brandon ang kanilang anak kapag pinaalam niyang nagdadalang-tao siya ngayon? Mabilis nabura sa isipan niya ang tanong na ‘yon nang magtama ang mga mata nilang dalawa ni Cathy.
“Ate Marga… Manager Santillan,” sambit ni Cathy.
Napalingon si Brandon sa kaniya. Nakakunot ang noo, pakiramdam niya ay sinusundan silang dalawa ni Marga. “Ano ang ginagawa mo rito? Bakit ka narito?” malamig na tanong ni Brandon sa kaniya.
Mabilis niyang itinago ang prenatal examination report. “Nagpa-check-up kasi ilang araw na akong may lagnat.”
Matalim siyang tinitigan ni Brandon. Hindi ito naniniwala sa sagot ni Marga.
Uminit kaagad ang ulo ni Cathy nang mapansin ang malalim na pagtitig ni Brandon sa kaniyang kapatid. “Mr. Fowler and Manager Santillan, mukhang may pag-uusapan pa kayo. Muuna na lang akong bumalik sa kompanya.”
Sinulyapan ni Brandon si Cathy, hindi niya ito pinilit na manatili. “Ipapahatid na lang kita.”
Mabilis na tumango si Cathy.
Habang may tinatawagan si Brandon, Marga crumpled the prenatal examination report into a ball at mabilis na inilagay sa loob ng kaniyang bag.
“Sabay na tayong bumalik sa opisina,” malamig na saad ni Brandon bago siya pinagbuksan ng pintuan ng kotse.
Nang nasa loob na silang dalawa sa kotse, hindi maalis ni Brandon ang kaniyang atensiyon kay Marga. Tinitigan niya ito ng maigi na para bang pinag-aaralan ang bawat galaw ni Marga.
“Kinakabahan ka ba?” Binuhay ni Brandon ang makina ng sasakyan. “Kung palagi kang ganito sa tuwing kausap mo ako, iisipin ko talaga na buntis ka, Marga.”
Napalunok ng maraming beses si Marga. Mas lalo lang siyang kianabahan. Pinagpapawisan na rin siya kahit na malakas naman ang aircon. “Kung totoong buntis ako, ano ang gagawin mo?” Napakagat-labi siya pagkatapos niyang bitawan ang mga katagang ‘yon.
“You will raise the child alone, Marga. Kahit isang piso ay wala kang makukuha sa akin.” Tinitigan niya si Marga sa mata.
Nakaramdam ng kaunting kirot sa dibdib si Marga. “It’s just a minor cold,” mahinang sabi niya at sinandal ang ulo sa bintana ng kotse.
Hello!Finally, natapos na rin ang After Divorced: Chasing His Ex-Wife at naging masaya naman ang ating second lead na si Clinton. Hahaha. Nagpapasalamat po ako sa GoodNovel Family at sa mga mambabasa na umabot hanggang WAKAS. Although, medyo maraming errors ang naunang version ng book kaya nag-revise ako, still pinagpatuloy n'yo pa rin. Gagawan ko po ng story sina Clinton at Kanata. Bali continuation na po siya sa huling chapter dito. They're secret lovers na sa kwento nila. Sana ay suportahan n'yo rin po. Love you all!- Jessa Writes 🩷
Hindi mapakali si Clinton habang nakaupo sa loob ng kanyang sasakyan. Ilang beses siyang sumulyap sa relo, sa phone, at pabalik sa entrance ng café kung saan sana sila magkikita ni Kanata para sa second date nila."She’s thirty minutes late," mahina niyang sabi, pilit pinapakalma ang sarili. Pero sa bawat minutong lumilipas, nararamdaman niyang unti-unting binabayo ng kaba at inis ang dibdib niya.Nag-text siya, wala. Nag-call, cannot be reached.He waited ten more minutes bago siya sumuko. Inis na inis siyang pinaandar ang sasakyan. Where the hell is she?And then, just as he was about to turn towards EDSA, napansin niyang may post ang kaibigan ni Kanata sa I*******m. “Chillin’ with my girl @KCrz at The Glass House Bar 🍸✨”Nagdilim ang paningin ni Clinton.“Really, Kanata? A bar? While I was waiting like a damn fool?”Hindi na siya nagdalawang-isip. Sa sobrang frustration, dumiretso siya sa bar na iyon. Nakakuyom ang mga kamao habang naglalakad papasok. Hindi siya sigurado kung ano a
One Year Later Mainit ang sikat ng araw na tumatama sa hardin ng isang eleganteng beach house sa Batangas. Hindi kalayuan sa may veranda, nandoon sina Brandon at Marga, naka-relax sa isang swing chair habang pinagmamasdan ang isang munting nilalang na may maamong mukha, kulot-kulot na buhok, at mata na parehong minana sa kanilang dalawa.“Tignan mo ‘yan,” ani Marga habang bahagyang tumatawa, “he’s trying to eat the sand again.”“Baby, not the sand,” mariing sabi ni Brandon habang dali-daling lumapit kay Cassiel Voltaire, ang kanilang isang taong gulang na anak na tila ba walang pakialam sa mundo—maliban sa buhangin at sa mini shovel na bitbit nito.Pinulot ni Brandon ang bata, sabay dampi ng halik sa pisngi nito.“You’re lucky you’re cute,” he said in a soft but amused voice. “Otherwise, Daddy would’ve made you mop the floor with your tongue.”“Oh my God, Brandon!” natatawang saway ni Marga. “He’s just a baby!”“Exactly. He needs early exposure to my sarcasm. Para prepared siya sa mun
Tahimik ang paligid habang papalapit sila sa kanilang honeymoon suite sa isang private villa sa Amanpulo—isa sa pinakamamahaling beach resorts sa buong bansa. Sinalubong sila ng malambot na simoy ng hangin at ang banayad na tunog ng alon mula sa dagat. Ang buong lugar ay tila isinulat mula sa isang fairytale—glass walls, wood accents, at mga petal-strewn pathways. The night itself felt like a long-awaited dream finally unfolding.Pagkapasok pa lang sa suite, tahimik si Marga, pinagmamasdan ang bawat detalye ng kwarto. Lahat ay puting linen, may sariwang bulaklak sa kama, may wine sa tabi ng jacuzzi. Pero hindi iyon ang dahilan ng kaba niya.Pakiramdam niya ay lalong bumibilis ang tibok ng puso niya habang nararamdaman ang presensya ni Brandon sa likod niya. Hindi pa man nagsasalita ang lalaki, nararamdaman na niya ang bigat ng titig nito sa kanyang likuran—parang sinisilaban ang balat niya kahit wala pang hawak.Tumigil siya sa harap ng malaking glass door na tanaw ang dagat.“Too per
Isang linggo na lang bago ang itinakdang kasal nina Brandon at Marga, ngunit kahit pa puno ng excitement ang paligid, hindi maitatanggi ang kapansin-pansing tensyon at kaba sa bawat kilos nila. Sa loob ng isang marangyang events hall sa Quezon City, abala ang mga wedding planner, florist, stylist, at coordinator sa pag-aayos ng lahat. May mga sample centerpiece sa bawat salitang mesa, pinipili ang mga bulaklak, at tinatapos ang final layout ng altar.Si Marga, suot ang isang eleganteng cream-colored dress habang hawak ang planner notebook, ay nakaupo sa isang gold-accented velvet couch. Pinagmamasdan niya ang ilang sketch ng kaniyang wedding gown mula sa isang sikat na designer. Sa kabilang banda, si Brandon ay kausap ang event coordinator sa phone, pinapa-confirm ang arrival ng imported white roses na pinili ni Marga mula sa Netherlands.“You don’t need to stress yourself, baby. Let me handle everything,” sabi ni Brandon habang lumapit sa kaniya at hinalikan siya sa noo.Marga smiled
Maakalipas ang tatlong araw mula nang mailigtas sa bingit ng kamatayan, unti-unti nang bumabalik ang lakas ni Brandon. Bagama’t nanatili pa rin siyang nakaratay sa kama ng ospital, unti-unti na ring bumabalik ang kulay sa maputla niyang balat, at ang dating malamlam na mata ay muling nagkakasilay ng liwanag.Hindi man lubos makagalaw, alam niyang may nagbago sa loob niya—hindi lamang sa pisikal kundi sa emosyonal. Nakahiga si Marga, nakasandal sa mga unan habang binabantayan ang tulog na tulog na sanggol na si Cassiel sa crib sa tabi ng kama. Katabi rin niya si Marga na nakaupo sa mahabang couch, nakatulog sa kakabantay sa kaniya buong gabi.Pinagmasdan niya ang babae, ang bawat guhit ng mukha nito, ang bahagyang pagkakunot ng noo, at ang paggalaw ng dibdib habang maayos itong humihinga. Sa tagal ng panahong pinaghiwalay sila ng galit, pride, at maling akala—ngayon lang niya muling nakita ang ganitong katahimikang matagal niyang hinanap."She looks so tired…" mahinang bulong niya sa