Se connecterNabalot ng amoy ng kalawang at dugo ang eskinita.Naiwang nakadapa si Zach sa basang semento, dama ang bawat pintig ng sakit sa kanyang katawan. Basag ang kanyang mga tadyang, namamaga ang mukha, at halos malinsad ang kanyang mga pulso sa ginawang pagpilipit ni Alexander sa kanya. Ngunit mas matindi ang takot na nanunuot sa kanyang mga buto.Kailangan niyang makaalis. Ngayon din.Pilit siyang bumangon, bawat galaw ay may kaakibat na matinding hapdi. Sumakay siya sa isang lumang motor na nakaparada sa gilid marahil ay naiwan ng isang mangingisda ang susi nito. Sa isang malakas na harurot, pinatakbo niya ito palabas ng nayon patungo sa highway.Hindi niya alam na sa dilim ng kanto, hindi pa pala talaga umalis si Alexander.Pinunasan ng lalaki ang kanyang labi gamit ang panyo bago kinuha ang isa pang cellphone isang encrypted device. Sa screen, isang pulang tuldok ang dahan-dahang gumagalaw. Noong nagbubuno sila kanina, mabilis niyang naidikit ang isang micro-tracker sa loob ng jacket ni
Nabalot ng tensyon ang buong eskinita.Biglang tumawa nang malakas si Zach isang tawang hinaluan ng desperasyon at baliw na emosyon."Anong alam mo!" Sigaw ni Zach habang humahakbang nang malapit kay Alexander. Kulang sa limang metro na lang ang distansya nila sa isa’t isa. "Ikaw, Alexander, palagi kang nagmamalinis! Akala mo ba hindi ko alam? Gusto mo rin naman si Aera, 'di ba? Naduduwag ka lang umamin, hindi ka kasing-tapang ko na kayang ipaglaban ang gusto!"Naging malamig ang tingin ng lalaki sa kanya. "Huwag mong itulad ang lahat ng tao sa marumi mong pag-iisip.""Marumi?" Pag-uulit ni Zach. "Sinasabi mong marumi ako? Alexander, anong karapatan mong sabihin 'yan? Malinis ba ang kumpanya mo? Ang mga artista mo, ang mga transaksyon niyo—""Manahimik ka." putol ni Alexander. "Hindi ako pumunta rito para mag-ungkat ng nakaraan. Sinasabi ko lang sa'yo, wala ka nang takas. Si Ethan at Aera, buong lungsod na ang naghahanap sa'yo. Ang balita tungkol sa'yo—"Huminto siya sandali, kinuha
Nakasiksik si Zach sa sulok ng isang abandonadong bodega sa nayon ng mga mangingisda. Simula nang tulungan siya ni Edwin na makatakas at isakay sa bangka ni Boss Ryan, hindi na siya dinalaw ng antok.Ang malamig na hangin na may halong amoy ng lansa ng dagat at amag ng mga lumang lambat ay pilit na pumapasok sa kanyang ilong. Malabo na ang kanyang paningin, hanggang sa pagsapit ng ika-apat na araw ng madaling-araw, nang mamataan ang unang sinag ng liwanag, nanginginig niyang idineyal ang isang numero.Matagal bago may sumagot."Ma..." paos niyang boses."Zach? Ikaw ba 'yan? Nasaan ka?" bakas ang panginginig sa boses ng kanyang ina."Hindi ko alam... isang isla. Ma, hindi ko na kaya, mahahanap din nila ako...""Huwag kang magsalita ng ganyan!" naging matigas ang boses ng kanyang ina. "Makinig ka, magtago ka lang. Gagawa ako ng paraan. Hintayin mo ako."Naramdaman ni Zach ang init sa kanyang mga mata. "Ma, huwag mo na kong puntahan, mapanganib. Hindi tayo tatantanan ng mga Almeda, at si
Tahimik sa loob ng sasakyan habang pauwi. Nakasandal si Aera sa balikat ng kanyang asawa, dama ang pagod ng buong araw.Papatawid na ang sasakyan sa malaking tulay nang biglang basagin ng lalaki ang katahimikan. "May isang bagay akong dapat sabihin sa iyo," seryoso ang kanyang boses.Nag-angat ng tingin ang babae. "Ano 'yun?"Hindi tumitingin si Ethan sa kanya, nakatuon ang pansin sa kalsada, pero ramdam ni Aera ang paninigas ng katawan nito. "Nakatakas si Zach."Tila tumigil ang pag-ikot ng mundo ni Aera. Bigla siyang napaupo ng tuwid, nanlalaki ang mga mata. "Ano? Nakatakas? Paano? Kailan pa?!""Tatlong araw na ang nakalipas. Sa loob mismo ng detention center," paliwanag ng lalaki, pilit na itinatago ang nag-aapoy na galit. "May tumulong sa kanya. Isang veteran police officer na si Edwin Flores. Dating tauhan siya ng lolo ni Zach. May utang na loob siya sa pamilya nila Zach kaya nagawa niyang tulungan makatakas ito."Naalala ng babae ang sinabi ni Serene sa kulungan kanina. Hindi
"Ililigtas kita? Noong nagpanggap ka bilang ako para ipapatay ako kay Zach, hindi ba't naging masaya ka pa?""Tigil!"Mabilis na nagbago ang ekspresyon ni Serene. Sumigaw siya at hinampas ang kanyang mga kamay sa lamesang bakal. "Anong ipinagmamalaki mo? Aera, sinasabi ko sa'yo, hinding-hindi ako mawawala sa puso ni Zach! Kahit galit siya sa akin ngayon, dahil 'yon sa minahal niya ako! Eh, ikaw?"Tumawa siya nang parang baliw habang umaagos ang luha. "Kamumuhian niya ako habambuhay, pero iisipin din niya ako habambuhay! Ikaw? Ano ka ba? Isang hamak na basurang itinapon na niya!"Napakasakit at napakabagsik ng mga salita niya, pero walang mababakas na emosyon sa mukha ni Aera. Pinanood lang niya si Serene na parang isang insekto sa loob ng bote na nagpupumilit makawala walang awa, walang galit, tanging malamig na pagka disgusto."Tapos ka na?" mahinahong tanong ng babae nang tumigil si Serene para huminga. "Hanggang ngayon pala, nabubuhay ka pa rin sa sarili mong pantasya."Lumapit an
Sa loob ng women's detention area ng Baguio Police Station, sa dulo ng pasilyo ng special cell, hindi na makilala si Serene. Ang kanyang buhok ay parang pugad ng ibon sa gulo, at ang kanyang mukha ay may bakas pa rin ng pasa mula sa sampal ni Zach ilang araw na ang nakalipas.Nakaupo siya sa sahig, nakasandal sa malamig na pader, at ang mga mata ay nakapako sa maliit na bintana ng bakal na pinto.Nang maghatid ng pagkain kaninang umaga, narinig niyang nagbubulungan ang dalawang babaeng guard. "Nabalitaan mo ba? May nakatakas kagabi , 'yung lalaking dumukot sa asawa ni Ethan Almeda..."Hindi na narinig ni Serene ang kasunod dahil lumayo na ang mga ito, pero ang mga salitang may nakatakas ay parang karayom na tumusok sa kanyang pandinig.Napatayo siya nang mabilis at sumugod sa pinto. "Tao po! May tao ba rito?!"Isang batang babaeng guard ang lumapit. "Anong kailangan mo?""Totoo ba?" namumula ang mga mata ni Serene. "May nakatakas na bilanggo? Si Zach Tuazon ba 'yun?"Walang emosyon an
Pagtapos makipag bati ni Zach kay Serene, medyo gumaan ang loob niya habang pabalik sa bahay nila. Pero pagkapasok pa lang niya, narinig na niya agad ang iyak ng anak niyang si Cedric sobrang lakas at parang nasasaktan.May kasabay pang matinding pagsigaw ng Mommy niya.Biglang sumikip ang dibdib n
Maganda ang mga neon lights tuwing gabi sa Baguio.Maganda ang naging ayos ni Aera, simple pero professional ang dating. Isa itong magandang pink skirt, samantalang si Ethan naman ay naka suot ng isang simple suit pero ang lakas ng maka sosyal. Sabay silang pumasok sa loob ng isang high-end bar. N
Hindi niya kakayanin na mabangga ang ganitong kalaking tao sa Baguio.Napangiti si Mr. Lee nang alanganin at mabilis na nag-sorry: “Pasensya na, Mr. Ethan! Ako ang nagkamali. Congrats sa inyo.” Pagkasabi nun, dali-dali siyang umalis.Pagkaalis niya, pabulong na sabi ni Aera:“Salamat at niligtas mo
Imposible ‘yon baka naman namalikmata lang si Rhen.Huminga nang malalim si Serene. Pinilit niyang magmukhang kalmado para kumbinsihin si Rhen at ang sarili niya.“Oo, pumunta nga jan si Aera sa Baguio para sa training, pero normal lang ’yon na assignment sa trabaho. Ang taas ng level ng pamilyang







